You are on page 1of 9

PAGLAGO NG

PAGMAMAHAL SA
DIYOS
IKATLONG MARKAHAN – MODYUL 1
Sa lahat ng karanasan ng tao, masasalamin ang pagpapala at
pagmamahal ng Diyos sa kanya. Madarama lamang ito kaugnay ng mga
personal na karanasan ng tao. Kumikilos siya sa bawat yugto ng buhay ng
tao—mula sa kanyang pagsilang, kabataan, katandaan, at hanggang
kamatayan. Madarama ang pagmamahal ng Panginoon sa mga masasayang
sandal ng buhay subalit laging kaakibat ng buhay ang mga pagsubok na
maaaring maging dahilan ng pagkwestyon ng tao sa pagmamahal ng Diyos
sa kanya. Ngunit alam naman natin na sakahit anog karanasan ng tao ay
nariyan lagi ang Diyos upang gumabay at magbigay ng lakas at
determinasyonna malagpasan ng tao ang kahit ano mang mga pagsubok ng
buhay.
KAHULUGAN AT KALIKASAN
NG PAGMAMAHAL NG DIYOS
• Ang Diyos ang unang nagmamahal sa tao sa mula’t mula ng kaniyang pagkakalikha. Ang
Kanyang kagandahang loob ay naipapahiwatig sa kasaysayan ng tao at pati na rin ang
Kanyang pagbibigay biyaya sa bawat isa. Dakila at hindi masusukat ang pagmamahal ng
Diyos sa tao.
• Masasabing pagmamahal sa Diyos ang pagpapakita ng espiritwal at matalik na pakikipag-
ugnayan sa Kanya, katulad na lamang ng pagdadasal.
• Itinuturing ang pagmamahal ng Diyos bilang pangunahing daan upang mapasimulan ng tao
ang kaalaman nito ukol sa Diyos. Nauunawaan ng tao ang kailangan niyang gawin upang
mapalapit sa Diyos at maisagawa ang Kanyang kalooban.
• Ang pagmamahal sa Diyos ang itinuturig na sentro ng pananampalataya ng bawat tao.
Mahalaga ang pagtitiwala ng bawat isa sa walang hanggang pagkakandili ng Diyos at ang
kabutihang taglay Niya.
KATANGIAN NG PAGMAMAHAL NG DIYOS

• Nagbubuklod sa lahat ng tao


• Isang biyaya ng espiritu
• Banal at walang hanggan
• Nakapagbibigay ng lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay
ng tao
KAHALAGAHAN NG PAGMAMAHAL SA
DIYOS
Malaki at malalim ang nagagawa ng pagmamahal sa Diyos ng buhay ng isang tao. Narito
ang ilan sa mga ito:

• Sa bisa ng pagmamahal sa Diyos, nababago nito ang kamalayan ng tao.


• Pinadadalisay ng banal na pag-ibig ng Diyos ang puso ng bawat tao upang
magmahal nang tunay sa kapwa at sa lahat ng nilikha ng Diyos.
• Sa tulong ng pagmamahal sa Diyos, nagagabayang magpasiya at kumilos
ang tao batay sa mga pagpapahalagang moral at pagsasabuhay ng mga
birtyu.
• Sa pagmamahal ng tunay sa Diyos, patuloy kang bibiyaaan ng Diyos.
“Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat
Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat
ng tao ay may kakayahang mahalin ang Diyos, at hindi
lahat ng tao ay makakayang magpatotoo sa Diyos at
humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos.”
MARAMING SALAMAT!

You might also like