You are on page 1of 5

Araling Panlipunan 10

Mga Kontemporaryong Isyu


Mga Suliraning Pang-Ekonomiya

I.PANIMULA
Sa aming pananaliksik, napakaraming ibat ibang suliraning pang ekonomiya ang
kinakaharap ng bawat bansa kung saan ito ay labis na naka aapekto sa pamumuhay ng mga
tao. Ang bawat isyung tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, o paksa sa kahi tanong
larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ang isyung aming itatalakay sa analysis
na ito ay patungkol sa migrasyong nagaganap sa bawat bansa kung saan ito ay nakaaapekto
sa pamumuhay ng mga tao. Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag alis o pag lipat
ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian
o pang matalagan .Nakalahad dito kung bakit nga ba ang migrasyon ay isa sa halimbawa ng
isyu o suliraning pang ekonomiya. Bawat bahagi ng analysis na ito ay may kaakibat na datos
o impormasyon patungkol sa migrasyon. Kalakip ng paksa, nakatala ang: karagdagang
kahulugan ng migrasyon, ang pagkakaiba ng flow at stockfigures, ang iba't ibang uri ng
migrasyon(temporary migrants,permanent migrants, irregular migrants), ang mga salik na
dahilan kung bakit nag ma-migrate ang mga mamamayan at ang mga isyung kalakip ng
migrasyon. Sa mga sumusunod pang datos, nakalahad dito ang mga kaukulang
impormasyon tungkol sa migrasyon kung saan nakatutulong sa pag alam ukol sa paksa.
Makikilala din ang ibat ibang organisasyon kung saan ito ang mga nananaliksik sa kaukulang
porsiyentong mga mamamayang nasasangkot sa nasabing migrasyon. Nakalahad din ang
mga porsiyento ng mga taong naabuso dahilan ng migrasyon. Masusuri din ang paglaganap
ng migration transition at kung ano ang ibig sabihin nito. Nakasaad din sa pagsusuring ito
ang mga positibo at negatibong epekto ng migrasyon sa Pilipinas maging sa ekonomiya,
politika, edukasyon at karapatang pantao. Nakapaloob dito ang mga perspektibo at
pananaw. Sa pag aaral na ito, malalaman natin ang mga dapat gawin at solusyon upang
masugpo ang migrasyon sa suliraning pang ekonomiya tungo sa pambansang kaunlaran.

II.SULIRANING PANG-EKONOMIYA
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
Mayroong dalawang termino ang migrasyon ito ay ang flow at ang stock figures. Ang flow ay
tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon. Ang stockfigures naman ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o
nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag unawa sa trend o daloy ng
paglipat o modality ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa
matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon. Ang migrasyon ay may ibat ibang uri.
Una ay ang tinatawag na Temporary migrants, ito ay tawag sa mga mamamayan na nagtungo
sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan ng
may takdang panahon. Halimbawa nito ay ang foreign students na nag aaral sa bansa at ng
mga negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim nataon. Pangalawa ay
ang Permanent migrants. Ito naman ang mga Overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo
sa ibang bansa hindi lamang dahil sa trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa
piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamayan o citizenship.
Pangatlo ay ang Irregular migrants. Ito naman ang mgamamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing over staying sa
bansang pinuntahan. Maraming pamilya ang nangingibang pook at isa sa dahilan nito ay ang
hanapbuhay. Hanapbuhay na naka pagbibigay kita ng inaasahang maghahatid ng
masaganang buhay. Pangalawa ay ang paghahanap ng ligtas na tirahan, marahil ito ay badya
ng sakuna o terorismo. Pangatlo ay panghihikayat ng mga kapamilya na matagal nang
naninirahan sa ibang bansa. Pang apat ay ang pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na
kaaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.

III.PAGLALAHAD
Ang migrasyon ay ang paglipat ng isang tao patungo sa isang bansa para humanap ng mga
kalakal para sa ikabubuhay nila. Ang mga pinag-ugatan nito ay naayon sa mga
pangangailangan ng bawat indibidwal at ng pamilyang kinabibilangan. Sa panahon ngayon,
marami na tayong kilalang mga kapwa Pilipino na nagiibayong-dagat. Bawat taon nalang
lumalawak ang migrasyon sa Pilipinas. Bakit nga ba patuloy ang pagtaas ng bahagdan ng
mga Pilipinong nag-iibang bansa? Maraming sanhi ang paglabas ng mga manggagawang
Pilipino sa bansang sinilangan. Isa sa mga pangunahing salik nito ay ang alala nang kawalan
ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na tinatamasa ng bansa. Mahigit kalahati sa ating
populasyon ngayon ay walang mapasukang trabaho. Isa pang salik ng pagdami ng mga
Pilipinong migranteng manggagawa ay ang mababang pasahod sa mga mapapasukang
trabaho. Paulit-ulit nalang nababanggit ang realidad na kulang ang sweldo para tugunan ang
pangangailangan ng mga manggagawa at ng pamilya nito ngunit wala paring pagbabago ang
nagaganap sa ating Sistema dahil kulang pa rin ang pondo na naibabahagi ng gobyerno sa
mga sektor ng bansa. Ayonsa Comission of Filipino Overseas (CFO), mahigit 10.4 milyong
Pilipino na ang naninirahan sa ibang bansa. Kasama na rito ang mga permanenteng
imigrante, overseas contractual workers at ang mga “tago ng tago” o TNT, ang mga taong
walang legal na dokumento at balidong tirahan. Ang mga pangunahing bansa kung saan
mataas ang populasyon ng mga Pilipino ay: United States, Saudi Arabia, United Arab
Emirates, Canada at Malaysia. Taon-taon nalang tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nag-
iibang bansa. Itong aba ay talagang makakabuti sa atin o isa lamang itong dagdag sa mga
suliranin na hinaharap ng ating bansa? Sa patuloy na pagbaba sa ng pamanahong papel na
ito ay unti-unting mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan ukol sa migrasyon.

IV. PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang International Organization for Migration (IOM) ang pangunahing pandaigdigang samahan
kaugnay sa migrasyon. Layunin ng IOM na tumulong sa pagtugon ng lumalaking hamon sa
pangangasiwa ng migrasyon; itaguyod ang mga isyu tungkol sa migrasyon; hikayatin ang
pagkamit ng panlipunan at ekonomikong pag unlad sa pamamagitan ng migrasyon; at
itaguyod ang kapakanan at kagalingan ng mga migrante. Ayon sa Commission on Filipinos
Overseas, may tinatayang 8.6 milyong Pilipino noong 2009 ang naninirahan sa ibat-ibang
bansa. Sa loob naman ng Pilipinas, nakatatanggap ng pinaka maraming migranteng Pilipino
ang malaking lungsod, lalo na sa kalakhang Maynila. Tinatayang 232 milyong katao ang
nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
Ang 48 porsiyento ng mga imegrante ay kababaihan na halos dumarami pa para mag
hanapbuhay. Malaking bulang ng mga migrante at mula sa mga bansa sa Asya, Amerika at
Aprika. Noong taong 2013, nagmula sa asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang bansa Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15-24 (Halaw sa
ilo: international labor organization facts and figures) Ang paglaganap ng Migration
Transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa ibat
ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan ng South Korea, Poland, Spain, Morocco,
Mexico, Dominican Republic at Turkey. Sa peminisasyon ng migrasyon, malaki ang
ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Nang sumapit ang 1960
naging kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang mga
manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-kanlurang Asya at
Thais sa Japan ay nagpapatunay rito. Sa kaso naman sa Pilipinas tila nagkakaroon na ng
konseptong "househusband" kung saan inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa
tahanan pati ang gawain ng isang ina. Hindi ito marahil nakaapekto sa kalagayang
panlipunan ng mga lalaki kundi sa kadahilanang na mas tinatanggap na dahilan ay upang
mapaunlad at maiangat ang katayuan ng kani-kanilang pamilya. Ayon sa tala ng International
Labor Organization halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor , 11.4 milyon dito ay
kababaihan at 9.5 milyon naman ay mga kalalakihan. Umabot sa 19 milyon ang biktima ng
eksploytasyon ng pribadong indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa dalawang milyon
naman ng mga rebeldeng grupo. Sa mga biktima ng eksplotasyon, 4.5 milyon at biktima ng
eksploytasyong sekswal. Malimit na mgamigrant workers at indigenous peoples ang nagiging
biktima ng forced labor.
V.KONKLUSYON
Gayun paman, napakaraming epekto ng migrasyon sa Pilipinas maging sa karapatang
pantao, edukasyon, politika, at ekonomiya. Isa na dito ay nag kakaroon ng panustos sa pang
araw araw na pangangailangan ng isang taong nag hahanapbuhay sa kanyang paglipat ng
lugar, ngunit may dulot din ito na hindi mabuti gaya ng labis na dami ng tao sa iisang lugar at
nag sisikap ang mga tao sa lungsod. Nahihirapan din ang gobyerno na magbigay ng serbisyo
sa dumaraming bilang ng tao sa lungsod. Ang epekto nito sa kaparatang pantao ng isang
indibiduwal ay ang pang aabuso ng mgarecruitment agency, nagkakaroon ng illegal
recruiterat nagiging biktima ng international syndicate o organized crime syndicate. Sa
edukasyon, maraming positibong epekto ang dulot nito dahil may malaking demand para sa
mga skilled workers at mga propesyunal. Marami ring kabataan ang nahihikayat na kumuha
ng kurso tulad ng engineering, marine transportation, marine engineeringat iba pa dahil
mataas ang demand . Sa politika, May mga republic act na kung saan pumoprotekta sa mga
migranteng OFW tulad ng R.A. No. 8042 o migrant worker and other Filipinos act of 1995 . At
sa ekonomiya naman, ayon sa bangko sentral ng Pilipinas, malaki ang naitutulong ng
remittances ng OFWs sa paglago ng ekonomiyang bansa.Sa usaping ito, may mga isyung
kalakip ng migrasyon kung saan kailangang hanapan ng karampatang solusyon. May mga
pagkakataon kasi na mapanganip ang maibibigay ngmigrasyon. Sa isang banda, ang mga
migranteng manggagawa ay nakapagdadala sa kanilang pamilya ng libo libong dolyar na
remittance, malaki ang nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan. Sa pag papagawa
ng bahay, pantustos sa pagpapaaral at pambayad sa gastusing pang kalusugan habang
nakakatulong sa ekonomiya ng bansang pinagtrabahuhan. Ngunit sa kabilang banda naman
ay may mga migranteng namamatay, nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho, at nagiging
biktima ng trafficking , ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng
dalawang mukhang ito ng migrasyon. Tila napakaraming positibong epekto ang migrasyon
ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kinakaharap sa iba't ibang aspekto kung saan
kinakailangan bigyan ngkarapatang solusyon.

VI.SOLUSYON
Kinakailangang isipin at tandaan na mayroong mga salik ng migrasyon na tumutulong at
humihila. Ang mga ito ay makikita sa aspekto ng ekonomiya, lipunan, at
kapaligiran.Maraming mabuti at di mabuting epekto ang migrasyon sa lipunan, politika at
kabuhayan ng isang bansa. Naaapektuhan ng migrasyon ang ugnayang panlabas ng Pilipinas.
Maraming hamon na kinakaharap ng mga migranteng Pilipinong nagtatrabaho sa ibang
bansa,kabilang dito ang ma protektahan ang kanilang karapatang pantao, maging ligtas sa
anumang gulo at mabigyan ng sapat na tulong sa mga nasasakdal. Isa sa maaaring solusyon
sa suliraning migrasyon ay ang pagtatalaga ng gobyerno ng mas maraming oportuninad para
sa magandang trabaho upang mahikayat ang mga nasasakupan nito na manatili na lamang
at huwag ng umalis pa o lumipat sa kanilang bayan. Maaari rin naman magtayo ng sariling
negosyo kung mayroong magagamit napuhunan upang masuportahan hindi lamang ang
pamilya, kundi na rin ang bansang kinabibilangan sa pagbibigay ng pagkakataon sa iba na
magkaroon rin ng trabaho. Iba pang maaring maging solusyon nito ay ang pagsasa-
pambansang industriyang pag mamay-ari ng mga dayuhan. Maaari din ang pag iimbita ng
mga namumuhunan at ang pag papatayo ngmga bagong negosyo. Isa pa ay ang
pagsasabuhay ng mga proyektong pang imprastraktura. Isa di sa mga maaring maging
hakbang sa pagtugon sa problemang migrasyon ay ang pagkakaroon ng sapat na pag-aaral at
pagbibigay pahintulot sa mga umaalis at nangingibang bayan. Pagbabantay at pagsiguro na
ang mga kwalipikasyon ng ang positibo at negatibong epekto nito sa ekonomiya, mga epekto
ng migrasyon sa karapatang pantao,politika at edukasyon, mga salik na dahilan kung bakit
nag ma-migrate ang ibang tao, mga isyung kalakip ng migrasyon, mga pagkakaiba-iba ng uri
ng migrasyon, ang mga perspektibo at pananaw na kaugnay nito, ang mga dapat gawing
upang mabawasan ang migrasyon ng bawat pamilya sa bansa, at higit sa lahat ang solusyon
kung paano mabawasan ang isyu sa migrasyon patungo sa pambansang kaunlaran. Sa isyung
ito madaragdagan ang ating kaalaman at mas mapapalawak ang ating kaisipan tungkol sa
migrasyon. May mga kinakailangan tayong isipin at tandaan tulad ng mabuti at di mabuting
epekto ng migrasyon sa lipunan, politika at kabuhayan ng isang bansa.lahat na nagnanais
mangibang bansa ay naayon sa regulasyon at ibinigay na kategorya. Paranaman sa gobyerno,
maaaring magsagawa ng mga programang makapagbibigay ng dagdag at angkop na trabaho
upang hindi na kailanganin ng iba na umalis at mandayuhanpa sa iba pang bansa.

IPINASA NINA: IPINASA KAY:

NICOLE ANN BELGIRA RUSHELL DE JUAN

REZA MAE BARON


10-H

You might also like