You are on page 1of 7

MIGRASYON:

PERSPEKTIBO AT
PANANAW
GROUP 8

NIÑA CHIE ORAL JAY VINCENT CENTILLAS

RHEA MAE SOCO JAEROAQUIN AMISTOSO


ANO NGA BA ANG MIGRASYON?

Ang migrasyon ay ang paggalaw o


paglipat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar papunta sa iba
pang bansa na may layunin na tumira
doon ng panandalian o di kaya’y
permanente na.
• Simula pa noon malimit na ang pagdayo ng tao sa mga lugar na makakabigay sa kaniyang
pangangailangan sa usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal), maging
personal.

• Higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung ihahambing sa nagdaang mga
panahon.

• Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo. Nandarayuhan ang mga
tao bilang: manggawang manual, highly qualified specialists, entrepreneur, refuges o bilang
isang miyembro ng pamilya.
STEPHEN CASTLES AT MARK MILLER

• Nagbibigay daan sa akdang ‘ The


Edge of Migration sa buong
mundo’...
-Iba’t ibang anyo at daloy ng
migrasyon ang nakapangyayari
bilang tugon sa pagbabagong
pangkabuhayan, pampolitikal,
kultural at marahas na tunggalian
sa pagitan ng mga bansa.
1. Globalisasyong ng Migrasyon
- Pagtaas sa bilang ng mga bansang nakakaranas at naaapektuhan ng migrasyon. Patuloy pa ring dinadagsa ang mga bansang
Australia, New Zealand, Canada at United States. Malaking bilang sa Migrante ay galing sa bansang Asya, Latin America at
Aprika.
2. Mabilisang paglaki ng migrasyon
- Patuloy na pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig.
3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
- May mga bansang nakakaranas ng labour migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon nang sabay-
sabay. Mayroon ring tinatawag na irregular, temporary, at permanent migrants.
•Irregular migrants- Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
•Temporary migrants- Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho
at manirahan nang may takdang panahon.
Hal: Mga foreign students na nag-aaral sa bansa at mga negosyante na maari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na
buwan.
•Permanent migrants- ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpalapit ng pagkamamamayan o citizenship.
TATLONG URI NG MIGRASYON NG MGA
OVERSEAS FILIPINO NG TAONG 2012-2013
Irregular Migrants 1.07 million 1.16 million

Temporary Migrants 4.22 million 4.21 million

Permanent Migrants 4.93 million 4.87 million

* source 2014 CEO compendium of Statistics


1. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal
Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at regiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang
seguridad ay naapektuhan ng isyu ng migrasyon. Kinakailangan ang higit na kooperasyon at ugnayan sa pagitan ng mga
bansang kasangkot sa usaping ito.
2. Paglaganap ng 'migration transition’
Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Nararanasan ito sa South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico,
Dominican Republic at TurkeyTurkey.
3. Peminisasyon ng Migrasyon
- Sa nagdaang panahon, ang labour migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki. Sa kasalukuyan, malaki ang
ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon.
- Pagsapit ng 1960, naging kritikal ang ginagampanan ng kababaihan sa labour migration.
- Sa kasalukuyan, ang mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-kanlurang Asya at Thais
sa Japan ay nagpapatunay nito.

You might also like