You are on page 1of 2

Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan.

Simula pa lamang ng
pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga
lugar na magbibigay sa kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa
usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal) o maging
personal.

Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung


ihahambing sa nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga
tao sa loob at labas ng bansa ay masalimuot(complicate) kung
pagtutuunan ng pansin ang dahilan, patterns at epekto nito sa lugar na
iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.

3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon


Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan nang iba’t
ibang bansa sa mundo. Meron din tayong tinatawag na Labour
Migration at Refugee migration...
a. Labour migration – ito ay tumutukoy sa mga malawakang
paglilipat ng manggagawa upang magtrabaho sa ibang bansa.
Halimbawa nito ay mga Overseas Filipino Workers o OFW.
Pumupunta sila ng ibang bansa upang magtabaho o maghanap-
buhay.

b. Refugee migration – ito ay tumutukoy sa sapilitang


paglipat ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang
lugar upang masiguro ang kanilang proteksyon at seguridad,
maaaring dahil sa digmaan, kalamidad, o nais nilang
makatakas dahil sa takot mula sa .
Halimbawa nalang nito Ang pagpunta ng mga Hudyo sa
Pilipinas noong World War II dahil sa pagtakas mula sa
epekto holocaust.

Bukod sa nabanggit, mayroon naman tayong iba’t-ibang tawag


sa mga migrante o mandarayuhan. Meron tayong tinatawag na
irregular migrants, temporary migrants, at Permanent
migrants...
c. Irregular migrants – ito tumutukoy sa mga mamamayan na
nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit
para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang
pinuntahan.
Sa madaling salita, ang mga irregular migrants ay mga
ilegal na mamamayan ng isang lipunan. Sila ay maaaring
naninirahan sa partikular na lugar na iyon ngunit wala
silang hawak na mga dokumento at permiso mula sa pamahalaan.
Halimbawa nito ay yung binanggit ko kanina na mga refugees
d. Temporary migrants – ito naman ang tawag sa mga
mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang
permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may
takdang panahon.
Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students, gaya ng
mga Koryano na pumupunta dito sa ating bansa upang mag-aral
ng english, at mga negosyante na maaari lamang manirahan
pansamantala ng anim (6) na buwan.

e. Permanent migrants – ito ay mga mandarayuhan o migrante


na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang
trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling
bansa kaya naman kalakip ditto ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.

Ang nakikita ninyo na talahanayan ay naglalahad ng bilang sa


tatlong uri ng migrasyon ng mga Overseas Filipino ng taong 2019.
- Ang bilang ng mga Permanent Migrant ay 4.8 milyon, Temporary Migrants
naman ay 4.2 Milyon, at Irregular Migrants, 1.2 MIlyon
(ito ay mula sa Commission on Filipino Overseas o CFO)

4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal


Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga
bansang nakakaranas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-
ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol
sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.

Kaya naman, higit na kinakailangan ang kooperasyon at ugnayan sa


pagitan ng mga bansang sangkot sa usaping ito.

You might also like