You are on page 1of 10

10

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – MODULE 5

Migrasyon
ALAMIN
May tuwirang ugnayan sa isyu ng paggawa sa panlipunang kalagayan ng
marami sa mga Pilipino. Sa katunayan, ang pag-alis ng mga manggagawang Pilipino
ay lumikha ng mga oportunidad at hamon sa pamahalaan at lipunang Pilipino.
Lubusang unawain ang konsepto at konteksto ng migrasyon ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng modyul, bilang mag-aaral ay inaasahang magkakaroon
at malilinang ang holistikong pag-unlad. Ito ay naglalaman ng mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa migrasyon. Ang mga teksto ay kaakibat ng mga gawain na
masusing pinag-isipan at inihanda upang makatugon sa iyong pag-aaral.

MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)


Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod:


a. natatalakay ang kahulugan at konsepto ng migrasyon;
b. naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng migrasyon;
c. napahahalagahan ang mga dahilan at epekto ng migrasyon.

Bilang isang mag- aaral, paano maiiwasan ang suliranin sa kawalan ng


trabaho? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________.

TUKLASIN AT SURIIN
Bago magsimula sa aralin, subukin ang kakayahan sa pagsagot sa
naihandang gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pagkatapos ng pandemyang ito, saan mo ninanais na pumunta o
magbakasyon at bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________.

1
Migrasyon: Konsepto at Konteksto
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula
sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
iba. Bilang karagdagang detalye, ang migrasyon ay
maaaring panandalian o pang-matagalan,
pansamantala o permanente. (Araling Panlipunan, Modyul
para sa Mag-aaral p. 220)
Samantala, migrante ang tawag sa mga
taong lumilipat ng lugar. Migrant (
pansamantalang migrasyon), Immigrant
(pampermanent migrasyon).
( https://www.slideshare.net/JerlieMae/migrasyon-
109823055)
https://www.newscientist.com/article/mg23030680-700-the-truth-migration-how-it-will-reshape-our-world

MGA URI NG MIGRASYON


1. Migrasyong Panloob o Internal Migration
Ang migrasyong panloob ay ang paglipat ng isang tao o pamilya galing
sa isang bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa ibang bahagi ng bansa.
2. Migrasyong Panlabas o International Migration
Ang migrasyong panlabas ay ang pagpunta ng isang pamilya sa isang
bansa upang doon na manirahan. ( https://www.slideshare.net/JerlieMae/migrasyon-109823055)
MGA URI NG MIGRANTE
1. Irregular migrants
Ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi
dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying
sa bansang pinuntahan.
2. Temporary migrants
Ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang
permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang
panahon. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral
sa bansa at mga negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala
ng anim (6) na buwan.
3. Permanent migrants
Ang mga mamamayan na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay
hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling
bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o
citizenship. (Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral pp. 225-226)
4. Refugees
Sila naman sa kabilang banda ay ang mga uri ng mga tao na
nangangailangan ng proteksyon mula sa mga internasyunal na mga bansa
o pamahalaan dahil sa nakaambang panganib sa kanila sa kanilang
bansang tinutuluyan.(https://brainly.ph/question/980879)

2
MGA DAHILAN NG MIGRASYON:
1. hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid
ng masaganang pamumuhay;
2. paghahanap ng ligtas na tirahan;
3. panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang
naninirahan sa ibang bansa;
4. pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga
bansang industriyalisado. (Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral pp. 225-226)

Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay


mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa
disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.
Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok
sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas
ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration. Kasama din dito ang
bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang
emigration, departures or outflows. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang
ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration.
Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o
nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy
ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.

Pag-aralan ang mga datos at impormasyon na nailahad tungkol sa naging


pandarayuhan ng mga manggagawa sa buong mundo.
 Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa
kabuuang 3.19 porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
 Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa
para maghanapbuhay.
 Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90
porsiyento ay mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.
 Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng mga
imigrante na lumabas ng kanilang bansa.
 Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15 - 24. (Araling Panlipunan, Modyul para
sa Mag-aaral pp. 220-222)

MGA EPEKTO NG MIGRASYON


1. Pagbabago ng populasyon
Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may
tuwirang epekto sa migrasyon.
2. Kaligtasan at karapatang pantao
Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-
milyong migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon.
3. Pamilya at pamayanan
Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga

3
naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.
4. Pag-unlad ng ekonomiya
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpaplano ng ekonomiya ng
Pilipinas, maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa
kahirapan.
5. Multiculturalism
Ito ay isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay
maaaring magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o
bansa.
(
https://www.slideshare.net/JerlieMae/migrasyon-109823055)

MGA GAWAIN
Gawain 1: COMPLETE ME!
Panuto: Magbigay ng mga bansa na nais mong puntahan batay sa salitang
MIGRASYON at
sagutan ang mga gabay natanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Halimbawa: M- Malaysia
M-
I-
G-
R-
A-
S-
Y-
O-
N-
Pagproseso ng gawain
1. Alin sa mga bansang iyong naitala ang nais mong mapuntahan kung
mabibigyan ka ng pagkakataon? bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________.
2. Sa bansang iyong napili, anong uri ka ng migrante? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________.

4
Gawain 2: Concept Mapping
Panuto: Punan ang diagram na may kaugnay sa konsepto ayon sa mga uri ng
migrante. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

4 Mga Uri ng 2
Migrante

Gawain 3: Concept Definition Map


Panuto : Isulat sa sagutang papel ang kahulugan, dahilan at epekto ng migrasyon.

DAHILAN EPEKTO

__________________ __________________
__________________ __________________
_ _
1________________ 1_________________
_________________ __________________
____ __
MIGRASYON
2_________________
2_________________
__________________
__________________
__
__
3_________________
3_________________ __________________
KAHULUGAN
__________________ __
__ 1_________________
__________________ 4_________________
4_________________ __ __________________
__________________ __
__
5
TAYAHIN
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Alin ang naglalarawan sa migrasyon?
a. Sapilitang pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
b. Pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan.
c. Pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
isang lugar pansamantala man o permanente.
d. Pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar
na pinagmulan.
2. Paggalaw ng tao sa loob ng sariling teritoryo o lugar.
a. Temporary Migration c. Permanent Migration
b. External Migration d. Internal Migration
3. Mga mamamayan na nagtutungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,
walang permit para magtrabaho at overstaying sa bansang pinuntahan.
a. Temporary Migrants c. External Migrants
b. Irregular Migrants d. Permanent Migrants
4. Ang mga taong nagtutungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at
papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
a. Temporary Migrants c. Irregular Migrants
b. External Migrants d. Permanent Migrants

5. Ang pagtatrabaho, paninirahan at pagpapalit ng pagkamamamayan ay


tinatawag na_____.
a. Temporary Migrants c. Irregular Migrants
b. External Migrants d. Permanent Migrants
6. Dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon.
a. migrants c. washington accord
b. flow d. stock figures
7. Tuluyan nang tumira sa Tarlac mula Pangasinan ang pamilya ni Juan. Ano
ang tawag sa prosesong ito.
a. bisitasyon c. migrasyon
b. destinasyon d. naturalisasyon
8. Si Maria ay nag-apply bilang exchange student sa bansang South Korea.
Maituturing siyang__________.
a. Irregular migrant c. Regular migrant
b. Permanent migrant d. Temporary migrant
9. Mga nandarayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
a. migrants c. washington accord
b. flow d. stock
10. Ang sumusunod ay mga dahilan ng permanenteng migrasyon maliban sa isa.
a. hanapuhay c. edukasyon
b. kaaway d. tirahan

6
II. Panuto: Piliin mula sa kahon ang tamang sagot ng mga pahayag sa ibaba. Isulat
ang sagot
sagutang papel.

Irregular Migrants
Permanent Migrants
Temporary Migrants

1. Palipat-lipat ng tirahan si Jayson sa bansang kanyang pinagtatrabahuan dahil


nag -expire na
ang kanyang working permit.
2. Si Bernie ay nakakuha ng kanyang citizenship sa Amerika.

3. Nakakuha ng isang scholarship si Tanya sa kanyang pag-aaral sa abroad.

4. Lumuwas ng bansa si Juan upang magtrabaho. Matapos ang dalawang taon siya
ay bumalik

na sa bansa.

5. Kinuha ni Jeff ang kanyang pamilya sa ibang bansa para doon na manirahan.

III. Panuto: Gumawa ng isang islogan na nagpapahayag tungkol sa migrasyon.


Gawin sa isang
buong papel.
Rubriks
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
NILALAMAN Ang ginawang islogan ay 10
mabisang nakapanghihikayat
sa mga makakabasa nito.
PAGKAMALIKHAIN Ang paggamit ng mga angkop at 10
malalim na salita ay akma sa
mga disenyo at biswal na
presentasyon upang maging
mas maganda ang islogan.
KAANGKUPAN SA Angkop sa tema ang ginawang 5
TEMA islogan.
KALINISAN Malinis ang pagkakagawa ng 5
islogan.
KABUUANG PUNTOS 30

7
8
Dr. Maybelene C. Bautista
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr.Teodora V. Nabor
Dr. Danilo C. Sison
Tagapamahala:
Julieta P. Marquez Geni M. Sarmiento
Danilo T. Siblag Telesforo L. Arquero
Virginia B. Fregillana Jamelie M. Crispino
Dr. Marilex A. Tercias Victor B. Aban Tagasuri:
Jumar Jay Q. Parras Manunulat:
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
migration-how-it-will-reshape-our-world/
https://www.newscientist.com/article/mg23030680-700-the-truth-about-
Larawan:
https://brainly.ph/question/980879
google.com “Kahulugan ng Refugees”’ accessed November 25, 2020
https://www.slideshare.net/JerlieMae/migrasyon-109823055
Accessed November 25, 2020
Slideshare, “Migrasyon”’
Websites:
Gawain 3
Ano ito? Panlipunan 10, pp. 220-245
* tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa
Kontemporaryong Isyu, Araling
isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa
Learners Manual, Mga
maging ito man ay pansamantala o permanente. Aklat:
DAHILAN
SANGGUNIAN
*hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na
inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay;
Gawain 1
*paghahanap ng ligtas na tirahan;
Mga
halimbawang
*panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na
sagot:
matagal nang naninirahan sa ibang bansa;
M- Malaysia
*pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman I-Indonesia
partikular sa mga bansang industriyalisado.
Gawain 2 G- Germany
EPEKTO *Irregular R- Russia
migrants
*Pagbabago ng populasyon A-Austalia
*KALIGTASAN AT KARAPATANG PANTAO *Temporary
migrants S-South Korea
* PAMILYA AT PAMAYANAN
*Permanent Y-Yemen
* PAG-UNLAD NG EKONOMIYA migrants
O-Oman
* MULTICULTURALISM *Refugees
N-New Zealand
SAGOT NG PAGWAWASTO SA MGA GAWAIN
9
TAYAHIN
I. II.
1.C 1. Irregular migrants
2.D 2. Permanent migrants
3.B 3. Temporary migrants
4.A 4. Temporary migrants
5.D 5. Permanent migrants
6.B
7.C III. Iba’t iba ang inaasahang sagot mula sa mga
8.D bata.Sumangguni sa rubriks
9.A
10.B
SAGOT NG PAGWAWASTO SA MGA TAYAHIN

You might also like