You are on page 1of 8

PAGADIAN DIOCESAN SCHOOLS

HOLY CHILD’S ACADEMY


Pagadian City

T E A C H E R ‘S L E A R N I N G P L A N I N
ARALING PANLIPUNAN 10

Teacher’s Name: Lesson #: 3.1 Topic: Migrasyon


Content Standards: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at epekto ng mga isyung pampulitikal sa
pagpapanatili ng katatagan ng pamahalaan at maayos na ugnayan ng mga bansa sa daigdig
Performance Standards: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapanukala ng mga paraan na nagpapakita ng aktibong
pakikilahok sa mga isyung pampulitikal na nararanasan sa pamayanan at sa bansa.
3.1 nakapagsasagawa ng isang panayam (interview) sa kamag-anak ng isang OFW

Learning Competencies: Sa pagtatapos ng aralin ay magagawa ng mga mag-aaral na maipaliwanag ang epekto ng
migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan (AP10IPP-IIb- -2)
3.2 nailalahad ang kahulugan ng migrasyon;
3.3 nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon; at
3.4 nasusuri ang mga epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon
Reference/s: Soriano, Celia D., Antonio, Eleanor D., Dallo, Evangeline M., Imperial, Consuelo M., Samson, Maria
Carmelita., (2016) Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
REX Book Store,Inc.
Values: Pagiging Makabayan

INTRODUCTION

Hook Activity/Motivation

Mga Tanong

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, bakit kaya may mga Pilipinong ninais na manirahan sa ibang bansa?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

3. May epekto bas a Pilipinas ang pandarayuhan ng mga Pilipino sa ibang bansa? Bakit?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

INTERACTION

A. Concept Notes
MIGRASYON- ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon magtrabaho at manirahan. Tumutukoy
ito sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente.

Ang Pag-usbong ng Migrasyon

Ang migrasyon sa Pilipinas ay makasaysayan, ang pangangalakal ng Tsina sa ating bansa na pinamumunuan ni Zulu
Royalty Padua Bazaar, ang naitala na pinakaunang migrasyon sa ating bansa, 1417. Noong Hispanic Period (1763), ang
isa sa mga Pilipinong mandaragat ay tumalon buhat sa isa sa mga galleons (katawagan sa mga sasakyang
pangkaragatan noong panahon ng mga Espanyol) na patungo sa Manila-Acapulco at namuhay na sa Louisiana, isa sa
mga syudad ng Hilagang America, (Bautista, 2002).

Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa paglipat o pagdayo ng mga mamamayang taga baryo patungong
lungsod. Ang mga anak ay dumadayo sa lungsod upang makapag-aral sa mas mataas na paaralan o maging sa mga
kolehiyo, hanggang sa doon na rin makapagtrabaho. Ang ganitong mga sitwasyon ay nagpatuloy at nagpasaling-lahi. Sa
pag-usad ng makabagong panahon, nagging mas malawak ang saklaw ng pagdayo at paglalakbay ng mga Pilipino sa
iba’t-ibang lugar at bansa. Maging ang kanilang mga dahilan sa paglalakbay ay lumawig din ang saklaw.

Ang migrasyon sa makabagong panahon ay nagkaroon ng bagong mukha, na kung saan malimit noon ay mga anak ang
nangingibang bayan upang makapag-aral at makapagtrabaho, at ang mga magulang na lalaki ang karaniwang dumadayo
sa ibang lugar o pook upang makapaghanapbuhay para sa kanilang mga pamilya. Sa kasalukuyan, karamihan ay mga
magulang na ang dumadayo sa mas malalayong lugar o bansa, gayundin ang mga kababaihang ina, na sila na ang
napapalayo sa piling ng mga anak at sa awasa na hindi likas sa kulturang Pilipino. Ang mga di mabilang na ganitong
sitwasyon ang nagging daan sa unti-unting pag-usbong ng bagong pananaw sa migrasyon sa ating bansa.

URI NG MIGRASYON

1. PANLABAS
Migrasyong panlabas (international migration) naman ang tawag kapag
lumipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon na manirahan o KLASIPIKASYON NG
mamalagi nang matagal na panahon MIGRANTE

1. Pansamantala- (Migrante)
2. PANLOOB
Ang panloob na migrasyon (internal migration) ay ang migrasyon sa loob 2. Pampermanente- (Immigrant)
lamang ng bansa. Maaaring magmula ang tao sa isang bayan, lalawigan o
rehiyon patungo sa ibang lugar.

MIGRASYON

Temporary migrants- ang tawag sa mga


mamamayan na nagtungo sa ibang bans Permanent migrants- ay mga overseas
Irregular migrants- ang tawag sa ana may kaukulang permiso at papeles Filipino’s na ang layunin sa pagtungo sa
mamamayan na nagtungo sa ibang bans upang magtrabaho at manirahan nang ibang bansa ay hindi lamang trabaho
ana hindi dokumentado, walang permit may takdang panahon. Ang ilan sa mga kundi ang permanenting paninirahan sa
para magtrabaho at sinasabing halimbawa nito ay ang mga foreign piniling bansa kaya naman kalakip dito
overstaying sa bansang pinuntahan. students na nag-aaral s abanda at mga ang pagpapalit ng pagkamamamayan o
negosyante na maaari lamang manirahan citizenship.
pansamantala ng anim (6) na buwan.

DALOY NG MIGRASYON

Nandarayuhan ang mga tao bilang:

Manggagawang manwal Highly qualified specialist


Entrepreneur Refugees
Bilang isang miyembro ng Pamilya
DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING PILIPINO ANG NANGINGIBANG POOK?

Kahirapan at kakulangan ng oportunidad sa bansa


Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kit ana inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay
Paghahanap ng ligtas na tirahan
Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naniirahan sa ibang bansa.
Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.
GLOBALISASYON NG MIGRASYON

Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o
dayuhin tulad ng Australia, United Kingdom, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga
bansa sa Asya, Latin America, at Aprika.

TINATAYANG BILANG NG MGA MIGRANTENG PILIPINO

Asia (80.8%) Saudi Arabia (23.0%)


Europe (9.0%) Africa (1.0%)
North and South America (6.3%) Australia (2.9%)
United Arab Emirates (13.7%) Kuwait (7.7%)
Hong Kong (6.1%) Qatar (5.8%)
Singapore (5.0%).

EPEKTO NG MIGRASYON

1. Pagbabago ng Populasyon- Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang


epekto sa migrasyon. Sa mga bansang mabilis tumaas ang populasyon, lalo na sa mga naghihirap na bansa, tinataasan
ang mga buwis na ipapatawsa mamamayan para sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan.
Dahil dito marami sa mga mamamayan ang pinipiling mangingibang bansa.

2. Kaligtasan at Karapatang Pantao-ayon sa international organization fro migration, umaabot sa milyon-milyong


migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon. Ang mga migranteng ito ay nahaharap sa mapanganib na mga
paglalakbay pang-aabuso ng mga illegal na recruiter at smuggler, mahirap na kondisyon ng pamumuhay, kawalan ng
suporta pagtapak nila sa ibang lupain.

3. Pangungulila sa naiwang Pamilya- Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang naiwang
pamilya, lalo sa kanilang mga anak. Nangungulila ang mga anak at naiiwan sa pangangalaga ng ibang kaanak katulad
ng lolo, lola, tiyo o tiya. Ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan ng extended family o mga kaanak a nakatutulong
upang masiguro ang mabuting pagpapalaki sa kabataan kahit malayo ang kanilang mga magulang.

4. Pag-unlad ng Ekonomiya- Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang
kanilang remittance o ipinadadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing capital para sa Negosyo. Napakarami na
ring mga OFW ang nakapg-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan at nakapagtapos sa kanilang mga anak sa pag-aaral.

5. Brain Drain- ito ay tumutukoy kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t-ibang
larangan ay mas pinipili nilang mangibang bansa dahil sa mas Magandang oportunidad na naghihintay sa kanila. Dahil
dito hindi na sila nakatutulong o nakapagsisilbi sa sariling bayan.

6. Integration at Multiculturalism- sa pagdagsa ng mga mgrante sa ibang bansa, ang destinasyon o tumatanggap ng
bansa ay nahaharap sa hamon ng integrasyon (integration) at multiculturalism. Ito ay pagkakaroon ng maraming kultur
ana umiiral sa lahat ng mga lugar at nagtataguyod ng Karapatan sa pagkakaiba-iba. Binbigyang halaga ang pagkakaisa
ng mga migrante at ng mga tao sa bansang tumatanggap tungo sa pagkamit ng maunlad at mapayapang Lipunan.

EPEKTO NG MIGRASYONG PANLOOB SA PILIPINAS

MABUTI HINDI MABUTI

Nagkakaroon ng panustos sa Labis na dami ng tao sa iisang lugar at


pang araw-araw na nagsisikip ang mga tao sa lungsod.
pangangailangan ang isang Nahihirapan ang gobyerno na magbigay ng
taong makahahanap ng serbisyo sa dumaraming bilang ng tao sa lungsod.
hanapbuhay sa knayang Kakulangan ng sapat na trabaho.
ASPEKTO SALIK NA TUMUTULAK SALIK NA HUMIHILA

PANG- Maaaring maglipat-pook kung walang opurtuidad na Maaring maakit ang isang tao na mas
EKONOMIY makapaghanapbuhay ang isang tao sa knayang tinitirhang mataas na kita sa ibang lungsod o
A pamayanan. ibang bansa kaya siya maglilipat pook

Laganap ang krimen sa lungsod na tinitrihan ng isang Payapa at tahimik sa lalawigan kaya
PANLIPUNA
amilya kaya nagpasiya sila na lumipat sa ibang lungsod. doon lumipat ng tirahan ang isang
N
pamilya.

Maaring dahil sa madalas tamaan ng bagyo ang isang lugar Maaring nagpasiya ang isang pamilya
PANGKAPAL kaya’t nagpasiya ang isang pamilya na lumipat sa ibang na lumipat ng lalawigan dahil sa
IGIRAN lalawigan. Gandan ng tanawin at sariwang
hangin doon.

Laganap ang korapsyon at katiwalian sa mga nasa puwesto Maunlad ang bansa dahil wlang
PANGPOLITI
ng pamahalaan. korakut at Maganda ang
KAL
pagpapatakbo ng pamayanan.

MGA ISYUNG KALAKIP SA MIGRASYON


1. Forced Labor- ay isang anyo ng human trafficking. Ayon sa International Labor Organization ang forced labor ay
konektado sa mga sitwasyon ung saan ang mga tao ay puwersadong pinagtatrabaho sa pamamagitan ng dahas o pananakot
o kaya’y sa mas tagong pamamaraan tulad ng pagbabaon sa utang, pagtatago ng ID at passport, o pagbabanta ng
pagsusuplong sa immigration.

2. Slavery o pang-aalipin- ay isang uri ng sapilitang paggawa ng kung saan tinuturing o tinatrato ang isang tao bilang
pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin nalabag sa kanilang kalooban mula nang sila’y nabihag o sinilang, at
inaalisan ng Karapatan na magbakasyon, tahinang magtrabaho, o tumatanggap ng bayad katulad ng sahod.

3. Human Trafficking- ito ay ang pagrerecruit, pagdadala, paglilipat, pagtatago o pagtanggap ng mga tao sa
pamamagitan g di tamang paraan (katulad ng dahas, pagkidnap, pangloloko, o pamumuwersa) para sa hindi Magandang
dahilan tulad forced labor o sexual exploitation.

B. Mga Gawain/ Drills

A1. Bubble Flow Chart


Panuto: Buoin ang flow chart upang maipakita ang sanhi at epekto ng migrasyon ng mga tao sa mundo.

MIGRASY
ON

Tanong
1. Bakit tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

A.2 Kumplesyon
Panuto: Tapusin ang pangungusap gamit ang mga isinulat mo sa timbangan.

Ang migrasyon ay (nakabubuti/hindi nakabubuti dahil


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Kaya dapat na
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

A.3 Timbangin Mo!


Panuto: Isulat sa kaliwang bahagi ng timbangan ang hindi mabuting epekto ng migrasyon (-) at sa kanang bahagi naman
ang mabuting epekto ng migrasyon (+)

- +

Tanong

1. Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng
migrasyon na dulot ng globalisasyon?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

A.4 Simbolo
Panuto: Gumuhit ng simbolo na nagpapakita ng isang dahilan ng migrasyon at isa pang simbolo na nagpapakita ng
implikasyon ng migrasyon sa lipunang Pilipino. Kulayan mo.
Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng simbolo na iyong iginuhit? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong
1. Paano nakaaapekto ang migrasyong panlabas (international migration) sa sumusunod na aspekto:
a. Panlipunan:

b. Politika:

c. Pangkabuhayan:

2. Paano mo ilalarawan ag lugar o bans ana dinarayo dahil sa migrasyon?

3. Ano ang kaugnayan ng globalisasyon sa isyu ng migrasyon? Paano ito nakaaapekto?

INTEGRATION

Closure/ Synthesis:
A. Paglalagom sa Konsepto
Panuto: Isulat ang mga natutnan at nais pangmatutuhan sa ibaba.
Ano ang iyong mga Paano makatutulong sa iyo ang Ano ang ibig mo pang malaman?
pinakamahalagang natutuhan sa natutuhan mo sa araling ito? Bakit?
aralin?
B. Reflection Guide

Lumaganap ang isyu ng migrasyon sa paglipas ng panahon. Lalo pang napadali ito dahil sa
globalisasyon. Kung bibigyan ka nang pagkakataon na lumipat sa ibang bansa at doon na maninirahan, saang
lugar ang gusto mong piliin? Bakit? Ipahayag ang iyong sagot ng may limang pangungusap.

INTERVENTION

Post- Assessment
Panuto: Ito ay gagawin upang masukat ang iyong natutunan ukol sa konsepto ng migrasyon. Bilugan ang titik ng napiling
sagot.

1. Ano ang migrasyon?


A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar
pansamantala man o permanente.

2. Sino ang binansagang “economic migrants”?


A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang pinagmulan.

3. Ano ang brain drain?


A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo.
C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang Pilipino.
D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-19.

4. Ano ang kahulugan ng househusband?


A. Ang househusband ay ang mag-asawang parehong nagtatrabaho para sa pamilya.
B. Ang househusband ay ang pagtutol ng mga anak na magtrabaho ang sinuman sa kanilang mga magulang.
C. Ang househusband ay ang asawang babae na naiiwan sa bahay habang ang asawa namang lalaki ay siyang
nagtatrabaho.
D. Ang househusband ay ang asawang lalaki na naiiwan sa bahay habang ang asawa namang babae ay siyang
nagtatrabaho.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aabuso sa mga babaeng manggagawa sa ibang bansa?
A. Ang mga kababaihang migrante ang kadalasang biktima ng human trafficking.
B. Ang ilang kababaihang migrante ay nalalantad sa karahasang sekswal (sexual violence).
C. Karamihan sa mga kababaihang migrante ay napipilitang magtiis sa mga trabahong mababa ang sahod.
D. Lahat ng mga nabanggit.

6. Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin ng pamahalaan upang hindi magdagsaan ang mga tao sa mga lungsod
gaya ng Kalakhang Maynila?
A. Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.
B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga taga-roon.
C. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa Maynila.
D. Itaguyod and diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na pumupunta sa Maynila.

You might also like