You are on page 1of 5

Migrasyon at Diaspora

Paket 05

Ano ang Migrasyon?

- Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal


patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

URI NG MIGRASYON
Labour Migration - tumutukoy sa penomena ng isang estado kung saan dumadayo patungo sa ibang bansa ang
mga manggagawa nito. Maaaring dulot ito ng paghahangad ng mas magandang hinaharap sa ibang lupain.

Refugees Migration- ay ang malakihang paglipat ng mga refugees mula sa isang lugar patungo sa isa pang
lugar.

Permanent Migration-- Ang permanenteng paglipat ay kapag ang isang tao ay gumagalaw mula sa isang lugar
papunta sa isa pa at walang mga plano na bumalik sa kanilang orihinal na tahanan.

May tinatawag ding panloob at panlabas na migrasyon.

Ang migrasyong panloob ay ang paglipat ng isang tao o pamilya galing sa isang bayan, lalawigan o rehiyon
patungo sa ibang bahagi ng bansa.

Ang migrasyong panlabas ay ang pagpunta ng isang pamilya sa isang bansa upang doon na manirahan.
MIGRANTE- ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.

MIGRANT-ang tawag sa pansamantalang Migrasyon

IMMIGRANT- ang tawag sa pampermanenteng Migrasyon

Karaniwang dahilan ng pag-alis o paglipat:

1. hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang


pamumuhay;
2. paghahanap ng ligtas na tirahan;
3. panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa;
4. pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.

Flow MIGRASYON Stock figures


- Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang
panahon na kadalasan ay kada taon.
- MADALAS DITONG GAMITIN ANG MGA SALITANG INFLOW, ENTRIES OR IMMIGRATION.
-  Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang
emigration, departures or outflows.
- Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration.
- ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. STOCK
- Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng
populasyon sa buong mundo
- Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay.
- Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng
kanilang bansa.

MGA DAHILAN NG MIGRASYON


PUSH FACTORS NA DAHILAN- Mga negatibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon

1. Paghahanap ng kapayapaan
2. Upang malayo sa kalamidad
3. Kakulangan sa pagkain

PULL FACTORS NA DAHILAN- Positibong salik na dumarayo dahil sa sumusunod na dahilan

1. Matamo ang kaunlarang pangkabuhayan


2. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas
3. Magkaroon ng trabaho sa isang lugar sapagkat walang trabahong mapapasukan sa lugar na kanilang
pinagmulan.

Mga Dahilan ng Migrasyon: Ekonomikal, Politikal, Sosyal at Heograpikal

Ekonomikal

 Kung ang tao ay may nakikitang magandang opurtunidad na magandang hanap-buhay, kabuhayan at
kita.
 May mga mayayamang bansa ngunit walang mangagawa ay may malakas na migrasyon mula sa ibang
bansa na kilala sa tawag na migrants o economic migrants na tumutulong sa pagpapatatag ng
ekonomiya ng bansang kanilang pinangalingan sa pamamagitan ng remittances.

Politikal
 Ang mga tao ay gusto ng kapayapaan kaya naman kung magulo ang kanilang lugar ay nililisan nila ang
kanilang lugar at lumipat sa isang lugar na tahimik ar payapa.
 Ang pagkakaroon ng hidwaan, rebelyon, at digmaan ay bahagi nito.
 Ang ganitong kalakaran ay matagal nang laganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Sosyal

 May mga taong lumilipat sa ibang bansa upang matanggap sila kung ano ang kanilang katayuan sa
buhay dahil may mga bansang tanggap ang mga konserbatibong usapin kagaya ng pagpapakasal muli
ay lumilipat sila sa ibang bansa. Halimbawa: Ang magkasintahan ay kasal sa Pilipinas sa ibang tao
ngunit kahit na hiwalay na sila sa mga ito ay hindi pa din sila puwedeng magpakasal sapagkat walang
diborsyo sa Pilipinas. Kaya naman lumilipat sila ng bansa at piniling doon na lamang manirahan.

Heograpikal

 Ang mga kalagayang pangkapaligiran at isa din sa dahilan ng migrasyon. Halimbawa na lamang ay ang
klima at panahon kasama na ang kaligtasan.

EPEKTO ng MIGRASYON

- PAGBABAGO NG POPULASYON - Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may


tuwirang epekto sa migrasyon .

- KALIGTASAN AT KARAPATANG PANTAO - Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa


milyon-milyong migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon.

- PAMILYA AT PAMAYANAN - Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga
naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.

- PAG-UNLAD NG EKONOMIYA - Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpaplano ng ekonomiya ng


Pilipinas, maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan.

- BRAIN DRAIN - Kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t-ibang larangan
ay mas pinili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.

- INTEGRATION at MULTICULTURALISM - Sa Italy, mayroon silang “batas sa seguridad” (legge sulla


sicurezza). Layunin nito ang magkaroon ng maayos na integration ng mga dayuhan sa Italy at
magandang relasyon.

- MULTICULTURALISM- isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring


magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.
Diaspora - ang pagkalat ng populasyon ng isang lahi patungo o paalis sa isang lugar. Matagal nang naranasan o
nararanasan ng karamihan ng mga Pilipino ang diaspora dahil sa iba’t ibang layon at dahilan nito. Ngunit nag-
iiba ang kalagayan ng wikang Filipino dahil ibang pagpapahalaga ang nagagawa at nadala ng mga Pilipino.

May iba’t ibang dahilan o layunin kung bakit ang ilang miyembro sa loob ng isang lipunan ay
tumutungo sa ilang tiyak na pook na nagbubunga ng diaspora at may epekto sa wikang Filipino at ito ang mga
sumusunod: Hanapbuhay, Negosyo o Oportunidad. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit ang karamihan ng
mga Pilipino ay nakararating mula sa iba’t ibang panig ng mundo, ang makapagtrabaho. Kilalang kilala ang mga
Pilipino sa pagiging masipag at matiyagang manggagawa sa loob at labas ng bansa lalo na kung ang
oportunidad na inihahain sa isang Pilipino ay makapagbibigay ng isang malaking pagkakataon upang
makaahon sa hirap.

Edukasyon - isa rin sa dahilan ng mga Pilipino ay ang makita ang ibang kaparaanan at pagkatutong makikita sa
ibang bansa sa pamamagitan ng edukasyon. Naging talamak ang diaspora nang dumating ang panahon ng mga
Espanyol na ang pangunahing dahilan ay ang edukasyon.

Paglalakbay - Ang ilang tao ay nagkakaroon ng ideya upang mabigyan ng pagkakataong tuklasin ang mga
bagay-bagay sa paligid na nagbubunsod naman ng epekto sa populasyon na dumami o mabawasan sa loob ng
espasyo sa permanente o panandaliang panahon.

Isyung Legalidad - Ilan sa mga kinokonsiderang kinakailangan ng legalidad at paglipat ng pook ay ang kasal ng
magkaibang lahi, deportasyon at tuluyang paglipat mula sa isang lugar patungo sa ibang estado.

Kahulugan ng Diaspora

- Ang term na diaspora ay nagmula sa Greek verb na diaspeirō na nangangahulugang "ikalat" o "to
spread about."
- Tulad ng unang ginamit sa Sinaunang Greece, ang diaspora ay tumutukoy sa mga taong may
nangingibabaw na mga bansa na kusang-loob na nangibang-bayan mula sa kanilang mga bayan upang
kolonyahin ang mga nasakop na bansa

Dalawang Uri ng Diaspora

1. sapilitan at kusang-loob. Ang sapilitang diaspora ay madalas na nagmumula sa mga pangyayaring


traumatiko tulad ng mga giyera, pananakop ng imperyalista, o pagkaalipin, o mula sa mga natural na
kalamidad tulad ng taggutom o pinahabang tagtuyot.
2. Sa pamamagitan ng Lumang Tipan na isinalin sa Griyego, nagkaruon ng pagbabago ang orihinal na
konsepto ng "Diaspora" na tumalakay sa mga mamamayang Hudyo (Jews) na ipinatapon ng mga
Babilonyan mula sa Hudea at ng Romano Imperyo mula Herusalem.

Ang pangkaraniwang salitang na "Diaspora" ay tumutukoy sa lupon ng mga tao o etnikong populasyon na
pinilit or hinimok na iwan ang kanyang tradisyunal na ethinkong tahanan at mamuhay at manirahan sa ibang
komunidad.
Ang diaspora ay isang kaganapan kung saan may malaking pagkilos ng mga tao na lumilikas at naghahanap ng
kaligtasan mula sa isang magulong kondisyon. Ito ang simula ng kwento sa paglalakbay ng Lahing Kayumangi.

ANG UNANG OFW

- Ang kauna-unang Pilipinong Mandaragat at nagtrabaho bilang isang banyagang mangagawa na naitala
sa kasaysayan ay si Trapobana, isang alipin na nabili ni Ferdinand Magellan mula Melaka (ngayon ay
Singapore) at isinama sa kanyang paglalayag patungong Portugal.

- Mula sa kanyang pangalang Trapobana na pinaniniwalaang isang pangalang Pagano, pinalitan ito ng
pangalang angkop at madaling tandaan ng mga Kastila at siya ay tinawag na Enrique.

Kasaysayan ng Diaspora

- Ang salitang "Diaspora" ay salitang nag-uugnay sa mga sinaunang Griyego na nagsisikap na sakupin at
manirahan sa mga lupain sa labas ng bansang Griyego upang matugunan nang kanilang suliranin sa
lumalaking populasyon nuong ikaapat na siglo bago ipanganak si Kristo.

You might also like