You are on page 1of 17

Migrasyon

Migrasyon

Ito ay ang paglipat ng tao mula


sa isang pook patungo sa ibang
pook upang doon manirahan
nang panandalian o
pangmatagalan.
Migrasyon

 Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook


patungo sa ibang pook upang doon manirahan
nang panadalian o pangmatagalan
 Tumutukoy sa proseso ng pag- alis o paglipat
mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente
MIGRASYONG PANLABAS

Migrasyong panlabas ay ang


pagpunta ng isang pamilya sa
ibang bansa upang doon
manirahan.
Mga Dahilan ng Migrasyon
 Push factor- ay mga negatibong salik na nagtutulak
sa tao para mandarayuhan at lisanin ang tinitirhang
lugar.
a. Kaguluhan/war
b. Kalamidad

 Pull factor- ay mga positibong salik na humihikayat


sa tao na mandarayuhan sa ibang lugar.
Ano ang mga dahilankung
bakit maraming pilipino
ang nangingibang pook?
 Hanapbuhay na makapagbibigay ng
malaking kita na inaasahang maghahatid
ng masaganang pamumuhay
 Paghahanap ng ligtas na tirahan.
 Panghihikayat ng mga kapamilya o
kamag-anak na matagal nang naninirahan
sa ibang bansa.
 Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na
kaalaman partikular sa mga bansang
industriyalisado.
ALAM MO BA NA …

• Ang armm ay isa sa mga pinakamahirap


na rehiyon sa boung pilipinas.
• Ito rin ang nakakaranas ng maraming
taong lumilipat ng tirahan upang
makahanap ng panustos sa pang araw-araw
na pangangailangan.
Mga Sanhi ng Migrasyon
•ECONOMIC MIGRANTS- sila ang mga naghahanap ng mas
magandang pagkakataon upang mapaunlad nila ang sariling
kabuhayan.
•REFUGEE- sila ang mga lumikas sa kanilang sariling bayan upang
umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng
mga kalamidad. Halimbawa nito ang mahigit na 255,000 taga-Syria
na tumakas palabras ng kanilang bansa mula Disymbre 2012
hanggang Enero 2013 upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Migrasyon ng mga Pilipino
Mga Bansang May Mahigit sa 100,000 Migranteng Pilipino
UNITED STATES 3,494,281
SAUDI ARABIA 1,267,658
UAE 931, 562
CANADA 852, 401
MALAYSIA 686, 547
AUSTRALIA 391, 705
JAPAN 243, 136
UNITED KINGDOM 218, 777
KUWAIT 213, 638
QATAR 200, 016
HONG KONG 195, 128
SINGAPORE184, 498
ITALY 172, 148
EPEKTO NG MIGRASYON

1.Kaligtasan at karapatang pantao


2.Pagbabago ng populasyon
3.Pamilya at pamayanan
4.Pag-unlad ng ekonomiya
5.Brain drain
6.Integration at multiculturalism
Sa pag-aaral ng migrasyon partikular
ng international migration ay
mahalagang maunawaan ang ilang
termino o salitang madalas gamitin sa
disiplinang ito. Una na rito ay ang
pagkakaiba ng flow at stockfigures.
FLOW

Flow-ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang


pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na
kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga
salitang inflow, entries or immigration.
- Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o
lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang Emigration,
Departures or Outflows.
- Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok
nakukuha ang tinatawag na Net Migration.
Stock
- Ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o
nanatili sa bansang nilipatan.
- Mahalaga ang flow sa pagunawa sa trend o
daloy ng paglipat o mobility ng mga tao
habang ang stock naman ay makakatulong sa
pagsusuri sa matagalang epekto ng
migrasyon sa isang populasyon.
Globalisasyon ng Migrasyon
- Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas
at naaapektuhan ng migrasyon.
- Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin
tulad ng Australia, New Zealand, Canada at United
States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan
ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang
pinagmumulan nito.
- Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga
bansa sa Asya, Latin America at Aprika.
Mga Isyung Kalakip Ng Migrasyon
- Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng mograsyon.
- Ang mga migranteng manggagawa ay nakakapagpadala sa
kanilang pamilya ng libo-libong dolyar na remittance. Malaki ang
naitutulong nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan.
Sa pagpapagawa ng bahay, pantustos sa pagpapaaral, at
pambayad sa gastusing pangkalusugan habang nakakatulong sa
ekonomiya ng bansang pinagtatrabahuhan.
- May mga migranteng namamatay, sapilitang pagtatrabaho, at
nagiging biktima ng trafficking. Ang mga karanasan ng karamihan
sa mga migrante ay nasa gitna ng dalawang mukhang ito ng
migrasyon.
Prepared by:

Nash Aldrin Mabalay


Grade 10 – St. Paul

You might also like