You are on page 1of 2

Ano nga ba ang Migrasyon

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa


isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan ito man ay pansamantala
o ‘di kaya’y pangmatagalan.
May dalawang uri ng migrasyon
1. Migrasyong panloob (internal migration)= Ito ay ang paglipat ng tao sa loob
lamang ng bansa, maaring ito ay sa lalawigan, bayan o rehiyon.
2. Migrasyong panlabas (external migration)= Ito ay kapag lumilipat ang mga tao
upang manirahan sa ibang bansa, pag alis o paglabas ng tao sa bansa.

Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang


maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito.
1. Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa
isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
 Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries o
immigration
 Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng
bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures o outflows.
 Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha
ang tinatawag na net migration.

2. Ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang


nilipatan.
 Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o
mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.
GLOBALISASYON AT MIGRASYON
 Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon.
 Ang mga bansang madalas dayuhin ay Australia, New Zealand,
Canada at United States patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan
ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito.
MGA SANHI NG MIGRASYON
1. PAGHAHANAP-BUHAY (EKONOMIKAL)
Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na
economic migrants o iyong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
2. LIGTAS NA TIRAHAN (POLITIKAL)
Ang tao ay gusto ng kapayapaan kaya naman kung magulo ang kanilang lugar
nililisan nila ang kanilang lugar at lumipat sa isang lugar na tahimik at mapayapa.
3. PAGHIHIKAYAT NG PAMILYA (SOSYAL)
Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng pagiging
komportable sa buhay.
4. KLIMA AT PANAHON (HEOGRAPIKAL)

Ang mga kalagayang pangkapaligiran ay isa din sa dahilan kung bakit may
nagaganap na migrasyon.

You might also like