You are on page 1of 1

MIGRASYON - Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang lugar o

teritoryong politikal patungo sa ibang lugar upang doon manirahan nang panandalian/pansamantala o
pangmatagalan/permanente.
2 URI NG MIGRASYON:
1. MIGRASYONG PANLOOB- ay ang paglipat ng isang tao o pamilya mula sa isang bayan,lalawigan, o
rehiyon patungo sa ibang bahagi ng bansa.
2. MIGRASYONG PANLABAS- ay ang pagpunta ng isang pamilya sa ibang bansa upang doon manirahan.
Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan
ang ilang termino o salitang madalas gamitin.
1. FLOW - ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
Madalas ding gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.
Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang
emigration, departures or outflows.
Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net.
2. STOCK - ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.

• Mahalaga ang flow sa pag- unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock
naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.

MGA DAHILAN NG MIGRASYON


1. PUSH FACTOR- ay mga negatibong salik na nagtutulak sa tao para mandarayuhan at lisanin ang
tinitirhang lugar.
A. Kaguluhan/Digmaan
B. Kalamidad

2. PULL FACTOR- ay mga positibong salik na humihikayat sa tao na mandarayuhan sa ibang lugar.
A. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang
pamumuhay.
B. Paghahanap ng ligtas na tirahan.
C. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.
D. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.

MGA SANHI NG MIGRASYON


1. ECONOMIC MIGRANTS- sila ang mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang
mapaunlad nila ang sariling kabuhayan.
2. REFUGEE- sila ang mga lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o
karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

You might also like