You are on page 1of 3

Ikalawang Markahan – Modyul 3:

MIGRASYON
KAHULUGAN NG MIGRASYON
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa
isang lugar patungo sa ibang lugar na maaaring pansamantala lamang o permanente.
Hindi na bago ang konsepto ng migrasyon. Bago pa sumilang ang mga kabihasnan sa
daigdig ay nandarayuhan na ang mga tao upang matugunan niya ang kaniyang mga
pangangailangan o kaya naman ay may kinalaman sa pansariling kaligtasan. Naging mas
mabilis ang proseso ng migrasyon sa kasalukuyan kung ating ihahambing sa mga
nagdaang panahon. Ang paglipat ng tao sa loob at labas ng bansa ay naging mas
masalimuot kung ang pagtutuunan ng pansin ay ang dahilan at epekto nito sa lugar na
iniwanan at pinuntahan ng tao. Halos lahat ng bansa sa daigdig ay nakakaranas ng iba’t
ibang uri ng migrasyon tulad ng migrasyon ng mga manggagawa, migrasyon ng mga
refugees at permanenteng migrasyon.

URI NG MIGRASYON
Maaaring mauri ang migrasyon batay sa mga sumusunod;
1. Panloob na Migrasyon (Internal o Local Migration)- tumutukoy sa paglipat
ng tao o pamilya ng pook panirahan mula sa isang bayan, lalawigan or rehiyon
patungo sa iba pang bahagi ng sariling bansa. Ang Bangsamoro Autonomous
Region for Muslim Mindanao (BARMM) ay isa sa mga pinakamahirap na
rehiyon sa Pilipinas. Maraming tao ang umalis sa rehiyong ito upang
makahanap ng panustos sa pang araw-araw na pangangailangan. Isa pang
dahilan ng pag-alis ng mga tao doon ay ang suliranin sa peace and order dahil
sa banta ng mga terorista. Karamihan ay nagtungo sa mga lungsod na
mauunlad ang pamumuhay at walang banta sa kaligtasan.
2. Panlabas na Migrasyon ( External o International Migration) – tumutukoy
sa paglipat ng tao o pamilya ng pook panirahan mula sa sariling bansa
patungo sa ibang bansa. Karamihan ng mga nandarayuhan palabas ng bansa
ay paghahanap ng trabaho na may malaking kita ang pangunahing dahilan.
Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong daigdig na
kumakatawan sa 3.1 porsiyento ng kabuuang populasyon sa buong daigdig.
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang may pinakamalaking bilang ng mga
nandayuhan na lumabas ng kanilang bansa. Ang 48 porsiyento dito ay mga
kababaihan na ang pangunahing dahilan ay maghanapbuhay. (Halaw sa ILO:
International Labor Organization Facts and Figures)

Tinatawag na nandarayuhan o migrant ang taong lumilipat ng panirahan. Maaari


silang mauri sa mga sumusunnod:
A. Irregular Migrant-tumutukoy sa mga nandarayuhan sa ibang bansa na illegal dahil
hindi sila dokumentado, walang pahintulot na magtrabaho o sinasabing overstaying
na sa bansang nilipatan.
B. Temporary Migrants- tumutukoy sa mga nandarayuhan sa ibang bansa na legal
dahil may kaukulang dokumento ng pagbibigay permiso na pansamantalang
manirahan at magtrabaho sa bansang pinuntahan.
C. Permanent Migrant- tumutukoy sa mga nandarayuhan na ang layunin sa pagtungo
sa bansang pinuntahan ay hindi lamang magtrabaho o mag-aral na pansamantala
kundi permanente nang manirahan sa piniling bansa. Kalimitang nauuwi ito sa
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship ng taong nandayuhan.

Mga Dahilan ng Migrasyon o Pandarayuhan


1. Paghahanap ng hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang
maghahatid ng masaganang pamumuhay sa nandayuhan at sa kanyang pamilya.
2. Paghahanap ng ligtas na pook panirahan tulad ng ligtas mula sa mga sakunang
dulot ng kalikasan o ng tao tulad ng karahasan at digmaan.
3. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman lalo na sa mga bansang
mauunlad at industriyalisado. Batay sa estadistika, dumarami ang bilang ng mga
Koreano na nagtutungo dito sa Pilipinas upang mag-aral sa kolehiyo partikular sa
Maynila, Baguio at Cebu.
4. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na permanente nang naninirahan
sa ibang bansa. Maaaring naienganyo sila sa marangyang pamumuhay ng mga
kamag-anak na naninirahan na ng permanente sa ibang bansa.

MAHAHALAGANG TERMINO O SALITA NA GINAGAMIT SA PAG-AARAL NG


MIGRASYON
FLOW- ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang
bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas gamitin ang mga
terminong inflow, entries or immigration. Kasama dito ang bilang ng mga taong umaalis o
lumalabas ng bansa na madalas tinatawag na emigration, departures or outflows. Ang net
migration naman ay makukuha kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok
sa isang lugar o bansa.

STOCK- ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng nandayuhan na piniling manirahan o manatili


sa bansang nilipatan. Mahalaga ang pag-aaral sa flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng
paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa
pangmatagalang epekto ng pandarayuhan sa isang partikular na populasyon.

MGA EPEKTO NG MIGRASYON SA ASPEKTONG PANGKABUHAYAN, PANLIPUNAN


AT PANGKAPALIGIRAN

Aspekto Salik na Tumutulak Salik na Humihila

Pangkabuhayan Lumilipat ng pook-tirahan Naaakit sa mas mataas


kung walang maganda o na kita sa ibang lungsod o
sapat na mapagkukuha- ibang bansa ang dahilan
nan ng ikabubuhay sa ng paglilipat ng pook-
lugar na tinitirahan. tirahan.

Panlipunan Maaaring laganap ang Payapa at tahimik na


krimen/kaguluhan sa katangian ng isang lugar
lugar na tinitirahan kaya ang pangunahing umaakit
nagpapasya na upang maglipat tirahan.
mandayuhan sa ibang
lugar.

Pangkapaligiran Maaring ang pagiging Maaring ang pagiging


lantad sa mga sakuna na ligtas ng isang lugar mula
dulot ng kalikasan, tulad sa panganib na dulot ng
ng bagyo, pagbaha o kalikasan ang humihila sa
pagiging malapit sa tao na lumipat sa lugar na
aktibong bulkan ng isang may ganitong katangian.
lugar ang nagtutulak Idagdag pa ang
upang lumipat ng pook pagkakaroon ng
tirahan. magandang tanawin at
sariwang hangin.

You might also like