You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 10

KWARTER 2
Migrasyon Dulot ng Globalisasyon

Brain drain - ito ay ang pag-alis ng mga manggagawang propesyonal upang magtrabaho sa ibang bansa.

Brawn drain - ang pag-alis ng mga manggagawang hindi sapat ang kasanayan para magtrabaho sa ibang
bansa

Migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Hindi lamang iisang uri ang migrasyon
na nararanasan ng isang bansa.
May mga bansang nakararanas ng:
labour migration (paglipat sa ibang lugar dahil sa trabaho),
refugees migration (paglipat dahil sa takot ng pag-uusig) at maging ang
permanenteng migrasyon (pag-alis ng lugar ng wala ng balak bumalik) nang sabay-sabay

INFLOW / ENTRIES / IMMIGRATION – Dami o bilang ng taong pumapasok sa isang bansa sa


loob ng isang taon

OUTFLOWS / DEPARTURES / EMIGRATION – Dami o bilang ng taong umaalis sa bansa sa


loob ng isang taon

NET MIGRATION – Nakukuha kapag ibinawas ang bilang ng taong umalis sa bilang ng taong
pumasok sa bansa
Ang Net Migration ay makukuha sa pamamagitan ng formulang:
Bilang ng Pumasok – Bilang ng Umalis = Net Migration
• Noong 2013, ASYA ang kontinenteng may pinaka-malaking bilang ng Migrante, karaniwan ay mga
KABABAIHAN at may edad na 15-21 taong gulang
• Noong 2013, UNITED STATES OF AMERICA ang nangunguna sa Top 10 destinations ng mga migrante

STOCK – Bilang ng taong umalis na nanirahan o nanatili na sa bansang nilipatan

1. Globalisasyon ng Migrasyon - tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas ng migrasyon at


kadalasan naapektuhan ang mga bansang madalas dayuhin o puntahan tulad ng Australia,New
Zeland,Canada at US. Malaking bilang ng mga migrante ay mula Asya,Latin America at Aprika.

2. Mabilisang Paglaki ng Populasyon - patuloy ang pagtaas ng dami o kapal ng mga nandarayuhan na
nagpapabago sa mga batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.

3. Pagkakaiba-iba ng Uri ng Migrasyon - Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos
lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito.

4. Peminisasyon ng Migrasyon- kung saan maraming kababaihan sa kasalukuyan ang nandarayuhan para
maghanapbuhay kung saan ang karamihan dito ay mga manggagawa ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina
sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa Japan

uri ng migrasyon ay ang


1. Panloob na migrasyon (internal migration) kung saan ang paglipat ng tao ay sa loob lamang ng
bansa.
2. Panlabas na migrasyon (international migration) kung saan ang tao ay lumipat sa ibang bansa
upang doon na manirahan.

Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,
walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may
kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.

permanent migrants ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi
lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship

DATOS NG PANDARAYUHAN NG MGA MANGGAGAWA SA BUONG MUNDO


(Labor Organization Facts and Figures)
• Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan na may kabuuang 3.1% ng populasyon sa buong
mundo
• Ang 48% ng imigrante ay kababaihan at dumarami pa para maghanap-buhay
• Karamihan sa mga nandarayuhan ay naghahanap ng trabaho.
• Noong 2013 ay nagmula sa Asya ang pinaka-malaking bilang ng mga migrante na lumabas ng bansa
• Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15-24

DAHILAN NG MIGRASYON
DAHILAN KATANGIAN
1. Masaganang buhay • Nagkakaroon ng ideya ang mga tao na kung lilipat
sa ibang lugar ay maaring magbago ang
kabuhayan at magkaroon ng masaganang buhay
2. Paghahanap ng ligtas na • May mga lugar na sadyang laganap ang gulo at
tirahan karahasan. Sa pagnanais na magkaroon ng
matiwasay at tahimik na buhay ay ninanais ng iba na
lumipat sa mas ligtas na tirahan
3. Hanapbuhay na may • May pagkakataon na mas malaki ang kinikita ng
malaking kita mga manggagawa na nagtatrabaho sa ibang lugar
o ibang bansa kaya mas nais ng tao na lumayo o
lumipat sa ibang lugar para sa mas malaking kita

4. Pag-aaral o pagkuha ng • May pagkakataon na mas magandang oportunidad


teknikal na kaalaman lalo ang naka-abang kung makakapagtapos ng pagaara l
na sa mga sa ibang bansa dahilan sa mga makabagong
industriyalisadong bansa mga kaalaman na makukuha sa kanila. Kung kaya ang
mga tao na may sapat na salapi ay mas nais na
lumipat at mag-aral sa ibang bansa

5. Paghikayat ng mga • May pagkakataon na ang mga kapamilya na nasa


kamag-anak na matagal ibang lugar/bansa na at nakakuha na ng maayos
ng nasa ibang bansa na trabaho ay nanghihikayat sa kapwa kamaganakan
upang magkaroon ng na sumama na sa pagtira sa ibang lugar/bansa
pagsasama-sama ang
pamilya

ATING TANDAAN:
• Ang MIGRASYON ay ang paglipat ng tao mula sa isang lugar tungo sa iba pa, permanente man o
pansamantala
• Mayroong limang natukoy na dahilan kung bakit madami ang nagsasagawa ng migrasyon
at ito ang mga sumusunod:
1. Magkaroon ng maayos na buhay
2. Magkaroon ng mas malaking kita
3. Magkaroon ng tahimik na kapaligiran
4. Makapag-aral/magkaroon ng bagong kasanayan
5. Makapiling na ang mga kapamilyang namalagi na sa ibang bansa

EPEKTO NG MIGRASYON
1. GLOBALISASYON NG MIGRASYON
• Tumataas ang bilang ng mga bansang nakakaranas at naapektuhan ng migrasyon
• Ang mga bansang madalas puntahan ay patuloy pa ding dinadagsa tulad ng Australia, New Zealand,
Canada at United States
• Malaking bilang ng migrante ay mula sa Asya, Latin Amerika at Aprika

2. MABILISANG PAGLAKI NG MIGRASYON


• Ang patuloy na pagtaas ng dami o kapal ng pandarayuhan sa ibatibang rehiyon ay nagkakaroon ng
malaking implikasyon sa batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa

3. PAGLAGANAP NG MIGRATION TRANSITION


• Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa ibang bansa

4. PAGKAKAIBA NG URI NG MIGRASYON


• Mayroong ibat-ibang uri ng migrasyon na nararanasan ang bawat bansa tulad ng:
1. Labour Migration - Pag-alis na may kinalaman sa trabaho
2. Refugees Migration - Pag-alis na may kinalaman sa paghahanap ng mas payapang tahanan
3. Irregular Migrants - Ang mga migrante ay nagtungo sa ibang bansa na walang mga dokumento para
magtrabaho
4. Temporary Migrants - Ang mga migrante ay nagtungo sa ibang bansa na may sapat at tamang
dokumento para magtrabaho ngunit kinailangang umuwi sa takdang panahon
5. Permanent Migrants - Mga migranteng matagal ng nagtatrabaho sa ibang bansa at ninais ng duon
manirahan sa pamamagitan ng pagkuha ng citizenship

5. PAGTURING SA MIGRASYON BILANG ISYUNG POLITIKAL


• Ang mga usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol
sa pambansang seguridad ay naapektuhan ng isyu ng migrasyon.

6. PEMINISASYON NG MIGRASYON
• Mas dumarami ang bilang ng mga kababaihan na nangingibang bansa dahilan dito nagkaroon ng
konsepto ng “House Husband” sa Pilipinas kung saan babae ang magtatrabaho sa ibang bansa at lalake
ang maiiwan sa mga anak upang mag-alaga at gumawa ng gawaing bahay.
• Dumarami na din ang mga bansa na nagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihang migrante.

Ang MIGRASYON ay nagdudulot ng ibat-ibang epekto sa aspeto ng pulitika, lipunan at kabuhayan tulad
ng mga sumusunod: Globalisasyon ng Migrasyon, Migration Transition, Mabilisang Paglaki ng Migrasyon,
Peminisasyon ng Migrasyon at Migrasyon bilang Isyung Politikal

• Mayroon ding ibat-ibang URI NG MIGRANTE tulad ng: Permanent, Temporary, Labour, Refugee at
Irregular.

You might also like