You are on page 1of 13

MIGRASYON

PREPARE BY GROUP III


KONSEPTO AT DAHILAN NG MIGRASYON

-Ang Migrasyon ay ang paglipat ng kinatitirhan ng isang tao sa isang lugar, pansamantala
man o permanente.
-Sa pag aaral ng migrasyon ay mahalagang maunawaan ang ilang termino na madalas
gamitin sa disiplinang ito.
-Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng dayong pumapasok sa isang bansa sa isang
takdang panahon. Madalas gamitin ang salitang inflow, entries o migrasyon. Nabibilang
din ang mga taong umalis o lumalabas ng bansana madalas tukuyin bilang outflows.
Nakukuha ang net migrasyon kapag binabawas sa bilang ng pumasok ang bilang ng
umalis.
KONSEPTO AT DAHILAN NG MIGRASYON

-Samantalang Stock naman ang bilang ng mga dayuhang naninirahan sa ibang bansa.
Mahalaga ang flow sa daloy ng pag lipat o mobility ng tao habang ang stock ay
nakakatulong sa pag suri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.
PANANAW AT PERSPEKTIBO NG MIGRASYON

-Ang migrasyon ay isang masalimuot na proseso na kinasasangkutan ng mga indibidwal na


lumilipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa upang maghanap-buhay. Ito ay isang
pangkaraniwang pangyayari at may iba't ibang pattern at epekto sa mga lugar na kanilang
iniiwan, pinupuntahan, at babalikan. Sa kabila ng pagiging kumplikado nito, ang ilang
malinaw na obserbasyon ay maaaring gawin batay sa mga ideya:
1. Globalisasyon ng Migrasyon
-Tumataas ang bilang ng mga bansang nakakaranas at naapektuhan ng migrasyon. Ang mga
bansang tulad ng Australia, New Zeland, at iba pang bansa ay patuloy na dinadagsa ng mga
dayuhan at sa katanuyan pa nga ay nadadagdagan pa ang mga bansang pinagmulan nito.
PANANAW AT PERSPEKTIBO NG MIGRASYON

2. Mabilisang Paglaki ng Migrasyon


-Ang dami ng mga mandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang relihiyon ng
daigdig. Malaki ang implikasyon nito sa mga batas na ipinatutupad ng bansang destinasyon.
3. Pag kakaiba iba ng uri ng Migrasyon
-Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararansan ng mga bansa, nariyan ang labour
migration, refugees migration, at maging ang permanenteng migrasyon ng sabay sabay.
• Irregular Migrants- mga mamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado o
walang permit dahil sa nag-overstay sa bansang pinuntahan.
PANANAW AT PERSPEKTIBO NG MIGRASYON

• Temporary Migrants- mamamayan na nagpunta sa ibang bansa na may kaukulang permiso at


papeles upang mag trabaho at manirahan nang may takdang panahon.
• Permanent Migrants- layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa bansang napili kaya kapalit nito ay ang pag kamamayan o
citenzenship.
4. Pagturing sa Migrasyon bilang isyung politikal
-Malaki ang implikasyon sa politika ng mga bansang nkakaranas nito. Mula sa usaping
pampolitikal, relihiyon, seguridad, Pambansa at pakkikipag ugnyang bilateral ay naapektuhan ng
migrasyon.
PANANAW AT PERSPEKTIBO NG MIGRASYON

5. Paglaganap ng “Migration Transition”


-Ang migration transition ay nakasanayang bansang pinanggalingan ng mga nandarayo ay
nagging destinasyon ng mga mangagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Maaring
maranasan ito sa South Korea, Turkey, Poland at iba pa.
6. Perminasasyon ng Migrasyon
-Sa mga nagdaang panahon, ang mga refugees at labour migration ay binubuo ng halos
puro lalaki. Nang sumapit ang 1960s, nagging kritikal ang ginagamapanan ng mga
kababaihan sa labour migrasyon. Kaakibat nito ay ang pag babago sa pankasarian sa
pamilya.
DAHILAN NG MIGRASYON

- Ang madalas na pag-alis ay kalimitang:

• Hanapbuhay na makakapagbigay nang malaking kita at inaasahang makakapag paunlad


sa pamilya.
• Pag hahanap ng ligtas na tirahan
• Panghihikayat mula sa mga kamag-anak na matagal ng nasa ibang bansa.
• Pag-aaral at pag kuha ng kaalaman mula sa ibang bansa at;
• Pag iwas sa sakunang dulot mula sa higwaang political o pankalikasang kalamidad.
MGA ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON

-Ang paglipat sa Kanlurang Asya ay nagpapakita ng parehong mga pagkakataon at


panganib. Habang ang mga migranteng manggagawa ay maaaring magbigay ng mga
remittance sa mga pamilya, nahaharap din sila sa sapilitang paggawa, human trafficking, at
iba pang mga pang-aabuso. Ang mga domestic worker ay madalas na napupunta sa mga
regular na trabaho, nahaharap sa pang-aabuso tulad ng walang sahod, pagkakulong, at labis
na trabaho. Ang Human Rights Watch ay nagdokumento ng mga kaso kung saan ang mga
kundisyong ito ay kahawig ng sapilitang paggawa, human trafficking, o mga kondisyong
tulad ng pang-aalipin.
MABUTI AT DI MABUTING EPEKTO NG
MIGRASYON

-Ang migrasyon ay maaaring magdala ng positibong epekto tulad ng ekonomiya, brain


gain, at cultural exchange, ngunit mayroon din itong negatibong epekto tulad ng brain
drain, overcrowding, at diskriminasyon. Ang pangunahing epekto ay maaaring mag-iba
depende sa kalagayan at pangangailangan ng mga bansa at ng mga migrante.
Mabuti:
• Ekonomiya: Maaaring magdulot ng positibong epekto sa ekonomiya ng bansa ang
migrasyon. Ang mga migrante ay maaaring magtrabaho, magbayad ng buwis, at mag-
ambag sa ekonomiya ng host country.
MABUTI AT DI MABUTING EPEKTO NG
MIGRASYON
• Brain Gain: Ang migrasyon ng mga propesyonal at edukado ay maaaring magdulot ng
pag-unlad sa bansang tinutunguan, ito’y tinatawag na “brain gain.”Cultural Exchange:
Nagdadala ito ng iba’t-ibang kultura, tradisyon, at perspektiba sa mga bansa na
nakatanggap ng mga migrante.
Hindi Mabuti:
• Brain Drain: Ang pag-alis ng mga propesyonal mula sa kanilang bansa ng pinagmulan
(brain drain) ay maaaring magdulot ng kakulangan sa mga mahuhusay na manggagawa.
MABUTI AT DI MABUTING EPEKTO NG
MIGRASYON
• Diskriminasyon: Minsan, ang mga migrante ay napapantayang biktima ng
diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay.
• Overcrowding: Sa mga lugar na popular para sa migrasyon, maaaring magkaroon ng
problema sa sobra-sobrang populasyon at kulang na serbisyong pampubliko.
MGA HAMON NG GLOBALISASYON

-Sa isang globalisadong mundo, mahalagang pamahalaan ang mabuti at masamang epekto
ng globalisasyon. Ang mabubuting epekto ay kinabibilangan ng pagtaas ng paglago ng
ekonomiya at mga pagkakataon, pinabuting komunikasyon at transportasyon, at pagtaas ng
palitan ng kultura. Kasama sa masamang epekto ang pinsala sa kapaligiran, pagtaas ng
hindi pagkakapantay-pantay, at dislokasyon sa lipunan.

You might also like