You are on page 1of 2

1.

Magbigay ng pangungusap tungkol sa sumusunod:


a. Flow – ang flow ay tumutukoy sa dami ng bilang ng mandarayo na pumapasok sa
ibang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay isang taon
b. Stock – ang stock ay ang bilang ng mandarayo na naninirahan o nananatili sa
bansang nilipatan.
c. Net Migration - Ang net migration ay ang bilang ng mga imigrante na binawasan ang
bilang ng mga emigrante, kabilang ang mga mamamayan at hindi mamamayan.
d. Labour Migration - Ang labor migration ay tumutukoy sa penomena ng isang estado
kung saan dumadayo patungo sa ibang bansa ang mga manggagawa nito.
e. Refugees Migration - ang refugee migration ay ang malakihang paglipat ng mga
refugees mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar.
f. Irregular Migrants - Irregular migrants ang tawag sa mga migrante o mga indibidwal
na lumilipat mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar nang hindi dumadaan sa
tamang proseso.
g. Temporary Migrants – ang temporary migrants ay mga taong hindi permanenteng
naninirahan sa isang lugar.
h. Permanent Migrants - Ang permanent migrants ay kapag ang isang tao ay
gumagalaw mula sa isang lugar papunta sa isa pa at walang mga plano na bumalik
sa kanilang orihinal na tahanan.
i. Migration Transition – ang migration transition ay ang paglipat ng mga tao o ng
populasyon sa loob ng bansa ay nakabatay sa kaunlaran o klase ng lipunan na
mayroon ito.

2. Ipaliwanag ang mga perspektibo at pananaw tungkol sa migrasyon.


• Sa aking pananaw, ang Migrasyon ay isang natural na kaganapan. Ito ay
matagal ng nangyayari sa kasaysayan ng mga tao mundo. Kaya’t habang
panahon na magpapatuloy ang migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang panig ng
mundo.

3. Ano ang implikasyon ng perminisasyon ng migrasyon?


• isa sa maaring implikasyon nito sa mga bansang naiwan nila ay ang
pagkakataon na mapaunlad ang ekonomiya ng bansang kaniyang
pinanggalingan. Isa rin itong pagkakataon na mabigyan ng dagdag na lakas,
karapatan at katibayan na may kakayanan ang mga kababaihan upang maabot
ang kanilang mga mithiin at pangarap sa buhay.

4. Ano ang mga isyu kalakip ng migrasyon? Paano ito natutugunan ng pamahalaan at
pamilyang Pilipino?
• Hindi lang mga magagandang bagay ang dulot ng pagmimigrate sa ibang bansa.
Maraming mga isyung kalakip sa kilusang paggawa sa ibang bansa at isa na rito
ang forced labor, human trafficking, at slavery.
5. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang bansa?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
• Oo, lalo na kung kailangan na sa sitwasyon natin o kalagayan na umalis at ito ay
baka dahil sa pagkakaroon ng mababang pasahod na binibigay sa atin dito. Sa
atin na nakadepende sa indibiduwal o may katawan ang pagpapasiya dahil hindi
biro ang pagtatrabaho sa ibang bansa.

You might also like