You are on page 1of 24

NANAISIN MO BA NA

MAGPUNTA AT TUMIRA SA
MGA SUMUSUNOD NA
LUGAR?
Greece
Japan
Prague
London
Paris
PAANO NAMAN SA MGA
LUGAR NA ITO?
Manila
Inayawan
Africa
KUNG IKAW ANG NAKATIRA SA MGA
LARAWAN NA INIHAYAG, NANAISIN
MO BA NA LUMIPAT?
ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG
MIGRASYON?
• Ito ay ang paglilipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan
nang panandalian o pangmatagalan

• Ang ating bansa ay isa sa mga bansa na may pinakamataas na bilang ng panloob at panlabas na
migrante sa buong daigdig
DALAWANG URI NG MIGRASYON

1. Migrasyong Panloob
ay ang paglipat ng isang tao o pamilya galing sa isang bayan,
lalawigan o rehiyon patungo sa ibang bahagi ng bansa.

2. Migrasyong Panlabas
ay ang pagpunta ng isang pamilya sa isang panibagong bansa
upang doon na manirahan.
MGA SALIK NG MIGRASYON

1. Salik na Tumutulak
-ito ay tumutukoy sa mga dahilan na nag-uudyok sa isang tao upang
mapilitang lumipat at humanap ng mas magandang pamumuhay sa ibang pook.

- karaniwang negatibo ang mga salik na tumutulak sa isang tao upang


lumipat ng tirahan : kawalan ng mapapasukang hanapbuhay, kaguluhan o
krimen, at iba pa.
MGA SALIK NG MIGRASYON

II. Salik na Humihila


- Ito ay tumutukoy sa mga dahilan na umaakit sa isang tao upang lumipat ng
pook.

- Karaniwang positibo ang mga salik na humihila: mas mataas na pasahod,


mapayapang pamayanan, mas maraming oportunidad, at iba pa.
IBA PANG MGA DAHILAN
NG MIGRASYON
1. KAHIRAPAN AT KAWALAN O KAKULANGAN NG EMPLEO

- Ayon sa International Organization for Migration noong 2013, ang pangunahing


dahilan ng paglilipat ay ang rural at agricultural na kahirapan. Dahil dito, napipilitan ang mga
magsasaka na iwanan ang kanilang kabuhayan at maghanap ng ibang pagkakakitaan sa ibang
pook.

- Maraming mga Pilipino ang naaakit na mangibang bansa dahil sa kakulangan ng natatamasang
kita sa loob ng bansa.
-Tatlong Pangunahing Rehiyon sa Pilipinas na Tumatanggap ng Pinakamaraming
Pilipinong naglilipat-pook ay:\
1. CALABARZON
2. Gitnang Luzon
3. Kalakhang Maynila

-Ayon sa taya ng Kagawaran ng ugnayang Panlabas (DFA) noong


2015, mayroong 9.1 milyong Pilipino ang naninirahan sa ibang bansa
at kung saan 2.2 milyon ditto ay naghahanap-buhay bilang Overseas
Filipino Workers.
SAMPUNG PANGUNAHING BANSA NA
PINAGLILIPATAN NG MGA PILIPINO:
1. Amerika
2. Saudi Arabia
3. Canada
4. Malaysia
5. United Arab Emirates
6. Qatar
7. Japan
8. China
9. Italy
10. Australia
MGA BANSA NA MAY
PINAKAMALAKING BILANG NG OFW
1. Saudi Arabia
2. United Arab Emirates
3. Singapore
4. Qatar
5. Kuwait
6. Hong Kong
7. Malaysia
8. Oman
9. Bahrain
2. KALAMIDAD

• Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na pinanganganibang


makaranas ng malubhang kalamidad na isa sa mga pangunahing
dahilan kung bakit naglilipat pook ang mga tao.
3. KAGULUHAN O DIGMAAN

• Ang kaguluhan sa iba-ibang bahagi ng bansa ang isa sa


mga nangungunang dahilan ng paglilipat-pook ng libo-
libong mga Pilipino.
ASPEKTO Salik na Salik na
Tumutulak Humihila
1. Pang-ekonomiya Maaaring maglipat-pook kung Kaakit-akit ang mas mataas na kita
walang oportunidad na sa ibang lungsod o ibang bansa kaya
makapaghanapbuhay ang isang tao siya maglilipat-pook
sa kanyang tinitirhang pamayanan

2. Panlipunan Laganap ang krimen sa lungsod na Payapa at tahimik ang lalawigan


tinitirhan ng isang pamilya kaya sila kaya doon lumipat ng tirahan ang
nagpapasiya na lumipat isang pamilya

3. Pangkapaligiran Maaring madalas tamaan ng Maaring nagpasiya ang isang


kalamidad o sakuna ang isang lugar pamilya na lupita dahil sa pangako
na nagiging delikado na ang ng seguridad at kagandahan ng
pamumuhay sa nasabing pook kapaligiran

You might also like