You are on page 1of 10

Detailed Lesson Plan School: Academia de San Miguel Arcangel Grade Level: 9

Teacher: Bb. Trixie Ruvi N. Almine Learning Area: Ekonomiks


Teaching Date: July 15-19, 2019 Quarter: 1

IV. PROCEDURE SESSION 1 SESSION 2 SESSION 3 SESSION 4

A. Explore “Kakapusan”

Nakaranas kana ba kung saan hindi


naging sapat ang iyong baon para
sa mga nais mong bilhin?
Naramdaman mo na ba iyong
pakiramdam na parang hindi sapat
ang meron ka para tugunan lahat
ng iyong ninanais? Kung gayon,
siguradong makakatulong sa iyo
ang susunod na aralin.

Unang Gawain:

Paunang Pagsusulit (Acquire)

Bibigyan lamang ng 10 minuto ang


mga mag-aaral para tugunan ang
maikling pasulit. Ibigay lamang ang
titik ng tamang sagot.

(See attachment below)


(*for portfolio filing*)
Pangalawang Gawain:Video
Presentation (Acquire)

Paparami na ng paparami ang ating


pangkalahatang populasyon, bawat
minuto at segundo na dumaraan
may dumadagdag sa ating
lumolobong populasyon. Sa iyong
palagay, kaya pa bang tugunan ng
ating inang kalikasan ang mga
pangangailangan sa pang-araw
araw ?

https://www.youtube.com/watch?
v=WGcE3ZWBjfo

(How Many People can the Earth


still hold?)

Panggabay na Tanong:
1. Ano ba ang ibig sabihin ng
kakapusan?
2. Paano ba natin masosolusyunan
ang Kakapusan?

B. Firm-Up Pagtatalakay (Acquire)


Powerpoint Presentation ng nasabing
aralin (Kakapusan)

Pangatlong Gawain: Interpretasyon


(Making Meaning)

Gagawin ito bilang isang klase.


Nakasulat sa ibaba ay isang talaan na
nagpapakita ng iba’t-ibang mga
produkto at mga suplay na
kinakailangan upang ito’y malikha.
Ipakita ang grapikal na ilustrasyon
nito. Ang interpretasyon, at ang
mabubuo mo na kongklusyon batay sa
mga nakasulat .

(Production Possibility Frontier)


(Trade-off)

(Please see attachment below)

C. Deepen Pang-apat na Gawain: Open-Ended


Story (Meaning Making)

Lagyan ng maikling katapusan ang


kuwento na nakasulat sa ibaba. Iugnay
ang kuwento sa suliraning panlipunan
na nagaganap sa pagiging limitado ng
ating pinagkukunang-yaman.

“Si Anna ay presidente ng isang


kompanyang lumilikha ng mga
sapatos. Sa mga nagdaang buwan ay
labis na lumakas ang kanilang
produksyon dahil na rin sa
napakaraming order ng sapatos. Sa
buwan ng Agosto, tumawag sa kanila
ang isang shopping mall at ninanais
na mag-order ng 30,000 pares ng
sapatos. Ang kaniyang kompanya ay
may kapasidad lamang na lumikha ng
5,000 pares ng sapatos. Kung
tatanggapin ni Anna ang order na ito,
kinakailangan niyang bumili ng
bagong makinarya sa napakalaking
halaga kung kaya’t kakailanganin din
niyang mangutang para ito ay
matugunan. Maaari rin na siya ay
kumuha ng mas maraming bilang ng
manggagawa ngunit, ang kanyang
iniisip ay kung ano ang kanyang
gagawin sa maraming bilang nila
matapos niyang matugunan ang
nasabing order. Maari rin na
tanggihan niya ang nasabing order.”

Isulat ang iyong sagot sa isang


kalahating papel pahalang. Ipaliwanag
kung bakit ito ang iyong napiling
pagtatapos ng kuwento.

Pamantayan ng Pagmamarka:
Nilalaman ng Kuwento- 10
Paliwanag- 10
Lalim ng Pagtugon 10

Isusumite nila ang kanilang sagot


matapos ang 20 minuto. Pipili ang
guro ng ilan sa kanila na magbabahagi
ng kanilang sagot.

(*for portfolio filing*)

Panglimang Gawain: KAKAPUSAN O


KAKULANGAN

Panuto: Tukuyin kung ang mga


naitalang sitwasyon ay
KAKAPUSAN o KAKULANGAN.
Isulat ang sagot sa isang-kapat na
papel.

(Kakapusan) 1. Pagtaas ng presyo


ng gasolina dahil sa kakaunti na
lang ang pangkalahatang suplay ng
petrolyo sa pandaigdigang
merkado.
(Kakapusan)2. Balak ng isang
magsasaka na doblehin ang
kaniyang taniman ng palay ng hindi
nababawasan ang lupan
tinatamnan ng gulay ngunit walang
ng lupang mapagtamnan.
(Kakulangan) 3. Matapos ang
mala-delubyong bagyo, naubos
ang tindang de-lata at bigas sa
mga Mall.
(Kakapusan)4. Nagtaasan ang mga
presyo ng gulay dahil sa
pagsalanta ng mala-delubyong
bagyo.
(Kakulangan) 5. Dahil sa papalapit
na pasukan, naubusan ng
notebook ang tindahan ni Aling
Luz.
(Kakapusan) 6. Nais ni Nena na
palawakin pa ang kaniyang
produksyon ng Abacca Dress,
ngunit wala ng supply ng hilaw na
sangkap.
(Kakapusan) 7. Pag-angkat ng
bigas mula sa karatig na bansa.
(Kakulungan)8. Dahil sa mala-
delubyong bagyo, nagkaroon ng
mass panic-buying.
(Kakapusan) 9. Upang tugunan
ang problema sa elektrisidad, ay
nagpatupad an pamahalaan ng
rotation brown-out.
(Kakulangan)10. Maraming
malalaking kompanya ng langis
ang nagkokontrol sa presyo ng
langis.

D. Transfer Panglimang Gawain: Pagpapahalaga


(Transfer)
Lahat tayo ay dumadating
sa punto ng ating buhay na
kinakailangan nating mamili. Bawat
desisyong ating pinipili ay siyang
Valuing: tumutulong sa paghubog sa ating
hinaharap. Sa pagbuo natin ng ating
mga desisyon, kinakailangang
isaalang- alang din natin ang magiging
epekto nito sa ibang tao at ang
pangmatagalang epekto na hatid nito
sa ating napapaligiran.

Bawat desisyong ating


gagawin ay nagtataglay ng
napakahalagang epekto sa buhay
natin, sa buhay ng mga taong
nsasapaligid natin. Dahil dito, ikaw ay
naatasang bumuo ng isang
PAMANTAYAN NG PAGDEDESISYON.
Bumuo ng isang rubrik na
magpapakita kung ano ba sa iyong
palagay ang mga bagay na nararapat
na tingnan bago bumuo ng isang
desisyon upang matugunan ang mga
kakapusang nararanasan sa iyong
buhay.

Pamantayan ng Pagmamarka:
Kahulugan at Lalim ng nabuong
pamantayan- 10
Organisasyon- 10
Pagkamakabuluhan -10

Isulat angpamantayan sa isang long


bond paper
(*for portfolio filing*)
V. ASSIGNMENT

VI.REMARKS

VII. REFLECTIONS

Prepared by: Checked and Noted by: Approved by:

MS. TRIXIE RUVI N. ALMINE MME. SARAHVIN O. ASINGUA FR. DINDO C. YOSORES, D.M.
Subject Teacher Academic Moderator School Principal
Pagdami ng lakas paggawa
Bilang ng Kinakailangang toneladang Bilang ng nalilikhang toneladang Karagdagang Impormasyon:
Mais para sa mga mamamayang Palay para sa mga mamamayang
Pilipino Pilipino -Gamitin ang bilang ng toneladang mais bilang X axis

-Gamitin ang bilang ng toneladang palay bilang Y axis

-Ipalagay natin na ang isang bansa ay gumagawa lamang ng dalawang produkto, Mais
A 15 0 at Palay. Ag lahat ng produktibong yaman, lupa, lakas, tao, kapital, at entrepreneur ay
lubusang ginagamit upang malikha ang dalawang produkto. Nakasulat sa talahanayan
B 14 1 ang posibleng dami ng produktong malikha gamit ang mga nasabing materyales o
suplay.

C 12 3 -Buuin ang grapikal na ilustrasyon ng nasabing talahanayan at ating iintindihin ang


epekto nito at paano nito maipapaliwanag ang suliraning panlipunan na kakapusan.
D 9 5

E 0 6

You might also like