You are on page 1of 4

TIGHT TIMES(PANAHON NG TAGGIPIT)

Sinulat ni Jeanette C. Patindol at Iginuhit ni Sergio T. Bumatay III


 
I. LAYUNIN (OBJECTIVES)
A. Kaalaman(Cognitive)
a.    Makilala ang iba't ibang ugali/karakter sa kwento.
b.    Matukoy ang iba't ibang pampalipas-oras ng mga karakter.
c.    Matutunan ang katumbas na salita sa Inggles ng ilang piling salita.
d.    Madagdagan ang kaalaman sa klima.
e.    Madagdagan ang kaalamanan sa Matematika.
B.         Pandamdam(Affective)
a.    Matutunan ang pagpapahalaga sa kapwa.
b.    Malaman ang kahalagahan ng pag-ipon sa panahon ng  kagipitan.
c.   Magkaroon ng pagpapahalaga sa pagtutulungan.
d.   Matutunan ang pagiging kuntento.
  e.    Matutunan maging masaya kahit hindi gumagastos ng pera.
 
II. MGA KAKAILANGANIN(MATERIALS)
A. Bago Magbasa (Pre-Reading Activity)
1. Laro
Isang kahon na may mga maliliit na papel na nakabilog. Sa loob ng
mga papel nakasulat ang mga salitang kailangan pahulaan ng taya.
2. Pag-aalis ng balakid
Mga index cards kung saan nakasulat ang mga piling salita sa Inggles.
Sa harap ng index card, nakasulat ang isang salita sa Inggles at sa likod
naman nakasulat ang tagalog ng salitang iyon.
B.         Pagbabasa (Reading)
Libro: Tight Times
  C.         Matapos Magbasa (Post-Reading)
1. Pagpapalawig
Isang manila paper kung saan nakasulat ang mga dapat bilihin.
Bibigyan din ang bawat bata ng papel at lapis para sa pagkwenta ng
mga bibilihin. 
III.        PAMAMARAAN(PROCEDURES)
A. Bago Magbasa (Pre-Reading Activity)
1. Pampasigla(5 min)
Laro: Charades
Magpapaunahan ang mga bata sa paghula ng salitang pinahuhulaan ng
taya sa harap. Lahat ng bata ay dapat maging taya. Bawat tamang hula
ng bata ay may premyo.
2. Paghahanda sa leksyon (1 min)
Pagpapaalala sa mga mahalagang patakaran gaya ng pakikinig,
pakikilahok, at iba pa.
3. Pag-aalis ng balakid (3 mins)
Maipaliwanag ang mga hindi pamilyar na salita sa pagbibigay ng
halimbawa:
a)           Tight – taggipit
b)           Heaping – nag-uumapaw
c)           Strange – nakapagtataka
d)           Kneads – minamasahe
e)           Twirled – pinaikot-ikot
f)            Better-paying – mas maayos ang kita
4. Pagganyak sa pagbabasa
Engganyuhin makinig sa pagbibigay ng maikling introduksyon sa
istorya at ihanda sila sa mga katanungan.
Sa iyong palagay, ano-ano kaya ang ginawa ng karakter sa istorya
noong panahon ng taggipit?
  B. Pagbabasa (Reading)
Siguraduhin lahat ng bata ay nakikinig sa nagbabasa. Siguraduhin din
na kita ng mga bata ang mga larawan sa kwento.
C.         Matapos Magbasa (Post-Reading)
1.  Talakayan (5 min)
a) Ilang itlog ang kinakain dati ng karakter para sa umagahan?
b) Ilang kutsara ng pulbos ng tsokolate ang kanyang itinitimpla?
c) Magbigay ng mga bagay na ginagawa ni Papang nang mawalan ito
ng trabaho.
d) Ano ang ginagawa ng mag-ama pagdating ni Mamang?
e) Ano ang kanilang ginagawa tuwing Sabado at Linggo?
f) Ano ang kanilang surpresa kay Mamang sa kanyang kaarawan?
g) Si Tiya Garcia ay kanilang kapitbahay na nagpakompone ng mga
kandado kay Papang para sa kaniyang tindahan, ano-ano ang kanyang
ibinigay sa pamilya bilang pasasalamat?
2.  Pagpapalawig(15 min)
Kung ikaw ay bibigyan ng isandaan libong piso, ano ang iyong
bibilihin para sa iyong pamilya? Pumili sa dalawang letra, A o B.
Siguraduhin sapat ang iyong pera sa pamamagitan ng pagkwenta kung
magkano ang iyong bibilihin.
        A                                        B
Bigas(10 kilo) Php 360 Bigas(25 kilo) Php 800
12 na itlog Php 60 10 na itlog Php 50
Tsokolate(maliit) Php 100 Tsokolate(malaki Php 200
)
Damit para kay Php 350 Duster para kay Php 200
Mamang Mamang
Pagkain Php 120 Pagkain Php 100
Total:   Total:  

3.  Pagpapayaman(10 min)


a.      Bakit kaya “Tight Times” ang pamagat ng kwento?
b.      Tukuyin kung ano ang naging problema sa istorya.
c.       Tuwing tag-ulan ay panahon ng taggipit, ano-ano ang ginagawa
ng pamilya upang makaraos?
d.      Ano ang iyong natutunan sa istorya?

IV.        PAGTATASA
Unang Bahagi. Isulat ang mga naging kontribusyon ng bawat miyembro ng
pamilya noong panahon ng taggipit.
Papang  
Mamang  
Anak  
 
Ikalawang Bahagi. Isulat sa dalawang kahon ang mga pangyayari sa kwento
noon at ngayon. Tignan ang halimbawa.
NOON NGAYON
Hal. 3 kutsara ng tsokolate 1 kutsara ng tsokolate
 
V. KARAGDAGANG GAWAIN
  Maikling Dula(10 min)
Gumawa ng maikling dula tungkol sa panahon ng taggipit. Kailangan
maipakita sa dula ang mga paraan o mga gawain na dapat gawin tuwing panahon ng
taggipit.
           

You might also like