You are on page 1of 8

Detailed Lesson Plan School: Academia de San Miguel Arcangel Grade Level: 9

Teacher: Bb. Trixie Ruvi N. Almine Learning Area: Ekonomiks


Teaching Date: July 22-26, 2019 Quarter: 1

IV. PROCEDURE SESSION 1 SESSION 2 SESSION 3 SESSION 4

A. Explore Pre-assessment

Tukuyin kung ang sumusunod na


mga kagamitan at serbisyo ay
pangangailangan o kagustuhan

P 1. Damit
P 2. Pagkain
K 3. Laruang Tablet
K 4. Tsokolate
P 5. Tubig
P 6. Seguridad
P 7. Medikong Serbisyo
P 8. Pag-aaral
K 9. Laruang Manika
K 10.Swimming Pool

Pamprosesong tanong:

Paano naiiba ang mga produkto?


Paano mo ba masasabi na
pangangailangan ang isang bagay?
Paano mob a masasabi na
pangangailangan ang isang bagay?
Magkaiba ba talaga sila o pareha
lang naman?

B. Firm-Up -PPT Presentation para sa Maglaro Tayo!


Kahulugan ng Pangangailangan
-PPT Presentation para sa Bubuo tayo ng isang malaking bilog
Kahuluhan ng Kagustuhan kung saan lahat ng mag-aaral ay
-PPT Presentation para sa Heirarchy kabahagi ng bilog. Magpapasa-pasa
ng Pangangailangan ayon kay tayo ng isang bola, kapag sinabi ng
Maslow guro ang salitang STOP kung sino ang
may hawak sa bola, siya ang sasagot
sa tanong patngkol sa ating mga
natalakay.

C. Deepen Mga Pangangailangan Paint Me a Picture


Kinakailangang Kagamitan:
-Magazines, libro, at iba pa Hahatiin ang klase sa anim na pangkat
-1 long bond paper bawat isang pangkat ay pipili ng
-Glue serbisyo o produkto. Ipapakita nila
-Gunting kung paano ito nagiging isang
-Art Materials pangangailangan o kagustuhan at ang
maaring naging salik na naging dahilan
Bumuo ng sariling pamantayan sa ng pagkakaibang ito.
pagpili ng iyong pangangailangan
batay sa herarkiya ng Pangangailangan Pamantayan ng Pagmamarka:
ni Maslow. Gumamit ng mga ginupit Naipapakita ang Pagkakaiba ng
na larawan (no printed outputs) Sa kagustuhan at pangangailangan – 15
likod ng bond paper, isulat ang Naipapaliwanag ang mga salik na
maikling paliwanag para sa bawat nakakaapekto -15
baiting.

Pamantayan ng Pagmamarka:
Nilalaman(Angkop ba ang mga
larawan sa bawat antas) -15
Pagkamalikhain -10
Paliwanag -15
D. Transfer Unang Mahabang Pasulit
(refer to attachment below)
Valuing: Exit Pass

Mahalagang maintindihan natin na


ang ating mga pinagkukunang -yaman
ay limitado at may hangganan, kaya
mahalagang maintindihan natin ang
konsepto ng pagiging KONTENTO.
Bumuo ng isang hakbangin na
magagawa mo araw-araw upang
makatulong sa pangangalaga sa ating
pinagkukunang-yaman.
V. ASSIGNMENT

VI.REMARKS
VII. REFLECTIONS

Prepared by: Checked and Noted by: Approved by:

MS. TRIXIE RUVI N. ALMINE MME. SARAHVIN O. ASINGUA FR. DINDO C. YOSORES, D.M.
Subject Teacher Academic Moderator School Principal

Saint Michael School


Archdiocese of Cebu
Argao, Cebu
50
PAUNANG PASULIT SA EKONOMIKS

Pangalan:_____________________________________________Taon&Seksyon:____________ Petsa:_______________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at ibigay ang pinakaakmang sagot. Mahigpit na ipinag-iiwas ang pagbubura.

I. MULTIPLE CHOICE. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin lamang ang titik ng pinakaakmang sagot at isulat sa patlang (x2):
a. Ang unang pangungusap ay tama pero ang pangalawa at pangatlong pangungusap ay mali.
b. Ang una at pangalawang pangungusap ay tama pero ang pangatlo ay mali.
c. Ang una at ikatlong pangungusap ang tama pero ang ikalawa ay mali.
d. Lahat ng pangungusap ay tama.
e. Ang unang pangungusap ay mali pero ang pangalawa at pangatlong pangungusap ay tama.
f. Ang una at pangalawang pangungusap ay mali pero ang pangatlo ay tama.
g. Ang una at ikatlong pangungusap ay mali pero ang ikatlo ay tama.
h. Lahat ng pagungusap ay mali.

_______1. A. Ang pagsusuri sa suliranin ang pinakamahalagang bahagi ng metodong siyentipiko.


B. Tama sa lahat ng panahon ang nabuong hypothesis
C. Maaaring hindi mo na sundi ang lahat ng hakbang sa metodong siyentipiko
_______2. A. Ang Ekonomiks ay tumutukoy sa pamamahala sa pangangailangan ng tao at pangangasiwa sa pinagkukunang-yaman.
B. Ang mamimili lamang ang pokus sa ekonomiya.
C. Tinuturuan tayo ng tamang pagdedesisyon ng Ekonomiks.
_______3. A. Ang sterile ang bahagi ng lipunan na nakakakuha ng product net.
B. Ang productive lamang ang bahagi ng lipunan na nakakakuha ng product net.
C. An proprietor lamang ang nakikinabang sa yaman ng lipunan.
_______4. A. Nakakatulong ang mga ekonomista sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapayo at pagpapatupad ng mga batas pangkabuhayan sa bansa.
B. Nakakatulong ang mga ekonomista sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng panghuhuli sa mga taong lumalabag sa patakarang pangkabuhayan sa bansa.
C. Nakakatulong ang mga ekonomista sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtakbo sa posisyon sa pamahalaan upang makontrol ang ekonomiya.
_______5. A. Para sa mga physiocrats, tanging ang mga may-ari ng lupa ang nakikinabang sa gawaing lupain.
B. Para sa mga physiocrats, tanging ang mga magsasaka ang nakikinabang sa mga lupain.
C. Para sa mga physiocrats, hindi nakikinabang ang mga mangangalakal sa lupain.
_______6. A. Ang Ekonomiks ay isang agham
B. Ang Ekonomiks ay may ugnayan sa Matematika
C. Ang Ekonomiks ay itinatalakay rin ang mga konsepto sa Kasaysayan
_______7. A. Bawat tao ay may obligasyong magbayad ng buwis
B. Kabahagi ang pagbabayad ng buwis sa suliranin sa isyung pang-ekonomiya
C. Kabahagi ang pagbabayad ng buwus sa solusyon sa isyung pang-ekonomiya
_______8. A. Ang Ekonomiks ay mahalaga lamang para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
B. Ang Ekonomiks ay mahalaga lamang para sa pagkamit ng Pambansang kaunlaran
C. Ang Ekonomiks ay mahalaga lamang para sa pamahalaan
_______9. A. France Quesnaze ang nagpasimula ng mga pangunahing kaisipan sa Ekonomiks
B. Si Arnold Smith ang nagpahayag ng konsepto ng marginal thinking
C. Matatagpuan ang mahahalagang konsepto ng mga physiocrats sa librong Tableau Economique
_______10. A. Sa unang proseso ng pagsusuri sa isyung pang-ekonomiya sinasagot ang tanong na “bakit?”
B. Sa unang proseso ng pagsusuri sa isyung pang-ekonomiya sinasagot ang tanong na “ano?”
C. Sa unang proseso ng pagsusuri sa isyung pang-ekonomiya sinasagot ang tanong na “paano?”

II. Isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat bilang.


____________________________1. Ito ay isang teorya sa Ekonomiks na may paniniwala na matatamo ang kaunlaran kung pauunlarin ang industriya ng agrikultura at pangangasiwa sa lupa.
____________________________2. Ito ay ang ang polisiyang naniniwala sa malayang daloy n ekonomiya at malayo sa pakikialam ng pamahalaan.
____________________________3. Ito ay isang teorya sa Ekonomiks na naniniwala na ang isang malayang sistema ng pamilihan na hindi pinakikialaman ng pamahalaan ay mapapaunlad sa
ekonomiya.
____________________________4. Ito ay ang sangay sa Ekonomiks na nakatuon sa pagsusuri sa pangkalahatang operasyon ng Ekonomiya at interaksyon ng mga pangunahing pangkat sa
lipunan.
____________________________5. Isa ito sa paraan upang masuri at matugunan ang mga isyung pang-ekonomiya sa paraang siyetipiko at lohikal.
____________________________6. Ito ay ang sektor na pinaniniwalaan ng ma physiocrat na siyang susi sa pag-unlad ng ekonomiya.
____________________________7. Siya ang kinikilalang pangunahing tauhin na nagsulong sa paaralang naniniwala sa pag-unlad gamit ang pagpapaunlad sa kalikasan at kalupaan.
____________________________8. Isang sangay sa Ekonomiks na nagsusuri sa ugali ng indibidwal na negosyo at sambahayan tungkol sa kanilang produksyon at pagkonsumo.
____________________________9. Ang ekonomistang nagsulong sa kaisipan ng malayang sistema ng pamilihan.
____________________________10. Ito ay ang pamamaraan ng pagigin bihasa sa iisang uri ng larangan.
____________________________11. Ito ay ang tinaguriang mga pundasyon ng Ekonomiks.
____________________________12. Ang salitang griyego na nangangahulugang “management of household”.
____________________________13. Ang salitang griyego na nangangahulugang sambahayan.
____________________________14. Ang salitang griyegpo na nangangahulugang patakaran.
____________________________15. Ang kaisipang nagsusulong na napapalawak ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa tungkulin n kita sa araw-araw na pangangailangan ng
tao at tamang pagbabahagi ng kita.

III. Enumerasyon. Ibigay ang hinihingi sa bawat tanong.

A. Magbigay ng limang kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay


1.
2.
3.
4.
5.
B. Ibigay ang anim na hakbang sa pagsusuri sa isyung pang-ekonomiya
1.
2.
3.
4.
5.
6.

C. Ibigay ang tatlong pangunahing uri ng lipunan ayon sa libron Tableau Economique
1.
2.
3.

D. Magbigay ng isang pangunahing kaisipan sa Ekonomiks


1.

IV. Sa hindi hihigit sa tatlong pangungusap, ipaliwanag kung paano nagiging espesyalisado ang isang manggagawa ayon kay Adam Smith. (Nilalaman-3, Organisasyon-2)

You might also like