You are on page 1of 5

Banghay sa Araling Panlipunan 10

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, 80% ng mga mag- aaral ay inaasahang makatatamo ng
80% na tagumpay sa sumusunod;
a. Nakabubuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan;
b. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mapamahalaan ang kakapusan at;
c. Naipamamalas ang pagiging responsible sa lahat ng oras.

MATALINONG PAGDESISYON AT RESPONSABLENG MAMAMAYAN


II. Paksang Aralin
a. Paksa: Kakapusan
b. Batayang Aklat: Kontemporaryong Isyu ( Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral);
Bernanrd R. Balitao,
c. Mga Kagamitan: larawan, chart, IRF chart
d. Metodo/ Istratehiya: 4 A’s Approach, Jigsaw Strategy
III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
- Magandang umaga mga mag-aaral!
- Magandang umaga
- Magandang umaga kamag-aral!

c. Pagtatala ng Lumiban sa klase


- Lahat ba ay narito ngayon? - Opo.

d. Pagbibigay ng Pamantayan sa klase Ang mga pamantayang dapat sundin ay:


- Anu- ano ang mga pamantayang dapat - Makinig sa guro habang siya ay
sundin sa loob ng silid-aralin? nagsasalita
- Itaas ang kanang kamay kung nais
magtanong at sumagot sa mga
katanungan
- Makipagtulungan sa mga gawain
- Maupo ng maayos
- Itago ang mga bagay na di-angkop sa
aralin

- Maaasahan ko ba na masusunod ang mga - Opo


pamantayang iyan?

e. Pagpasa at Pagwasto ng Takdang Aralin

f. Pagbabalik Aral
 Ano ang Ekonomiks? - Ang Ekonomiks ay isang sangay ng
agham panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
 Ano ang “Rational think at the Margin”? - Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng
isang indibidwal ang karagdagang
halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.

 Bakit mahalaga ang pag-aaral ng - Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks


Ekonomiks? sapagkat nakatutulong ito sa mabuting
pamamahala at pagbuo ng matalinong
g. Pagganyak desisyon.

Panuto: Bawat bilang ay may katapat na


dalawang letra. Sa bawat patlang ay may
bilang sa ibaba. Punan ito ng angkop na letra
para mabuo ang salitang inilalarawan dito.

A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 1 12 13
1
N O P Q R S T U V W X Y Z

Ito ay tumutukoy sa hindi kasapatan ng


pinagkukunang upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan ng tao

K K P S N
11 1 11 1 3 8 6 1 1
Ito ang naganap kung may pansamantalang
pagkukulang sa supply ng isang produkto.

K U L N A
11 1 11 8 12 1 1 7 1 1

Anu- ano ang mga salitang nabuo? - Ang mga salitang nabuo ay kakapusan
at kakulangan.
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
( Video Clip )
- Panoorin nang mabuti ang video clip.
- Batay sa inyong napanood, ano ang inyong - Ang pinapahiwatig sa naturang video ay
sariling interpretasyon sa video? tungkol sa mga taong naghihirap sa
kanilang pamumuhay, mga nagtapos na
mag-aaral na walang mahanapan na
trabaho ,lantarang kahirapan,
kakulangan at kakapusan ng ating
pinagkukunang yaman.

2. Gawain ( Jigsaw Strategy )


Panuto:
- Bumuo ng tatlong pangkat.
- Magkaroon ng makabuluhang talakayan tungkol
sa paksang nakatalaga sa isang pangkat.
- Gamitin ang mga tanong bilang gabay.
- Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
- Maghanda para sa pag- uulat.

Batayang Panukat:
Kawastuhan ng nilalaman 10
Pag-uulat 10
Kooperasyon 5
Natapos sa takdang oras 5
30
UNANG PANGKAT
MGA PALATANDAAN NG KAKAPUSAN
Mga Gabay na tanong
 Anu- ano ang mga palatandaan ng
kakapusan?
 Bakit nagkaroon ng kakapusan?
 Paano malulunasan ang kakapusan sa pang
araw araw na pamumuhay?

IKALAWANG PANGKAT
KAKAPUSAN BILANG SULIRANING
PANLIPUNAN
Mga gabay na tanong:
 Bakit itinuturing na isang suliraning
panlipunan ang kakapusan?
 Paano mapapatunayan na ang kakapusan ay
isang suluraning panlipunan?
 Ano ang posibleng epekto ng kakapusan sa
ekonomiya, pamahalaan at mamamayan

IKATLONG PANGKAT
MGA PARAAN UPANG MAPAMAHALAAN
ANG KAKAPUSAN
Mga gabay na tanong:
 Bilang isang responsableng mamamayan
paano ka makakatulong upang maiwasan
ang suliranin sa kakapusan?
 Anu- anong paraan ang dapat gawin ng
pamahalaan para maibsan ang suliranin sa
kakapusan?
3. Pagtatalakay
 Pag-uulat
 Pagpapaliwang ng guro
4. Pagsusuri
 Kung sakaling hindi malulunasan ang - Kung sakaling hindi malulunasan ang
kakapusan, ano ang magiging epekto nito sa kakapusan ito ay makakaepekto ng
ekonomiya? malaki sa ating ekonomiya
magkakaroon ng limitadong suplay na
magbunga ng pagtaas ng presyo ng
bilihin.
- Makikita na ang kahirapan ang bunga
 Paano mo mapapatunayan na ang bunga ng ng kakapusan sa pamamagitan ng
kahirapan ay ang kakapusan? bilang ng mga taong nagugutom dahil
sa limitadong supply at mga mahal na
mga bilihin.

- Masasabing ang kakapusan ay


 Bakit pangunahing suliranin ang kakapusan? suliraning panlipunan dahil maaari itong
magdulot ng sigalot at kahirapan sa
mamamayan.

5. Paghahalaw - Maiibsan ang suliranin sa kakapusan sa


 Paano maibsan ang suliranin sa kakapusan? pamamagitan ng pagkakaroon ng
matalinong desisyon sa paggamit ng
pinagkukunang yaman at maging
responsableng mamamayan.

 Ano ang iyong maimumungkahi sa - Bilang isang responsableng


pamahalaan para masolusyunan ang suliranin mamamayan imumungkahi ko sa
sa kakapusan? pamahalaan na mgakaroon ng mga
programa na magpoprotekta sa mga
likas na yaman. Imumungkahi ko din na
magkaroon ang pamahalaan ng mga
symposium at seminar tungkol sa
isyong ito.

6. Pagpapahalagang Moral
 Bilang isang mamamayan paano ka - Bilang isang mamamayan ako ay
makakatulong sa pag solusyon sa makakatulong sa pag solusyon sa
problemang kakapusan? problema sa kakapusan sa
pamamagitan ng pagiging isang
responsableng tao.

 Paano mo pangangalagaan ang - Mapapangalagaan ko ang


pinagkukunang yaman? pinagkukunang yaman sa pamamagitan
ng tamang paggamit at pag iwas sa
pagkasira nito.

 Sa pag-aaral ng kakapusan bilang suliraning


panlipunan, kailangan ba ang matalinong - Opo, kailangan dahil ito ang huhubog sa
pagdesisyon? Bakit? atin sa pagdedesisyon ng mabuti para
sa buhay sa hinaharap.

 Anong sitwasyon sa buhay na kailangan natin - Ang paggamit ng ating mga


maging responsible? pangunahing pangangailangan ay isang
bagay na kailangan nating maging
responsible.

C. Pangwakas na Gawain
Paglalapat
( Pagsasadula )
Panuto: -
 Sa parehas na grupo
 Maghanda para sa gagawing
tahas
 Gamitin ang batayang panukat
bilang gabay.

Puntos Deskripsyon
5 Lubhang malinaw at nauunawaan ang
pagsasadula.
4 Malinaw at nauunawaan ang
pagsasadula.
3 Hindi gaanong malinaw at nauunawaan
pagsasadula
2 Malabo at hindi maunawaan ang
pagsasadula.
1 Walang isinagawang pagsasadula.
Gawain I
- Magsadula tungkol sa epekto ng kakapusan sa
mamamayan.
Gawain II
- Magpakita ng dula na ngabibigay mungkahi
para masulusyunan ang suliranin sa
kakapusan.
Gawain III
- Magtanghal ng isang dula na nagsasaad na ng
kakapusan ang pangunahing suliraning
panlipunan.

Panuto: Basahin ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit nagkakaroon ng kakapusan?
A. Dahil nagkakaroon ng matalino at responsableng pagdesisyon.
B. Dahil sa hindi kasapatan na pinagkukunang yaman ng tao at upang matugunan ang
pangangailangan nito.
C. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na puminsala sa mga pinagkukunang
yaman
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.

2. Alin sa mga sumusunod na konklusyon ang magpapatunay na ang kakapusan ay pangunahing


suliraning panlipunan?
A. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negisyante.
B. Pag-init ng klima.
C. Maari itong magdulot ng kaguluhan at kahirapan sa mga tao.
D. Maaari itong magdudulot ng paglago ng ekonomiya.

3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi maibsan ang kakapusan?
A. Maaaring tumaas ang kita ng mga negosyante.
B. Maaari itong magdulot ng pagkasira sa kalikasan.
C. Maaari itong magdulot ng kagutuman sa mga mamamayan.
D. Magbibigay ito ng trabaho sa mga tao.

4. Kung sakaling lumala ang problema sa kakapusan, ano kaya ang epekto nito sa lipunan?
A. Magbukas ito ng opurtunidad sa ibang negosyante.
B. Magkaroon ng suliraning sa kahirapan at kapayapaan
C. Magbibigay ito ng magandang epekto sa lipunan dahil nagtataasan ang mga presyo.
D. Makakabayad ng malaking buwis ang mga malalaking negosyante

5. Bakit nagkakaroon ng pansamantalang kakulangan sa suplay ng isang produkto?


A. Dahil sa kulang ang manggagawa
B. Dahil sa mahal na presyo.
C. Dahil sa dami ng tao ang nangangailangan nito
D. Dahil sa mabagal ang produksyon.

Prepared by:

LOREBETH D. MONTILLA
Teacher 1

You might also like