You are on page 1of 7

Grade 9 Daily Paaralan Magpet National High School Baitang/ IX-Amber

Lesson Plan Antas IX-Amethyst


(Pang-araw- Guro Jhon Leo Eliazal Doroon Asignatura Araling Panlipunan
araw na Tala sa Petsa/ Marso 18, 2024 / Lunes Markahan Ikatlong Markahan
Pagtuturo) Oras (7:30-9:30) (2:00-4:00)

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga
Pangnilalaman: pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi
sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong
Pagganap: ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
C. Mga kasanayan Nasusuri ang konsepto, uri at kahalagahan ng patakarang pananalapi.
sa Pagkatuto
(isulat ang code
ng bawat
kasanayan)
a. Nasusuri ang kosepto ng patakarang pananalapi.
b. Nakakagawa ng maikling pag-uulat patungkol sa kapakinabangan ng salapi.
c. Napapahalagahan ang konsepto ng patakarang piskal tungo sa maayos na
ekonomiya.
II. Nilalaman Patakarang Pananalapi
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay Pag-unlad: 9 Ekonomiks (Manwal ng Guro). Pp.124-127
ng Guro
2. Mga pahina sa Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba 9. Pp. 339-351
kagamitang pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa
Textbook
4. Karagdagang MELCs
kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang kagamitang Laptop, Tebebisyon
Panturo
IV. Pamamaraa (Panimulang gawain: Panalangin, Pamukaw-sigla, Pagbati, Pagtala ng mga
n lumiban sa klase, Panuntunan sa Klase)
A. Balik-aral sa 1. Ano ang patakarang Piskal?
nakaraang aralin at/o -ITO AY TUMUTUKOY SA BEHAVIOR NG PAMAHALAAN
pagsisimula ng bagong PATUNGKOL SA PAGGASTA AT PAGBUBUWIS.
aralin 2. Saan nagmumula ang pinakamalaking kita ng pamahalaan?
 BUWIS
3. Ano-ano ang ibat-ibang uri ng buwis?
 AYON SA LAYUNIN
1. PARA KUMITA
2. PARA MAGREGULARISA
3. PARA MAGSILBING PROTEKSIYON
 AYON SA KUNG SINO ANG APEKTADO
1. TUWIRAN
2. HINDI TUWIRAN
 AYON SA PORSIYENTONG PINAPATAW
1. PROPORSIYONAL
2. PROGRESIBO
3. REGRESIBO
B. Paghahabi sa layunin GAWAIN 1: KOMPLETUHIN MO AKO!
ng aralin Panuto: Buuin ang mga salitang hinihingi sa bawat bilang.

1. Ito ay ang perang papel o barya na ginagamit bilang pamalit sa produkto


o serbisyo.
S ___ L ___ ___ I

2. Ito ang perang lumalabas sa ekonomiya o sa daloy ng pera sa ekonomiya.

P ___ M ___ ___ ___ H U ___ ____ N


3. Ito ay institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon
at pamahalaan bilang deposito.

B __ N G __ O
C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2: ALAMIN NATIN!
halimbawa sa bagong Panuto: Suriin ang pinapakita ng bidyo at tukuyin kung ano ang
aralin pinahihiwatig nito.

D. Pagtatalakay ng GAWAIN 3: ISADULA MO!


bagong konsepto at Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay kailangang
paglalahad ng bagong gumawa ng maikling dula tungkol sa kapakinabangan ng salapi o pera sa
kasanayan #1 buhay ng tao. Pagkatapos, kailangang itanghal sa klase ang maikling dula.
Bibigyan lamang ng 10-minuto sa paggawa at pag-ensayo ng dula.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain


Mga Batayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos
Kaangkupan Buong husay at May isang sagot Kalahati o halos
angkop ang sagot na hindi angkop lahat ng sagot
sa hinihingi ayon ayon sa ay hindi angkop
sa gawain. hinihingi. ayon sa
hinihingi.
Presentasyon Buong husay na Naipaliwang at Di-gaanong
naipaliwanag at naiulat ang naipaliwanag
naiulat ang gawain sa klase. ang gawain sa
Gawain sa klase. klase.
Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas Naipapamalas
lahat ng miyembro ng halos lahat ng iilang
ang pagkakaisa sa ng miyembro miyembro ng
paggawa ng ang pagkakaisa pangkat ang
gawain. sa paggawa ng pagkakaisa sa
gawain. paggawa ng
gawain.
Takdang oras Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
gawain ng buong gawain ngunit ang gawain.
husay sa loob ng lampas sa oras.
itinakdang oras.
Kabuuan 20 puntos
E. Pagtatalakay ng Patakarang Pananalapi
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong Ano ang salapi?
kasanayan #2 -ay perang papel o barya na ginagamit bilang pamalit sa produkto o
serbisyo.
Halimbawa:
Nais mong kumain ng tinapay, nangangailangan ka ng salapi upang
mabili ito. Sa gayon ang pera ang naggiging instrumento sa pagbili ng
produkto.

Ang pera o salapi ay may gamit bilang mga sumusunod:


1. Medium of Change
-instrumento na tanggap ng nagbibili at mga mamimili bilang kapalit
ng produkto o serbisyo.
2. Unit of Account
-bilang panukat sa presyo ng isang produkto.
3. Store Value
-may kakayahang maitabi at hindi gamitin sa kasalukuyang panahon at
gamitin sa susunod na panahon. Hindi nawawala ang halaga.

Ano ang Sistemang Pananalapi?


-isang sistemang pinaiiral nmg BSP upang makontrol ang supply ng salapi
sa sirkulasyon. Kaugnay nito ang BSP ay maaaring magpatupad ng
expansionary money policy at contractionary money policy.

Ano ang pag-iimpok at pamumuhunan?


 Pamumuhunan
-ang perang bumabalik sa sirkulasyon at paikot na daloy ng ekonomiya.
 Pag-iimpok
-ang perang lumalabas sa ekonomiya o sa daloy ng pera sa ekonomiya.

Ano ang mga bumubuo sa sektor ng pananalapi?


1. MGA INSTITUSYONG BANGKO
- ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao,
korporasyon at pamahalaan nilang deposito. Sa pamamagitan ng interes o
tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay lumalago. Sa
kabilang dako naman, ang depositong nalikom ay pinapautang sa mga
nangangailangan na may kakayahang magbayad nito sa takdang panahon.
Kabilang na dito ang mga negosyanteng nangangailangan ng puhunan
upang mapalago ang negosyo.

URI NG MGA INSTITUSYONG BANGKO:


 Commercial Banks
-ito ang malalaking bangko.
-pinapayagang magbukas ng mga sangay saan man sa kapuluan lalo na sa
mga lugar na wala pang bangko.
-sila ay may kakayahang makapagpahiram ng malaking halaga ng puhunan
sa mga mangangalakal o malalaking negosyante.
-sila rin ay nagpapahiram sa mga indibidwal para sa kanilang iba pang
pangangailangan katulad na lamang ng pabahay, pakotse, at iba pa.
-ang commercial banks din ay mamaring tumanggap o magbigay ng letter
of credit.
-letter of credit ay isang dokumentong iniisyu ng bangko na
nagpapahintulot sa may ari na tanggapin ang salapi na mula sa kanilang
bangko galing sa ibang bansa.
 Thrift Banks
-kung saan ito ay kalimitang nakapokus lamang sa mga malilit na
negosyante.
-ang kanilang tinatangagap na deposito o puhunan ay pinapautang nila sa
mga maliliit na negosyante bilang pantustos sa kanilang mga negosyo.
 Rural Banks
-ito ay mga bangko na natatagpuan sa mga lalawigan malayo sa kalakhang
maynila.
-ito ay tumutulong sa mga magsasaka, maliliit na mga negosyante at iba
pang mga mamamayan sa kanayunan upang magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
 Specialized Government Banks
-mga bangko na pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga
tiyak na layunin ng pamahalaan.
A. Land Bank of the Philippines
-itinatag sa pamamagitan ng Republic Act 38844
-layunin nitong magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan
-tinutulungan din nito ang iba pang negosyante sa kanilang
pangangailangan sa puhunan.
B. Development Bank of the Philippines
-itinatag noong 1946 upang matugunan ang pangangailangan ng bansa na
makatayo mula sa mapanirang ikalawang digmaang pandaigdig.
-ang pangunahing layunin ng DBP ay ang tustusan ang mga proyektong
pangkaularan lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya
-malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ang nakadeposito sa bangkong
ito.
C. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
-itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848.
-layunin nitong tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng
puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
2. MGA INSTITUSYONG DI-BANGKO
 Ito ay maituturing paring nasa ilalim ng institusyong pananalapi
sapagkat tumatanggap rin sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi,
pinapalago at muling binabalik sa mga kasapi nito pagdating ng
panahon upang itoy mapakinabangan.
URI NG MGA INSTITUSYONG DI-BANGKO
 Kooperatiba
-ito ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang
panlipunan o pangkabuhayang layunin.
-ito ay inirerehistro muna bago maging isang ganap na kooperatiba sa
Cooperative Development Authority.
-ang mga kasapi ng kooperatiba ang nag-aambag ng puhunan, at
nakikibahagi sa tubo, pananagutan at iba pang benepisyo mula sa kita ng
kooperatiba.
-ito ay naiiba sa bangko sapagkat ito ay kontrolado ng lamang ng kasapi
nito at ang mga patakaran mayroon ito ay pinagkasunduan ng mga kasapi
nito.
-ang mga pautang at iba pang serbisyong ginagawa ng kooperatiba ay para
lamang sa mga kasapi nito.
 Pawnshop o Bahay-Sanglaan
-ito ay nagpapautang sa mga taong madalas ngangailangan ng pera at
walang paraan upang makalapit sa bangko.
-ang mga indibidwal na ito ay maaaring makipagpaitan ng mga
mahahalagang ari-arian tulad ng alahas at kasangkapan at ito ay tinatawag
na kolateral kapalit ng salaping katumbas ng isinangla, kasama na ang
interes.
-kapag ang halaga na pinangkolateral sa isang alahas o kasangkapan ay
hindi mabayaran sa takdang panahon, nireremata ang alahas or ari-arian
upang mabawi ang salaping pinautang.
 Pension Funds
A. Government Service Insurance System
-ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro sa mga kawaning nagtratrabaho
sa mga ahensiya ng goberno, lokal na pamahalaan, mga korporasyon na
pag-aari at kontrolado ng goberno at mga guro sa pampublikong paaralan.
-sa pamamagitan ng pagkakaltas sa mga sweldo ng mga kasapi nito at ito ay
ginagamit para sa ibat-ibang uri ng pautang tulad ng pabahay, salary loan,
policy loan, at maging ang pagkakaloob ng pensiyon sa mga retiradong mga
kasapi nito.
B. Social Security System
-ito ay pagbibigay ng seguro sa mga kasapi ng mga pribadong kompanya at
kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan. Katulad ng kaniyang
pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro, pagkamatay, pagdadalang-tao kung ito
ay babae na kawani ng pribadong kompanya. Kasama na dito ang mga
pampamilyang drayber, kasambahay, cook at iba pa.
-kaparehas parin ito ng GSIS na kung saan ang kanilang sweldo ay
nakakaltasan upang pambayad sa buwanang bayarin ng SSS at inilalagay sa
investment para kumita.
C. Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at
Gobyerno o Pag-ibig Fund.
-ito ay itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng
kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.
-ang mga empleyado sa pamahalaan o maging sa pribadong sektor ay
kinakailangang maging kasapi nito. Samantalang ang mga OFW at mga
self-employed ay pwedeng maging boluntaryong kasapi nito.
-gaya parin ng GSIS at SSS ang kasapi nito ay mayroon paring buwanang
kontribusyon. Ito ay mamaaring salary deduction sa mga kawani ng
pamahalaan at pribadong sektor o personal na kontribusyon ng mga OFW at
mga self-employed.
-ito rin ay tumutulong sa mga pribadong developers upang magpautang ng
pondo para sa mga proyektong pabahay.

Ano ang Bangko Sentral ng Pilipinas?


-ito ay itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No.7653 at itinalaga bilang
Central Money Authority ng bansa.
-ito rin ang tanging may kapangyarihan na maglimbag ng pera sa bansa at
nagsisilbi ito bilang opisyal na bangko ng pamahalaan.
-ito ang tagapangasiwa ng salapi, pautang, at pagbabangko.
-ito ay tinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa.

1. Ano ang salapi?


2. Ano ang bumubuo sa sektor ng pananalapi?
F. Paglinang sa 1. Bakit kailangang malaman natin kung ano kapakinabangan ng salapi?
Kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment) 2. Importante bang magkaroon ng kaalaman sa pagkontrol sa paggasta nito?

G. Paglalapat ng aralin 1. Batay sa ating tinalakay,paano mo mapapahalagahan ang pagkakaroon


sa pang-araw-araw na natin dito sa bansa ng mga institusyong bangko at di-bangko?
buhay
H. Paglalahat ng aralin 1. Ano ang ibat-ibang uri ng mga Institusyong Bangko? Gayundin sa Di-
bangko?
2. Ano naman ang kahalagahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas?

I. Pagtataya ng aralin Pagtataya I


Panuto: suriin ang mga sumusunod at tukuyin kung ito ba ay Institusyong
Bangko o Institusyong Di-Bangko. Ilagay lamang ang IB kung ito ay
Institusyong Bangko at IDB kung ito ay Institusyong Di-Bangko. Ilagay sa
Isang-kapat na papel.

1. KOOPERATIBA IDB
2. PENSION FUNDS IDB
3. COMMERCIAL BANKS IB
4. PAWNSHOP O BAHAY-SANGLAAN IDB
5. THRIFT BANKS IB

J. Karagdagang gawain Takdang-aralin


para sa takdang-aralin
at remediation Panuto: Gumawa ng isang pagsasaliksik kung paano nagkakaroon
ng pagkalugi ang isang bangko. Ilagay ang mga ito sa kalahating papel at
ipasa sa susunod na talakayan.
V. REMARKS
VI. Mga Tala
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remediation? bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D.Bilang ng mga mag-
aaral na nagpatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nga
lubos?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Sinuri ni:

JHON LEO ELIAZAL DOROON MEARY JOY S. MONTALBAN


Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Pinagtibay:

JOCELYN S. LOBATON, MT II OSCAR G. DAHAN


Academic Coordinator Head Teacher III

Inaprubahan ni:

JASPER L. LOBATON, EdD


Principal III

You might also like