You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOMIKS

Paaralan Poblacion National High School Baitang 9

Guro Janice G. Basagre Asignatura Araling Panlipunan

Oras & February 10, 20234 (6:00-8:30 PM) Markahan IKATLONG


Petsa MARKAHAN

I. LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ng mag-aaral ang


pag-unawa sa pangunahing kaalaman tungkol sa
A. Pamantayang
pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng
Pangnilalalaman
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran.
Ang mag-aaral ay makapagmumungkahi ng mga
pamamaraan kung papaano ang pangunahing kaalaman
B. Pamantayan sa
tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
Pagganap
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran.
C. Mga Kasanayan 1. Naipahahayag ang kaugnayan ng kita sa
sa Pagkatuto (Mula pagkonsumo at pag-iimpok
sa (AP9MAK-lllc-6)
MELC) 2. Nasusuri ang katuturan ng consumption at pag-
iimpok (AP9MAK-llc-7)
1.Natatalakay ang ugnayan ng pag-iimpok at
pamumuhunan;
Tiyak na Layunin
2.Natataya ang kahalagahan ng tamang pagbabadyet at
pag-iimpok.
II. NILALAMAN Paksa: Ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
LRMDS Teacher’s Guide o Gabay sa Pagtuturo Yunit 3 -
Ugnayan ng
Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo
1. Mga pahina sa Gabay
BE-LCP Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Guro
Pahina 54

Prototype and Contextualized Daily Lesson Plan (DLPs)


Araling Panlipunan 9 (Ikatlong Markahan), Pahina 23-27
Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral,
2. Mga pahina sa Pahina 259268
kagamitang pang
magaaral Gawaing Pagkatuto Bilang 6, Pag-iimpok at Pamumuhunan

Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral,


3. Mga pahina sa
(Bagong
teksbuk
Edisyon), Pahina 287-301
4. Karagdagang LRMDS Sample Daily Lesson Log - Ugnayan ng
kagamitan mula sa Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo
portal ng Learning
Resources o
nilalaman.

B. Iba pang Manila paper, marking pen, adhesive tape, larawan, larawan
Kagamitang Panturo sa pagganyak, laptop at projector o TV monitor

IV. PAMAMARAA A. Pagbati


N
B. Pagdarasal

 Pipili ng mag-aaral na mangunguna sa pagdarasal.

C.Pag-utos ng pagpulot ng mga kalat at pagsasaayos ng


mga upuan (Seating Arrangement)

Payuhan ang mga bata na umupo ayon sa kanilang espesyal


na mga pangangailangan. Ang mga nahihirapang magbasa
mula sa malayo ay uupo sa harapan, habang ang mga
nakababasa kahit na mula sa malayo ay uupo sa likod.
Gayundin, ang mga mahina ang pandinig ay uupo sa harap,
habang ang mga maayos naman ang pandinig ay uupo sa
bandang hulihan.

D.Pagwawasto ng Attendance

 Pagwawasto ng attendance at pagtatala ng liban sa


klase. Sasabihan ang mga liban sa klase na
magkakaroon ng enhancement/remedial activities.
 Purihin ang klase kung walang liban

E. Pagpapaalala ng mga alituntunin sa klase


 Umupo ng maayos at manatiling tahimik
 Tumingin at makinig sa guro
 Itaas lamang ang kanang kamay kung may gusting
linawin o sabihin.

A. Balik-aral sa D. Pagbabalik-tanaw
nakaraang Magbalik-aral tayo sa tinalakay kahapon.
aralin o pag sisimula
ng bagong aralin
1. Ano ang dalawang panukat sa pambansang kita?
Ibigay ang kanilang kahulugan? Ano ang pagkakatulad
at pagkakaiba nila?

GNI

GDP

 Lahat ng sagot na ibinigay ninyo ay tama.


 Natutuhan natin na ang dalawang panukat sa
pagsulong ng eknomiya ay ang GDP at GNI. Ang
GDP ay Gross Domestic Product na sinusukat ang
kabuuang kita ng mga mamamayan ng bansa na
nasa loob nito sa buong taon o kwarter.

Samantala ang GNI/GNP ay kabuuang produkto sa buong


taon ng mamamayang Pilipino at dayuhan sa loob at labas
ng Pilipinas.

Pagganyak: Larawan Suri!


Panuto: Kilalanin ang larawan at buuin ang word puzzle sa
ibaba.

M_N_G_G_W_ P_G_Y_A_K
P_R_ P_G_O_S_M_

1. Anu-ano ang mga nabuong konsepto sa word


puzzle?
2. May kaugnayan ba ang mga ito sa buhay ng
tao?
3. Bakit mo nasabi ang mga ito?
Narinig mo na ba ang magulang mong nag-dialogue nang
ganito:
“Saka ko na ibibigay yung hinihingi mo pagdating ng sweldo”
o kaya’y “Tiis tiis muna wala pang pera ang tatay niyo, sa
makalawa pa ang sweldo.”

Ano kaya ang ibig ipahiwatig nito?

Ibig lamang sabihin nito na sakto lamang ang kita ng


magulang ninyo sa pang araw-araw na pangangailangan.
Samakatuwid, wala kayong ipon! Madalas, iisa lang ang
napupuntahan ng kita ng isang tao, ang pagkonsumo. Hindi
natin alintana na maliban sa pagkonsumo mayroon pang
B. Paghahabi sa
isang bagay na maaari nating gawin sa ating kita na higit na
layunin ng aralin.
kapaki-pakinabang, ito ay ang pag-iimpok. Ang layunin ng
ating gawain ngayong araw ay ang mga sumusunod:
(Ipapaskil ng guro ang mga layunin at tatawag ng mag-aaral
upang basahin ito sa klase. Sisikaping mabalikan ito
pagkatapos ng gawain upang matiyak ang pagkamit nito.)

Pagpapakita ng “video presentation:”


“Pag-iimpok”

https://www.youtube.com/watch?v=gB2wJ-0DngU
EXPLORE
Suriin natin ang graph kaugnay ng mga salitang hinulaan mula sa
naunang gawain.

I K T P
P U U A
O R B G
N Y I K
E G
N A
T I
E N

Pamprosesong tanong
C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa 1. Ano ang ipinapahiwatig ng
sa bagong aralin. grap?
2. Bakit mahalaga ang pag-
iimpok?
3. Sadya nga bang mahirap ang mag-impok dahil maliit
ang kita?
4. Saan dapat inilalagak ang pera o savings? Bakit?

4. Sa bangko at sa iba pang financial intermediaries, tulad ng


mga kooperatiba, mutual funds, modified pag-ibig savings 2
(MP2), tayo dapat mag-ipon dahil ito lamang ang mga
institusyon na may sapat na kakayahan para pangalagaan at
palaguin ang ating pera sa pamamagitan ng tubo, interes at
dibidendo. Kung itatago natin ito sa bahay o alkansiya, hindi
ito lalago. Maaari pa itong makadagdag sa implasyon at
magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng salapi sa
pamilihan, subalit kung nasa financial intermediaries, ito ay
babalik sa pamilihan.
Paano tayo magiging matalino sa pag-iimpok?

Para lalo pa nating maunawaan ang katangian ng isang


matalinong pagiimpok, magkakaroon tayo ng pangkatang
D. Pagtalakay ng
gawain. Hahatiin ko kayo sa apat (4) na pangkat. Bawat
bagong
pangkat ay may teksto akong ibibigay. Ngayon, susuriin ninyo
konsepto at
kung papaano makatutulong ang Habits of a Wise Saver at
paglalahad ng
ipaliliwanag ng kinatawan ng bawat pangkat gamit ang
bagong
graphic organizer.
kasanayan
#1
Habits of a Wise Saver

1 3 5 7

2 4 6

Simulan natin ang pag-uulat ng:

Unang Pangkat
Ikalawang Pangkat
Ikatlong Pangkat
Ikaapat na Pangkat
E. Paglalahad ng Pagsusuri at bukas na talakayan tungkol sa Habits of a Wise Saver
bagong 1. Bakit kailangan nating kilalanin ang ating bangko?
konsepto at 2. Kailangan bang malaman ang nilalaman ng kontrata mo sa
paglalahad ng bangko?
bagong 3. Ano ang ibig sabihin ng confidentiality at ATM?
kasanayan 4. Ano ang ginagampanang papel ng PDIC, SEC, at BSP?
#2
EXPLAIN AND ELABORATE
Ngayon lalo pa nating linangin ang ating nalaman sa mga tinalakay.
Punan ng impormasyon ang mga sumusunod:
PERA
Ano ang Pera?
KITA
Saan nanggagaling ang kita?
PAGKONSUMO
F. Paglinang sa Ano ang pagkonsumo?
kabihasaan PAG-IIMPOK
(Tungo sa Paano tayo nag-iimpok?
Formative FINANCIAL INTERMEDIARIES
Assessment) Ano ang papel ng Financial
Intermediaries?
#3
PDIC
Ano ang tungkulin ng PDIC?
INTEREST
Paano tumatanggap ng interest
ang nag-iimpok?

G. Paglalapat ng Alin ang angkop o nararapat na pormula sa pag-iimpok?


aralin sa pang Pangatwiranan ang iyong napili.
araw-araw na
buhay. Pormula 1 Pormula 2
Income– Expenses = Income– Savings=
Savings Expenses

Integrasyon sa Mathematics, Edukasyon sa Pagpapakatao


(ESP), Technology Livelihood Education (TLE), Grade 11/12
Empowerment Technologies and Grade 11/12 Business
Finance:
1. Ilan sa inyo ang nag-iimpok? Maaari bang itaas ang
kanang kamay? Ngayon, ilang bahagdan o porsiyento sa
inyo ang nag-iimpok? Ilang posiyento rin ba ang inyong
naiimpok mula sa inyong kita o baon kada buwan? Paano ka
nag-iimpok at bakit? (M5NS-llla-140 – Week 1 and 2 –

Solves routine and non-routine problems involving percentage


using appropriate strategies and tools; M6NS-llc-142 – Week
3 – Finds the percentage or rate or percent in a given
problem)

2. Anu-ano ang mga bagay na pinahahalagahan ng isang


taong nag-iimpok dahil sa hanapbuhay o maging sa
pagnenegosyo? Paano mo isinasabuhay ang mga ito?
(EsP9KP-llle-12.1/1.2 – Week 5 – Natutukoy ang mga
indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa,
nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok)

3. Ano ang mga bagay na nagawa mo na ukol sa


pagbabadyet ng iyong sariling kita at gastusin, lalo na kung
ikaw ay may hanapbuhay, trabaho o negosyong ginagawa?
Paano ka nagbabadyet? (TLE7/TLE8 Week 2 – Use
calculations involving fractions, percentage, and mixed
numbers to complete workplace tasks; CS_ICT11/12-ICTPT-
llm-p18 – Weeks 2-4 Savings and financial literacy drives;
ABM_BF12-Ivo-p-27 – Week 3-4 – Illustrate the money
management cycle and give examples of sound practices in
earning, spending, saving, and investing money; TLE6HE-0b-
3 – Week 1 – Allocates budget for basic and social need and
Savings/emergency budget such as health, house repair)
Kumpletuhin ang concept map ng mga salita na
nagpapahiwatig sa kahalagahan ng pag-iimpok. Isang salita
lamang sa bawat bilog.

H. Paglalahat ng
Aralin Pag-
iimp
ok

EVALUATE
I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung ang mga sumusuod na pangungusap ay TAMA
o MALI. Ipaliwanag ang sagot at sabihin kung PAANO ang
proseso upang ang bawat aytem ay magiging tama sa
paningin ng nakararami.
1. Ang perang naimpok sa bangko ay kumikita ng interes.
2. Kapag nagsara ang bangko, ang perang naimpok ay
hindi na makukuha.
3. Ang gastos ng tao ay dapat nakabatay sa matalinong
pagdedesisyon sa kaniyang kita.
4. Mahalaga ang may ipon para may magagamit kung
kinakailangan.
5. Hindi masama ang pagiging impulse buyer dahil
nasusunod mo ang uso at gusto mo.
EXTEND
1. Tanungin ang mga magulang o tagapag-gabay ukol sa
badyet ng inyong pamilya.
2. Gumawa ng chart ng badyet ng inyong pamilya na
J. Karagdagang
nagpapakita ng mga nakalaang pondo o pera sa bawat aytem
gawain para sa
na kanilang babanggitin.
takdang aralin at
remediation
Halimbawa: pagkain, tubig, tirahan, mga kasuotan o damit,
pamasahe, kuryente, LPG o panggatong, mga espesyal na
bayarin, mga kagustuhan o
luxury items, ipong pera, mga gamot at bayarin sa ospital,
mga kagamitan sa pag-aaral, atbp.
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

VII. OTHERS

A. Bilang ng mga mag-


aaral na nakakuha ng
80% sa pagsusulit.
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
magaaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy ng
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong
ng aking punongguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nabuo na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

JANICE G. BASAGRE
JHS-Practicum Teacher

Sinuri ni:

DR. SANNIE JUSAY, LPT.


PRACTICUM PROFESSOR

You might also like