You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOMIKS

Masbate National Comprehensive


Paaralan Baitang 9
High School
Araling
Guro BONIFACIO GLENN G. RIVERA, JR. Asignatura
Panlipunan
Oras & IKATLONG
APRIL 4, 2023 (3:00-4:00 PM) Markahan
Petsa MARKAHAN

I.LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa
A. Pamantayang mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
Pangnilalalaman ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga
pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman
B. Pamantayan sa
tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
Pagganap
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran
1. Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng
pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na
ipinatutupad nito (AP9MAK-IIIg-14);
2. Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng
pamahalaan (AP9MAK-IIIg-15);
3. Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag,
nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan
ang naimpok (EsP9KP-llle-12.1/1.2);
C. Mga Kasanayan sa
4. Use calculations involving fractions, percentage, and
Pagkatuto (Isulat
mixed numbers to complete workplace tasks (TLE7/TLE8
ang Code ng Bawat
Week 2);
Kasanayan)
5. Savings and financial literacy drives (CS_ICT11/12-
ICTPT-llm-p18);
6. Illustrate the money management cycle and give examples
of sound practices in earning, spending, saving, and
investing money (ABM_BF12-Ivo-p-27);
7. Allocates budget for basic and social need and
Savings/emergency budget such as health, house repair
(TLE6HE-0b-3).
1. Nabibigyang kahulugan ang pambansang badyet;
2. Nasusuri ang mga programa o serbisyong prayoridad ng
pamahalaan batay sa binalangkas na pambansang badyet;
Tiyak na Layunin 3. Nakababalangkas ng sariling badyet sa loob ng isang
buwan; at
4. Naibibigay ang kaugnayan ng pag-iimpok ng pondo at
paggasta nito ayon sa badyet.
Paksa: Patakaran sa Pambansang Badyet at ang Kalakaran
II.NILALAMAN
ng Paggasta ng Pamahalaan
III.KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
LRMDS Teacher’s Guide o Gabay sa Pagtuturo Yunit 3 –
Patakarang Piskal
1. Mga pahina sa BE-LCP Most Essential Learning Competencies (MELCs)
Gabay ng Guro Pahina 55
Prototype and Contextualized Daily Lesson Plan (DLPs)
Araling Panlipunan 9 (Ikatlong Markahan), Pahina 52-55
2. Mga pahina sa Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral,
kagamitang pang Pahina 317-336
mag-aaral Gawaing Pagkatuto Bilang 4, Patakarang Piskal
3. Mga pahina sa Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral,
teksbuk (Bagong Edisyon), Pahina 317-336
4. Karagdagang
Sample Daily Lesson Logs mula sa mga sumusunod na
kagamitan mula sa
Learning Resource Websites:
portal ng Learning
1. https://www.scribd.com/
Resources o
2. https://www.slideshare.net/
nilalaman.
B. Iba pang Marking pen, cartolina, paper strips, adhesive tape,
Kagamitang larawan, laptop, TV monitor, MS PowerPoint, MS Excel, MS
Panturo Word para sa integrasyon ng ICT
A. Pagsasaayos ng mga Upuan (Seating Arrangement)
Susundin ng mga bata ang panuntunan sa pag-upo sa mga
upuang may distansya na naaayon sa IATF Health and
Safety Protocols. Boluntaryo ang pagsusuot ng face mask.

Payuhan ang mga bata na umupo ayon sa kanilang espesyal


na mga pangangailangan. Ang mga nahihirapang magbasa
mula sa malayo ay uupo sa harapan, habang ang mga
nakababasa kahit na mula sa malayo ay uupo sa likod.
Gayundin, ang mga mahina ang pandinig ay uupo sa harap,
habang ang mga maayos naman ang pandinig ay uupo sa
bandang hulihan.

IV.PAMAMARAAN Tandaan: Kung sakaling lumindol, huwag mataranta at


agad na sundin ang duck, cover and hold. Patuloy na
magmatyag at maghintay sa mga hudyat tulad ng alarm at
panawagan ng paglikas.

B. Pagdarasal
Pipili ng mag-aaral na mangunguna sa pagdarasal.
Isusunod agad ang pagwawasto ng attendance at pagtatala
ng liban sa klase. Sasabihan ang mga liban sa klase na
magkakaroon ng enhancement/remedial activities.

C. Balitaan
Sabihin ang mga balitang may kinalaman sa ekonomiks o
ekonomiya ng bansang Pilipinas.
D. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral tayo sa tinalakay sa nakaraang aralin.

A. Balik-aral sa
nakaraang
aralin o pag
sisimula ng
bagong aralin

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang buwis at saan ito ginagamit?
2. Ano ang kahalagahan ng tapat na pagbabayad ng
buwis?
Pagganyak: Larawan Suri!
Panuto: Kilalanin ang larawan at buuin ang word puzzle sa
ibaba.

https://allenbrowneblog.files.wordpress.com https://www.cflowapps.com/wp-
/2017/08/taxcollector.jpg content/uploads/2021/11/budgt_mngmnt.jpg
B_W_S _A_Y_T

https://www.spectrumsdkn.org/images/Cart https://tizertheprokiller.files.wordpress.com/2
oon/moe-twin-budget-cartoon.jpg 013/10/pork-barrel.jpg?w=316
_O_D_ P_R_ B_R_E_
1. Anu-ano ang mga nabuong konsepto sa word puzzle?
2. May kaugnayan ba ang mga ito sa buhay ng tao?
3. Bakit mo nasabi ang mga ito?
Narinig mo na ba ang inyong kapitan, mayor o gobernadora
na nagsabi ng ganito?
“Ang ating pondo ay paubos na dahil kulang ang ating
koleksiyon. May mga programa na hindi na muna
magpapatuloy at mayroon namang mababawasan ng
alokasyon.”

Ano kaya ang ibig ipahiwatig nito?

Pagpapakita ng “video presentation:”


B. Paghahabi sa “Marcos OKs P5.2- trillion national budget for 2023 _ ANC”
layunin ng
aralin.

Pinagkunan:
https://www.youtube.com/watch?v=gqow3lNhSmA
Pamprosesong Tanong:
1. Paano naihambing sa isang roadmap ang badyet ng
gobyerno?
2. Bakit napabilis umano ang pag-apruba ng badyet ng
pamahalaan? Mahalaga ba ito para sa iyo?
3. Bakit mahalaga na magkaroon ng badyet?
(Sa pagkakataong ito ay ipapaskil ng guro ang layunin sa
pagtalakay at magtatawag ng mag-aaral upang basahin ito.
Sikaping balikan ito matapos ang talakayan upang masiguro
na natupad ang nasabing layunin.)
EXPLORE
Suriin natin ang talahanayan kaugnay ng mga salitang
hinulaan mula sa naunang gawain.

C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa
sa bagong aralin.
Magbudget Tayo!
(Pipili ng tatlong mag-aaral sa klase at gagawa sila ng
pansariling
budget mula sa sitwasyong natanggap.)

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ipinapahiwatig ng talahanayan?


2. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga prayoridad ng
gobyerno?
3. Sadya nga bang mahirap ang magbalangkas at mag-
apruba ng badyet ang pamahalaan?
4. Saan dapat inilalagak ang pinakamalalaking
bahagdan ng pondo ng pamahalaan? Bakit?
Magbudget Tayo!
(Pipili ng tatlong mag-aaral sa klase at gagawa sila ng
pansariling
budget mula sa sitwasyong natanggap.)

D. Pagtalakay ng
bagong konsepto
at paglalahad ng
bagong
kasanayan #1
Halimbawa ng isang family budget:

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng saloobin tungkol sa


ginawang activity.)
Anong masasabi ninyo tungkol sa gawain ?
Bawat institusyon ay may sariling badyet at
pagkakagastusan.
Sa ngayon bigyan natin ng pokus ang Pambansang Badyet at
Paggasta ng Pamahalaan.

Paano tayo magiging mapagmatyag sa paggamit ng pondo ng


gobyerno?
Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Hahatiin kayo sa
apat (4) na pangkat. Ngayon, ipakikita ninyo sa malikhaing
pagtatanghal ang mga konseptong inyong mapipili sa mga
sumusunod na salita:
1. BUWIS 2. POLISIYA 3. BADYET 4. PONDO

Panuto:
1. Pipili ng pangalan ng grupo mula sa mga grupo ng
superheroes sa Hollywood.
2. Gagawa ng malikhaing pagtatanghal ayon sa mabubunot:
a. Tula
b. Dula-dulaan
c. Guhit
d. Rally yell
3. Ang gawain ay ibabase sa talaang inyong nakita.

Simulan natin ang pag-uulat ng:


Unang Pangkat
Ikalawang Pangkat
Ikatlong Pangkat
Ikaapat na Pangkat
Paggasta ng Pamahalaan ayo sa Expenditure Program:

Proseso ng paggawa ng badyet ng pamahalaan:

E. Paglalahad ng
bagong konsepto
at paglalahad ng
bagong
kasanayan #2

Pagsusuri at bukas na talakayan tungkol sa badyet ng


pamahalaan.
1. Kailangan bang malaman ang nilalaman ng badyet ng
pamahalaan? Bakit?
2. Ano ang mga ahensiyang may kaugnayan sa
pagbabadyet ng pamahalaan at sa paggasta nito?
3. Paano natin masusuri kung mabuti ba o masama ang
pinaglaanan at pagkakagasta ng badyet?

1. Batay sa mga datos, anu-ano ang pinaglalaanan ng badyet


ng Pamahalaan?
2. Aling aytem ang binigyan ng mataas na budget at magkano
ito? Bakit?
3. Alin kaya ang dapat paglaanan ng malaking badyet ng
pamahalaan sa loob ng isang taon? Bakit?
EXPLAIN AND ELABORATE
Ngayon lalo pa nating linangin ang ating nalaman sa mga
tinalakay.
Punan ng impormasyon ang mga sumusunod:

BUWIS
Ano ang Buwis?
PONDO o REVENUE
Saan nanggagaling ang
pondo?
ALOKASYON
F. Paglinang sa Ano ang alokasyon?
kabihasaan PAGGASTA NG BADYET
(Tungo sa Paano tayo gumagasta ng
Formative badyet?
Assessment) #3 FISCAL POLICY
Ano ang papel ng Fiscal
Policy?
DBM at COA
Ano ang tungkulin ng DBM
at COA?
CORRUPTION
Bakit nangyayari ang
korapsyon?

Integrasyon sa Mathematics, Edukasyon sa Pagpapakatao


(ESP), Technology Livelihood Education (TLE), Grade 11/12
G. Paglalapat ng Empowerment Technologies and Grade 11/12 Business
aralin sa pang Finance:
araw-araw na
buhay. 1. Ilan sa inyo ang nagbabdyet? Maaari bang itaas ang
kanang kamay? Ngayon, ilang bahagdan o porsiyento sa inyo
ang nagbabadyet? (TLE7/TLE8 Week 2 – Use calculations
involving fractions, percentage, and mixed numbers to
complete workplace tasks;

2. Anu-ano ang mga bagay na pinahahalagahan ng isang


taong nag-iimpok at nagbabadyet dahil sa hanapbuhay o
maging sa pagnenegosyo? Paano mo isinasabuhay ang mga
ito? (EsP9KP-llle-12.1/1.2 – Week 5 – Natutukoy ang mga
indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa,
nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok)

3. Ano ang mga bagay na nagawa mo na ukol sa pagbabadyet


ng iyong sariling kita at gastusin, lalo na kung ikaw ay may
hanapbuhay, trabaho o negosyong ginagawa? Paano ka
nagbabadyet? CS_ICT11/12-ICTPT-llm-p18 – Weeks 2-4
Savings and financial literacy drives; ABM_BF12-Ivo-p-27 –
Week 3-4 – Illustrate the money management cycle and give
examples of sound practices in earning, spending, saving,
and investing money; TLE6HE-0b-3 – Week 1 – Allocates
budget for basic and social need and Savings/emergency
budget such as health, house repair)
Kumpletuhin ang concept map ng mga salita na
nagpapahiwatig sa kahalagahan ng budget. Isang salita
lamang sa bawat bilog.

H. Paglalahat ng
Aralin

1. Ano ang pambansang budget? Ano ano ang mga


pinaglalaanan sa pambansang budget?
2. Bakit hindi madaling buuin ang pambansang budget?
3. Bakit hindi kaagad nakakapasa ang panukalang budget
na isinusumite ng ehekutibo sa kongreso?
EVALUATE
Tukuyin kung ang mga sumusuod na pangungusap ay TAMA
o MALI. Ipaliwanag ang sagot at sabihin kung PAANO ang
proseso upang ang bawat aytem ay magiging tama sa
paningin ng nakararami. Isulat ang sagot sa hulihan ng
pangungusap.

1. Ang badyet ng gobyerno ay para sa lahat ng tao.


I. Pagtataya ng 2. Kapag nalugi ang gobyerno, ito ay dahil sa hindi maayos
Aralin na pamamahala sa pondo at badyet nito.
3. Ang gastos ng tao, kagaya ng sa gobyerno, ay dapat
nakabatay sa pagbabadyet ng kanyang kita o pondo.
4. Mahalaga na alam ng pamahalaan ang kaniyang mga
prayoridad upang mapamahalaan nang maayos ang
paggasta at alokasyon ng pondo o badyet nito.
5. Hindi masama ang utang panlabas lalo na kung ang
taumbayan naman ang magbabayad nito.
EXTEND
J. Karagdagang 1. Bilang isang pangkatang gawain, magtatanong sa inyong
gawain para sa mga opisyal ng barangay na malapit sa inyong lugar o kaya
takdang-aralin ninyong kontakin sa pamamagitan ng cellphone o Facebook
at remediation at Messenger ukol sa badyet ng inyong barangay.
2. Gumawa ng chart ng badyet ng inyong barangay na
nagpapakita ng mga nakalaang pondo o pera sa bawat
aytem na kanilang babanggitin. Halimbawa: livelihood
program, pagkain ng mga mahihirap, patubig, tirahan o
pabahay para sa mga mahihirap, bayarin sa kuryente, mga
espesyal na bayarin, espesyal ng mga programa, ipong pera,
mga gamot at bayarin sa ospital o clinic, mga kagamitan sa
pag-aaral ng mga bata, atbp.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
VII. OTHERS
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagsusulit.
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy ng
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong
ng aking punongguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nabuo na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

BONIFACIO GLENN G. RIVERA, JR.


T-III, JHS

Sinuri ni:

JANETH F. ALMOGUERRA
MT-II, JHS

Binigyang-pansin:

ROSALIE M. LUBATON
T-III/OIC, AP Department

You might also like