You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
School Division Office of Caloocan City
Ma. Clara St., 8th Avenue, Brgy. 109, Caloocan City

DAILY LESSON PLAN

ASIGNATURA Araling Panlipunan MARKAHAN/LINGGO QTR. 3/


Linggo 3  

PAARALAN Maria Clara High ANTAS 9


School  

PANGALAN NG  Vistro, Jhemar M.. PETSA Marso


GURO 13-17, 2023 

Most Essential Nasusuri ang kahulugan, layunin, at pamamaraan ng patakarang piskal


Learning
Competency

Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag - aaral ang pag -unawa sa mga
Pangnilalaman pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang
kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.

Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung


Pamantayan sa paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya
Pagganap ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
1. Napapaliwanag ang mga konsepto ng patakarang piskal kasama
Layunin ng mga paraan nito.
2. Nakapagbibigay halaga sa mga gampanin ng pamahalaan upang
mabalanse ang antas ng bawat aspeto ng ekonomiya

3. Nakapagbibigay ng angkop na solusyong pampatakarang piskal na


naayos para sa mga kaakibat nitong problema.

Nilalaman Paksa: Nailalalahad ang mga konsepto ng Implasyon at mga epekto nito. 

Sanggunian:

Balitao, B., Cruz, N., & Rillo, J. (2004) Ekonomiks: Pagsulong at


Pag-unlad. Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc

Boyle, M.J. (2023) Expansionary Fiscal Policy: Risk and Examples.


Investopedia. Retrieved from:
https://www.investopedia.com/terms/e/expansionary_policy.asp#:~:text=Ex
pansionary%20fiscal%20policy%20are%20policies,it%20can%20take%20
it%20away.

Case, K.E., Fair, R.C., & Oster, S. M. (2012) Principles of Economics.


10th Edition. Boston, MA: Prentice Hall

Chen, J. (2023) What is Contractionary Policy? Definition, Purpose, and


Example. Investopedia. Retrieved from:
https://www.imf.org/external/pubs/ft/fandd/2014/09/basics.htm#:~:text=Ke
ynes%20argued%20that%20governments%20should,the%20economy%20
at%20full%20employment.

International Monetary Fund (2018) The Philippines’ Economic Outlook in


Six Charts. IMF Country Focus. Retrieved from:
https://www.imf.org/en/News/Articles/2018/09/27/na092718-the-philippine
s-economic-outlook-in-six-charts

Skidelsky, R. (2016) Does Keynes Theory still hold up? Geo-Economics.


World Economic Forum. Retrieved from:
https://www.weforum.org/agenda/2016/02/does-keynes-s-theory-still-hold-
up/

Vikram, R. (2021) Fiscal Policy- A Comprehensive Guide. Finexy.


Retrieved from:
https://finexy.com/knowledge-base/fiscal-policy-a-comprehensive-guide/
Kagamitan: 

Laptop, Powerpoint, Laptop, Powerpoint, Television, Cue Cards, Cartolina

PAMAMARAAN

A. Pambungad na Gawain

1. Panalangin 
(5 mins)  2. Pagtala ng liban  
3. Balitaan 
a. Kumustahan
b. Balitaan patungkol sa lipunan

Balik-Aral Fact or Dare

(5 min) Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng isang tanong patungkol sa nakaraang


talakayan. Ang guro ay magroroleta o bubunot ng unang magsasagot. Ang
unang makasagot ng tama ay syang magpapasa ng isa pang tanong na
patungkol sa nakaraang aralin. Ang mga hindi makakasagot ay bibigyan
ng hamon o dare ng nagtanong. (Socratic Flow)

Panuto:

Sagutin ang bawat tanong na ipapasa ng bawat isa. Ang pagtatanong ay


pasisimulan ng Guro at susundan ng unang mag-aaral na makakasagot
dito.

Mekaniks:

● Isang tao ay isang tanong lamang


● Isang tao ay isang sagot lamang
● Ang makakatama ng sagot ay magkakaroon ng karapatang pumili
kung sino ang kanyang tatanungin
● Ang makatama ng sagot ay sya ring magtatanong sa susunod na
taong ito
● Ang hindi makakasagot nang tama ay bibigyan ng hamon o dare
ng nagtanong
Mga pagpipiliang hamon:

● Maikling pagsayaw
● Maikling Pagkanta
● Spelling ng pangalan gamit ang katawan
● Pangongolekta ng nagawang gawain (1)
● Pagsambit ng tongue twisters (3)

Panimulang tanong: Ano ang Implasyon?

Pagganyak CrossWORLD!

(10 mins) Ang mga mag-aaral ay magsasagot ng crossword puzzle sa pamamagitan


ng pagtataas ng kamay sa klase.

Susi sa Pagwawasto:
Pababa:

● Kita- Salaping nadagdag sa isang tao bunga ng pagnenegosyo (1)


● Sweldo-Salaping nadagdag sa isang tao bunga ng pagtatrabaho
(2)
● Pera-mga bagay na ginagamit upang makabili (papel o metal) (3)
● Presyo-nakaatang na halaga ng isang produkto, dito nakabase
kung magkano ang isang produkto o serbisyo (5)

Pahalang:

● Buwis- Sapilitang pagsingil ng pamahalaan sa mamamayan para


sa pondo ng bayan (4)
● Pamahalaan-Sektor ng lipunan na namamahala at nangangasiwa
sa buong bansa (5)
● Demand- Dami ng produkto o serbisyo na ninanais at kayang
bilhin ng mga mamimili (6)

Pamprosesong tanong: 

1. Anu-ano ang koneksyon o relasyon ng bawat sagot sa isa’t-isa?


Magbigay ng halimbawa
2. Bakit mahalagang malaman o pag-aralan ang mga koneksyon o
relasyong ito?

B. Panlinang na Gawain
Paglalahad Matapos nating pag-aralan ang mga konsepto ng implasyon na syang
nagsisilbing pangkalahatang suliranin ng ekonomiya ng isang bansa, ay
(10 mins) alamin naman natin kung ano nga ba ang mga nagagawa ng bawat sektor
ng ating lipunan at isa na nga roon ay ang ating PAMAHALAAN.

➢ Ano nga ba ang pamahalaan?


➢ Ano ang gampanin nito sa ating ekonomiya?

Ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang


mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya. (Keynes, 1935)

Sa pamamagitan ng mga polisiya ay maaring makapagbaba o


makapagtaas ng kabuuang output lalo na sa panahon ng kagipitan.

Anu-ano nga ba ang mga Polisiyang Ito?

Patakarang Piskal Patakarang Pananalapi


Fiscal Policy Monetary Policy

Ngayong linggo ay pag-aralan muna natin ang Patakarang Piskal

ANO NGA BA ANG PATAKARANG PISKAL?

Patakarang Piskal

● Gawi o Asal (Behavior) ng pamahalaan patungkol sa paggastos at


pagbubuwis (Case, Fare, at Oster, 2012)
● Nakapagpapabago sa galaw ng Ekonomiya (Balitao et al, 2014)

PAANO ITO NAISASAGAWA?

Dalawang Paraan na ginagamit ang pamahalaan upang mapangasiwaan


ang paggamit ng mga pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng
bansa:

1. Expansionary Fiscal Policy- Isinasagawa ng pamahalaan upang


mapasigla ang matamlay na Ekonomiya ng bansa
Problema
a. Ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan
dahil hindi nagagamit ang lahat ng resources
b. Mababa ang pangkalahatang demand
c. Walang insentibo ang mga bahay kalakal na magtaas ng
kanilang produksyon
d. Mataas na antas ng kawalan ng trabaho
e. Mababang buwis na natatanggap ng pamahalaan
Solusyon:
a. Pagsasagawa ng maraming proyekto ng pamahalaan
b. Paglikha ng maraming trabaho
c. Pagpapababa ng pagbubuwis
d. Pagpapataas ng demand
e. Pagpapataas ng output
Bunga:
a. Nagkakaroon ng maraming trabaho
b. Paglaki ng kita ng mga negosyo
c. Lumalaki ang kita ng bansa
d. Tumataas ang demand
e. Mas marami ang bumibili

Contractionary Fiscal Policy- Ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa


bingit na ng pagtaas ang pangkalahatang presyo ng ekonomiya.

Problema
A. Lubhang Masigla ang Ekonomiya
B. Overheated Economy
C. Mataas na output
D. Mataas na employment
E. Mataas na demand
F. Patuloy na pagtaas ng Produksyon
Solusyon
A. Pagbabawas ng gastusin ng pamahalaan
B. Pagpapababa ng demand
C. Pagpapahina ng produksyon
D. Pagpapabagal sa ekonomiya
E. Pagpapaliit ng pangkalahatang kita
F. Pagpapataas ng buwis

Pamprosesong tanong: 

1. Mahalaga ba ang gampanin ng pamahalaan sa ating ekonomiya?


Bakit?

2. Ano ang kahalagahan ng pagpapabalanse sa bawat antas at


aspeto ng ating ekonomiya?
3. Sa iyong palagay, epektibo nga ba ang polisiyang ito sa
pagpapababa o pagpapataas ng output ng isang bansa?

Pagsusuri ng
Datos

(4 mins)
Mga datos mula sa: International Monetary Fund (2018) The Philippines’
Economic Outlook in Six Charts. IMF Country Focus.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang mahihinuha mo tungkol sa dalawang datos na nakalagay?


2. Anong pamamaraan kaya ng patakarang piskal ang maaring
magamit dito? bakit?
C. Pangwakas na Gawain

Pagbubuod Venn Diagram:

(2 min)

Paglalapat: Gawain 4: ALIN ANG MAGKASAMA

(5 min) Panuto: Tukuyin kung expansionary o contractionary ang mga patakaran


na nasa loob ng kahon. Ihanay ang mga ito ayon sa dalawang polisiya sa
ibaba ng kahon

Talakayin ang naging gawain.

● Pagbaba ng singil sa buwis


● Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan
● Pagtaas ng kabuuang demand
● Pagbaba ng kabuuang demand
● Pagtaas ng singil ng buwis
● Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan
● Pagdaragdag ng supply ng salapi
Expansionary
Fiscal
Policy

Contractionary
Fiscal Policy

Susi sa pagwawasto:

Pagbaba ng singil sa buwis


Expansionary
Pagdaragdag ng gastusin ng
Fiscal pamahalaan
Policy
Pagtaas ng kabuuang demand

Pagdaragdag ng supply ng salapi

Pagbaba ng kabuuang demand


Contractionary
Pagtaas ng singil ng buwis
Fiscal Policy
Pagbaba ng gastusin ng
pamahalaan

Pagpapahalaga Talakayan
(2 min)
Sabi nga nila “Ang sobra ay masama”. Ang sobrang kahirapan ay
napakasama at ang sobrang pera din naman ay nakakasama. Ang
pagbabalanse sa ating ekonomiya ay may napakalaking epekto sa buhay
ng bawat mamamayan na nakapaloob dito. Kaya ay hindi lamang ang
ating pamahalaan ang tanging nakapagtatabo rito, mayroon lamang silang
trabaho na mangasiwa sa tamang timpla ng ating ekonomiya. Gaya nga
ng sabi ko noon, ito ay pangkalahatang aspeto ng ating lipunan na
nangangailangan ng pangkalahatang aksyon upang manatiling hindi
kulang o hindi sobra, nasa tamang estado lamang at may matatag na
pundasyon.

Panghuling Tama o Mali 


Pagsusulit
1. Ang pagpapasigla ng ekonomiya ay ang pinakalayunin ng
(5 mins) Contractionary Fiscal Policy

2. Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa gawi o asal ng


pamahalaan patungkol sa gasto at pagbubuwis

3. Ang pagtataas ng buwis ay isa sa paraan upang mapababa ang


demand at kapangyarihang magasta ng mga mamimili

4. Sa overheated economy natin makikita na ang ekonomiya ay may


mababang pangkalahatang output

5. Ang pagpapataas ng kabuuang demand ay isa sa mga layunin ng


Expansionary Fiscal Policy.

Susi sa pagwasto:

1. Mali

2. Tama

3. Tama

4. Mali

5. Tama

Takdang-Aralin Magsaliksik at pag-aralan ang mga sumusunod na konsepto:

(2 mins) ● Government budget


● Allocation of budget

● Government Expenditure

● Government Profit

Integration:

·       Literacy Skills

·       Within Curriculum Integration

·       GAD Integration

·       Across Curriculum

·       Numeracy Skills

·   Differentiated Activities – Manage classroom structure to engage learners, individually


or/in groups, in meaningful exploration, discovery and hands-on activities within a range
of physical learning.

·       CACHET Integration (Values Integration)

·       Develop Creative and critical thinking skills

You might also like