You are on page 1of 27

9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Layunin at Pamamaraan ng
Patakarang Pananalapi
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong na Markahan – Modyul 5: Layunin at Pamamaraan ng Patakarang Pananalapi
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano
mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luz G. Eranista


Editor: Rosanna Palispis- Querijero
Rebecca K. Sotto PhD
Tagasuri: Donna Erfe Aspiras
Kristian Marquez
Emelita T. Angara
Tagaguhit: Manilyn M. Vicente
Tagalapat: Manilyn M. Vicente

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD


Librada M. Rubio EdD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Angelica M. Burayag PhD
Lily Beth M. Mallari
Rosanna Palispis- Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroong
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi sa pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 9.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

 Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi


Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong leksyon:
 Leksyon 1: Kahulugan ng Patakarang Pananalapi
 Leksyon 2: Layunin ng Patakarang Pananalapi
 Leksyon 3: Mga Bangkong bumubuo sa Patakarang Pananalapi

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan at layunin ng patakarang pananalapi.


2. Nakapag-iisa-isa ng mga bumubuo sa sektor ng pananalapi.
3. Nakapagpapahalaga sa tamang paggamit ng salapi ng bansa.
4. Nakagagawa ng baloon dialogue ukol sa patakarang pananalapi ng
Pilipinas.

2
Subukin

Panuto: Subukin mong sagutin upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman
tungkol sa mga paksang tatalakayin.

1. Kung ang palayan mo ay nasalanta ng bagyo at nangangailangan ka


ng pera, ang bangkong ito ang makatutulong sa iyo?
A. Development Bank of the Philippines
B. Bank of the Philippine Island
C. Land Bank of the Philippines
D. China Bank

2. Mahalaga ang ginagampanang gawain ng Bangko Sentral sa


ekonomiya ng ating bansa dahil ______________?
A. layunin nito na panatilihing matatag ang presyo at pananalapi ng bansa
B. dito ginagawa ang pera na siyang ginagamit sa pamimili
C. ito ay may direktang kapangyarihan sa mga bangko
D. Lahat ng nabanggit

3. Paano nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa ang mataas na implasyon?


A. marami ang nawawalan ang hanapbuhay
B. tumataas ang presyo sa pamilihan
C. bumababa ang halaga ng pera
D. dumadami ang nangungutang

4.Mahalagang makontrol ang suplay ng salapi sa sirkulasyon upang _________?


A. hindi mapeke ang pera sa pamilihan
B. mapatatag ang presyo sa pamilihan
C. maraming negosyante ang magkautang
D. mabilis umunlad ang bansa

5. Paano pumasok sa ekonomiya ng mahihirap na bansa ang World Bank?


A. Sa pamamagitan ng pagtulong at pagpapautang sa mahihirap na bansa
B. Sa pamamagitan ng pakikialam sa ekonomiya ng mahihirap na bansa
C. Sa pamamagitan ng Bangko Sentral
D. Sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa kapangyarihan ng Word Bank
Operation

3
6. Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng _______________ upag maiwasan
ang panggagaya o pamemeke ng salapi sa pamilihan.
A. commodity Standard
B. moral Suasion
C. open-market
D. reserba ng pera

7. Paano nakatutulong ang mga bangko sa ekonomiya ng bansa lalo na


ang Bangko Sentral?
A. Nag- iisip kung paano makatutulong upang malutas ang
anumang suliranin sa pananalapi na kinakaharap ng bansa.
B. Nagpapautang sa pamahalaan ng may mababang interes upang
mapalago ang ekonomiya ng ating bansa.
C. Nagsasagawa ng mga pag-aaral upang matulungan ang
pamahalaan.
D. Gumagawa ng paraan na palaguin ang ekonomiya ng bansa.

8. Sa Patakarang Pananalapi kailangang maipatupad ang Fiat Money


Authority ng Bangko Sentra sapagkat ___________?
A. marami ditong perang maaaring gamitin.
B. sila ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas.
C. lubos na pinagtitiwalaan ng pamahalaan ang Bangko Sentral.
D. sila ang may kapangyarihang mag imprenta ng salapi sa bansa.

9. Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa


upang _______________.
A. maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
B. hindi magwelga ang mga manggagawa
C. maiwasan ang pagtaas ng implasyon
D. dumami ang pera ng bansa

10. Paano nakakatulong ang Open-market operation ng BSP sa


pamahalaan?
A. Sa pamamagitan ng pagbenta o pagbili ng pagkakautang ng
pamahalaan
B. Paghingi ng pahintulot na gumastos ng pera ng pamahalaan
C. Pagsasagawa ng mga seminar sa mga maliliit na negosyante
D. Pagpapautang sa mga maliliit na bangko sa bansa

4
11. Mahalagang gumamit ng salapi bilang batayan ng palitan upang
___________.
A. hindi maging kumplikado ang pagkumpara ng halaga ng
produkto.
B. maikling oras ang magugugol sa pamimili.
C. mapadali ang pagbili ng produkto.
D. Lahat ng nabanggit

12. Kung ang Bangko Sentral ay magpatupad ng Expansionary Money


Policy ano ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya?
A. Marami ang magsasara ng kanilang negosyo
B. Mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa
C. Aalis ang mga dayuhang negosyante sa ating bansa
D. Dadami ang mga negosyanteng magtatayo ng kanilang mga
negosyo
13. Kung mataas ang implasyon ano ang maaaring ipatupad ng Bangko
Sentral bilang tulong sa ekonomiya ng ating bansa?
A. Easy Money Policy
B. Tight Money Policy
C. Expansionary Money Policy
D. Contractionary Money Policy
14. Naitatag ang Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
upang _________________.
A. tulungan ang mga Muslim.
B. makasabay sa kultura ng mga Muslim
C. dumarami ang mga Muslim sa bansa
D. makautang ang mga nasa Mindananao
15. May iba pang institusyong Pananalapi maliban sa mga bangko. Ano
ang tulong nito sa mga mamamayan?
A. Nagkakaroon ng seguro sa anumang mangyayaring aksidente o
pinsala sa katawan dulot ng trabaho.
B. Makapagpalit ng dayuhang salapi sa pera na ginagamit sa ating
bansa.
C. Nagkakaroon ng dagdag ahensya ang maaaring utangan
D. Lahat ng nabanggit

5
Aralin
Layunin at Pamamaraan
5 ng Patakarang Pananalapi
Sa pagkakataong ito ay atin nang tatalakayin ang isang pamamaraan ng
pamahalaan upang matugunan ang negatibong epekto ng implasyon, at ito ay sa
pamamagitan ng pangangasiwa sa mga gastusin ng pamahalaan upang matamo
ang katatagan ng ekonomiya.

Halina’t ating unawain at palawakin ang kaalaman sa maaring impluwensya


ng pamahalaan sa pamamagitan ng patakarang pananalapi. Ano nga ba ang
kahalagahan ng paglikom ng pondo ng pamahalaan at paano nito tinutustusan ang
mga programa at proyektong pangkaunlaran nito?
Bago ka tumungo sa paksang tatalakayin. Balikan muna ang nakaraang
aralin sa pamamagitan ng isang gawain.

Balikan

Bago ka tumungo sa paksang tatalakayin. Balikan muna


ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng isang gawain.
Hanapin sa kahon ang mga salitang iyong makikita na may
kinalaman sa iyong naging huling aralin. May limang salita
na maaaring nasa anyong pababa, patayo, pataas at
pabaliktad. Isulat sa iyong sagutang papel.

6
D O Q W E R T Y U A A I O P L K J H G F D S U A Z Q
R L W M O I E Q Z X S X C V B N M F X L Z A J S X W
C O N T R A C T I O N A R Y F I S C A L P O L I C Y
A K S N S K D W B C E G T K B C V K F G H L N Z V E
L I X W K M C S D F R F Q E R T I S D B C N M X B R
E U C S P H X A H R T B W D F S J H G S F D H C N T
S B U D G E T D E D Y F I C I T E R Y R V K G V M Y
T E L J Y D S T D S O N R O K P O T J G K W D O H O
E D K H T S D Y A G P E B U W I S S A D L I F I L P
T W J G R Q F R M H A R Y S Z X C V F V M S I N T A
U Q B V A R H O D J K G J C E D U L A L B D Q T D K
G G C T H T J G S K J V N E S F G K L D D X C R E J
B U R E A U O F I N T E R N A L R E V E N U E X B C
S O V A L U E A D D E D T A X M L C E D A S K Q G S

Kung ang mga sumusunod na salita ang iyong nakita at naisulat binabati kita
at tama ang lahat ng iyong kasagutan.

1. Buwis - salaping kinokolekta ng pamahalaan sa mga kita at ari-arian ng mga


mamamayan at sa negosyo sa ating bansa.
2. Value Added Tax – ipinapataw sa halaga ng produkto at serbisyo na
kinokonsumo ng mga tao
3. Contractionary Fiscal Policy - pinatutupad ng pamahalaan kung ang
ekonomiya ay lumalago nang napakabilis, tumataas ang mga presyo sa
ekonomiya.
4. Cedula - Community Tax Certificate
5. Bureau of Internal Revenue - pangunahing ahensiya ng pamahalaan na
nangongolekta ng buwis.

7
Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa layunin at
pamamaraan ng patakarang pananalapi.

Tuklasin

Mahalaga na matutuhan mo bilang isang mag-aaral ang pinakatiyak na


layunin ng bahaging ito. Nararapat na malaman mo ang Layunin at Pamamaraan
ng Patakarang Pananalapi sa tulong ng mga teksto at mga inihandang gawain na
inilaan sa bawat bahagi ng modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang nasa talata isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

Sitwasyon: Sa yugtong ito ay susukatin ang iyong kaalaman sa panibagong


aralin.

Kung manalo ka sa lotto ng 10M piso. Ano ang mga naiisip mong bilhin,
pumili ka sa mga salitang nasa ibaba?

Alahas Relo Kotse Bahay


Lupa Negosyo Cellphone Computer
Life Insurance Tablet Television Set
Pamamasyal Sa Loob At Labas Ng Bansa

Mga gabay na tanong:

1. Alin ang pipiliin mo sa mga salitang nasa itaas?


2. Bakit mo ito napili?
3. Ano-ano ang iyong isinaalang-alang sa iyong pagpapasya?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang pagkakagamit mo ng perang iyong
napanalunan?

8
Suriin

Sa ating pag - aaral sa ekonomiya ng bansa alam natin na ang pagdami o


pagbaba ng suplay ng salapi ay maaaring magdulot ng pagtaas o pagbaba ng
presyo sa pamilihan na maaaring magdudulot ng implasyon. Bilang suliranin ng
pananalapi ang pagkontrol ng suplay ng salapi na umiiral sa ating bansa ay
lubhang napakahalaga.

Ang Patakarang Pananalapi o Monetary Policy ay ang paggamit o pagkontrol


ng suplay ng salapi at antas ng interes upang mapalago ang ekonomiya at
mapatatag ang presyo sa pamilihan

Ang anumang bagay na tinatanggap na pamalit ng mga produkto at


serbisyo ay matatawag na salapi.

MGA INSTRUMENTO NA GINAGAMIT NG BSP UPANG MAIPATUPAD ANG


PATAKARANG PANANALAPI

Fiat Money
Authority

Reserve Open Market


Requirement Operation
Pagkontrol
ng Suplay
ng Salapi

Rediscount Rate Moral Suasion

9
1. Fiat Money Authority – ang BSP lamang ang may kapangyarihang mag-
imprenta ng salapi sa bansa. Kung kailangan ng karagdagang salapi sa
sirkulasyon, maaaring mag-imprenta ng salapi upang punan ito.
2. Laang Reserba (Required Reserved) – ito ay bahagi ng idinedeposito ng
mga tao sa bangko na kailangang itabi ng bangko at hindi ipautang.
3. Pagdidiskuwento – Bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP kung
magkano ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang interes na ito ay
tinatawag na rediscounting.
4. Open-market Operation – ito ay pagbebenta o pagbili ng mga papel ng
pagkakautang ng pamahalaan o government securities na direkta sa
pamilihan.
5. Pagbebenta at pagbili ng dayuhang salapi – maaring magbenta at bumili
ang BSP ng dolyar sa pamilihan. Kapag bumili ang BSP ng dolyar;
binabayaran ito ng piso, kung ang BSP naman ang nagbebenta ng dayuhang
salapi, nakatatanggap naman siya ng piso, sa ganitong paraan nakokontrol
ang suplay ng salapi gamit ang pamamarang ito.
6. Moral Suasion – ang BSP ay may di-matatawarang impluwensiya sa mga
bangko. Dahil sa impluwensiyang ito, maaari nang maiderekta ang mga
gawain ng mga bangko ayon sa layunin ng pamahalaan. Maaaring kausapin
ng gobernador ng BSP ang mga bangko upang maipaliwanag ang sitwasyon
ng ekonomiya at kung paano makatutulong ang mga bangko upang malutas
ang anumang suliranin sa pananalapi na kinakaharap ng bansa.

MGA URI NG BANGKO

PAGTITIPID
/THRIFT
BANK

TRUST
BANGKO COMMERCIAL
COMPANY BANK

RURAL
BANK

10
1.Bangkong Komersiyal –pinakamalaking grupo ng bangko pagdating
sa puhunan at ari-arian. Tumatanggap ang bangkong ito ng demand
deposit at iba pang serbisyong pampinasyal. Sila rin ay pinapayagang
tumanggap ng papeles ng pagkakautang.
Halimbawa ng Bangkong Komersiyal: BPI, Union Bank, Metrobank at
Equitable PCI Bank.

2.Bangko ng Pag-iimpok – pangunahing gawain ng bangkong ito ang


tumanggap ng mga impok ng mga mamamayan at ipautang ito sa
mga mamumuhunan upang sila ay tumubo.

Halimbawa ng Bangko ng Pag-iimpok: Allied Savings Bank, Banco


Filipino Savings Bank, Mortgage Bank at BPI Family Savings Bank

3.Bangkong Rural – bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at bayan


kung saan limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran dahil sa maliit
lamang ang kanilang puhunan. Karaniwang kliyente ng ganitong
bangko ay mga magsasaka, mangingisda at mga taong nabibilang sa
sektor ng agrikultura.

MGA ESPESYAL NA BANGKO

a.Development Bank of the Philippines (DBP) – naitatag ang bangkong ito


ng pamahalaan upang magpautang sa mga proyektong pangkaunlaran,
lalung lalo na sa larangan ng pagpapatayo at pagpapalago ng industriya ng
bansa. Nagpapautang ito sa mababang interes.
b.Land Bank of the Philippines (LBP) – itinatag ang bangkong ito bilang
katuwang ng programa sa repormang agraryo ng bansa. Ito ang
pinanggagalingan ng pondo ng programa at nagbibigay ng pautang at tulong
sa mga magsasakang nakasama sa repormang agraryo.
c.Islamic Bank (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines)
Dahil sa ibang kultura ng mga Muslim, kailangan nila ng espesyal na
bangko na hindi lamang institusyong pananalapi kundi susunod din sa
alituntunin ng kanilang relihiyong Islam na may kinalaman sa pananalapi,
pangungutang, pagbabayad at pakikipagkalakalan.

11
IBA PANG INSTITUSYONG PANANALAPI

a. Kompanyang Seguro – ito ay nahahati sa dalawa: ang pribado at


pag-aari ng pamahalaan.
b.Government Service Insurance System (GSIS) ay itinalaga upang
mangolekta sa mga empleyado ng pamahalaan ng buwanang kontribusyon
bilang pag-iimpok sa kanilang pagreretiro sa serbisyo ng pamahalaan.
c. Social Security System – ito ay itinalaga para mangolekta ng buwanang
kontribusyon sa mga empleyado ng mga pribadong kompanya. Sila ay
tatanggap ng pensiyon sa kanilang pagreretiro at naka-seguro rin sila sa
anumang mangyayaring aksidente at iba pang pinsala sa katawan dulot ng
kanilang trabaho.
d.Bahay-Sanglaan – ito ay nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral na
karaniwang alahas, kasangkapan, o kagamitan at anumang mahahalagang
bagay.
e.Tagapagpalit ng Dayuhang Salapi (Money Exchanger) – ito ay nasa ilalim
ng pamamahal ng BSP upang legal na makapagpalit ng mga dayuhang salapi
sa piso.

PANDAIGDIGANG INSTITUSYONG PANANALAPI

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lahat ng bansa ay naharap


sa matinding kahirapan at pagkawasak ng ekonomiya dulot ng digmaan.
Itinatag ang tatlong pangunahing institusyon upang mamahala sa gagawing
rehabilitasyon at sa sistema ng pandaigdigang kalakalan. Ito ay ang:

1. World Bank (WB) – layunin nito na magbigay ng tulong pananalapi at payo


sa mga bansang kasapi nito para sa kanilang programang pangkaunlaran,
pagbawas sa kahirapan at proteksiyon sa pandaigdigang pamumuhunan.
2. International Monetary Fund – tumitingin sa pandaigdigang sistema ng
pananalapi sa pamamagitan ng pag-aaral sa palitan ng dayuhang salapi at
balanseng kita ng mga bansa sa mundo. Ito rin ay nagbibigay ng teknikal at
tulong pinansyal kapag may pangangailangan at may humingi ng tulong.
3. General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) – Naitatag ito upang
itaguyod ang internasyonal na kalakalan sa pamamagitan ng pagbawas o
pagtatanggal ng mga hadlang sa kalakalan katulad ng taripa o quota.

12
Pagyamanin

A. PUNUAN MO!

Panuto: Punuan mo ng tamang kasagutan ang mga hinihingi sa loob ng kahon.


Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong kasagutan.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

INSTITUSYONG
BANGKO
DI-BANGKO

B. IPALIWANAG MO!

Panuto: Matapos mong malaman ang mga bumubuo sa Patakarang Pananalapi,


gamit ang natutunan ipaliwanag mo ang iyong kasagutan. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang Bangko Sentral sa problema ng mga bangko?


2. Bakit mahalaga na mayroong ugnayan ang mga bangko at Institusyong di-
bangko?
3. Paano mo mapapahalagahan ang bangko kung saan nakalagak ang iyong
pera?

13
C. SAGUTAN MO!

Panuto: Sagutan ang palaisipan ng mga salitang tumutukoy sa mga bilang ng


crossword puzzle ayon sa paglalarawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
3 2

Pahalang

1. Bangko ng mga bangko


4. Tumutulong sa mga kasapi nito na magkaroon ng sariling bahay
5. Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng pamahalaan
6. Itinatag ang bangkong ito upang tulungan ang pamahalaan
7. Pangunahing layunin nito na itaguyod ang pagpapatupad ng reporma sa lupa
8. Naglalayong tulungan ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan
9. Humihikayat sa mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi ng
kanilang kita.

Pababa

2. Pangunahing layunin ay tulungan at itaguyod ang mga pangangailangan ng


Muslim.
3. Ito ang nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa mga pribadong
manggagawa sa mga pribadong industriya.

14
D. SURIIN MO!

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon gumuhit ng nakangiti kung mainam at


malungkot kung di mainam sa iyong papel.

1. Madagdagan ang oras ng pagdedeposito sa bangko


2. Pagpapautang sa mga mahihirap na tao
3. Mababang interes sa mga pautang ng bangko
4. Mataas na interes sa mga nakadepositong bangko
5. Mahabang panahon na pagbabayad ng utang ng mga manggagawa
6. Pagbaba ng pension ng mga retirado
7. Walang insurance sa perang nakalagak sa bangko
8. Mabilis na proseso sa pangungutang sa bangko
9. Maikling oras ng paghihintay sa loob ng bangko
10. Madalas na offline ang mga ATM

E. PUNAN MO!

Panuto: Punan mo ng salita ang bakanteng guhit na angkop sa kanyang


kahulugan. Isulat sa iyong sagutang papel.

Bahay Sanglaan Money Exchanger Fiat Money Authority

Required Reserved Pagdidiskwento Open Market Operation

Commercial Bank Bangko ng pag-iimpok Pera Rural Bank

1. ___________ nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral na karaniwang


alahas, kasangkapan o kagamitan upang matiyak ang
pagbabayad ng nangungutang.
2. ____________nasa ilalim ng pamamahala ng BSP upang legal na makapagpalit
ng mga dayuhang salapi sa piso.
3. ____________ang BSP lamang ang may kapangyarihang mag imprenta ng
salapi sa bansa.
4. ____________bahagi ng idinedeposito ng mga tao sa bangko na kailangang itabi
ng bangko at hindi ipautang.
5. ____________bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP kung magkano
ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang interes na ito ay
tinatawag na rediscounting.
6. ____________pagbebenta o pagbili ng mga papel ng pagkakautang ng
pamahalaan o government securities na direkta sa pamilihan.

7. ____________tumatanggap ito ng demand deposit at iba pang serbisyong


pampinansyal.

15
8. ____________pangunahing gawain nito ang tumanggap ng mga impok ng mga
mamamayan at ipautang ito sa mga mamumuhunan upang sila
ay tumubo.
9. ___________tinatanggap na pamalit ng mga produkto at serbisyo.
10. ____________karaniwang kliyente nito ay mga magsasaka,mangingisda at mga
taong nabibilang sa sector ng agrikultura.

F. TUKUYIN MO!

Panuto: Tukuyin kung nakatutulong o nakasasagabal ang mga sumusunod sa


ating ekonomiya. Isulat sa iyong sagutang papel ang tsek sa nakakatulong at ekis
sa nakasasagabal.

1. Pagtaas ng halaga ng dolyar laban sa piso


2. Nasangkot ang Bangko Sentral sa treasury bill scam.
3. Madalas na paggamit sa mga bangko bilang scam.
4. Madaming tao ang nahihikayat na manguha ng insurance.
5. Dumarami ang bangko nagsasara (pagkalugi).
6. Naging matatag ang piso laban sa dolyar.
7. Nababawasan ang laman ng ATM nang hindi mo alam.
8. Marami ang natutulungang mga magsasaka.
9. Nahihikayat mag-impok sa bangko ang mga tao.
10. Dumarami ang nagungutang sa mga 5/6.

16
Isaisip

Panuto: Ibigay ang sagot na hinihingi sa bawat bilang at isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang _______________________ ay tinaguriang “bangko ng mga bangko”


sapagkat ito ay may direktang kapangyarihan sa mga bangko.

2. Ang _______________ ang pinakamalaking grupo ng bangko pagdating sa


puhunan at ari-arian,tumatanggap ng demand deposit.

3. Ang pangunahing gawain ng ______________ ang tumanggap ng mga impok


ng mga mamamayan at ipautang ito sa mga namumuhunan upang sila ay
tumubo.
4. Ang _____________ ay bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at bayan
kung saan limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran.

5. Ang ___________ ay itinatag ng pamahalaan na pangunahing layunin ay


magpautang sa mga proyektong pangkaunlaran.

6. Ang ______________ ay itinatag bilang katuwang ng programa sa repormang


agraryo ng bansa
.
7. Ang ___________________ ay bangkong nakalaan para sa mga Muslim.

8. Ipinatutupad ng pamahalaan ang _________________ upang maiwasan ang


panggagaya o pamemeke ng salapi o counterfeiting.

9. Ang ____________________ ay gumagarantiya at ipinag-uutos ng pamahalaan


na tanggapin ng lahat ng mamamayan.

10. Ang ___________ ay isang uri ng institusyon na tumatanggap at lumilikom ng


mga salapi na iniimpok ng mga tao at negosyante.

11-13. Magbigay ng tatlong uri ng institusyong bangko at ipaliwanag ang


kahalagahan nito.

14-15. Magbigay ng tatlong uri ng institusyong di-bangko at ipaliwanag ang


kahalagahan nito.

17
Isagawa

A. Panuto: Matapos ang iyong pag-aaral ukol sa layunin at pamamaraan


ng patakarang pananalapi. Sa bahaging ito ikaw ay inaasahang
makagawa ng isang baloon dialogue kung paano ang tamang
pagtangkilik sa mga institusyon ng pananalapi ng bansa. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

B. Panuto: Pag-aralan at unawain mabuti ang larawan sa ibaba. Bigyan ng


sariling pagpapaliwanag ang mensaheng nais ipahatid nito sa iyo.Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
Paliwanag:

BSP

18
Tayahin

Pagtataya 1
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang mga bangko sa ekonomiya ng bansa lalo na ang


Bangko Sentral?
A. Nag- iisip kung paano makatutulong upang malutas ang anumang
suliranin sa pananalapi na kinakaharap ng bansa.
B. Gumagawa ng paraan na palaguin ang ekonomiya ng bansa.
C. Nagsasagawa ng mga pag-aaral upang matulungan ang pamahalaan.
D. Nagpapautang sa pamahalaan ng may mababang interes upang
mapalago ang ekonomiya ng ating bansa.
2. Upang maipatupad ng Patakarang Pananalapi bakit kailangan ng Fiat
Money Authority ng Bangko Sentral?
A. Sapagkat sila ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas.
B. Sapagkat madami ditong perang maaaring gamitin .
C. Sapagkat sila ang may kapangyarihang mag imprenta ng salapi sa
bansa.
D. Sapagkat lubos na pinagtitiwalaan ng pamahalaan ang Bangko Sentral.

3. Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa upang


___________________?
A. maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
B. hindi magwelga ang mga manggagawa
C. dumami ang pera ng bansa
D. maiwasan ang pagtaas ng implasyon

4. Paano nakatutulong ang Open-market operation ng BSP sa pamahalaan?


A. Sa pamamagitan ng pagbenta o pagbili ng pagkakautang ng
pamahalaan
B. Paghingi ng pahintulot na gumastos ng pera ng pamahalaan
C. Pagpapautang sa mga maliliit na bangko sa bansa
D. Pagsasagawa ng mga seminar sa mga maliliit na negosyante

5. Mahalagang gumamit ng salapi bilang batayan ng palitan upang


______________.
A. mapadali ang pagbili ng produkto
B. hindi maging kumplikado ang pagkumpara ng halaga ng produkto
C. maikling oras ang maguguol sa pamimili
D. Lahat ng nabanggit

19
6. Kung ang Bangko Sentral ay magpatupad ng Expansionary Money Policy ano
ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya?
A. Aalis ang mga dayuhang negosyante sa ating bansa
B. Dadami ang mga negosyanteng magtatayo ng kanilang mga negosyo
C. Marami ang magsasara ng kanilang negosyo
D. Mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa

7. Kung mataas ang implasyon ano ang maaaring ipatupad ng Bangko Sentral
bilang tulong sa ekonomiya ng ating bansa?
A. Expansionary Money Policy
B. Tight Money Policy
C. Easy Money Policy
D. Contractionary Money Policy

8. Naitatag ang Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines upang


_______________________.
A. makautang ang mga nasa Mindanao
B. tulungan ang mga Muslim
C. makasabay sa kultura ng mga Muslim
D. dumarami ang mga Muslim sa bansa

9. May iba pang institusyong Pananalapi maliban sa mga bangko. Ano ang
tulong nito sa mga mamamayan?
A. Nagkakaroon ng dagdag ahensya ang maaaring utangan.
B. Nagkakaroon ng seguro sa anumang mangyayaring aksidente o pinsala
sa katawan dulot ng trabaho.
C. Makapagpalit ng dayuhang salapi sa pera na ginagamit sa ating bansa.
D. Lahat ng nabanggit.

10. Nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa ang mataas na implasyon dahil sa


_____________________.
A. tumataas ang presyo sa pamilihan
B. marami ang nawawalan ang hanapbuhay
C. bumababa ang halaga ng pera
D. dumadami ang nangungutang

20
Pagtataya 2
Panuto: Ilista batay sa iyong pangangailangan ang salitang makikita sa ibaba
ayon sa sariling pagpapahalaga.Isulat ang bilang 1,2,3 …. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Cellphone Mag-iimpok Sapatos Damit

Singsing Kuwintas Computer Laptop

Magtitinda-Buy & Sell Lifetime Load Headset Bag

Pagkain Wifi Motorsiklo Liptin

Kotse Traysikel Pabango Relo

Mga gabay na tanong:

1. Bakit ito ang pinakauna mo?


2. Ano ang naging batayan ng iyong pagpapasya?
3. Bakit kailangang malaman mo ang tamang paggamit ng salapi?
4. Paano ito nakatutulong sa iyong pang araw-araw na buhay?
5. Bilang isang mag-aaral sa paanong paraan mo maipapakita ang
kahalagahan ng perang ibinibigay sa iyo ng nanay at tatay mo.

Karagdagang Gawain

Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain ang nasa talata, sagutin ang mga katanungang nasa
ibaba.

Si Mang Kanor at Aling Ising ay nagmamay-ari ng isang malaking Hardware sa


Baler. Ang bawat kinikita nila sa araw -araw ay inilalagay nila sa baul na nasa
kanilang bahay ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ang bahay nila ay
nasunog. Ang lahat ng kanilang perang inimpok ay naging abo.

21
Mga gabay na tanong:

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Mang Kanor ano ang tamang gawin upang
masigurong ligtas ang salapi mo?
2. Bakit mahalagang sa bangko natin ilagak ang ating salapi?
3. Paano ka makatutulong sa ating pamahalaan upang mapalakas ang
pananalapi ng ating bansa?

Gawain 2:
Panuto: Suriin ang mga larawan. Sagutan ang mga kalakip na katanungang
nasa ibaba.Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

P P
500.00

1000.00
500.00 1000.00

P P
100.00

200.00

100.00 200.00

P
50.00

50.00

Mga gabay na tanong:

1. Saan ko ilalaan ang mga salapi sa itaas?


2. Anong kaugnayan ng salaping ito sa patakarang pananalapi ng bansa?
3. Paano mo pinapahalagahan ang paggamit ng salapi?

22
23
Pagyamanin
A.
Subukin
Commercial Bank
1. A Rural bank E.
2. D Thrift bank
3. A Espesyal na Bangko – 1. Bahay Sanglaan
4. C DBP LBP 2. Money Exchager
5. A 3. Fiat Money Authority
Islamic Bank
6. B 4. Required Reserved
Kompanyang Seguro
7. A 5. Pagdidiskwento
Bahay Sanglaan 6. Open Market
8. C Money Exchanger
9. D Operation
10. A 7. Commercial Bankk
C. 8. Bangko ng Pag-
11. D
12. B iimpok
1. Bangko Sentral 9. Pera
13. D 2. Al Amanah Bank
14. C 10. Rural Bank
3. SSS
15. D 4. Pag-ibig Fund
Tuklasin 5. GSIS
Ang tagapangasiwa na ang 6. DBP
gagawa ng susi sa 7. LBP
pagwawasto. 8. Rural Bank
9. Thrift Bank
B. Tayahin
Ang tagapangasiwa na ang Isaisip 1. A
gagawa ng susi sa 2. C
pagwawasto. Ang tagapangasiwa na ang 3. D
gagawa ng susi sa pagwawasto. 4. A
D. 5. D
6. B
1-5 ( Nakangiti) Isagawa 7. C
6-7 (Malungkot) 8. C
8-9 (Nakangiti) 9. D
10. A
Ang tagapangasiwa na ang
F. 11-15 ( Guro ang
gagawa ng susi sa pagwawasto. mangangasiwa)
1-3 (Ekis)
4 –tsek
5- ekis
6- tsek Karagdagang Gawain
7-ekis
Ang tagapangasiwa na
8-9 ( tsek)
ang gagawa ng susi sa
10-ekis
pagwawasto.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

Balitao, Bernard R., Cervantes, Meriam dR., Nolasco, Liberty I., Ong, Jerome A.,
Ponsaran, John N., Rillo, Julia D., E: 2012 Ekonomiks-Araling Panlipunan,
Quezon City, Vibal Publishing House,

Consuelo M. Imperial, Eleanor D. Antonio, Ma. Carmelita B. Samson, Evangeline M.


Dallo, Celia D. Soriano 1999 Pagbabago Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan sa Ikaapat na taoon ng Mataas na Paaralan REX PRINTING
COMPANY INC. Quezon City

Jerick C. Ferrer,Arnel M. Leonardo, Tara Fonseca B. Iriola,2011 Ekonomiks- Para sa


mataas na Paaralan: St. Bernadette Publishing House Corporation

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like