You are on page 1of 24

9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pag-iimpok at Pamumuhunan
Araling Panlipunan– Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagiimpok at Pamumuhunan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jay Ann V. Ocon
Editor:
Tagasuri: Cleofa R. Suganob, Aimee D. Chua
Tagaguhit: Alexandrea Gem Arreola
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Region XI, Davao City Division

Office Address: DepEd Davao City Division Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telefax: (082) 224-0100/ 228 3970
E-mail Address: info@deped.davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pag-iimpok at Pamumuhunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot sa mga inilaang gawain,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Magandang araw mga mag-aaral. Handa ka na ba para sa


panibagong aralin na iyong sasanayin?

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin na naglalayong


mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa aspeto ng pag-iimpok at
pamumuhunan. Ang mga gawain na makikita sa modyul na ito ay
naglalayong napahahalagahan mo ang kaukulang paksang aralin.

Ang mga gawain dito ay inaasahang makakatulong sa iyo upang


mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksang aaralin mo. Inaasahan
na ito ay maghahatid sa iyo ng makabuluhang pagpapahalaga sa larangan ng
pag-iimpok at pamumuhunan. Inaasahan din na tutulong sa iyo upang
magkakaroon ka ng mas malalim na pang-unawa sa mga kaganapang pang-
ekonomiya sa kasalukuyan.

Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competencies


para sa Baitang 9 na: Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan
bilang isang salik ng ekonomiya. (AP9MAK-IIIi-19)
Mula sa nabanggit na kasanayan, pag-aaralan mo ang sumusunod na
mga paksa:
• Pag-iimpok
• Pamumuhunan

Pagkatapos mong pag-aaralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay


inaasahang:

• naipaliliwanag ang pag-iimpok at pamumuhunan; at


• natatalakay ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan
bilang salik ng ekonomiya.

Bago tayo tuluyang dumako sa paksa ay subukan mo munang sagutin


ang mga katanungan sa bahaging SUBUKIN upang magabayan ka sa iyong
pag-aaral tungkol sa paksa. Maaari kanang mag-umpisa!

1
Subukin Natin

Sa bahaging ito ng modyul ay susubukin ang iyong mga nalalaman


tungkol sa mga nabanggit na aralin. Ito ay magtatakda ng antas ng iyong
kaalaman tungkol sa mga naging kontribusyon ng kabihasnang Romano sa
kasaysayan ng daigdig. Handa ka na ba?

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga katanungan at isulat ang


titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagpapaliban ng paggastos o salaping hindi


ginastos.
A. pagbibigay C. pagwawaldas
B. pag-iimpok D. amumuhunan

2. Anong uri ng bangko ang kalimitang nakikita sa mga lalawigan at


naglalayong makatulong sa mga magsasaka at maliliit na negosyante?
A. Kooperatiba C. Rural Banks
B. Commercial Banks D. Thrift Banks

3. Ito ay institusyon na naglalayong magpautang ng salapi na may kolateral


na alahas at ibang gamit na may halaga.
A. Kooperatiba C. Pension Funds
B. Pawnshop D. Social Security System

4. Ano ang tawag sa paglalagak ng pondo o kapital sa isang bagay o proyekto


na nagnanais magkaroon ng benepisyo sa hinaharap.
A. Pag-iimpok C. Pananalapi
B. Pamumuhunan D. Pagwawaldas

5. Ano ang ugnayan ng kita at pag-iimpok?


A. Ang pag-iimpok ang pinagmumulan ng kita ng mga negosyante.
B. Mataas na kita mas mataas na salaping naimpok
C. Bahagi ng kinikita ay napupunta sa pag-iimpok
D. Nakasalalay sa kita ang pag-iimpok

6. Tumutukoy ito sa uri ng pamumuhunan kung saan inilalagak ang salapi


para sa negosyo.
A. Economic Activity
B. Deposit Insurance
C. Economic Investment
D. Personal Investment

2
7. Ang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng proteksyon sa mga
depositor sa bangko ay ang Philippine Deposit Insurance _______________.
A. Company
B. Contract
C. Cooperative
D. Corporation

8. Bilang isang mag-aaral, nararapat bang ikaw maglaan o magsagawa sa


pag-iimpok?
A. Oo, dahil sa pag-iimpok mapaghandaan ko aking hinaharap.
B. Oo, dahil sa pag-iimpok tutubo ang aking pera sa bangko ng malaki.
C. Hindi, sapagkat wala pa akong kakayahang mag-impok sa bangko.
D. Hindi, sapagkat walang katiyakan sa mga financial intermediares na
baka ito ay malulugi pa.

9. Sa iyong palagay, nakabubuti ba ang pag-iimpok ng pera sa mga


alkansya? Alin sa sumusunod ang mabisang paliwanag?
A. Oo, dahil dito mas nasisiguro ko ang kaligtasan ng aking saraling
salapi.
B. Oo, mas mainam na ako na lamang ang magtatago nito baka nakawin
pa ng iba.
C. Hindi, dahil makaaapekto ito sa sirkulasyon ng salapi sa ekonomiya
partikular ang mga barya.
D. Hindi, dahil walang akong tubo o interes na mapapala sa pag-
aalkansya.

10. Ito ay ang pag-iimpok sa pamamagitan ng buwanang kontribusyon


gaya ng sa SSS at GSIS.
A. Contractual Savings
B. Discretionary Savings
C. Economic Investment
D. Personal Investment

Binabati kita sa masusi mong pagsagot sa bahaging ito. Ngayon ay maaari


mo nang ipagpatuloy ang pagtuklas sa makabagong aralin sa modyul na ito.
Ipagpatuloy mo na!

3
Aralin Natin

Malugod kitang binabati sa kahusayan na iyong ipinamalas sa


pagsagot mo sa gawain sa Subukin. Batid kong handa ka na upang pag-
aralan ang panibagong aralin tungkol sa pag-iimpok at pamumuhunan.
Bilang isang mag-aaral, alam mo bang may tungkulin ka rin na
makatutulong sa paglago ng ekonomiya? Marahil ay nagtataka ka ngayon sa
paunang tanong ko sa iyo, kaya halina’t pag-aralan natin ang konepto ng Pag-
iimpok at Pamumuhunan, ang kaugnayan at kahalagahan nito sa ating
pamumuhay sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. Kaya tara na magbasa
tayo at matuto!

PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN

Ang pag-iimpok o savings ay tumutukoy sa halagang natira kapag


ibinawas ang kabuuang halaga ng pagkonsumo ng isang indibidwal. Ayon
kay Meek, Morton at Schug, (2008), ito ay tumutukoy sa kitang hindi ginamit
sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan. Sinuportahan naman
ito ni Roger E.A. Farmer, (Macroeconomics 2002) na nagsasabi na ito ay
paraan ng pagpapaliban ng pagastos ng pera o salapi. Samakatuwid, ang pag-
iimpok ay tumutukoy sa gawain kung saan nag-iipon ang isang indibidwal ng
mga bagay gaya ng pagkain, pera, o iba pang uri ng pag-aari.
Ang pamumuhunan o investment ay tumutukoy sa paglalagak o di
kayay pagdaragadag ng kapital o pondo na ginagamit sa paggasta para sa
pagbili ng mga kagamitan at materyales na ginagamit sa produksiyon.
Kadalasan ang mga mamumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o
puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon sa
pananalapi.

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN


Ang pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyon ng malusog na
ekonomiya. Ayon sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), kapag
maraming mamamayan ay natutong mag-impok, maraming bansa ang
mahihikayat na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa isang matatag na bansa
ang mataas na antas ng pag-iimpok.

4
Dalawang Pangunahing Pag-iimpok:
1. Contractual Savings-ito ay pag-iimpok sa pamamagitan ng buwanang
kontribusyon gaya ng sa Social Security System (SSS) at Government
Service Insurance System (GSIS).

2. Discretionary Savings- ito ay ang boluntaryong pag-iimpok sa mga


institusyong pinansiyal kagaya ng bangko at iba pa.

Kung ang perang inipon ay inilagay sa isang alkansiya, hindi ito


makakatulong sa ekonomiya, bagkus magiging dahilan pa ito ng
disekwilibriyo sa suplay ng salapi at ekonomiya. Mas makabubuti kung ilagak
ito sa mga bangko at iba pang pinansiyal na institusyon. Gayunpaman,
marami sa atin ang salat ang kaalaman sa Financial Literacy at nahihirapan
sa pagkakaroon ng ipon. Narito ang gabay na makakatulong sa maayos na
pag-iimpok:
Pitong Kaugalian ng isang Matalinong Tagapag-Impok
1. Kilalanin ang iyong bangko
2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadong
tauhan nito.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance, at ang panghuli
ay
7. Maging maingat.
Isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya ang
pagkakaroon ng mataas na lebel ng pag-iimpok o savings. Ayon sa Philippine
Deposit Insurance Corporation (PDIC), kapag maraming mamamayan ay
natutong mag-impok, maraming bansa ang mahihikayat na mamuhunan sa
Pilipinas dahil saligan ng isang matatag na bansa ang mataas na antas ng
pag-iimpok.

Pamumuhunan
Sa pamumuhunan, kapag maraming mamumuhunan sa isang bansa,
ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinapakita sa pamamagitan ng pagtatayo
ng mas maraming negosyo. Kapag maraming negosyo, dadami rin ang
trabaho bunga nito mas maraming tao ang magkakaroon ng kakayahang
matugunan ang kanilang pangangailangan.
Kung ating natatandaan ang modelo ng paikot na daloy, ang pag-
iimpok ay ang kitang lumalabas sa ekonomiya o outflow samantalang ang
pamumuhunan ang magbabalik nito sa paikot na daloy o inflow.

5
Kinakailangang ang pag-iimpok ay katumbas ng pamumuhunan ng sa gayon
mapapanatili ang ekilibriyo. Sa pamamagitan ng mga institusyong
pananalapi, pinagtatagpo nila ang mga taong may naipong salapi at gustong
mag-impok sa mga taong nangangailangan ng salapi para mamuhunan. Sa
makatuwid ang pag-iimpok ay mahalaga at kailangan para sa kinabukasan
ng tao at para na rin may magamit ang ang mga prodyuser na puhunan sa
tulong ng iba’t ibang institusyong pananalapi.
Kilalanin natin ang iba’t ibang institusyong pananalapi na
nakatutulong sa pag-iimpok at pamumuhunan at siya ring katuwang ng
pamahaalaan sa pagtataguyod ng maayos na daloy ng salapi sa ekonomiya.

MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG PANANALAPI

I. MGA INSTITUSYONG BANGKO


Ito ang institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao,
korporasyon at pamamahalaan bilang deposito. Ang halagang inilagak ay
lumalago sa pamamagitan ng interes o tubo.
Uri ng mga Bangko
1. Bangkong Komersyal o Commercial Bank
Ito ay isang institusyon na nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng
pagtanggap ng mga deposito, pagbibigay ng mga pautang sa negosyo,
at pagbibigay ng mga pangunahing produkto ng pamumuhunan.
Maaari ring sumangguni sa isang bangko, o isang dibisyon ng isang
malaking bangko, na mas partikular na nakikipagtulungan sa mga
serbisyo ng deposito at pautang na ipinagkakaloob sa mga korporasyon
o malaki / gitnang-laki na negosyo - bilang kabaligtaran sa mga
indibidwal na miyembro ng pampubliko / maliit na negosyo Ang
commercial banks ay may dokumentong iniisyu na tinatawag na letter
of credits na nagpapahintulot sa may-ari na tanggapin ang salapi na
mula sa kanilang bangko sa ibang bansa.

2. Bangko ng Pagtitipid o Thrift Banks


Ito ay tinatawag din na savings bank. Hinihikayat ang ma tao na mag-
impok at magtipid ng ilang bahagi ng kita. Kalimiting nagsisilbi ito sa
mga maliliit na negosyante. Ito ang pinakamarami sa mga uri ng
bangko.

3. Rural Bank
Ito ay naitatag noong 1952 na naglalayong matulungan ang mga
magsasaka at mangingisda na magkaroon ng puhunan gayon din sa
mga kooperatiba.

6
4. Specialized Government Banks
Ito ay mga bangko na pagmamay-ari ng pamahalaan na itinatag upang
tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan
a. Land Bank of the Philippines - Ang layunin nito ay magkaloob ng
pondo sa mga programang pansakahan, gayundin ang matulungan
ang iba pang negosyante sa kanilang pangangailangan sa puhunan.

b. Development Bank of the Philippines -Naitatag noong 1946 upang


matugunan ang pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa
mapanirang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Prayoridad nito ang
medium scale industry.

c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines ( Al-


Amanah)
Naitatag sa ilalim ng Republic Act No.6848 na naglalayong tulungan
ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

II. MGA INSTITUSYONG DI-BANGKO


Ang mga institusyong ito ay tumatatanggap ng kontribusyon mula sa
mga kasapi, pinalalago at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng
panahon upang ito ay mapakinabangan.
1. Kooperatiba -Ito ay isa sa mga institusyon na may kalayaan sa
pagpapatakbo ng sistema sa pananalapi. Ito ay isang rehistradong
asosasyon ng mga tao na may magkakaparehong interes o adhikain. Ang
mga miyembro nito ay boluntaryong nagsama-sama upang makamtan
ang kanilang mga pangangailangan at hangad maging sosyal,
ekonomiks, at kultural na layunin.
Ang bawat kasapi sa kooperatiba ay nagbibigay ng kaukulang pera
bilang na tinatawag na capital share; tumatangkilik ng produkto at
serbisyo ng koopertiba; at tinatanggap ang risks at benefits ng mga
proyekto nito ayon sa napagkasunduang prinsiplyo ng pangkalahatang
miyembro nito. Ang kita ng mga kasapi rito ay depende sa naimbag na
puhunan na may mas maliit na tubo sa pautang kung ihahambing sa
bangko. Dito, kinikilala ang Cooperative Development Authority (CDA)
bilang ahensiya ng gobyernong na gumagabay sa lahat ng mga
kooperatiba sa Pilipinas.

2. Pawnshop o Bahay Sanglaan -Ito ay isa pang institusyong pang-


ekonomiya na ang pangunahing layunin ay pagpapahiram ng pera kapalit
ng alahas, lupain, o iba pang kagamitan na may halaga bilang kapalit o
kolateral nito. Ang pagpapahiram ng pera ay paraan sa panandaliang
pagpapautang upang masolusyunan ang pangangailangan ng salapi sa
pangmadaliang panahon na may kaakibat na interes nito.

7
3. Pension Funds

A. Social Security System (SSS) - Sa bisa ng Batas Republika Blg. 1992


noong taong 1957, naitatag ang Social Security System (SSS). Layunin
nito na tulungan na maiangat ang panlipunang kalagayan at
mapangalagaan ang kapakanan ng mga kasapi ng mga empleyado at
manggagawa ng pribadong sektor.

B. Government Service Insurance System (GSIS) -Ang Government


Service Insurance System (GSIS) naman ay naitatag upang mag-asikaso
sa kapakanan ng mga empleyado ng pamahalaan. Ang mga kasapi nito
ay ang mga manggagawa sa gobyerno o mga nasa pampublikong
serbisyo. Ang kontribusyon ng bawat kasapi ay naayon sa kaukulang
sahod na tinatanggap nito kada-buwan. Ang patuloy na nagbabayad ng
kontribusyon ay binibigyan ng dibidendo o ang kinitang salapi sa
nasabing institusyon pagkatapos ng isang taon.

C. Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, at


Gobyerno (Pag-IBIG Fund) -Itinatag upang matulungan ang mga
kasapi na magkaoon ng sariling bahay. Ang kontribusyon ay
nanggagaling sa buwanang kaltas o monthly deduction ng mga
empleyado ng pribado at pampublikong sektor. Ang mga Overseas
Filipino Workers (OFW) o mga manggagawa sa labas ng bansa ay kasali
din dito.

D. Registered Companies- tumutukoy sa mga rehistradong kompanya sa


Security and Exchange Commission (SEC) matapos magsumite ng
kaukulang papeles na kinakailangan dito. Sila din ang kompanya na
sumusunod sa batas ng nasabing komisyon.

E. Pre-Need Companies- ito ay kompanya na rehistrado sa Security and


Exchange Commission (SEC) at sumunod sa mga patakaran dito. Ito
ang nag-aalok ng Pre-Need Plans, mga kontratang nagpapakaloob ng
mga karampatang serbisyo o halaga ng pera sa takdang panahon ng
pangangailangan.

F. Insurance Companies – Ito ay mga rehistradong korporasyon ng


Security and Exchange Commission (SEC) at binigyan ng karapatan na
mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.

8
III. MGA REGULATOR
Ang sumusunod ay ang mga regulator sa mga sektor ng pananalapi na
tumutulong sa pagpapaunlad ng pag-iimpok at pamumuhunan sa bansa.
1. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)- Ito ay pangunahing institusyong
naglalalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng
pananalapi. Nakaatang din dito ang tanging kapangyarihang maglimbag ng
pera ng bansa at nagsisilbing opisyal na bangko ng pamahalaan. Ito rin
ang naatasang tumingin sa pagpapatakbo at pagpapatatag ng lahat ng mga
bangko sa bansa.

2. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)- Ito ay sangay ng


pamahalaan na naaatasang magbigay-proteksyon sa mga depositor at
tumulong na mapanatiling matatag ang sistemang pinansyal sa bansa.
Tagaseguro ito ng deposito, receiver at liquidator ng nagsarang bangko, at
imbestigador nito.

3. Securities and Exchange Commission (SEC)- Ito ay komisyon ng


pamahalaan na ang pagunahing layunin ay tagapagrehistro ng mga
kompanya sa bansa. Nag-aatas din sa lahat ng rehistrador na kompanya
na magsumite ng taunang-ulat upang maging gabay sa matalinomg
pamumuhunan.

4. Insurance Commission (IC). Layunin nito ang panatilihing matatag ang


kompanyang nagseseguro ng buhay ng tao, kalusugan, mga ari-arian at
iba pa upang mabigyan ng sapat na proteksyon ang publiko.

Kumusta mag-aaral! Ngayon ay matagumpay mong napag-aralan ang


paksa sa modyul na ito. Ikaw ay inaasahan na natututo sa mga naibigay na
aralin.

Ang susunod ay mga gawain na magbibigay sa iyo ng mas malawak na


kaalaman at malalim na pag-unawa sa mga aralin. Ang lahat ng ito ay
nararapat mong maisasabuhay. Handa ka na? Tara na!

9
Gawin Natin

Gawain 1: Pahahalagahan mo!

Sa bahaging ito ay bibigyan ka ng gawain na magsisilbing gabay sa


pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksa na iyong pinag-aralan.

Panuto: Ipaliwanag ang pangunahing layunin at kahalagahan ng mga


institusyon sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang Government Service Insurance System (GSIS)


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Ang Social Security System (SSS)


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

3. Landbank of the Philippines (LBP)


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

4. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

5. Ang Securities and Exchange Commission (SEC) ay


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

10
Rubrik sa Pagmamarka

Puntos 5 3 3 2
Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin Walang
paliwanag ay paliwanag ay o paliwanag tamang
naglalaman ng naglalaman ng ay ideyang
malalim, sapat sapat at naglalaman inilahad
Nilalaman at makabuluhang ng simpleng
makabuluhang patunay o patunay o
ideya na ideya na ideya na
ginagabayan ginagabayan ginagabayan
ng matalinong ng matalinong ng matalinong
pananaw pananaw pananaw

Gawin Natin
Sa bahaging ito ay bibigyan ka ng gawain na magsisilbing gabay sa
pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksa na iyong pinag-aralan.

Sanayin Natin

Sa bahaging ito ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang


mga nabuo mong kaalaman ukol sa pag-iimpok at pamumuhunan.
Kinakailangan ang mas malalim na kaalaman upang maihanada ang iyong
sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutunan.
Gawain 2: Komiks
Panuto: Sa isang malinis na bond paper, gumawa ng isang komiks
na naglalarawan o nagpapakita sa kahalagahan ng pag-iimpok at
pamumuhunan.

Ang kwentong ito ay


pinamagatang…….

11
RUBRIK SA PAGMAMARKA

Puntos 10 7 4 2
Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin Walang
paliwanag ay paliwanag ay o paliwanag tamang
naglalaman ng naglalaman ng ay ideyang
malalim, sapat sapat at naglalaman inilahad
KRAYTERYA at makabuluhang ng simpleng
makabuluhang patunay o patunay o
ideya na ideya na ideya na
ginagabayan ginagabayan ginagabayan
ng matalinong ng matalinong ng matalinong
pananaw pananaw pananaw

Tandaan Natin

Sa bahaging ito, ikaw ay binigyan ng mga masusing kaalaman na dapat mo


tandan sa araling ito.

✓ Ang pag-iimpok o savings ay tumutukoy sa halagang natira kapag ibinawas


ang kabuuang halaga ng pagkonsumo ng isang indibidwal. Ito ay mahalagang
gawain ng mga mamamayan, mapabata man o matanda dahil nakakatulong
ito sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya.
✓ Sa pag-iimpok natututo tayo sa pagbabadyet, na hindi kinakailangang ubusin
ang lahat ng kita sa paggasta lalung-lalo na sa mga bagay na di masyadong
kailangan at di napapanahon
✓ Hinihikayat ang mga taong nag-iipon o nag-iimpok na ilagak ang pera sa mga
institusyong pananalapi ng sa gayon ay tumubo ito, bukod sa paglago ng
perang naipon ay nakatutulong ka pa sa paglago ng ekonomiya.
✓ Ang iba’t ibang institusyong pananalapi ay makatutulong sa iyo sa
pamamahala ng iyong pera.
✓ Ang mga naimpok na pera ay pwede mong gamiting panimula o puhunan sa
negosyo.
✓ Ang pamumuhunan o investment naman ay tumutukoy sa paglalagak o di
kayay pagdaragadag ng kapital o pondo na ginagamit sa paggasta para sa
pagbili ng mga kagamitan at materyales na ginagamit sa produksiyon.
✓ Sa pamumuhunan kailangan ng masusing pag-aaral at pag-iingat ng sa gayon
di mawala ang perang inilagak o ipinampuhunan.
✓ Kailangan pantay ang pag-iimpok at pamumuhunan ng sa gayon mapanatitili
ang ekilibriyo sa ekonomiya.

Kinakailangang ang pag-iimpok ay katumbas ng pamumuhunan ng sa gayon


mapapanatili ang ekwilibriyo. Sa pamamagitan ng mga institusyong
pananalapi, pinagtatagpo nila ang mga taong may naipong salapi at gustong
mag-impok sa mga taong nangangailangan ng salapi para mamuhunan

12
Suriin Natin

Sa bahaging ito ay sasagutin mo ang mga katanungan bilang


pagsukat ng iyong nalalaman sa araling ito. Batid kong sabik ka ng matapos
mo ang iyong modyul, pero bago iyan sagutan mo muna ang mga
katanungan sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakamalinaw na kahulugan ng pag-iimpok?


A. Ito ay saving o ipon na iniwan upang gastahin sa natatakdang sugal.
B. Ang karaniwang naiwan na salapi na gagamitin sa itinakdang
gastusin.
C.Ito ay tumutukoy sa salapi na itinabi mula sa kabuuang buwanang
kinikita.
D.Tumutukoy ito sa halagang natira kapag ibinawas ang kabuuang
halaga ng pagkonsumo ng isang indibidwal.

2. Alin sa sumusunod ang pinakatamang kahulugan ng pamumuhunan?


A. Tumutukoy sa pamamaraan ng pagpapaunlad ng ekonomiya.
B. Tumutukoy sa salapi na itinatago upang ilaan sa
pinakamahalagang pangangailangan ng pamilya.
C. Ang pamumuhunan ay pagbibigay o pagpapautang ng halaga o
salaping magagamit sa paggawa ng mga produkto o serbisyo.
D. Ito ay tumutukoy sa paglalagak ng kapital o pondo na ginagamit sa
paggasta para sa pagbili ng mga kagamitan at materyales na
ginagamit sa produksiyon.

3. Tinutukoy sa pag-iimpok ang mga pag-iipon ang isang indibidwal ng


mga bagay gaya ng pagkain, pera, o iba pang uri ng pag-aari. Ano ang
pagpapahalaga ang ipinakita nito?
A. Ito ay sariling pamamaraan sa pagtatago ng mga kayamanan upang
magamit sa pagnenegosyo.
B. Ito ay pagpapahalaga ng isang indibidwal sa mga bagay tulad ng
salapi, lupain at mga kagamitan.
C. Pagpapakita ng isang indibidwal ng nakagawian sa pag-iimpok
upang umunlad ang buhay.
D. Ang indibidwal ay nagpapahalaga sa pag-iipon ng mga
pangangailangan na magagamit sa panahon na kinakailangan ito.

13
4. Alin sa sumusunod na kaugalian ng isang mahusay na taga-impok
kung saan ang isang indibidwal ay alamin ang kalagayan ng isang
institusyon na lalagakan ng kanyang salapi?
A. Kilalanin ang iyong bangko
B. Alamin ang produkto ng iyong bangko.
C. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
D. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.

5. Isa sa mga katangian ng mahusay na pag-iimpok ay


makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadong
tauhan nito. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Huwag makipag-usap sa hindi kasapi ng mga bangko.
B. Lahat ng mga tao sa loob ng bangko ay kasali sa transakyon.
C. Ang transaskyon ay dapat sa kinauukulang opisyal sa loob ng
bangko.
D. Makipag-usap sa opisyal ng bangko na may paggalang at sa mesa
lamang.

6. Bakit kinakailangang kilalanin natin ang iba’t ibang institusyong


pananalapi na nakatutulong sa pag-iimpok at pamumuhunan?
A. Upang magkaroon ng makabuluhang pakinabang ang pag-iimpok
at pamumuhunan sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya.
B. Para mabigyang ang lahat ng mga nangangailangang
mamamayan sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
C. Upang maramdaman ang masiglang pamumuhay ng mga
mamamayan.
D. Dahil kinakailangan ang pagbibiugay ng mga pangalang ng
institusyong maaring makakatulong sa pagpapaunlad ng
ekonomiya.

7. Kapag maraming negosyo, dadami rin ang trabaho bunga nito mas
maraming tao ang magkakaroon ng kakayahang matugunan ang
kanilang pangangailangan. Ano ang implikasyon nito sa ekonomiya ng
bansa?
A. Pumamapasok ang dayuhang mamumuhunan dala ang kanilang
yaman.
B. Ang kabuhayan ng mamamayan ay nakasalalay sa pautang mula
sa labas ng bansa.
C. Higit na dadami ang mga mamumuhunan sa loob at labas ng
bansa dahil sa kayamanan nito.
D. Ito ay nagpapakita ng masiglang ekonmiya ng bansa at magaan na
pamumuhay ng mamamayan.

14
8. Paano nakatutulong ang bahay-sanglaan sa pangangailangan ng tao?
A. Ito ay tumutulong sa pagpapaganda ng tanawin sa lugar na
kinanaroroonan nito.
B. Ito ay nagsilbing panakip sa mga nangungunang suliranin ng mga
mamamayan.
C. Ang bahay-sanglaan ay mahusay na institusyon dahilk nagbibigay
ito ng trabaho sa iilang mamayan.
D. Nakapagbigay ito ng agarang solusyon sa salapi kapalit ng
kolateral na kagamitan na may nakatakdang interes.

9. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa


pag-iimpok at pamumuhunan sa kasalukuyan panahon?
A. Itago upang may magamit pambili ng kagustuhan sa buhay.
B. Itago ang salapi gamit ang alkansiya dahil hindi maaring lumabas
ng bahay.
C. Ang badyet pampaaralan ay iipunan upang may pambili ng selpon
na magagamit sap ag-aaral.
D. Ang salaping gagamitin sa pag-aaral ay iipunin at ipasok sa
institusyong pang-ekonomiya upang makatulong sa paglago ng
ekonomiya.

10. Kung ikaw ay maging pangulo ng isang kooperatiba, paano mo


mapahahalagahan ito bilang isa sa mga institusyong nagpasigla sa
ekonomiya ng bansa?
A. Hayaan ang mga miyembro na magbigay desisyon para sa
koopertiba.
B. Bibigyang-suporta ang mga umuutang at lalong palakasin ito na
may upang umunlad ang kooperatiba.
C. Ibigay ang buong tiwala sa tagapamahala sa mga tauhan kahit
walang pagpupulong ng mga kasapi nito.
D. Isulong ang magandang adhikain ng kooperatiba at isaalang-
alang ang desisyon ng mga miyembro nito.

Mahal kong mag-aaral, binabati kita sa masusi mong pagsagot sa


bahaging Subukin. Ngayon ay maaari mo nang ipagpatuloy ang pagtuklas
sa makabagong aralin sa modyul na ito. Ipagpatuloy mo na!

15
Payabungin Natin

Bago magwakas ang eksplorasyon mo sa modyul na ito, ipapakita


mo ang iyong galing at husay sa pagbuo ng isang badyet na isinasaalang-alang ang
pag-iimpok at pamumuhunan lalung-lalo na sa sitwasyong kinakakaharap natin
ngayon na may COVID19 pandemya.

Gawain 3: Ibadyet mo yan!

Panuto: Sa tulong ng iyong mga magulang at iba pang kasapi ng pamilya,


gumawa ka ng isang badyet mula sa kabuuang kinikita ng pamilya. Isa-alang-
alang ang kita, ipon o savings at gastusin ng buong pamilya. Pagkatapos ay
magbigay ka ng limang pangungusap bilang pagpapahalaga sa paggawa ng
badyet sa pamilya. Sa paggawa nito, ikaw ay may gabay na mga katanungan
sa ibaba.

Kita Ipon/Savings Gastusin

Ang pagbabadyet ay mahalaga dahil


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________ .

Mga katanungan:
1. Anu-ano ang mga isinaalang-alang niyo sa paggawa ng badyet?
2. Kayo ba ang uri ng pamilya kung saan naglalaan muna kayo ng pera para sa pag-
iimpok o inuuna ninyo ang gastusin saka na ang pag-iimpok? Bakit?

RUBRIK SA PAGMAMARKA

Puntos 10 7 4 2
Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin o Walang tamang
paliwanag ay paliwanag ay paliwanag ay ideyang
naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng inilahad
malalim, sapat sapat at simpleng
Nilalaman at makabuluhang patunay o ideya
makabuluhang patunay o ideya na ginagabayan
ideya na na ginagabayan ng matalinong
ginagabayan ng ng matalinong pananaw
matalinong pananaw
pananaw

16
Pagnilayan Natin
Ang bahaging it ay magbibigay sa iyo ng kaalamang iyong isasabuhay. Ang
mga aralin dito ay iilan lamang sa mga karapat-dapat mong pansinin at isapuso
upang makamtan mo ang mga araling magpapabago sa iyong buhay.

Ano ba ang ugali ko pagdating sa pera? Isa ka ba sa mga taong


“ubos-ubos biyaya,bukas nakatunganga”? Iniisip mo ba ang
paghihirap at pagsusumikap ng iyong mga magulang o basta basta ka
lang sa paggasta ng perang ibinibigay nila sa iyo? Ni minsan ba ay
sumagi sa iyo ang mga katanungang ito? Aba! mahal kong mag-aaral
ito na ang panahon na bigyan mo ng pansin ang mga ito. Bawat isa sa
atin ay may tungkuling ginagampanan di lamang sa ating pamilya,
maging sa ating lipunan din. Ang pag-iimpok ay isang mahalagang
gawain na dapat isinasagawa ng mga tao at dapat maagang
maipamulat sa mga kabataan ang kahalagahan nito. Sa pamamagitan
ng pag-iimpok natututo ang isang indibidwal na pahalagahan ang
perang pinaghirapang kinita. Sa bawat paggasta kinakailangan mong
isaalang-alang ang pang araw-araw na pangangailangan kesa sa mga
bagay bagay na pwedeng isantabi muna. Huwag ipagpilitan at ikagalit
ang hindi pagbili ng iyong magulang sa isang bagay na hinihingi mo
kung di ito masyadong makabuluhan.

Sa panahong kagaya ngayon na may pandemya, mahalaga na


may ipon ka. Ugaliing magsantabi muna ng pera mula s akita at
pagkasyahin ang natitirang pera sa mga araw araw na gastusin. Sa
panahong gipit gaya nito may madudukot ka at hindi mo kailangang
umasa na lang palagi sa pamahalaan sa iyong mga pangangailangan.
Ika nga “kapag maikli ang kumot, matuto kang mamaluktot”. Matuto
kang maging produktibo kahit sa simpleng pag-iimpok.
Makipagtulungan sa mga magulang at kapamilya upang ang nalikom
na salapi ay magamit sa pamumuhunan sa negosyo. Hindi lamang ito
magbibigay ng ekstrang kita sa inyo, bagkus ay makatutulong pa kayo
sa pagbibigay ng trabaho sa ibang tao. Ikaw, ako, tayo, sama-sama sa
pagsulong ng kaunlaran ng bansang ito.

17
18
SURIIN GAWIN NATIN Subukin
1. C 1. Government Service Insurance 1. B
System 2. B
2. D 2. Landbank of the Philippines 3. B
3. Bangko Sentral ng Pilipinas 4. C
3. D
4. Social Security Service 5. B
4. A 5. Securities and Exchange
Commission
5. C
6. A
7. D
8. D
9. D
10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks: Modyul para sa


Mag-aaral. Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group,
Inc. Ground Floor Bonifacio Building, DepEd
Complex, Meralco Avenue,Pasig City.
Unang Limbag 2015.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks: Modyul para sa


Mag-aaral. Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group,
Inc. Ground Floor Bonifacio Building, DepEd
Complex, Meralco Avenue, Pasig City.
Muling Limbag 2017

Lopez, Lozanta Jr., et al. (2015). Ekonomiks 9: Araling Panlipunan sa


Makabagong Siglo. Karapatang Ari@2015 ng
Salesiana Books by Don Bosco Press, Inc.Antonio
Arnaiz cor. Chico Roces Avenues, Makati City.

Imperial, Abulencia, et.al. (Binagong Edisyon). Eknomiks: Kayamanan. Batayan


at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan.Rex
Bookstore. Nicanor Reyes, Sr. St.,
Manila, Philippines.

Government Service Insurance System (GSIS) - https://tinyurl.com/yyc9soqx


Social Security System (SSS)- https://tinyurl.com/y2ay4p5l

Land Bank of the Philippines (LBP)- https://tinyurl.com/y4qst6mh

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) - https://tinyurl.com/y46ch8rq

Securities and Exchange Commission (SEC)- https://tinyurl.com/y2t6r3o9


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 0100/228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like