You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN 9 -IKATLONG KWARTER

Pangalan ______________________________________________________________
Pangkat ___________ Guro_______________________________________________

Aralin
Aralin
37 KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT
PAMUMUHUNAN

MELC/ Kasanayan
Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.

Sa modyul na ito, inaasahan na lubos mong mauunawaan ang mga sumusunod;

• Kahalagahan ng pag-iimpok.
• Kahalagahan ng pamumuhunan sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Panuto: Tukuyin ang angkop na konsepto ng mga kahulugang nasa ibaba ng kahon. Pillin lamang
ang mga sagot mula sa loob ng kahon.

FINANCIAL INTERMEDIARIES PAG-IIMPOK INVESTMENT


PERA ECONOMIC INVESTMENT KITA

1. Ang ___________ ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan


ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

2. Ito ang paglalagak ng pera sa negosyo.

3. Bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay inilalagak sa bangko para sa pangangailangan


sa hinaharap.

4. Ang _____________ ay ipon na ginagamit upang kumita.

5. Ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan.

Ang mga patakarang ipinapatupad ng pamahalaan ay paraan upang mapangasiwaan nang


wasto ang kakayahang pinansiyal ng bansa. Kung babalikan ang paikot na daloy, maaalala na
ang salapi ay umiikot sa loob ng ekonomiya. May pagkakataong lumalabas mula sa sirkulasyon

9-AP Qtr3- Week 7


ARALING PANLIPUNAN 9 -IKATLONG KWARTER

ang ilan sa mga ito subalit muli itong bumabalik. Ang isang paraan ay mula sa pagiimpok at
pamumuhunan ng sambahayan at bahay-kalakal.

Mula sa bahaging ito ng teksto ng aralin, malalaman mo ang kahalagahan ng pag-iimpok


at pamumuhunan sa iyo bilang isang mamamayan at sa ekonomiya ng bansa.

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN SA PAG-UNLAD NG


EKONOMIYA NG BANSA

Ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko ay lumalago dahil sa


interes sa deposito. Ano ba ang salapi o pera? Ito ay ginagamit sa pagbili ng mga
bagay na kinakailangan
upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

Pag-iimpok ang tawag sa bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay


inilalagak sa bangko para sa pangangailangan sa hinaharap.

Ayon kay Roger E.A Farmer ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng


paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton at Schug, ang ipon o savings ay kitang
hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan.

Ipinauutang naman ito ng bangko sa mga namumuhunan na may dagdag na


kaukulang tubo. Ibig sabihin, habang lumalaki ang naidedeposito sa bangko, lumalaki
rin ang maaaring ipautang sa mga namumuhunan. Ang pamumuhunan o investment
ay ipon na ginagamit upang kumita. Economic Investment naman ang paglalagak ng
pera sa negosyo.

Habang dumarami ang


namumuhunan, dumarami rin ang
nabibigyan ng empleyo. Ang ganitong
sitwasyon ay indikasyon ng masiglang
gawaing pang-ekonomiya (economic activity)
ng isang lipunan.

9-AP Qtr3- Week 7


ARALING PANLIPUNAN 9 -IKATLONG KWARTER

Ang matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na antas


ng pagiimpok (savings rate) at kapital (capital formation). Ang mga bangko ay
tinatawag din bilang financial intermediaries na nagsisilbing tagapamagitan sa nag-
iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan. Ang ganitong pangyayari ay
nakapagpapasigla ng mga economic activities na indikasyon naman ng pagsulong ng
pambansang ekonomiya.

Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay ang ahensiya ng


pamahalaan na nagbibigay ng proteksyon sa mga depositor sa bangko sa
pamamagitan ng pagbibigay seguro (deposit insurance) sa kanilang deposito hanggang
sa halagang Php 500,000 bawat depositor. Ang isang bansang may sistema ng
deposit insurance ay makapanghihikayat ng mga mamamayan na mag-impok sa
bangko. Kapag maraming nag-iimpok, lumalakas ang sector ng pagbabangko at
tumitibay ang tiwala ng publiko sa katatagan ng pagbabangko.

Letra sa loob ng kahon. Punan ng angkop na titik ang loob ng kahon upang masagot
ang bawat tanong.

1. Ang iba pang katawagan sa financial intermediaries.

2. Naglalagak ng pera sa bangko ay tinatawag na _________________

9-AP Qtr3- Week 7


ARALING PANLIPUNAN 9 -IKATLONG KWARTER

3. Ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng proteksyon sa mga depositor sa


bangko sa pamamagitan ng pagbibigay seguro sa kanilang deposito.

4. Ayon kay _______________ ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos.

5. Ito ay ipon na ginagamit upang kumita.

Gawain 2: I-Venn diagram mo! Gamit ang venn diagram, tukuyin at isulat mo ang
pagkakaiba at pagkakapareho ng pagiimpok at pamumuhunan.

Money, money, money!


Nakahawak ka na ba ng malaking pera? Halimbawa ay mayroon kang Php
1000. Ano ang gagawin mo? Mula dito, sasagutan mo ng may katapatan ang bawat
katanungan inihanda para sa iyo. Ipaliwanag ito sa loob ng 3 hanggang 5
pangungusap.
1. Paano mo gagastusin nang tama ang iyong Php 1000 sa kasalukuyang panahon?
______________________________________________________________________________
___________________________.
2. Paano mo maipakikita ang tamang paggamit ng ating salapi? ( Magbigay halimbawa
sa pagpapaliwanag) ________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9-AP Qtr3- Week 7


ARALING PANLIPUNAN 9 -IKATLONG KWARTER

A. Piliin ang titik ng tamang sagot.


________1. Tawag sa paglalagak ng pera sa negosyo
A. Capital Outlay C. Financial Stability
B. Budget Deficit D. Economic Investment
________2. Isang paraan ng pagpapaliban sa pagbili o paggastos ng mga tao.
A. Pag-iimpok C. Punic Buying
B. Paggasta D. Wala sa nabanggit
________3. Saan maaaring maglagak at manghiram ng pera ang tao na gustong
magtayo ng negosyo?
A. Community Center C. Cooperative
B. Financial Intermediaries D. Open Market Institution
________4. Isang halimbawa ng financial intermediaries ay ang _____________
A. Bangko C. POGO
B. Market D. Wala sa nabanggit
________5. Isa sa mabuting naidudulot ng pamumuhunan ay ang _____________
A. Naitatago ang pera sa maayos na paraan
B. Dumarami ang trabaho o empleo sa isang bansa
C. Umuutang ang bansa
D. Wala sa nabanggit

B. Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay totoo o hindi. Sa puwang na ibinigay bago
ang bilang, isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali..

_______6. Ang matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mababang antas


ng pagiimpok at kapital.
_______7. Ang isang bansang may sistema ng deposit insurance ay makapanghihikayat
ng mga mamamayan na mag-impok sa bangko.
_______8. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay nagbibigay ng
proteksyon sa mga depositor sa bangko ng halagang Php 250,000 bawat depositor.
_______9. Maaaring ipinauutang ng bangko ang mga perang naimpok sa kanila sa mga
namumuhunan na may dagdag na kaukulang tubo.
________10. Pamumuhunan ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos
sa pangangailangan.

Batay sa iyong naunawaan mula sa modyul na ito, ibahagi mo ang iyong sagot
sa pamamagitan ng pagkompleto sa pangungusap sa ibaba.

Natuklasan ko na ang pag-iimpok at pamumuhunan ay

9-AP Qtr3- Week 7


ARALING PANLIPUNAN 9 -IKATLONG KWARTER

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Naunawaan ko na ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan ay


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PALASAGUTANG PAPEL- Week 7


Pangalan: ____________________________________________________________
Pangkat: __________________ Guro: ___________________________________

Paunang Pagsusulit
1.
2.
3.
4.

5.

Gawain 1: Letra sa loob ng kahon


1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 2: I Venn Diagram mo!
Pagbatayan ang diagram sa modyul ng iyong sagot
PAG-ALAM SA NATUTUNAN
Sagutin ang mga gabay na tanong sa modyul
PANGHULING PAGSUSULIT PANINILAY: (
A.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
PANINILAY: ( Ibatay ang sagot sa gabay na Gawain /tanong sa pagninilay.)

9-AP Qtr3- Week 7

You might also like