You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Nobyembre 20, 2019 (Miyerkules)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa


pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan
tungo sa pambansang kaunlaran

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing


kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran

I. LAYUNIN

Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok

AP9MAK-IIIc-6

II. PAKSA AT KAGAMITAN


A. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok
B. EKONOMIKS ARALING PANGLIPUNAN Modyul para sa Mag-aaaral 9
C. ARALING PANGLIPUNAN Modyul 9 (pp. 289–290) at K-12 Kurikulum
Panggabay/Curriculum Guide sa Araling Panglipunan 9 (pp. 202), visual aids, marker,
designs, gunting, pandikit at scotch tape
D. Pagpapalawak ng pang-unawa tungkol sa kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-
iimpok
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1) Pagtatala ng attendance.
2) Pagbabalik-tanaw sa mga napag-aralan:
Ano ang pakasang napag-aralan noong nakaraang talakayan?
3) Pagsasanay:
Panuto: Punan ang mga nawawalang mga letra sa mga patlang upang mabuo ng
kumpleto ang mga salita na nasa ibaba:
1. IMP_LS_ B_Y_R
2. S_V_NGS
3. INV_STM_NT
4. ST_C_S
5. B_NDS
6. M_T_AL F_NDS
7. F_N_NCIAL INT_RMEDIAR_ES
8. BOR_OW_R
9. AS_ET
10. S_PPLY
4) Pagganyak:
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na katanungan na nasa ibaba:
1. Paano nakakatulong ang savings, investment, stocks, bonds, mutual funds, asset at
supply sa ekonomiya ng Pilipinas?
2. Ano ang gampanin ng pagkonsumo at pag-iimpok sa pag-usbong ng ekonomiya
ng bansa?
3. Sa inyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang ugnayan ng kita,
pagkonsumo, at pag-iimpok?

B. PAGSUSURI SA BAGONG ARALIN

UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO, AT PAG-IIMPOK

Nakahawak ka na ba ng malaking halaga ng pera? Sabihin na nating isang libong piso o


higit pa. Paano mo iyon pinamahalaan? May mga tao na kapag nakahawak ng pera ay mag-iisip
kung paano ito palalaguin. Mayroon namang impulse buyer, basta may pera bili lang nang bili
hanggang sa maubos. At kung wala nang pera, saka maaalala kung ano ang kaniyang
pangagailangan. Ikaw, isa ka ba sa kanila? Ano para sa iyo ang pera at paano ito dapat gamitin?

Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay maaaring maubos. Ang pera ay
ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangagailangan at
kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng matalinong
pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang.

Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kaniyang kita. Ang
kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Sa
mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang natatanggap. Ang kita ay maaaring gastusin sa
pangangailangan at iba pang bagay na kinukonsumo. Subalit bukod sa paggastos ng pera,
mayroon pang ibang bagay na maaaring gawin dito. Maaari itong itabi o itago bilang savings o
ipon.

Sa “Makroeconomics” ni Roger E. A. Former (2002), sinabi niya na ang savings ay


paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton, at Schug (2008), ang
ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan. Ang
ipon na ginamit upang kumikta ay tinatawag na investment. Ang economic investment ay
paglalagak ng pera sa negosyo. Ang isang indibidwal ay maaari ring maglagay ng kanyang ipon
sa mga financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds.

Bakit ba kailangan ng savings? Ano ba talaga ang halaga nito? Ang pera na iyong naipon
bilang savings ay maaaring ilagak sa mga Finacial Intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan
sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang ng pera o mag-loan. Ang umuutang o borrower ay
maaring gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset (pagmamay-ari) na may ekonomikong
halaga o gamitin ito bilang karagdagang puhunan. Ang pera na iyong inilagak sa mga
institusyong ito ay maaaring kumita ng interes o dibidendo.

Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at
maaari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Bukod dito, dahil sa pagtatago mo at nang
maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring magdulot ng kakulangan ng supply ng salapi sa
pamilihan. Makabubuti kung inilagak ang salapi sa matatag na bangko o iba pang financial
intermediaries upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping inimpok.

Naimpok (Savings) Utang (Loans)

Financial

Intermediaries

Commercial Banks

Savings and Loans

Credit Unions
Nag-iimpok Nangungutang
Finance Companies

Life Insurance Companies

Mutual Funds

Pension Funds

Financial

Intermediaries

Interes at Dibidendo Pag-aari (Assets)

(Interest and Dividends)


C. PAGLINANG SA PAKSA

GAWAIN 1:

Panuto: Ibigay ang eksaktong eksplinasyon na hinhingi ng bawat katanungan na nasa


ibaba:

1. Ano ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries?


2. Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaaring pakinabang mo dito?
3. Ano ang ibig sabihin ng impulse buyer? Isa ba itong magandang katangian ng
isang konsumer? Oo o hindi, at ipaliwanag kung bakit?
4. Ano ang kaibahan ng savings sa interest?
5. Paano nakakatulong ang investments sa pagpapalago ng pera ng isang indibidwal?

GAWAIN 2:

Panuto: Punan ang pagkakapareha at pagkakaiba ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok


gamit ang Venn diagram.

Kita Pagkunsumo

Pag-iimpok
GAWAIN 3:

SURIIN AT UNAWAIN

Panuto: Ipalawanag ng maayos ang iyong mga sagot sa sumusunod na mga katanungang
nasa ibaba:

1. Ano ang ginagawa ng isang borrower?


2. Ano ang ibig sabihin ng asset?
3. Ipaliwang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ipon.
4. Magbigay ng 3 rason kung saan nanggagaling ang perang ginagamit ng mga tao.
5. Sa paanong pamamaraan mo magagastos ang iyong kita? Magbigay ng hindi
bababa sa apat.

D. PAGLALAHAT
1. Sa iyong palagay, bakit nating kailangang pag-aralan ang kita, pagkonsumo, at pag-
iimpok?
2. Sa tingin niyo alin ang mas mainam? Mainam bang mag-impok sa alkansiya o mas
mabuti bang ilagak ito sa bangko o sa iba pang financial intermediaries at bakit?
3. Alam mo na ba ngayon kung paano maging responsible sa paghawak ng pera?

E. PAGLALAPAT

Panuto: Gagawa kayo ng isang sanaysay na nakabatay sa katanungang nasa ibaba:

1. Maganda bang magplano muna ng mga bibilhin natin para sa ating pangangailangan para
malaman natin kung saan napupunta ang perang ating ginagasta. Oo o hindi?
2. Paano mo masasabi kung ang pag-iimpok nadadagdagan o nababawasan tuwing
nakakaranas ng implasyon at deplasyon?
3. Saan ba mas magandang ilagak ang iyong ipon? Sa bangko at sa iba pang financial
intermediaries o sa alkansiya? Ipaliwanag kung bakit?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Punan ang mga nawawalang salita na nasa patlang upang makabuo ng isang
pangungusap. Gawin ito sa isa’t kalahating papel.

1. Ang pera katulad ng ating mga _________________ ay maaaring maubos


2. Ang _________________ ay paglalagak ng pera sa negosyo.
3. Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang
______________ at ______________. ng mga tao.
4. Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at

maaari pang lumiit ang halaga dahil sa ______________.


5. Ang isang indibidwal ay maaari ring magalagay ng kanyang ipon sa mga financial asset
katulad ng ________, ________, o ________.

V. KASUNDUAN

Basahin ang mga susunod na aralin sa pahina 291.

Inihanda ni:

HEIDI D. CAYOBIT Inaprobahan ni: --


- Student Teacher

NELFA C. LADAN
Coordinating Teacher

You might also like