You are on page 1of 13

STRENGTHENING PARENTAL E N GAG E M E N T

IN EDUCATION(SPEEd) PROGRAM

Modyul 3
Aralin 2
Pagtaguyod sa Pinansyal na
Kaalaman ng Kabataan

1
Strengthening Parental
Engagement in Education (SPEED)
Program
Self-Learning Module (SLM)
Modyul 3:
Aralin 2: Pagtaguyod sa
Pinansyal na Kaalaman ng
Kabataan

Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 1 7 6 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng
SOCCSKSARGEN

Inilathala ng Kagawaran
Bumuo sa ng Ed u k a s y o
Pagsusulat ngn Modyul
– Rehiyon ng S O C C S K S A R G E N

Manunulat: Antonio R. Pasigado, Jr., Nelida A. Castillo, PhD


Editor: Leonardo B. Mission, PhD, Cynthia G. Diaz, PhD
Tagasuri: Grace Patrice M. Mondragon, Evelyn C. Frusa,
PhD Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, Director IV
Rebonfamil R. Baguio, Director III
Gilbert B. Barrera, Chief-CLMD
Arturo D. Tingson Jr., REPS-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – S O C C S K S A R G E N


Rehiyon XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail region12@deped.gov.ph
Address:

2
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa Modyul 3- Aralin 2: Pagtaguyod sa Pinansyal na


Kaalaman ng Kabataan. Ang modyul na ito ay pinagtulungan dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ang mga
magulang bilang kaakibat ng mga guro sa pagtuturo ng kanilang mga anak sa
kanilang tahanan.

Bilang karagdagang impormasyon, basahin ang mga paalala sa ibaba:

Paalala sa mga Magulang

Ang sumusunod ay mahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul ng may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kaligtaan gawin ang lahat na mga bahagi na nakapaloob sa modyul na
ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa guro o tagapayo ng inyong anak kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
7.
Aralin 2: Pagtaguyod sa Pinansyal na Kaalaman ng Kabataan

Alamin

Gaano kahalaga para sa isang bata ang maagang matutong magtipid, mag-
impok at maglaan ng kaukulang salapi para sa kanyang hinaharap. Karamihan sa
atin ay hindi alintana ang paggasta sa kabataang bahagi ng ating buhay at medyo
huli na o saka pa natin nabibigyang halaga ang mga ito kung nangangailangan na
tayo ng pera at wala tayong magagamit. Ang nangyayari, tayo ay nangungutang at
huli na rin na ating napagtanto na nabaon na tayo sa nasabing utang na nagiging
sanhi bakit tayo nahihirapan sa pananalapi.
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga bagay-bagay na tutulong sa
paghubog ng isang bata bilang isang matalino at responsable sa larangan ng tamang
paggamit ng kanyang salapi.

Mga Layunin:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito , inaasahan na:
7. Natutukoy ang pagkakaiba ng “Needs” sa “Wants”
8. Nailalapat ang prinsipyo ng pagbabadyet gamit ang 5/15/20/60 Rule.
9. Natutukoy ang kaibahan ng prinsipyong Equation A at Equation
10. B kaugnay ng kita, gastos, at pagtitipid
11. Naipapaliwanag ang kahalagahan sa pag-iimpok sa bangko.

3
Subukin
(Pretest)

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang


matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin.
Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin
ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

TEST I. PAGPIPILIAN
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag nating pangangailangan o “needs”?


A. malaking bahay
B. insurance
C. internet application
D. sasakyan
2. Ang cellphone at magiging bahagi ng ating needs kung ito ay gagamitin sa
.
A. pantext
B. pang-internet games
C. panonood ng You Tube
D. pang social media
3. Paano mo matutukoy kung alin sa mga sumusunod ang tinatawag na “wants”?
A. mga bagay na kailangan natin para mabuhay
B. mga bagay na kailangan natin sa ating trabaho.
C. mabilis na sasakyan para madali tayong makapasok
D.ipon na aabot sa 9 months na kabuuang gastusin sa isang
buwan

4. Ano ang kahulugan ng equation na “KITA – GASTOS = IPON”?


A. pagbibigay ng prioridad sa gastusin
B. pagbibigay ng prioridad sa kita
C. pagbibigay ng prayoridad sa naipon
D. pagkakapantay-pantay ng kita, gastos at naiipon.
5. Ano ang kahulugan ng equation na “KITA-IPON= GASTOS”?
A. pagbibigay ng prioridad sa gastusin
B. pagbibigay ng prioridad sa kita
C. pagbibigay ng prayoridad sa naipon
D. Pagkakapantay-pantay ng kita, gastos at naiipon.
6. Ang mga sumusunod ay mga kadahilanan bakit tayo nagtitipid, maliban sa .
A. paghahanda sa kasal
B. paghahanda sakali tayo ay magkakasakit
C. pagpapaayos ng bahay
D. para may panggastos
7.Ang mga sumusunod ay mga kadahilanan bakit tayo nag-iimpok sa bangko,
maliban sa .
A. seguridad
B. positibong pagbabalik ng pera
C. makakuha ng credit cards
D. minimal na gawaing papel
8.Sa ating buwanang pagbabadyet, alin sa mga ito ang bumubuo sa malaking
bahagi ng ating pinagkakagastusan?
A. insurance premiums
B. savings
C. pambayad sa mga pagkakautang
D. panggastos

4
9. Ilang porsyento ng ating buwanang kita ang nararapat napupunta sa savings?
A. 5%
B. 1 5 %
C. 20%
D. 60%
10. Para tayo magkakaroon ng financial stability, ang ating naiipon ay nararapat na aabot
sa ilang buwan ng ating buwanang expenses o gastusin?
A. dalawa
B. apat
C. anim
D. siyam

Tuklasin

Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aralan natin ang mga kaalamang pinansyal


na ginagamit natin sa buhay at paggabay sa mga bata na maging masinop sa
paggamit ng pera o resources.

Kahulugan ng “Needs at Wants”


Ang mga needs ay mga aytem na kailangan mo upang mabuhay. Ito ang mga
bagay tulad ng pagkain, tirahan at damit. Mahalaga ang mga ito para tayo ay
mabuhay. Ang mga pangangailangan ay maaari ding mapalawak sa ang
saklaw tulad ng mga bayarin sa utility (kuryente, tubig, at telepono) at kahit na ang
minimum na gastusin ng pambayad sa utang ay kinokonsiderang “needs” halimbawa
nito ay salary loan, at housing loan.

Ang ‘wants’ naman ay ang mga aytem na masarap magkaroon. Hindi sila mga
bagay na kailangan mo upang mabuhay. Minsan ang mga pangangailangan ay
naging gusto kapag kinuha mo ang iyong mga pangangailangan nang higit sa mga
pangunahing kaalaman: halimbawa, kung bumili ka ng isang bahay na mas malaki
ang bili kaysa sa kayang mong bayaran o gumagastos ka ng sobra sa iyong knikita.
Pag-aralan mo nang mabuti ang iyong pinagkakagastusan at alamin kung alin
sa mga ito ang talagang kailangan (needs) o kung ano lang ang iyong gusto (wants).
Pagkatapos, ihanay mo kung alin sa mga ito ang dapat mauna. Atin ding isa-alang-
alang ang iyong naiipon at pagpaplano para sa iyong hinaharap matapos mong
tugunan ang iyong basic needs gaya ng pagkain. Napakahalaga rin na dapat kang
mamuhay alinsunod sa iyong makakaya. Napakahalaga nito para
mapagtagumpayan mo ang pinansyal na aspeto ng iyong buhay.

Bakit ba tayo nagtitipid?


Kailangan ang pagtitipid upang may madukot sa mga natural na na
kaganapan sa buhay ng tao tulad ng sumusunod:
E. Mga kaganapan sa Siklo ng Buhay (Life Cycles)
 Kapanganakan
 Edukasyon
 Kasal
 Libing
 lokal na mga pagdiriwang
F. Mga “Emergencies:”
 Karamdaman (sakit)
 Sakuna
 natural na kalamidad
G. Pamumuhunan at oportunidad:
 pagbili ng mga lupaat iba pang mga produktibong pag-aari
 pagpapaayos ng bahay
5
Mga Kahalagahan ng Pag-iimpok sa Bangko:
1. Seguridad ng pera
2. Mabilis at di magastos sa transaksyon
 madali ang “access”
 maginhawa ang transaksyon sa bangko
 minimal na gawaing papel
3. May mga magagandang scheme sa pagpapalaki ng pera
 madali na deposito
 maliit, variable na halaga
 mabilis na pagpasok ng pera
4. Tiyak ang interes ng pera

Kaugnayan ng Kita, Gastos, at Pagtitipid

Dalawang equation ang nagpapaliwanag sa relasyon ng kita, gastos at pagtitipid:

1. Equation A: Kita – Gastos = Ipon

Ipinapakita sa Equation A na ang Ipon ay resulta o sobra na halaga


matapos mo maiiwasan ang mga gastusin sa kita. Kaya ito ay di dapat na gastusin
dahil ito ay nagsisilbing ipon.
Sa realidad, napakahirap ilapat sa totoong buhay dahil ang gastos ay mas
malaki kaysa sa kita kaya wala nang sobra kaya walang naipon upang makatipid.
Nagbibigay din ito ng ideya na ang mga gastusin ay may mas mataas na prayoridad
kaysa sa pagtitipid.

2. Equation B: Kita - Ipon=Gastos

Ipinapakita ng Equation B na kinakailangan ng pagtipid bago gumastos.


Mahirap pa rin itong ipatupad sa totoong buhay sapagkat marami sa atin ang hindi
sanay na magkaroon ng disiplina sa pagtipid at hindi marami sa atin ang tinuruan
ng wastong pamamahala ng pera: ang pagtipid na iyon ay napakahalaga sa
pagbabadyet at dapat itong mas mataas ang priyoridad kaysa sa paggastos.

Bakit kaya maraming naghihirap sa atin?


 Marami sa atin ang walang financial plan.
 Marami sa atin ang nagkakaroon ng pagsasawalang bahala sa aspeto ng
pinansyal at huli na ng ating mapagtanto.
Marami sa ating ang baon na sa utang at nahihirapan ang makaahon.

Pagpapaunlad sa kaalaman sa pananalapi


Narito ang ilang mga kaalaman upang
mapaunlad ang kam alayan pagpapalago ng kita:
A. Magiging pamilyar sa kalakaran ng pananalapi
 alamin ang pinagmulan ng kita
 alamin at suriin ang pinagkakagastusan.
 ikategorya ayon sa priority

6
B. Magtakda ng mga layunin
 tukuyin kung ano ang dapat mong pinaglalaanan
 pag-uri-uriin ayon sa kung ano ang panandalian, pangmatagalan, kailangan
at gusto.
 gumawa ng mga detalye ng pinaglalaanan

C. Magkaroon ng listahan ng mga pinagkakagastusan


 magkaroon ng talaan o record
 subaybayan ang takbo ng kalakaran sa pananalapi
D. Magkaroon ng kaalaman sa pananalapi
 magbasa
 mag-update
 magkaroon ng masusing pag-aaral

Ang Prinsipyo ng Pagbabadyet


Ang prinsipyo ng pagbabadyet ay sumusunod sa Tuntunin na “ The 5-15-
20-60 Rule”
Unang Tuntunin (5 % Rule ) Maglaan ng 5% ng iyong kita upang
bumili ng insurance
Ang paglaan ng 5% ng kita ay proteksyon para sa iyong
napakahalagang pag-aari- iyan ay ang iyong sarili. Lalo itong mas mahalaga
kung ikaw ay ang breadwinner ng pamilya.
Ikalawang Tuntunin (15% Rule ) Maglaan ng 1 5 % para sa iyong ipon
(savings)
Ang 1 5 % ng kita sa isang buwan ay dapat ilaan sa savings. Pwede kang
magbukas ng account sa bangko. Ang pondo mo sa bangko at nararapat naabot ng
anim na buwan ng kabuluhan ng iyong buwanang expenses. Hindi ito dapat i-
withdraw kung hindi man lamang emergency ang pag gagamitan.
Ikatlong tuntunin (20% Rule) Gamitin ang 20% ng iyong kita upang
pambayad sa mga utang.
Nararapat na kung may loan o utang ka man, hindi lalampas sa 20% ang
amortisation sa iyong kita. Ito yong limitasyon na iyong pagbabayaran.
Kung sobra man sa 20% ang iyong binabayaran, ito ay nangangahulugang
sobra ka sa iyong kapasidad na mangutang. Suriin ang iyong lifestyle at mamuhay
ng naaayon sa iyong kakayahan. Pakatandaan na mangutang lamang tayo kung
gagamitin natin ang pera para sa pamumuhunan na nagbibigay sa inyo ng
karagdagan kita. Kung hindi man, huwag ka na lang mangutang.

Ikaapat na Tuntunin (60% Rule) Ilaan ang 60% ng iyong kita para sa
expenses.
Ito ang limitasyon ng iyong expenses. Huwag bilhin ang hindi kinakailangan
at iwasan ang pag gasto para sa mga luho na hindi mo naman kaya. Mas mabuti na
paglaanan mo ng halaga ang insurance at pag-ipon bago ang paggasto sa anumang
bagay.

7
Isagawa
Sa bahaging ito ng modyul ay palawakin mo ang iyong mga
karanasan ukol sa mga konseptong natutunan na may kaugnayan sa paksa

Gawain 1 . Kailangan Mo ba o Kagustuhan lamang? (Needs or Wants)


Panuto: Sa Unang kolum sa ibaba ay mga posibleng pagkakagastahan ng ating
pera. Kung sa palagay mo ang pagkakataon ay kailangan, isulat sa katapat na
kolum ang salitang “Needs” at kung ito naman ay kagustuhan lamang isulat
ang salitang “Wants”

Mga Gastusin “Needs or Wants?”


1 . Pagbili ng (Cell phone load)
2. Pang-internet games
3. Pagbabayad ng Matrikula
4. Pagbili ng ulam
5. Pagbili ng gamit sa paaralan
6. Pagbili ng ticket upang makapanood ng Sine
7. Pamasahe papunta sa Tanggapan/paaralan
8. Pagtaya sa sabong
9. Pagpapa “Facial”
10. Pagbabayad ng Electric Bill

Gawain 2:
Panuto: Sa Kolum A ay mga sitwasyon ukol sa paggamit ng kita. Tukuyin kung ang
aksyon ay naaayon sa Equation A o Equation B batay sa prinsipyo ng ugnayan ng
kita, gastos, at ipon. Isulat ang buong pariralang Equation A o Equation B bilang
sagot sa Kolum B.

Mga Sitwasyon Sagot

1 . Tinitiyak na nababayaran ang lahat na utang


bago mag-gastos.
2. Bibili ng mga pangangailangan at ang naiwang
pera ay siyang ipunin.
3. Unahin ang pagtabi ng pera bago ang paggasta

4. Ang naipon ay depende na lang sa naiwang


pera pagkatapos mag-gastos

8
Gawain 3: “Mag Badyet Tayo!”
Panuto: Ikaw ay may buwanang kita na 20,000.00 pesos. Punan ng angkop na
halaga ng badyet batay sa 5-15-20-60 Rule ng Pagtitipid. Isulat ang sagot sa
Kolum B.

A. Mga Uri ng Gastusin B. Halaga Batay 5-15-20-60 Rule batay sa


buwanang kita na 20,000.00 (PhP)
Insurance premiums

Ipon (Savings)
Pambayad sa Utang

Expenses ng Pamilya

Mga Katanungan: Isulat ang sagot sa kwaderno.

1.Sa anong uri ang may pinakamalaking bahagi ng iyong gastusin? Sa anong uri
naman ang may pinakamaliit?

2.Sa iyong palagay, nararapat ba na baguhin ang buwanan mong gastusin para
lalo pang mapaunlad ang iyong pinansyal na estado?

Tayahin

Ngayong natapos mo na ang aralin, subukin mong sagutin ang gawain


sa
ibaba:
Panuto: Sagutin ang aytem 1-10. Piliin ang angkop na sagot sa mga opsyong inbinigay . Isulat
ang titik bilang sagot sa sagutang papel.

3. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag nating pangangailangan o “needs”?


A. malaking bahay
B. insurance
C. internet application
D. sasakyan
4. Ang cellphone at magiging bahagi ng ating “wants” kung ito ay gagamitin sa
.
A. pantext
B. pang online class
C. pang research
D. pang social media
5. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa ating “wants”, maliban sa .
A. mga bagay na kailangan natin para mabuhay
B. mga gastusing pampaganda
C. mabilis na sasakyan para madali tayong makapasok
D. ipon para pambili ng bagong cellphone
6. Ano ang kahulugan ng equation na “KITA-IPON=GASTOS”?
A. pagbibigay ng prayoridad sa gastusin
B. pagbibigay ng prayoridad sa kita
C. pagbibigay ng prayoridad sa naipon
D. pagkakapantay-pantay ng kita, gastos at naiipon.
7. Ano ang kahulugan ng equation na “KITA-GASTOS= IPON”?
A. pagbibigay ng prioridad sa gastusin
B. pagbibigay ng prioridad sa kita 9
C. Pagbibigay prayoridad sa naipon.
D. Pagkakapantay-pantay ng kita, gastos at naiipon
6. Alin sa mga sumusunod ay mga kadahilanan bakit tayo nagtitipid?
A. paghahanda sa edukasyon
B. pambili ng sasakyan
C. pagpapalaki ng bahay
D. para may panggastos
7. Alin sa mga sumusunod ay mga kadahilanan bakit tayo nag-iimpok sa bangko?
A. seguridad
B. may pambili ng sasakyan
C. may pambayad sa pagkakautang
D. may magamit kung may nais tayong gustong bilhin
8.Sa isang buwan ng pagbabadyet, alin sa mga ito ang bumubuo sa maliit ngunit
mahalaga para sa ating sariling pinagkakagastusan.
A. insurance premiums
B. savings
C. pambayad sa mga pagkakautang
D. panggastos
9.Ilang porsyento ng ating buwanang kita ang nararapat na pambayad sa
pagkakautang?
A. 5%
B. 1 5 %
C. 20%
D. 60%
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na mayroon kang financial
instability?
A.Ang iyong naiipon ay aabot sa siyam na buwan ng iyong
buwanang expenses
B. Nangutang ka pambili ng lupa.
C. Ang iyong expenses ay sumobra sa 60% ng iyong
buwanang kita
D. Nagkaroon ka ng insurance premium na mahigit sa 5%

10
Susi ng Pagwawasto

Subukin(Pretest) Isagawa (Gawain 1)

Isagawa(Gawain2) Isagawa(Gawain3) Tayahin (Posttest)

11
Sanggunian

Miranda Marquit. 2020. Personal Finance Back to Basics, allBusiness


Manuel Vincent Rapisura. 2016. Learning Wealth Successful Strategies in
Money Management. Philippines. Social Enterprise Development Partnership
Inc.Foundation
Government Services Insurance System Financial Literacy Program

12
PAHATID LIHAM
Ang modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon
SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa ng mga magulang sa bilang bahagi ng paaralan sa
pagkatuto ng kanilang mga anak. Ito ay pantulong na kagamitan na
gagamitin sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga magulang sa bilang
tagapag daloy ng proseso ng pagkatao. Ito ay Bersyong 1.0. Hinihimok namin
ang mga magulang o sinumang gumamit ng modyul na ito na magbigay ng
kanilang puna, komento at rekomendasyon upang mapaunlad ang modyul
na ito. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN


Rehiyon XII Office Address: Regional Center, Brgy.
Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

13

You might also like