You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan-Modyul 5
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at
Pamamahala sa Naimpok
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid
at Pamamahala sa Naimpok
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor
Marian C. Bondoc
Rene Boy T. Tamayo
Wilma P. Benedicto

Tagasuri ng Nilalaman: Wilbert A. Villaflor


Tagasuri ng Wika: Haideeh M. Mabanglo
Tagasuri ng Paglapat: Rodelio S. Agno
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

2
9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at
Pamamahala sa Naimpok

3
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-
aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,


pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

4
Ang modyul na ito na Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at
Pamamahala sa Naimpok, EsP9KP-IIIe-12.1-2 ay makatutulong sa mga
mag-aaral ng Baitang 9 na nag-aaral tungkol sa kasipagan, pagpupunyagi,
pagtitipid at pamamahala sa naimpok. Tinatalakay rito ang kahalagahan ng
kasipagan, pagpupunyagi at pagtitipid na maiaambag ng tao sa kanyang
lipunang ginagalawan.
Pagkatapos ng modyul na ito inaasahan ang mga sumusunod:
• Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag,
nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang
naimpok;
• Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang
pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may motibasyon sa
paggawa

Panuto: Upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa kasipagan sa paggawa.
Basahing mabuti ang mga tanong sa panimulang pagtataya at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Nagtatrabaho sa isang kumpanya.


a. empleyado
b. kapitbahay
c. mamamayan
d. lipunan

2. Mahusay na trabahador.
a. mareklamo
b. mabait
c. masipag
d. maganda

3. Produkto ng masusing pagpaplano.


a. kalidad
b. gawain
c. karapatan
d. obligasyon

4. Pagpasok at pag-uwi sa takdang oras.


a. personal na sakripisyo
b. maagap sa oras
c. obligasyon
d. mapagkakatiwalaan

5
5. Gumagawa kahit walang bantay.
a. mabait
b. masunurin
c. mapagkakatiwalaan
d. organisado

6. Pagtulong sa kapwa empleyado na nahihirapan.


a. kakayahang umangkop
b. maunawain
c. mabait
d. masayahin

7. Dahilan sa mga paggawa ng may kalidad


a. prayoridad
b. motibasyon
c. sweldo
d. wala sa nabanggit

8. Si Kristia ay isang nurse sa isang pribadong ospital. Upang hindi siya mahawahan ng
COVID-19 ay palagi siyang naghuhugas ng kamay at nagsusuot ng facemask at face
shield. Ano ang kanyang prioridad?
a. kaligtasan
b. kalikasan
c. hanap-buhay
d. wala sa nabanggit

9. Si Agnes ay nagbebenta ng kanyang mga produkto online sa panahon ng pandemya.


Anong indikasyon ng kanyang pagiging masipag?
a. Motibasyon at prioridad
b. may pagkukusa at kakayahang umangkop
c. pagkatuto at tiwala sa sarili
d. lahat ng nabanggit

10. Si Chito ay may Insured Individual Retirement Accounts (IRA) sa banko para sa
kanyang pagreretiro. Anong indikasyon ang ipinamamalas?
a. kasipagan
b. pagpupunyagi
c. pagtitipid
d. pag-iimpok

11. Si Ben ay nagtatrabaho sa takdang oras at tinatapos ang lahat ng gawaing


nakalaan sa kanya nang may kalidad. Ano ang kanyang ipinamamalas?
a. kasipagan
b. pagpupunyagi
c. pagtitipid
d. pag-iimpok

6
12. Nahihirapan ka sa isang gawain ngunit itinutuloy mo parin at hangad mong
matapos ito ng maganda. Ano ang iyong ipinamamalas?
a. kasipagan
b. pagpupunyagi
c. pagtitipid
d. pag-iimpok

13. Kapag walang gumagamit ng TV, ilaw at bentilador ay pinapatay ito.


a. kasipagan
b. pagpupunyagi
c. pagtitipid
d. pag-iimpok

14. Gumawa ng listahan ng mga gastos sa loob ng isang buwan at maglaan ng


ipon.
a. kasipagan
b. pagpupunyagi
c. pagtitipid
d. pag-iimpok

15. Kinakapos sa budget ang pamilya, naghanap ng dagdag na part-time na


trabaho si nanay.
a. kasipagan
b. pagpupunyagi
c. pagtitipid
d. pag-iimpok

Magbigay ng limang indikasyon sa de-kalidad na paggawa.


1. _________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________

Karagdagang Kaalaman

Maituturing na de-kalidad ang isang gawain o produkto kung ito ay may


kahusayan, kagalingan at kabutihang naidudulot sa tao at lipunan.
Tumutugon din ito sa pangangailangan ng tao upang maiangat ang kanyang
pamumuhay.

7
Basahin ang balita mula sa isang online news article.

P inarangalan 63 guro sa Antipolo


City Gov’t
Ni Kier Gideon Paolo Gapayao
LUNGSOD ANTIPOLO, May 4, –
Kinilala ng Antipolo City Government sa
pamumuno ni Mayor Jun Ynares ang
63 guro at 64 na estudyante sa
pampublikong paaralan ngayong taon
bilang bahagi ng taunang “Numero
Unong Guro” at “Natatanging Mag-
aaral Award”.
Mahigit P3M ang kabuuang scholarship
grant at insentibo ang ibinigay sa mga
pinarangalan.
“Higit pa po sa pagkilala ang layunin
natin dahil hangad po ng pamahalaang
lungsod na matulungang makapag-aral
ang mga estudyante at gurong
nagpakita ng katatagan at kasipagan
para labanan ang kahirapan sa
pamamagitan ng edukasyon. Nawa’y
manatiling inspirasyon ang kanilang
mga kwento para sa ating lahat at
maging daan ito para mapagtagumpayan natin ang lahat ng pagsubok na
maaring dumating,” pahayag ni Mayor Ynares.
Nasa P60,000 ang halaga ng scholarship grant na natanggap ng piling mag-aaral
mula sa elementarya at P80,000 hanggang P160,000 ang nakuha ng mga piling
graduates sa Senior High School na maaari nilang gamitin sa pag-aaral sa kolehiyo.

Samantala, P80,000 grant naman at laptop ang ipinagkaloob sa mga napiling


guro na maaari nilang gamitin sa pagkuha nila ng Master’s degree. Maliban dito,
handog din ng pamahalaang lungsod sa mga benepisyaryo ang plake ng
pagkilala, sertipiko, at cash incentive sa mga top students.

Sa kabuuan, humigit kumulang 2,000 benepisyaryo na ang natutulungan ng lokal


na pamahalaan simula nang ito ay inilunsad noong 2014 lamang.

8
Pamprosesong Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Sino ang nanguna sa natatanging pagkilala sa mga guro?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang pagkilalang ibinigay sa mga guro?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang hangarin ng mayor sa pagkilalang ito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Natumbasan ba ang kasipagan ng mga guro at mag-aaral? Bakit?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ang mga kumpanya ay naghahanap ng mahuhusay na empleyado at ang mga ito ay


maaaring may iba’t ibang anyo na katangi-tangi sa iba. Isa sa mga maituturing na mahusay
na empleyado ay kung ito ay masipag at dadalhin ang kumpanya sa tagumpay at mataas na
lebel ng kalidad sa paggawa.
Ang masipag na tao ay may kagustuhan na matuto at naghahanap ng paraan upang
lumago ang kanyang sarili kasabay ng pag-unlad ng kanyang kumpanya. Samakatwid, ang
masipag na tao ay nakatutok sa kanyang paglago, pagkatuto at karanasan upang maging
isang mahusay na manggagawa.

Mga Indikasyon ng Kasipagan


Ang mga sumusunod ay mga pagpapahiwatig o tanda ng pagiging masipag.

1. Maagap sa Oras at Mapagkakatiwalaan. Mahalaga sa trabaho ang bawat


minuto kung kaya’t importante na pumasok at umuwi sa takdang oras ang isang manggagawa
at gawin ang dapat nyang trabahuhin ayon sa napagkasunduan. Tapusin ang lahat ng dapat
gawin sa takdang oras at huwag nang ipagpabukas pa. Gawin ito ng maayos upang hindi
paulit-ulit ang trabaho.

9
2.May Pagkukusa at
Kakayahang
Umangkop. Ang
pagkukusa ay hindi lang
gumagawa ka dahil may
sumusubaybay sa iyo, kundi
pagiging positibo habang
gumagawa ka. Ang naiwang
trabaho kahapon ay dapat
tapusin, makapagsimula ng
bagong gawain sa araw na ito
at kung may oras pa ay
maaaring simulan na ang
gawain para bukas.
Samantalang, ang kakayahang
umangkop ay hindi lang ang
pagtatrabaho ng higit sa
itinakdang oras kundi ang
pagtulong mo sa kapwa mo
empleyado na nahihirapan sa
gawain. Kailangan rin ang
pagtutulungan upang tumaas
ang kalidad ng paggawa.

3.Pagkatuto at Pagtitiwala sa Sarili. Ang hangaring matuto at dumaan sa


proseso upang maging bihasa sa isang bagay ay larawan rin ng kasipagan. Mahalaga ang
pagtanggap ng bagong kaalaman lalo pa’t langing mayroong pagbabagong nagaganap.
Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili na gampanan ang isang gawain ay isa ring sangkap
upang maging mahusay na empleyado. Ang iyong mga natutunan ay dapat mong
isinasabuhay at nagagawa mo ng maayos.

4.Tibay at Tiyaga. Ang pagiging masipag ay nangangailangan ng tibay at lakas ng


katawan upang matapos ang gawaing dapat tapusin ng may kalidad. Kung ang empleyado ay
sakitin at mahina ang pangangatawan ay maaring maging hadlang ito upang ipagpatuloy niya
ang trabaho. Gayundin naman, ang pagtitiyaga ay isang sangkap upang matapos ang gawain.
Tapusin kung anuman ang iyong nasimulang trabaho, nang sa ganon ay pagkatiwalaan ka
pang bigyan ng mas maganda at malaking proyekto. Mahalaga ay huwag susuko at tumuon
sa gawaing ipinagkatiwala sa iyo.

10
5.Motibasyon at
Prioridad. Ang iyong
motibasyon ay isa sa mga susi
upang magsipag ka sa anumang
bagay. Hindi lang papasok ka at
magtatrabaho, kundi dapat may
dahilan ang bawat ginagawa mo.
Magsisipag ka kasi gusto mong
tumaas ang posisyon mo, o
mabigyan ka ng karangalan.
Gayundin naman ay madagdagan
ang sweldo mo at may pantustos ka
sa pangangailangan ng pamilya mo.
Kung magkagayon, ang iyong
motibasyon ay karangalan at
pagmamahal mo sa iyong pamilya.
Samantalang, ang prayoridad ay
ang hangarin mong matapos ang
mga gawain ayon sa iyong
kakayahan. Halimbawa, mayroon
kang limang gawaing dapat tapusin,
kailangan pagplanuhan kung alin sa
limang gawaing ito ang dapat
unahin at bigyan ng pansin. Ngunit
dapat ang limang gawaing ito ay
matatapos ayon sa hinihingi ng
pagkakataon.

Karagdagang Kaalaman
Ang salitang pagpupunyagi ay endeavor sa Ingles na mula naman sa salitang
Latin na “debere” na ibig sabihin ay nagpapatuloy sa proseso kahit sa harap
ng pagsubok, sa maliit o walang kasiguraduhang tagumpay.

Ang mga taong nagpupunyagi ay nananatili sa plano, may mahabang pasensya, hindi
inaalintana ang hadlang at hindi naaapektuhan ng dating pagkabigo upang makamit ang
tagumpay.

1.Nanatili sa plano – umaasa siyang sa pagsunod sa magandang plano ay


magtatagumpay ang gawain.

2.May mahabang pasensya –walang kasiguraduhan ang tagumpay kailangan ang


pagbabata.

3.Hindi inaalintana ang hadlang – ang pagsubok o pagkabigo ay bahagi ng


proseso kung kaya’t nilalapatan ng angkop na solusyon ang mga ito.

11
4.Hindi naaapektuhan sa dating pagkabigo – dumaan man sa pagkakamali, mga
pagkukulang o pagkabagsak ay patuloy pa rin sa paggawa ng walang pag-aalinlangan.

Pagtitipid at Pamamahala sa Naimpok


Ang taong nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok ay may natitira pang pera
pagkatapos ibawas ang lahat ng kanyang pangangailangan. Minsan ang pinakamahirap
gawin ay simulan ang pagtitipid ngunit narito ang ilan sa mga paraan.

1. Ilista ang iyong mga


pinagkakagastusan.
Simulan ang pag-iimpok sa
pagkakaroon ng kamalayan sa
mga bagay na
pinagkakagastusan (pagkain,
upa sa bahay, kuryente, tubig
at baon ng anak sa eskwela o
pamasahe/baon ng
nagtatrabahong nanay/tatay).
Sa ganitong paraan
malalaman mo kung saan
napupunta ang malaking
porsyento ng iyong kita sa loob
ng isang buwan. Maaaring
gumamit ng credit card o bank
statement upang maging
tumpak at wala kang
nakalimutan.
2. Budget sa pag-iimpok.
Kapag alam mo na ang
gastusin sa loob ng isang
buwan, mapagpaplanuhan mo na kung ano ang mga gastusin na maaring tipirin at
ilaan sa iyong impok. Ang iyong ipon ay dapat nasa sampu hanggang labing-limang
porsyento ng iyong kita.
3. Humanap ng paraan upang mabawasan ang paggastos. Kung
gusto mong mag-ipon ngunit napakataas ng iyong gastos, panahon na upang umisip
ng paraan upang bawasan ito. Magtipid sa kuryente (huwag hayaang nakabukas ang
tv, ilaw at bentilador kung wala namang gumagamit), magluto ng masustansya at
masarap na ulam kaysa kumain sa restaurant.
4. Maglaan ng layunin sa pag-iimpok. Magkaroon ng dahilan sa pag-iimpok
(short term - isang bakasyon, malaking handaan; long term - para sa edukasyon o
pagreretiro). Pagplanuhan kung magkanong halaga ang dapat ipunin at kailan sisimula
at hanggang kalian ito gagawin.

5. Pumili ng paraan ng pag-iimpok. Alkansya ang kinalakihan nating paraan


ng pag-iimpok ngunit wala itong paglago, kung ano lang ang halagang hinulog mo ay
ganoon din ang matatanggap mo kung bubuksan na ito. Maaring magdeposito sa

12
banko: saving account - may maliit o minimal na kita; Certificate of Deposit o Time
Deposit – may pinagkasunduang panahon para iwidraw ang pera at mas malaki ang
kita; Insured Individual Retirement Accounts (IIRAs) – para sa mga magreretiro at
inilalaan ito sa ibang negosyo upang lumago ang kapital.
6. Gawing otomatiko ang pag-iimpok. May mga banko na nagbibigay ng
pagpipilian na mailipat ang iyong perang galing sa sweldo papunta sa inyong savings
account nang sa ganun ay hindi mo na kailangan pumunta sa banko at magdeposito.
Maiiwasan ang panggastos sa nakalaang ipon.
7. Bantayan ang paglago ng iyong ipon. Suriin ang iyong buwanang budget
upang masubaybayan ang paglago ng iyong ipon at maiwasan ang problema
pagdating sa pagbabadyet o paggastos.

Pagyamanin
Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa aralin. Isulat ang tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
B W E R T Y U I O A P A
U A S D F G G H J L K L
D U O T O M A T I K O M
G M Z X C V B N M A Q O
E A W E R T Y U I N I T
T N P S A V I N G S A I
O G S D F G H J K Y L B
P K Z P A G B A B A T A
L O N G T E R M Z X C S
A P V B N M M Q W E R Y
N T Y P A K A T U T O O
O U I O P A S D F G H N

____________________1. Makalumang paraan ng pag-iipon.


____________________2. Paglipat ng iyong perang galing sa sweldo papunta
sa inyong savings account
____________________3. Pag-iipon sa banko na may maliit o minimal na kita.
-_______ account
____________________4. Uri ng pag-iimpok ng mga magreretiro.
____________________5. Ilista ang iyong mga pinagkakagastusan.
____________________6. Pagtulong sa kapwa empleyado na nahihirapan sa
gawain. -KAKAYAHANG __________
____________________7. May mahabang pasensya
____________________8. Sistematikong paggawa.
____________________9. Layon sa paggawa.
____________________10. Dumaan sa proseso upang maging bihasa.

13
Pang-isahang Pagtataya 1
1. Ano ang kahalagahan ng pagpaplano upang makapag-impok?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang may naiimpok ka para sa kinabukasan?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Itala ang apat (4) na katangian upang masabing ikaw ay nagpupunyagi.

KATANGIAN
KATANGIAN
KATANGIAN

KATANGIAN

NAGPUPUNYAGI

KATANGIAN

14
Pang-isahang Pagtataya 2

1. Bakit mahalaga ang pagpupunyagi sa isang gawain?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong pipiliin ang talikuran ang mahirap na gawain o
ipagpatuloy kahit nahihirapan? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pang-isahang Gawain 3
Panuto: Gumawa ng buwanang badyet ng inyong pamilya. Magtanong sa iyong nanay o
tatay sa paggawa nito.

Pinagkakagastusan Halaga
1. Groceries -

2. Baon(ng nagtatrabaho) -

3. Kuryente -

4. Tubig -

5. Upa/Bayad sa bahay -

6. Ulam sa araw-araw -

7. Internet/Load -

8. Pasyal/Pasalubong/Libangan -

9. Ipon -

10. Iba pa… -

Kabuuan -

15
Pang-isahang Pagtataya 3
1. Sapat ba ang sweldo ng miyembro ng pamilya na nagtatrabaho para sa lahat ng
gastusin?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang maisaayos ang badyet ng


pamilya?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Ngayon, alam mo na ang kahalagahan ng kasipagan, susubukin naman natin ang iyong galing
at karunungan sa pangangatwiran. Sagutin ang tatlong gabay na katanungan. Ang paliwanag
ay maaaring buuin ng pito (7) hanggang sampung (10) pangungusap.
1. Magbigay ng tatlong katangian ng isang masipag na tao at ipaliwanag ito.
2. Bilang mag-aaral ano ang mga indikasyong taglay mo upang masabing ikaw ay
masipag?
3. Anu-ano ang magiging epekto ng pagpupunyagi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

16
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang lubusang mapalawak
ang iyong pang-unawa sa aralin.

Konsepto at Kaalaman Ano ang iyong naging Anu-ano ang iyong gagawin
kaganapan o pang-unawa? upang maisabuhay ang
natutunan?

1. Kasipagan

2.Pagpupunyagi

3.Pagtitipid

4.Pag-iimpok

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga kaisipan. Isulat kung Tama o Mali ang mga ito.
1. Ang mga kumpanya ay naghahanap ng mahuhusay na empleyado.
2. Ang masipag na tao ay may kagustuhan na matuto.
3. Ang taong matipid ay naghahanap ng paraan upang lumago ang kanyang sarili.
4. Ang masipag na tao ay nakatutok sa kanyang paglago, pagkatuto, at karanasan upang
maging isang mahusay na manggagawa.
5. Ang naiwang trabaho kahapon ay dapat tapusin, makapagsimula ng bagong gawain sa
araw na ito at kung may oras pa ay maaaring simulan na ang gawain para bukas.
6. Ang prayoridad ay ang mga hangarin mong matapos ang mga gawain nang mabilisan
kahit hindi nakatingin ang iyong boss.
7. Walang kasiguraduhan ang tagumpay kaya kailangan ang pagbabata.
8. Dumaan man sa pagkakamali, mga pagkukulang o pagkabagsak ay patuloy pa rin sa
paggawa.
9. Simulan ang pag-iimpok sa pagkakaroon ng kamalayan sa mga bagay na
pinagkakagastusan.
10. Humanap ng paraan upang mabawasan ang paggastos at mailaan sa paglilibang.
11. Short term saving ay para sa edukasyon o pagreretiro.
12. Time Deposit ay may maliit o minimal na kita.
13. Suriin ang iyong buwanang badyet.
14. Ang iyong ipon ay dapat nasa sampu hanggang labing-limang porsyento ng iyong kita.
15. Minsan ang pinakamahirap gawin ay simulan ang pagtitipid.

17
Panuto: Kumpletuhin ang Concept map tungkol sa mga kahalagahan ng pagiging masipag.

Indikasyon ng
Kasipagan

18
19
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. A Pang-isahang Gawain 1 1. Tama
2. C 1. alkansya 2. Tama
3. A 2. otomatiko 3. Mali
4. B 3. savings 4. Tama
5. D 4. longterm 5. Tama
6. A 5. badyet 6. Mali
7. A 6. umangkop 7. Tama
8. A 7. pagbabata 8. Tama
9. D 8. plano 9. Tama
10. D 9. motibasyon 10. Mali
11. A 10. pagkatuto 11. Mali
12. B 12. Mali
13. C 13. Tama
14. C 14. Tama
15. B 15. Tama
Tuklasin
1. Mayor Jun Ynares
2. Numero Unong Guro
3. Matulungang
makapag-aral ang
mga estudyante at
gurong nagpakita ng
katatagan at
kasipagan.
4. opo
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

“Are you a Hardworker? Characteristic of a Hardworking Employee”, accessed January 31,


2021, https://www.shapironegotiations.com/are-you-a-hard-worker-characteristics-of-
a-hard-working-employee/

“What does Endeavor Mean”, accessed January 31, 2021, https://www.reference.com/world-


view/future-endeavor-mean-bac5e58f704d5cfc

“8 Simple Ways to Save Money”, accessed January 31, 2021,


https://bettermoneyhabits.bankofamerica.com/en/saving-budgeting/ways-to-save-
money

“Savings”, accessed January 31, 2021, https://www.investopedia.com/terms/s/savings.asp

“127 Natatanging mag-aaral at guro, KInilala ng Antipolo City Gov’t”, accessed January 31,
2021, https://pia.gov.ph/index.php/news/articles/1021446

20

You might also like