You are on page 1of 16

9  

   

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3.a:
Lipunang Pang-Ekonomiya
Linggo: Ikalima

 
 
Edukasyon  sa  Pagpapakatao  –  Ikasiyam  na  Baitang    
Alternative  Delivery  Mode  
Unang  Markahan  –  Modyul  3.a:  Lipunang  Pang-­Ekonomiya    
Unang  Edisyon,  2020  
 
  Isinasaad  sa  Batas  Republika  8293,  Seksiyon  176  na:  Hindi  maaaring  magkaroon  ng  
karapatang-­sipi   sa   anomang   akda   ang   Pamahalaan   ng   Pilipinas.   Gayonpaman,   kailangan  
muna  ang  pahintulot  ng  ahensiya  o  tanggapan  ng  pamahalaan  na  naghanda  ng  akda  kung  ito  
ay  pagkakakitaan.  Kabilang  sa  mga  maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay  
ang  pagtakda  ng  kaukulang  bayad.  
 
Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o  brand  
name,  tatak  o  trademark,  palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa  modyul  na  ito  
ay   nagtataglay   ng   karapatang-­ari   ng   mga   iyon.   Pinagsumikapang   matunton   ang   mga   ito  
upang   makuha   ang   pahintulot   sa   paggamit   ng   materyales.   Hindi   inaangkin   ng   mga  
tagapaglathala  at  mga  may-­akda  ang  karapatang-­aring  iyon.  Ang  anomang  gamit  maliban  sa  
modyul  na  ito  ay  kinakailangan  ng  pahintulot  mula  sa  mga  orihinal  na  may-­akda  ng  mga  ito.    
 
Walang   anomang   parte   ng   materyales   na   ito   ang   maaaring   kopyahin   o   ilimbag   sa  
anomang  paraan  nang  walang  pahintulot  sa  Kagawaran.  
 
Inilathala  ng  Kagawaran  ng  Edukasyon  
Kalihim:  Leonor  Magtolis  Briones  
Pangalawang  Kalihim:  Diosdado  M.  San  Antonio  
 

Bumuo  sa  Pagsusulat  ng  Modyul  


 
Manunulat:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Editor:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagasuri:  Conchita  T.  Caballes  |  Cita  J.  Bulangis  
Tagaguhit:    
Tagalapat:  Amancio  M.  Gainsan  Jr.  
Tagapamahala:  Senen  Priscillo  P.  Paulin,  CESO  V     Rosela  R.  Abiera  
           Fay  C.  Luarez,  TM,  Ed.D.,  Ph.D.     Maricel  S.  Rasid  
           Adolf  P.  Aguilar         Elmar  L.  Cabrera  
           Donre  B.  Mira         Nilita  L.  Ragay  
 
 
Inilimbag  sa  Pilipinas  ng  ________________________  
 
Department  of  Education  –Region  VII  Schools  Division  of  Negros  Oriental
 
Office  Address: Kagawasan,  Ave.,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental
Tel  #: (035)  225  2376  /  541  1117  
E-­mail  Address: negros.oriental@deped.gov.ph  

 
 
 

9  

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3.a:
Lipunang Pang-Ekonomiya
(Linggo: Ikalima)

 
   

 
 
 

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Lipunang Pang-Ekonomiya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

 
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

   

ii  
 
 

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1.   Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2.   Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3.   Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4.   Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5.   Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6.   Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!  

iii  
 
 

 
   
Lipunang  Pang-­Ekonomiya  
   

 
 
 
 

 Nakikilala  ang  mga  katangian  ng  mabuting  ekonomiya      (EsP9PL-­Ie-­3.1  )  

Nakapagsusuri  ng  maidudulot  ng  magandang  ekonomiya        (EsP9PL-­Ie-­3.2)  

Mga  Layunin  
 
 
  Sa  modyul  na  ito,  inaasahang  maipamamalas  mo  ang  sumusunod  na  
kaalaman,  kakayahan,  at  pag-­unawa:  
 
1.   Natutukoy  ang  kahulugan  ng  Prinsipyong  Proportio  
2.   Nakabubuo  ng  isang  matalinong  pamamaraan  sa  pangangalap  ng  
impormasyon  
3.   Napahahalagahan  ang  pagkakaroon  ng  mabuting  ekonomiya  
 

1  
 
 

 
Panimula
 

  Sa  modyul  na  ito  ay  mas  mauunawaan  ninyo  kung  paano  makatutulong  ang  
lipunang  ekonomiya  sa  pagkamit  ng  layunin  ng  lipunan-­  ang  kabutihang  panlahat.  
   
  Pantay-­pantay   ba   ang   lahat   ng   tao?   Kung   minsan,   dumarating   sa   mga  
magkakapatid   ang   tanong   na  “Sino   ang   paborito   ni   Nanay”  o   “Sino   ang   paborito   ni  
Tatay”   May   halong   inggit,   kung   minsan,   ang   pagpapabor   ni   Nanay   kay   Ate   o   ang  
pagiging  maluwag  ni  Tatay  kay  Kuya.  Naghihinakit  naman  si  Ate  dahil  sa  tingin  nya  
mas  malapit  ang  kanilang  mga  magulang  kay  bunso.  Naranasan  mo  na  ba  ito?  Kung  
oo,  ano  ang  naramdaman  mo?  Ano  ang  naisip  mo?  Ano  ang  ginawa  mo?  
 
 
 

  Panimulang  
Pagtataya  
 

Panuto:  Basahing  mabuti  ang  bawat  pangungusap  at  unawain  ang  tanong.  Piliin  ang  
pinakaangkop  na  sagot  at  isulat  ang  titik  nito  sa  iyong  kuwaderno.  
 
1.    Ano  ang  katotohanan  sa  likod  ng  paniniwala  na  “ang  tao  ay  pantay-­pantay?  
A.   Lahat  ay  may  kani-­kaniyang  angking  kaalaman  
B.   Lahat  ay  dapat  mayroong  pag-­aari  
C.   Lahat  ay  iisa  ang  mithiin  
D.   Likha  ang  lahat  ng  Diyos  
2.   Ano  ang  kahulugan  ng  prinsipyo  ng  proportion  ayon  kay  Sto.  Tomas  de  Aquino?  
A.   Pantay  na  pagkaloob  ng  yaman  sa  lahat  ng  tao  
B.   Angkop  na  pagkakaloob  ng  yaman  batay  sa  kakayahan  ng  tao  
C.   Angkop  na  pagkakaloob  ng  yaman  ayon  sa  pangangailangan  ng  tao  
D.   Pantay  na  pagkakaloob  ng  yaman  batay  sa  kakayahan  at  pangangailangan  
ng  tao  
3.   Sa   ating   lipunan,   alin   sa   sumusunod   ang   patunay   na   naitatali   na   ng   tao   ang  
kaniyang  sarili  sa  bagay?  
A.   Mas   nararapat   lamang   na   makatanggap   ang   isang   tao   ng   tulong   mula  
pamahalaan,  kahit  na  kaya  naman  niya  itong  bilhin  o  kaya  ay  hindi  naman  
kailangan,   dahil   karapatan     niya   ito   bilang   mamamayang   nagbabayad   ng  
buwis.  
B.   Hindi  mabitawan  ni  Shiela  ang  kaniyang  lumang  mga  damit  upang  ibigay  sa  
kamag-­anak  dahil  mayroon  itong  sentimental  value  sa  kaniya.  

2  
 
 

C.   Inuubos  ni  Jerome  ang  kaniyang  pera  sa  pagbili  ng  mamahaling  relo  na  sa  
ibang  bansa  lamang  mahahanap.  Ayon  sa  kaniya,  sa  ganitong  paraan  niya  
nakukuha  ang  labis  na  kasiyahan  
D.    Lahat  ng  nabanggit  
4.   Alin  ang  hindi  naglalarawan  sa  lipunang  pang-­ekonomiya?  
A.   Maihahalintulad  sa  pamamahala  ng  budget  sa  isang  bahay  
B.   Pagkilos  para  sa  pantay  na  pagbabahagi  ng  yaman  ng  bayan  
C.   Pangangasiwa   ng   yaman   ng   bayan   ayon   sa   kaangkupan   nito   sa   mga  
pangangailangan  ng  tao  
D.   Pagkilos   upang   masiguro   na   ang   bawat   bahay   ay   magiging   tahanan   sa  
pamamagitan  ng  pangangasiwa  ng  yaman  ng  bayan.  
5.   Sa  lipunang  pang-­ekonomiya,  ano  ang  pagkakaiba  ng  pantay  sa  patas?  
A.   Ang  pantay  ay  pagbibigay  ng  pare-­parehong  benepisyo  sa  lahat  ng  tao  sa  
lipunan,  ang  patas  ay  pagbibigay  ng  nararapat  para  sa  tao  batay  sa  kaniyang  
pangangailangan  
B.    Ang  pantay  ay  pagbibigay  ng  pare-­parehong  benepisyo  sa  lahat  ng  tao  sa  
lipunan,  ang  patas  ay  pagbibigay  ng  nararapat  para  sa  tao  batay  sa  kaniyang  
kakayahan  
C.   Ang   pantay  ay   pagbibigay   ng   pare-­parehong   pagturing   sa   lahat   ng   tao   sa  
lipunan,  patas  ay  paggalang  sa  kanilang  karapatan  
D.   Ang   pantay  ay   pagbibigay   ng   pare-­parehong   pagturing   sa   lahat   ng   tao   sa  
lipunan,  ang  patas  ay  pagtiyak  na  natutugunan  ng  pamahalaan  ang  lahat  ng  
pangangailangan  ng  mga  tao.  
6.   Paano  masisiguro  na  ang  bawat  bahay  ay  magiging  tahanan  sa  Lipunang  Pang-­
ekonomiya?  
A.   Nagbibigay   ng   tulong   pinansyal   ang   pamahalaan   sa   mga   mahihirap   na  
pamilya.  
B.   Sa   pangunguna   ng   estado,   napangasiwaan   at   naibabahagi   ng   patas   ang  
yaman  ng  bayan  
C.   Sinisikap  ng  estado  na  mabigyan  ng  trabaho  ang  bawat  mamamayan  kahit  
hindi  angkop  sa  kakayahan,  
D.   Tinutulungan   ng   estado   ang   mga   manggagawa   na   makahanap   ng  
hanapbuhay  sa  ibang  bansa.  
7.   Bakit  mas  epektibo  ang  patas  kaysa  sa  pantay  na  pagbabahagi  ng  yaman  ng  
bayan?  
A.   Sa   pamamagitan   nito,   mas   isaalang-­alang   ang   kakayahan   at  
pangangailangan  ng  bawat  isa  
B.    Walang   kakayahang   magpasiya   para   sa   sarili   at   sa   iba   ang   mga  
mamamayan  
C.   Karapatan  ng  bawat  mamamayan  na  matanggap  ang  nararapat  sa  kaniya  
D.   Hindi  pantay-­pantay  ang  mga  tao,  ngunit  may  angkop  para  sa  kanila.  
8.   Paano  maipakikita  ang  tamang  ugnayan  ng  tao  sa  kaniyang  pag-­aari?  
A.   Sa  pagbibigay  ng  higit  na  mataas  na  pagpapahalaga  ng  kaniyang  mga  ari-­
arian  kaysa  kaniyang  sarili.  
B.   Sa  pagmamayabang  sa  mga  kakilala  at  kaibigan  ang  dami  ng  naimpok  na  
salapi  
C.   Sa  pagpapakita  na  may  kakayahan  siyang  bumili  ng  mga  mamahaling  gamit  

3  
 
 

D.   Sa  pag-­iwas  na  maitali  ang  kaniyang  halaga  bilang  tao  sa  kaniyang  pag-­aari.  
9.   Bakit  magkaugnay  ang  pag-­unlad  ng  sarili  sa  pag-­unlad  ng  bayan?  
A.   Nakikilala  at  sumisikat  ang  mga  taong  umuunlad  
B.   Malaki  ang  maitutulong  sa  bansa  kung  maraming  pera  ang  bawat  tao.  
C.   Ang  bawat  mahusay  na  paghahanapbuhay  ng  tao  ay  may  mabuting  dulot  
sa  pag-­unlad  ng  bansa  
D.   Nagkakaroon   ng   maraming   oportunidad   sa   hanapbuhay   ang   taong  
mahilig  paunlarin  ang  sariling  kakayahan.  
10.  “   Ang   tunay   na   mayaman   ay   ang   taong   nakikilala   ang   sarili   sa   bunga   ng  
kaniyang  paggawa.  Hindi  sa  pantay-­pantay  na  pagbabahagi  ng  kayamanan  ang  
tunay  na  kayamanan.  Nasa  pagkilos  ng  tao  sa  anumang  ibinigay  sa  kaniya  ang  
kaniyang  okayayaman”  Ano  ang  kahulugan  ng  pahayag  na  ito?  
A.   Ang  tunay  na  mayaman  ay  hindi  takot  gumastos  para  sa  mga  hilig  niya.  
B.   Naipakikilala  ng  tao  ang  kaniyang  sarili  sa  husay  niya  sa  paggawa.  
C.   Mahusay  ang  taong  may  kakayahang  makabili  ng  lahat  ng  kaniyang  naisin  
D.   Maipagmamalaki  ng  tao  ang  kaniyang  sarili  sa  mga  kagamitan  na  mayroon  
siya.  
.  
 
 
 
 
Gawain  1  
 

Panuto:  Magsagawa  ng  isang  survey  sa  mga  kapuwa  mag-­aaral  (3-­5  mag-­aaral)  na  
ka   barangay   o   mismo   kapitbahay.   Tanungin   ang   mga   kapuwa   mag-­aaral   ng  
sumusunod:  
 
a.   Magkano  ang  kanilang  baon  sa  loob  ng  isang  araw?  
b.   Ano-­ano  ang  kanilang  pinagkakagastusan  sa  kanilang  baon?  
c.   Sapat  ba  o  hindi  ang  kanilang  natatanggap  na  baon?  Ipaliwanag.  
d.   Ano  ang  naidudulot  ng  kakulangan  sa  baon?  
e.   Kung   hindi   sapat   ang   natatanggap   na   baon,   paano   sinosolusyonan   ang  
kakulangang  ito?  
 
.    
 
 
 
 
 
 
 
 
 

4  
 
 

 
  Pagsusuri  
 

Mula  sa  Gawain  1  sagutin  ang  sumusunod:  


 
1.   Sapat   ba   ang   kakayahan   ng   mga   mag-­aaral   sa   pagbabadyet   ng   perang  
kanilang  hawak?  Pangatwiran.    
2.   Sa   iyong   sariling   karanasan,   mahirap   ba   o   hindi   na   magbudget   ng   perang  
hawak?  Pangatwiran.  
3.   Bakit   mahalagang   matutuhan   ng   lahat   ang   tamang   pamamahala   sa   perang  
kinikita?  
4.   Ano  ang  maaaring  maidulot  kung  hindi  mapangangasiwaan  nang  wasto  ang  
perang  kinikita?  
5.   Anong   sitwasyon   sa   lipunan   o   pamahalaan   ang   sinasalamin   ng   nagdaang  
gawain?  Ipaliwanag.  
 

 
Pagpapalalim  
 

 
                               
  Isang  debate  sa  mga  pilosopo  ang  tanong  ukol  sa  pagkakapantay-­pantay.  Sa  
isang  panig,  may  nagsasabing  pantay-­pantay  ang  lahat  dahil  likha  tayo  ng  Diyos,  dahil  
tao   tayo.   Isa   pa,   dahil   kung   titingnan   ang   tao   sa   kaniyang   hubad   na   anyo,   katulad  
lamang  din  siya  ng  iba.  Sa  kabilang  panig,  may  nagsasabi  rin  namang  hindi  pantay-­
pantay  ang  mga  tao.  May  mga  taong  mananatiling  nasa  itaas,  dinudungaw  ang  mga  
tao   sa   ibaba.   May   mga   taong   yayaman   at   patuloy   na   yayaman   at   may   mga   taong  
mahirap  at  mananatili  sa  kanilang  kahirapan  dahil  sadyang  ganito  ang  kaayusan  ng  
mundo.  
  Isa  sa  mga  gitnang  posisyon  ay  ang  posisyon  ng  pilosopong  si  Max  Scheler.  
Para  kay  Scheler,  bahagi  ng  pagiging  tao  ng  tao  ang  pagkakaroon  ng  magkakaibang  
lakas  at  kahinaan.  Nasa  hulma  ng  ating  katawan  ang  kakayahan  nating  maging  isang  
sino.  Ang  taong  matangkad  ay  sadyang  may  pangunguna  sa  basketbol  kaysa  maliliit.  
Ang  babae  ay  mas  may  taglay  na  karisma  upang  manghalina  kaysa  lalaki.  May  timbre  
ng  boses  ang  hinahanap  upang  maging  tagapagbalita  sa  radyo.  May  linaw  ng  mata  
na   hinihingi   sa   pagiging   isang   piloto.   Idagdag   pa   rito   ang   iba   pang   aspekto   ng  
kasinohan  ng  tao:  ang  mga  koneksiyon  ng  pamilya,  ang  kaniyang  lahi,  relihiyon  at  iba  
pa.  Ang  lahat  ng  ito  ay  naglalatag  ng  maaabot  ng  tao.  
 

5  
 
 

  Ngunit  sinasabi  rin  ni  Scheler  na  dahil  na  rin  sa  hindi  pagkakapantay-­pantay  na  
ito,  kailangang  sikapin  ang  pagkakapantay-­pantay  sa  pamamagitan  ng  pagbabahagi  
ng   yaman   ng   bayan.   Hindi   dahil   maliit   ang   manlalaro   ng   basketbol   hindi   na   siya  
kailanman  magiging  mahusay  at  masaya  sa  kaniyang  paglalaro.  Hindi  niya  maaabot  
ang  naaabot  ng  matangkad  ngunit  mayroon  siyang  magagawa  sa  bukod-­tangi  niyang  
paraan  na  magpapaiba  sa  kaniya  sa  matangkad.  Kailangan  lamang  niya  ng  tiwala  at  
pagkakataon.  
  Malabo?  Gamitin  nating  halimbawa  ang  sitwasyon  sa  klase.  Maaaring  si  Elmer  
ang  pinakamagaling  sa    Math  ngunit  hindi  nito  ibig  sabihin  na  si  Elmer  na  lamang  ang  
turuan  ng  guro  ng  Math.  Pagsisikapan  pa  rin  ng  guro  na  ituro  ang  mga  tuntunin  sa  
Math  sa  kapuwa  mabilis  matuto  at  sa  mga  mag-­aaral  na  kailangan  ng  ibayong  pag-­
akay.  Subalit,  upang  higit  pang  mapaunlad  ang  husay  ni  Elmer,  maaaring  bigyan  siya  
ng  dagdag  na  mga  Math  problems  na  kaniyang  pag-­aaralan.  Tugma  ito  sa  tinatawag  
ni  Sto.  Tomas  de  Aquino  na  prinsipyo  ng  proportio,  ang  angkop  na  pagkakaloob  ng  
naaayon   sa   pangangailangan   ng   tao.   Sa   madaling   salita,   hindi   man   pantay-­pantay  
ang   mga   tao,   may   angkop   para   sa   kanila.   Kailangang   maging   patas   ayon   sa  
kakayahan,  ayon  sa  pangangailangan.  
Kung  mayroon  man  tayong  isandaang  tinapay  na  dapat  ipamigay  sa  isandaang  
tao,  ano  ang  pinakamabisang  paraan  ng  pagbabahagi  nito?  Bibigyan  ba  ang  lahat  ng  
tig-­iisang  tinapay  o  bibigyan  ang  mga  tao  nang  ayon  sa  kanilang  hinihingi?  Baka  may  
ibang  busog  pa  o  kaya  naman  ay  mahinay  kumain.  Baka  may  ibang  may  sakit  o  mas  
gutom.  Hindi  ba’t  pinakamabisa  at  masinop  na  paraan  ang  pagbabahagi  ng  tinapay  
ayon  sa  huling  batayan?  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

6  
 
 

 
  Paglalapat  
 
 
 
 
 
 
 
 
                         Gawain  2    
 

Panuto:   Gawin   ito   sa   kuwaderno.   Lagyan   ng   tsek   kung   sa   tingin   ninyo   ito   ay  
nakakatulong  sa  paglago  ng  ekonomiya  at  ekes  naman  kung  hindi.  
 
Iba’t  ibang   Marami  ang  tumangkilik,   Kaunti  ang  tumatangkilik  
Establisyemento   malakas  ang  ekonomiya   mahina  ang  ekonomiya  
1.   Sari-­sari  store      
2.   Karenderya/fastfood      
3.   Cellshop      
4.   Gasoline  station      
5.   Water   refilling      
station  
 
 
 
 

                           Gawain  3    
 

Tanong-­sagot  na  paraan.  


 
1.   Mula   sa   gawain,   ano   ang   iyong   reyalisasyon   tungkol   sa   paglago   ng  
ekonomiya?  
2.   Ano  kaya  ang  dahilan  sa  paglago  nito?  Ipaliwanag.  
 
Pamatayan  sa  Pagmamarka  
Nilalaman                                    5  
Organisasyon                        3  
Wika                                                    2        
 Kabuuan                        10    
 

7  
 
 

 
           Pagpapayaman/  
 

 
       Pagninilay  
 

Napag-­alaman  ko  na  ____________________________________.  


 
Napagtanto  ko  na  _______________________________________  
 
Ang  aking  gagawin  ay  ___________________________________  
 
   

   
   
  PANGWAKAS  NA  PAGTATAYA  
 
 
 
 
Sagutin  ang  mga  sumusunod  na  katanungan.  Isulat  sa  kuwaderno  ang  mga  sagot.  
 
   
1.   Sino  si  Max  Scheler?  Ano  ang  kanyang  ambag  sa  lipunang  pang-­ekonomiya?  
2.    Ano  ang  paninindigan  ni  Max  Scheler  tungkol  sa  pagkakapantay-­pantay  ng  mga  
tao?Ipaliwanag.  
 
3.   Ano   ang   pinakamabisang   paraan   sa   pagbabahagi   ng   yaman   ng   bayan?  
 Ipaliwanag.  
4.   Ano   ang   tawag   sa   prinsipyo   kung   saan   angkop   na   pagkakaloob   ng   ayon   sa  
 
pangangailangan  ng  tao?  
5.   Bakit   mas   epektibo   ang   patas   na   pagbabahagi   ng   yaman   ng   bayan   kaysa   sa  
pantay  na  pamamahagi  nito?  
 
Pamatayan  sa  Pagmamarka  
                 Nilalaman                                    3  
                 Organisasyon                        2  
                   ____________________      
                                                 Kabuuan                5      

     
 

8  
 
 
9  
Gawain1.  
           Ang    sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.    
Panimulang  pagtataya:   Pagsusuri:    
1.  D   1. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
2. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
2.  C   3. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
3.  C   4. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
5. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
4.  B    
5.  A   Gawain  2.  Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
6.  B   Gawain  3.    Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
7.  A   Pangwakas  na  pagtataya:  
8.  D   1. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba  
2. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba  
9.  C  
3. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba  
10.  B   4. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba  
5. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba  
   
 
 
SUSI  SA  PAGWAWASTO  
 
 
 
  Ang  angkop  na  pagkakaloob  ng  naaayon  sa  pangangailangan  ng  tao.  
Prinsipyo  ng  Proportio  
The  following  terms  used  in  this  module  are  defined  as  follows:    
Glossary    
 
 
 

MGA  SANGGUNIAN  
 

 
Sheryll   T.   Gayola   et.al,   2015,   Edukasyon   sa   Pagpapakatao-­Ikasiyam   na   Baitang,  
Unang  Edisyon,  5th  Floor  Mabini  Bldg.,DepEd  Comples  Meralco  Avenue,  Pasig  City  
Philippines  1600  
 
Division  of  Negros  Oriental  ESP  DLP  Initiated  1st  Quarter  by    Daisy  V.  Cadiz  
 
 
 
Prepared  by:    
ANNA  MAE  I.  TEJADA  
TEACHER  1  
NEGROS  ORIENTAL  
VII  
 
 

Anna  Mae  infante-­Tejada,  Siya  ay  nakapagtapos  ng  Bachelor  


of   Science   in   Psychology   sa   Negros   Oriental   State   University.  
Kumuha   ng   units   sa   Bachelor   of   Secondary   Education   sa  
Foundation  University  sa  ilalim  ng  Crash  Program.  Nakamit  niya  
ang  CAR  (Complete  Academic  Requirements)  sa  Master  of  Arts  
 
in  Special  Education  with  Specialization  in  Mentally  Challenged  
  sa  Negros  Oriental  State  University.  Sa  kasalukuyan,  nagtuturo  
  siya  ng  Edukasyon  sa  Pagpapakatao  9  sa  Negros  Oriental  High  
  School.  
 
 
 
 

10  
 
 

Para  sa  mga  katanungan  o  puna,  sumulat  o  tumawag  sa:  


 
Department  of  Education  –  Schools  Division  of  Negros  Oriental  
Kagawasan,  Avenue,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental  
 
Tel  #:  (035)  225  2376  /  541  1117  
Email  Address:  negros.oriental@deped.gov.ph  
Website:  lrmds.depednodis.net  

 
 

You might also like