You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
ESPERANZA NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


February 29,2024|Thursday – 9 GREEN, MAROON, AND GRAY

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang;
a. Natutukoy ang Kahulugan ng Implasyon
b. Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng Implasyon.
c. Nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon

II. Nilalaman
 Paksa: Aralin 4 “Implasyon at pagsukat sa pagtaas ng presyo”
 Kagamitan: Laptop, Visuals Aids,
 Sanggunian: Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral ”-
Pahina bilang 302

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng lumiban ng klase
 Pamantayan sa klase
 Irespeto ang Karapatan at opinyon ng bawat isa
 Makinig sa guro
 “I-silent” ang mga cellphone at itago ito sa inyong mga bag
 Makinig at sundin ang mga alituntunin
 Itaas ang kamay bago magsalita o bago umalis sa iyong
upuan
 Ang bawat partisipasyon ay may katumbas na puntos
 Pagbabalik-aral
 Ang guro ay mapapakita ng scrambled words na may
kinalaman sa nakaraang aralin

B. Pagganyak at Paghahabi ng layunin


Gawain 1. Suriin ang larawan!
2024
zzz

Pamprosesong Tanong;
1. Pagmasdang Mabuti ang larawan, may napansin ka bang pagbabago?
2. Bakit kaya mas kakaunti ang nabili ni nanay ngayon kaysa noon 2011?
3. Paano kaya ito nakakapekto sa iyo, at sa iyong pamilya at maging sa buong bansa?
C. Pagtatalakay
Implasyon
 Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba't ibang
panahon ay pangkaraniwang nagaganap. Subalit, kung ang bagbabago ay
dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at
may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon.

Hyperinflation
 Patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras, araw, at lingo

Pagsukat ng Pagtaas ng Presyo


 Consumer Price Index (CPI)- ginagamit sa pagsukat ng implasyon
 GBP Implicit Price Index o GNP Deflator
 Wholesale or Producer Price Index (PPI)
 Consumer Price Index (CPI)

CPI= Total weighted Price ng Kasalukuyang taon x 100


Total Weighted Price ng Basehang Taon

D. Paglalapat
Kayo naman ang magkompyut! Sa apat na pangkat, sagutan ng magkasama ang datos
na kinakailangan sa talaan. Gawin sa Loob ng sampung (10) na minuto.

Pamprosesong Tanong;
1. Mula sa talahanayan, ano ang may pinaka mataas na CPI?
2. Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan sa pagtaas sa pangkalahatang
presyo ng mga pangunahing produkto na kabilang sa basket of goods?
3. Ano ang Kahalagahan sa iyo, bilang miyembro ng pamilya Ninyo na matukoy ang
tunay na halaga ng piso? Ipaliwanag
4. Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon ng magulang ninyo sa tuwing
may pagtaas ng presyo sa mga bilihin? Pangatwiran.

E. Pagpapahalaga

 Bilang isang istudyante at mamamayan mahaga bang malaman ang katuturan ng


pagkuha ng CPI?

F. Paglalahat
 Bilang paglalahat, magkaroon ng dugtungan ng ideya, magpili sa roleta ng limang
mag-aaral na magbahagi sa klase ng kanilang natutunan sa talakayan.
IV. Pagtataya
Karagdagang Gawain: Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng
tsek (/) kung ito ay nakaktulong sa paglutas ng implasyon at lagyan ng (x) kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

____1. Pagtitipid ng baon.


____2. Pagtatapon ng natitirang pagkain.
____3. Walang pakundangan sa paggamit ng elektrisidad sa loob ng isang araw.
____4. Pamamasyal at panonood ng sine tuwing linggo.
____5. Unahing bilhin ang pangunahing pangangailangan.
____6. Pagbili ng labis ng mga produkto at pagtatago nito.
____7. Matalinong pagbabadyet.
____8. Pagkumpuni ng mga lumang gamit para mapakinabangan muli.
____9. Wastong paggamit ng mga kagamitan para ito ay tumagal.
____10. Pagnanais na bilhin ang mga produktong nauuso.

V. Kasunduan
”Advance reading” sa dahilan at epekto ng implasyon.

Inihanda ni:
RANDY A. APANG
SKSU Pre-Service Teacher

Iniwasto ni:
MRS. ELSIE LAROCO
Gurong Tagasanay

You might also like