DLP - ARALIN 4 - Implasyon Topic 2

You might also like

You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
ESPERANZA NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


March 05,2024|Tuesday – 9 GREEN, MAROON, AND GRAY

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang;
a. natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng implasyon
b. nasusuri ang iba’t-ibang epekto ng implasyon at;
c. nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon

II. Nilalaman
 Paksa: Aralin 4.2 “Ang Dahilan at Epekto ng Implasyon at Paraan ng
Paglutas ng Implasyon ”
 Kagamitan: Laptop, Visuals Aids,
 Sanggunian: Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral ”-
Pahina bilang 311

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng lumiban ng klase
 Pamantayan sa klase
 Irespeto ang Karapatan at opinyon ng bawat isa
 Makinig sa guro
 “I-silent” ang mga cellphone at itago ito sa inyong mga bag
 Makinig at sundin ang mga alituntunin
 Itaas ang kamay bago magsalita o bago umalis sa iyong
upuan
 Ang bawat partisipasyon ay may katumbas na puntos
 Pagbabalik-aral
 Ang guro ay magtatanong tungkol sa nakaraang
talakayan.

B. Pagganyak at Paghahabi ng layunin


Gawain 1. Suriin ang larawan!

Pamprosesong Tanong;
A. Ano ang inyong napapansin?
B. Ano kaya ang pinapahiwatig ng larawan?
C. Pagtatalakay
Ano kaya ang ating paksa sa araw na ito?
DAHILAN NG IMPLASYON
 Demand Pull
 Nagaganap kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta ang
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na
sektor.
 Nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng
bilihin ay tumataas.
 Cost Push
 Nagaganap naman ito kung ang gastusing produksiyon ay
tumaas na siyang sanhi sa pagtaas din ng presyo ng
produktong ginawa.
Parehong Malaki ang gampanin sa pangkalahatang pagtaas ng antas ng presyo sa
isang ekonomiya.
Mga taong Nakikinabang sa implasyon;
 Mga umuutang
 Mga negosyante/may-ari ng kumpanya
 Mga speculator at mga negosyanteng may
malakas ang loob na mamuhunan
Mga taong nalulugi;
 Mga taong may tiyak na kita
 Mga taong nagpapautang
 Mga taong nag-iimpok
Dahilan at Bunga ng Implasyon
Maraming naging salik ang nakaaapekto sa presyo as pamilihan na nagiging
daan sa pagkakaroon ng implasyon.

Dahilan ng implasyon Bunga ng implasyon


pagtaas ng supply ng Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo
salapi
PAGDEDEPENDE SA Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar, o kaya tumaas ang presyo
IMPORTASYON PARA ng materyales na inaangkat, ang mga produktong umaasa sa importasyon
SA HILAW NA para sa mga hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng
SANGKAP presyo.
PAGTAAS NG Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng
PALITA NG PISO SA piso. Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.
DOLYAR
KALAGAYAN NG Kapag kulang ang supply sa lokal na pamilihan dahil ang produkto ay
PAGLULUWAS iniluluwas, magiging dahilan ito upang tumaas ang presyo ng produkto.
Kapag mas mataas ang demand kaysa sa produkto, ito ay magdudulot ng
pagtaas sa presyo

MONOPOLYO O Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito. Kapag nakontrol ang


KARTEL presyo at dami ng produkto, malaki ang posibilidad na maging mataas ang
presyo
PAMBAYAD UTANG Sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi ng pambansang badyet,
ito ay napupunta lamang sa pagbabayad ng utang.

Paraan ng paglutas sa Implasyon


“Sa bawat problema ay may solusyon” Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga
patakaran at polisiya upang masiguro na mapangasiwaan ang pangkalahatang
presyo ng mga bilihin.
D. Paglalapat
Magkaroon ng apat na pangkat! Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang malikhaing guhit
tungkol sa dahilan at bunga ng implasyon at mga maaring gawin bilang mag-aaral sa pag-
iwas nito.
Magkaroon ng 10 minuto upang tapusin ang Gawain at 2 minuto sa presentasyon.

E. Pagpapahalaga
a. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang mapababa ang epekto ng
implasyon?
b. Bakit mahalagang mabatid natin ang sanhi at bunga ng implasyon?

F. Paglalahat
 May napulot ba kayong aral sa araling ito?
 Sino ang may katanungan pa?
 Mga suwistiyon?
 Mayroon bang mga pag-aalinlangan sap ag-unawa patungkol sa implasyon?
 Kung wala ay dadako na tayo sa ating pagtataya.

IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito ba ay dahilan ng
implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat lamang ang DI o BI sa sangkapat na papel.

1. Ang palitan ng isang dolyar sa piso ay 60 pesos.


2. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.
3. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-utang.
4. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mga mamamayan.
5. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa.
6. Maraming mag-aaral ang hindi kayang paaralin ng kanilang mga magulang.
7. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksyon.
8. Ang pagtaas ng pangkalahatang demand ay hindi katumabas ng paglaki ng kabuuang
produksyon. Nangyayari ito sapagkat lumaki ang paggasta ng sambahayan, bahay- kalakal,
pamahalaan at panlabas na sektor. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya
ang presyo ng bilihin ay tumataas.
9. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.
10. Ang bangko sentral ng Pilipinas ay imprinta ng maraming pera upang mabayaran ang
mga utang nito.

V. Takdang Aralin
“Mag-advance reading” tungkol sa patakarang piskal.
Pamprosesong tanong;
a. Ano ang patakarang piskal?
b. Ano ang papel na ginagampanan nito sa pambansang ekonomiya?
c. Paano ito makakaapekto sa aking sarili, sa aking pamilya at maging sa buong
bansa?

Inihanda ni:
RANDY A. APANG
SKSU Pre-Service Teacher

Iniwasto ni:
MRS. ELSIE LAROCO
Gurong Tagasanay
RUBRIKS PARA SA PANGKATANG GAWAIN
KATEGORYA DESKRIPSYON PUNTOS
Nilalaman ng Malikhaing  Malinaw at tiyak ang pagpapakita ng mga 25
Guhit pangunahing dahilan ng implasyon.
 Maayos na ipinaliliwanag ang mga epekto at bunga
ng implasyon sa ekonomiya at mamamayan.
 Ang guhit ay nagtatampok ng orihinal na ideya o
interpretasyon ng dahilan at bunga ng implasyon.

Teknikal na Aspeto  Ang guhit ay malinaw at hindi magulo. 20


 Maayos at makabuluhang paggamit ng kulay
upang palakihin o paigtingin ang mensahe ng
guhit.
 Mayroong kakaibang estilo o tema na nagbibigay-
diin sa mensahe ng guhit.
Pagpapahayag ng Ideya  Ang mensahe ng guhit ay maliwanag at madaling 25
maintindihan.
 Maayos at makabuluhang paggamit ng simbolismo
upang ipahayag ang mga ideya.
 Ang guhit ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-
unawa sa implasyon at mga hakbang na maaaring
gawin.

Pangkalahatang Ibang  Malinaw at maayos ang pagpapakita ng guhit sa 30


Bahagi poster o papel.
 Ang grupo ay nagtrabaho ng maayos at may
malasakit sa bawat isa.
 Maayos at maayos ang presentasyon ng grupo
hinggil sa kanilang guhit at angkop na pagsagot sa
mga tanong mula sa audience.

Kabuuang Puntos: 100

Panuto: Ang bawat pangkat ay dapat magtaglay ng masigasig na pagsusuri at pag-unawa


sa implasyon, pati na rin ang kahalagahan ng pag-iwas dito. Ang mga guhit ay dapat na
nagpapakita ng malalim na kaalaman at kahusayan sa sining, at ang presentasyon ay dapat
na nakatuon sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya sa mabisang paraan.

You might also like