You are on page 1of 6

Mala- masusing Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan 9

Ekonomiks

Ika-28 ng Nobyembre, 2018

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. natutukoy ang konsepto ng implasyon;

b. nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon; at

c. nakapagpapahayag ng saloobin tungkol sa implasyon batay sa iba’t ibang sitwasyon.

II. Nilalaman

A. Paksa:

Aralin 4: Implasyon

Konsepto at Epekto ng Implasyon

B. Sangguniang Aklat:

Batayang Aklat sa Ekonomiks 9

Modyul para sa Mag-aaral

Balitao, B., Cruz, N., Rillo, J., et. al.

Pahina 272-280

Kayamanan IV (Ekonomiks)

Workteks sa Araling Panlipunan

Imperial, C., Antonio, E., et. al.

Pahina 244-250
C. Kagamitan:

Kagamitang biswal, mga larawan, kahon, lobo, laptop, projector, powerpoint

presentation, pisara, at yeso

III. Pamamaraan

A. Pang-araw- araw na Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagwawasto ng Takdang-Aralin

4. Pagtatala ng liban

5. Balik-aral

B. Pagganyak

Ang guro ay mayroong kahon, ito ay ang “Watch Out Box”. Ang kahon na ito ay

naglalaman ng mga lobo na may mga nakadikit na “Peso Sign” na may pakpak at may mga nakasabit

na iba’t ibang larawan ng mga produkto. Bubuksan ang kahon at ang mga mag-aaral ay magbibigay

ng sariling opinyon kung ano ang kahulugan nito.

C. Panlinang na Aralin

1. Ano ang kahulugan ng Implasyon?

2. Bakit nagkakaroon ng Implasyon?


3. Ano ang ibig sabihin ng patuloy na monopolyo ng mga dayuhang korporasyon sa bansa na

nagtatakda ng presyo sa kanilang produkto?

4. Ano ang ibig sabihin ng mataas na gastos sa produksyon po?

5. Anu-ano ang mga epekto ng implasyon sa mga mamamayan?

6. Sinu-sino ang mga taong nalulugi sa panahon ng implasyon?

7. Paano nalulugi an gang may tiyak na kita?

8. Paano nalulugi ang mga taong nagpapautang?

9. Paano nalulugi ang mga taong nag-iimpok?

10. Anu-ano ang mga positibong epekto ng implasyon?

D. Paglalahat

Sa puntong ito, ang mga mag-aaral ay ilalahad ang lahat ang mga mahahalagang konsepto at ideya

ukol sa paksang tinalakay, sa pamamagitan ng mga sumusunod na tanong:

 Ano ang kahulugan ng implasyon?

 Sino-sino nga muli ang mga taong naaapektuhan sa mga panahong may implasyon?

 Bilang estudyante, paano mo tinutugunan ang iyong pangangailangan sa panahon

ng implasyon?

E. Paglalapat

Upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto. Ang guro ay nagbigay ng

isang gawain bilang kasunduan na tinatawag na “Lights, Camera, Action!” Ipinangkat ng guro

ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Inatasan ng guro ang mga mag-aaral na mag-isip ng maikling

dula na nagpapakita ng epekto ng implasyon sa mga mamamayan sa loob ng dalawang (2) minuto.
Ang pangunahing layunin ng maikling dula ay maipapahayag ang epekto ng implasyon sa mga

mamamayan.

Ang nilalaman ng dula ay nararapat na nakabatay sa mga sumusunod na sitwasyon:

Unang grupo- Eksena sa pampublikong pamilihan

Ikalawang grupo- Eksena sa tahanan

Ikatlong grupo- Eksena sa pampublikong transportasyon

Ikaapat na grupo- Eksena sa cafeteria

Matapos mag brainstorm, ang bawat grupo ay bibigyan muli ng dalawang (2) minuto

upang ipakita ang kanilang inihandang representasyon.

Mamarkahan ang kanilang presentasyon sa pamamagitan ng isang pamantayan.

Pamantayan o Rubriks

KRITERYA 5 puntos 4 puntos 3 puntos Kabuuang


puntos

a. Naipakita ang Naipakita ng Hindi gaano Hindi naipakita


konsepto ng maayos ang naipakita ng ng maayos ang
maayos konsepto maayos ang konsepto
konsepto

b. Wastong Naipakita ang Hindi gaano Hindi naipakita


paggamit ng wastong naipakita ang ang wastong
ekspresyon paggamit ng wastong paggamit paggamit ng
ekspresyon ng ekspresyon ekspresyon

c. Pagkamalikhain Naipakita ang Hindi masyado Hindi naipakita


pagkamalikhain naipakita ang ang
pagkamalikhain pagkamalikhain
IV. Ebalwasyon

Panuto: TAMA o MALI. Ilagay ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI naman kapag

di- wasto ang pangungusap.

_________1. Ang implasyon ay tumutukoy sa pagbagsak ng pangkalahatang presyo ng mga

piling produkto.

_________2. Ang mga umuutang ay mga taong nakikinabang sa panahon ng implasyon.

_________3. Ang mga regular na manggagawa tulad ng guro ay may nakukuhang kita sa loob ng

isang buwan at hindi ito nababago.

_________4. Ang mga taong nag-iimpok ay nalulugi kapag may nararanasang implasyon ang

isang bansa.

_________5. Ang patuloy na monopolyo ng mga dayuhang korporasyon sa bansa na nagtatakda

ng presyo sa kanilang produkto ay isa sa mga epekto ng implasyon.

V. Kasunduan

1. Ano ang dalawang uri ng implasyon? Ipaliwang.

2. Maghanap ng napapanahong balita ukol sa dalawang uri ng implasyon.


Sanggunian: Araling Panlipunan 9

Ekonomiks

Modyul para sa Mag-aaral

Pahina 286-294

You might also like