You are on page 1of 4

Paaralan Malacañang National High School Antas at Pangkat 9-Newton

PANG-ARAW- Guro CINDYLERA C. MANUAL Asignatura Araling Panlipunan 9


ARAW NA
TALA SA Petsa at October 14, 2023
PAGTUTURO Oras ng
Pagtuturo 9- Newton 10:00-11:00 am Quarter Unang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-arawaraw na pamumuhay
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang- arawaraw na pamumuhay
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo AP9MKE-Ih-16
(Isulat ang code ng bawat
kasanayan)  Natutukoy ang kahulugan ng Pagkonsumo
 Naibibigay ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
 Nakabubuo ng campaign poster na nagpapakita ng kamalayan sa pagkonsumo
at pamamahala sa pinansiyal na kapasidad ng tao

II. NILALAMAN Ang Kahulugan ng Pagkonsumo at Mga Salik na Nakakaapekto sa Dito

III. KAGAMITANG
PANTURO
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang SLM’s Unang Markahan – Modyul 5
Mag-aaral
3. Iba pang kagamitang panturo Laptop, TV, Printed Pictures, Double sided tape,

IV. PAMAMARAAN

A. Pagbabalik-aral Ano ang produksyon?


Ano-ano ang mga Salik ng Produksyon?
Ano ang implikasyon ng produksyon sa pamumuhay ng mga tao?

B. Paghahabi ng layunin ng aralin Isip-isip!


Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat. Bawat Pangkat ay bibigyan ng tig-
isang sitwasyon kung saan kinakailangan nilang magdesisyon kung ano ang
kanilang dapat bilhin

Sitwasyon 1 – Kaarawan mo sa susunod na araw


Sitwasyon 2 – Pasukan na susunod na buwan
Sitwasyon 3 – Magkakaroon ng lockdown dahil sa isang pandemya

Pamprosesong tanong:

1.Anu-ano ang iyong bibilhin?


2.Anu-ano ang mga isinaalang-alang mo sa pagbili ng mga produkto?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Base sa mga halimbawa sa unang gawain, tutkuyin ng mga mag-aaral kung alin
sa bagong aralin ang tumutukoy sa Pagkonsumo at alin naman ang Mga Salik na Nakakaapekto sa
Pagkonsumo

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Larawan Suri!


at paglalahad ng bagong
kasanayan #1

Susuriin ng mga mag-aaral ang larawan at sila ay inaasahan na makabubuo ng


kahulugan ng pagkonsumo mula rito.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Buuin Mo Ako!


at paglalahad ng bagong
kasanayan #2 Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng mga puzzled
picture at ito ay kanilang bubuuin. Pagkatapos mabuo ay kanilang tutukuyin kung ano ang
salik na ito sa pamamagitan ng pagbuo sa mga nawawalang letra sa patlang. Matapos
matukoy ang pangalan at mabuo ang larawan, ipaliliwanang nila ang kahulugan ng salik na
nito.

Unang Pangkat- Presyo Pangatlong Pangkat- Mga Inaasahan

Pangalawang Pangkat – Kita Pang-apat na Pangkat- Demonstration Effect

Gabay na Tanong:

Bakit nakakaapekto ang mga salik na ito sa pagkonsumo ng tao?

F. Paglinang ng Kabihasaan
(Tungo sa Formative
Bibigyan diin ng guro ang kahulugann ng pagkonsumo at mga salik na nakakaapekto dito.
Assessment)

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Sa loob ng dalawang minuto ay sasagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod na tanong
araw araw na buhay.
Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang naranasan mo na? Sa papaanong pagkakataon mo ito
naranasan?

H. Paglalahat ng Aralin Sa pamamagitan ng Graphic Oganizer, sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod na katanungan.

1.Ano ang kahulugan ng Pagkonsumo?

2. Ano ano ang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na
tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1.Bakit nagkakaiba ang dahilan at paraan ng pagkonsumo?


a. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
b. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
2. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?
a. Mataas ang presyo
b. Mababa ang presyo

3. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration


effect?
a.Hindi sumusunod sa uso
b.Nahuhumaling sa suot ng mga artista

4.Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?


a.Nagsasara ang mga malalaking tindahan
b.Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

5.Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na


nakakaapekto sa pagkonsumo?
a.Palabas sa Telebisyon
b.Kalamidad

J. Karagdagang Gawain para Poster Making


sa takdang-aralin at
remediation. Ang mga mag-aaral ay gagawa ng campaign poster na nagpapakita na kamalayan sa
pagkonsumo at pamamahala sa pinansiyal na kapasidad. Sundin ang tiyak na patnubay at
rubric sa susunod:

1. Gumamit ng matibay na materyal (e.g. cardboaord, illustration board) na hindi madaling


masira.
2. Ang poster ay dapat parisukat na may isang metro ang lapad na bawat sulok.
3. Kung gagamit ng materyal na maaring mabasa, lagyan ito ng balot o cover na hindi
nababasa.
4. Ang poster ay dapat binubo ng mga lawaran at teksto (e.g. kasabihan, tula, at iba pa.)

RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka:

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

Prepared by: CINDYLERA C. MANUAL Noted by: JOHNNY P. BACANI


Teacher I School Principal III

You might also like