You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

JUNE 17,2019
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
Sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang araw-araw na pamumuhay
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay
Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonimiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan
CODE: AP9MKE-Ia-1
Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng bawat pamilya t ng lipunan
CODE: AP9MKE-Ia-2
II. Nilalaman
Paksa: Kahulugan ng Ekonomiks
III. Kagamitan sa Pagkatuto
A. Kagamitan: Laptop, at Aklat
B. Sanggunian: Aklat
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pag tsek ng attendans
Pagganyak/ Motibasyon
B. Gawain
Panuto. Isulat ang mga salitang may kaugnay sa salitang ekonomiks.

EKONOMIKS
C. Pagsusuri
1. Ano ba ang ekonomiks?
2. Mahalaga ba ito sa bawat tao? Bakit?
D. Pagpapalalim
Tatalakayin ng guro ang kahalagahan ang ekonomiks at kung paano
nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya.
E. Paglalapat
Ipaliwanag
Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang ekonomiks?
F. Ebalwasyon
Panuto. Ipaliwanag
 Paano nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya?
 Bakit mahalaga ang ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
bawat pamilya at ng lipunan?
V. Takdang Aralin
Pag-aralan kung bakit may kakapusan sa lipunan.
VI. Remarks

Magpapatuloy sa bagong aralin

VII. Repleksyon
Lahat ng mag-aaral ay nakapasa sa pagsusulit at nakikinig sila ng maigi.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9
JUNE 18,2019
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
Sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang araw-araw na pamumuhay
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay
Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonimiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang araw-araw na pamumuhay
CODE: AP9MKE-Ia-3
II. Nilalaman
Paksa: Kakapusan (konsepto ng kakapusan at ang kaugnayan nito sa pang araw-
araw na pamumuhay
III. Kagamitan sa Pagkatuto
A. Kagamitan:
B. Sanggunian:
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagbabalik aral
Pagganyak
B. Gawain
Basahin ang halimbawa ng mga balita.

SUPPLY NG BIGAS,
NAUUBOS NA!
LANGIS: IRARASYON NA
LANG?
PAALALA NG
PAMAHALAAN: MAGTIPID
SA PAGGAMIT NG
KURYENTE AT TUBIG!!
C. Pagsusuri
1. Anu- anong mga balita ang nakikita ang nabasa niyo?
2. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa bansa?
D. Pagpapalalim
Tatalakayin ng guro ang ugnayan ng kakapusan sa pang araw- araw na
pamumuhay.
E. Paglalapat
Sa isang kapat na papel, gumawa ng sarili niyong balita na nagpapakita ng
kakapusan sa ating bansa na may kaugnayan sa pang-araw-araw na
pamumuhay at isa isa niyo itong iulat sa klase.
F. Ebalwasyon
Ipaliwanag.
Paano mo maipapakita ang paglaban sa epekto ng kakapusan sa iyong
pang araw-araw na buhay.

V. Takdang Aralin
Magtala ng mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.

VI. Remarks

Magpapatuloy sa bagong aralin.

VII. Repleksyon
Ang mga mag-aaral ay nag-enjoy sa aming gawain at halos lahat sila
ay pumasa sa pagsusulit.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9
JUNE 20,2019
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
Sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang araw-araw na pamumuhay
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay
Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonimiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay
CODE: AP9MKE-Ib-4
II. Nilalaman
Paksa: Palatandaan ng Kakapusan sa pang-araw-araw na buhay
III. Kagamitan sa Pagkatuto
A. Kagamitan: Mga larawan, Laptop
B. Sanggunian: Aklat at Internet
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagbabalik aral
Pagganyak
B. Gawain
Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat isa ay bibigyan ng
manila paper at padamihan sila ng lista ng mga palatandaan ng kakapusan
sa pang-araw-araw na buhay. Bibigyan lamang sila ng tatlong minute.
C. Pagsusuri
1, Magbigay ng mga palatandaan sa kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.
2, Bakit mayroon kakapusan sa buhayb ng bawat Pilipino?
D. Pagpapalalim
Tatalakayin ng guro ang ugnayan ng kakapusan sa pang araw- araw na
pamumuhay.
E. Paglalapat
Pangatwiranan ang sagot.
 Bakit nararanasan ng tao ang kakapusan sa buhay?
F. Ebalwasyon
Sumulat ng limang palatandaan at kung paano ito maiiwasan.

Palatandaan Paano maiiwasan

V. Takdang Aralin
Ano ang pangunahing suliranin ng lipunan?
VI. Remarks

Magpapatuloy sa bagong aralin.


VII. Repleksyon
Lahat ay nakapasa at natuto sa tinalakay.

You might also like