You are on page 1of 4

Paaralan Cristobal s.

Conducto Integrated Baitang 9


National High School
ARALING Guro LEMUEL B. UNTIVERO Antas
PANLIPUNAN Petsa AUGUST 22 -26, 2022 Markahan Unang Markahan/MELC 1
Oras 7:30 – 9:30 Bilang ng 3 araw
Araw

I.LAYUNIN
Nauunawaan at napapahalagahan ang kahulugan ng Ekonomiks sa
pang araw- araw na pamumuhay bilang isang mag aaral at kasapi ng
lipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kahulugan sa paggamit
ng matalinong pag dedesisyon.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag unawa sa mga panunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na
pamumuhay
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang
araw- araw na pamumuhay

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa pang araw-araw na


Pagkatuto (MELC) pamumuhay bilang isang mag aaral at kasapi ng pamilya at lipunan (Week
1-day 1) MELC

D. Pagpapaganang Kasanayan

E. Pagpapayamang Kasanayan

II. NILALAMAN Kahulugan ng Ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay bilang isang


mag-aaral at kasapi ng lipunan

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro EKONOMIKS : Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral pahina 11
– 17
b. Mga Pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan 9: Unang Markahan (PIVOT 4A Learner’s Material)
Pangmag-aaral pahina 6 - 14
c. Mga Pahina sa Teksbuk EKONOMIKS : Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral p.15 -16
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at Diyagram, Graphic Organizer
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A.Panimula ( I ) BALITAAN MUNA TAYO

Sisimulan ng guro ang aralin sa pamamgitan ng isang balitaan napanahon.


Maaring itanong ng guro, sa iyong palagay paano nakakaapekto ng
pandemic ang inyong pang araw-araw na pamumuhay?
Alamin (ENTRANCE AND EXIT SLIP)

Magpapasagot ang guro ng Entrance at Exit Slip sa mga mag-aaral, Sa


kwaderno o sa isang buong papel, pupunan ng matapat na sagot ang
dalawang kahon sa ilalim ng entrance slip. Ang exit slip ay sasagutan
lamang pagkatapos ng aralin.

Ang alam ko tungkol sa


ekonomiks ay …..
Ang natutunan ko tungkol sa
ekonomiks ay……
Ang palagay ko sa
ekonomiks ay .....

Suruin

Ipapabasa at ipapasagot ng guro ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Paggawa ng Desisyon. Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa
kwaderno o isang buong papel.

Subukin

Sa bahaging ito, ibibigay ng guro ang limang katanungan na maaring sagutan ng


mga mag-aaral sa kwaderno:

1. Ito ay sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
A. Science C. Heograpiya
B. Ekonomiks D. Kasaysayan
2. Salitang Griyego na pinagmulan ng konseptong Ekonomiks
A. ekonomiya C. oikonomia
B. eko D. Tamiya
3. Ito ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ang isang bagay
A. Opportunity Cost C. Marginal Thinking
B. Trade off D. Incentives
4. Ang pagsasalang-alang sa karagdagang pakinabang sa pagbili ng isang kalakal
o serbisyo
A. Opportunity Cost C. Marginal Thinking
B. Trade off D. Incentives
5. Ito ay tumutukoy sa bagay o karanasan na nagiging pagganyak upang
tangkilikin ang isang kalakal o paglilingkod
A. Opportunity Cost C. Marginal Thinking
B. Trade off D. Incentives

Tuklasin

Ipapabasa ng guro sa mga mag-aaral ang tekstong nakasaad sa modyul na


matatagpuan sa pahina 7 hanggang 13, at ipagawa ang sumusunod na Gawain:

IKAHON NATIN: Isulat ang mga kahulugan ng mga konsepto ng ekonomiks.


Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

Mahahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Ekonomiks Pamayanan Kakapusan


Sabahayan Oikonomia

Ipasasagawa ng guro ang diyagram sa mga mag-aaral. Isulat ang


kahulugan ng bawat mga mahahalagang proseso sa pagpili. Hayaang isulat
ang diyagram sa kwaderno.
Opportunity
Trade -off
cost
MATALINONG
PAGDEDESISYON
Marginal Incentives
Thinking

Pagyamanin

Ipasagawa ng guro ang Gawain sa pagkatuto bilang 2 sa pahina 10. Isulat


sa sagutang papel ang mga kasagutan sa mga pamprosesong tanong na
matatagpuan sa pahina 11

C.Pakikipagpalihan ( E ) Upang nalaman ng guro kung lubos na naunawaan nan g mag mag-aaral
ang konsepto at kahalagahan ng ekonomiks. Ating pang isagawa ang mga
sumusunod:

Isagawa

Ipasasagot ng guro ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: sa sagutang papel:

Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang kaugnay na mga tanong tungkol dito. Gawin
ito sa inyong sagutang papel. Isang araw ng Sabado, umalis ang iyong mga magulang at
naiwan kayo ng iyong bunsong kapatid sa bahay. Nang maging mahimbing ang pagtulog
ng iyong kapatid, ikaw ay nagsaing at nagsimulang maglaba pagkasalang ng bigas.
Matapos ang mga gawain ay naisipan mong maligo. Katatapos mo lang maligo nang
biglang mangyari ng sabay-sabay ang sumusunod: Biglang umulan ng malakas at
nakasampay sa likod-bahay ang mga damit na iyong nilabhan. Naamoy mo na nasusunog
ang sinaing. Narinig mo na nag-ring ang iyong celphone. At umiyak ang iyong inaalagaang
sanggol na kapatid. Ano ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang
pinakahuli.

Pamprosesong Tanong:
1. Maaari mo bang gawin ang sumusunod nang sabay-sabay?
2. Ano ang iyong unang gagawin? Bakit?
3. Ano ang batayan sa iyong pagpilili sa kung anong gawain ang uunahin?

Linangin

Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain 3 sa pahinang 11. Sagutan sa papel at


ipasa sa guro upang maging graded activity work ng mga mag-aaral.

Iangkop

Ipasagot sa kwaderno ang survey na matatagpuan sa Gawain ng pagkatuto bilang


5. Sabihin sa mga mag aaral na pag isipang mabuti ang pagsagot gamit ang mga
natutunan sa aralin.

D.Paglalapat ( A) Isaisip

Sandaling Isipin... Kung babalikan mo ang Gawain 1, matitiyak mo na ang


kahulugan ng ekonomiks. Ang pangangailan sa mga kagamitan sa gitna ng
pandemya sa simula ng panuruang taon 2020-2021 ay nagbubukas ng isang
hamong dulot ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Lingid sa iyong kaalaman, dumaan ka at
ang iyong pamilya sa isang proseso ng paggawa ng matalinong desisyon sa
pamamagitan ng pagsusuri sa trade-off, opportunity cost, incentive, at
marginalism ng mga pamimilian o choices.

Magbigay ng mga sitwasyon na nangyari sa inyong pamilya kung saan mo


nagamit ang mga proseso ng paggawa ng matalinong pagdesisyon. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.

Tayahin

Ipasagot sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain sa pagkatuto sa


pahina 13 – 14. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ng guro na kailangan iwasto
ito kaharap ng kanilang mga magulang. Upang mabatid ang kanilang higit
na natutunan.

V. PAGNINILAY
Ang mga mag-aaral, ay suuslat sa kanilang notbuk, journal o portfolio ng
kanilang kanilang personal na kaalaman o natutuhan tungkol sa aralin .

Naunawaan ko na ___________________________.

Nabatid ko na _______________________________.

Inihanda ni:

LEMUEL B. UNTIVERO
Teacher II

You might also like