You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

9 Department of Education
Division of Pagadian City

Araling Panlipunan 9
Quarter 1 – Module 1
Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Learning Activity Sheets


(Extracted/Modified from CO/RO10 SLMs)

Name of Learner:
Grade & Section:
Teacher:

DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Module 1


Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tatalakay sa kahulugan at mahahalagang konsepto ng ekonomiks


sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan.

Alamin

Pamantayan ng Pagkatuto: Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-


araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
AP9MKE- Ia-1

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. nasusuri ang kahulugan ng ekonomiks bilang batayan sa matalinong
pagdedesisyon;
2. naiisa-isa ang mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks na
nakakatulong sa pagbuo ng isang matalinong desisyon at
3. nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral at kasapi sa pamilya at lipunan.

Aralin
Ang Kahulugan ng Ekonomiks

1
Tuklasin

Tanong-Tugon-Tukuyin ang Talahanayan (T) Chart

Sa lahat ng pagkakataon ang tao ay nahaharap sa maraming katanungan


na kailangan niyang tugunan upang makabuo ng matalinong pagpapasya na
magiging gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Makikita sa ibaba ang isang
T-Chart na kung saan naglalaman ito ng mga tanong na kailangan mong tugunan
sa pamamagitan ng pagpili ng iyong sagot at tukuyin ang dahilan ng iyong tugon.
Isulat sa isang malinis na papel ang inyong sagot.

TANONG
1. Pagsagot sa modyul o paglalaro ng mobile games?
2. Pagluluto ng pagkain o umorder ng mga lutong pagkain?
3. Pagtulog ng maaga o manonood ng mga palabas sa TV?
4. Pagtulong sa mga gawaing bahay o pagti-tiktok?
5. Paggamit ng disposable face mask o ang fabric/cloth face mask?
TUGON TUKUYIN ang Dahillan

DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Module 1


Pamprosesong Tanong?
1. Anu-ano ang mga naging pamantayan mo sa pagtugon sa mga katanungan?
Sa iyong palagay, tama ba ang iyong mga naging tugon? Pangatuwiranan.

2. May mga pagkakataon ba na nagdadalawang isip ka sa ginawang pagpili ng


iyong magiging tugon sa mga tanong dahil pare-pareho ang kanilang kahalagahan?
Paano mo ito pinamahalaan?

Suriin

Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Ano ang Ekonomiks?


Ang salitang Ekonomiks ay nagmula sa salitang griyego na oikonomia na
kung saan ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos ay pamamahala
(Villoria, 2000). Aniya ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na
nag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Batay sa
pahayag ay nagkaroon ng suliranin ang tao at pinagkukunang-yaman sa
kadahilanang tila walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
ngunit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman.
Kaya pinag-aralan sa ekonomiks ang tama at wastong pamamahagi ng
limitadong pinagkukunang-yaman upang matustusan ang pangangailangan ng
sambahayan at pamayanan. Ayon kay Mankiw (1997) ang ekonomiya at
sambahayan ay gumagawa ng desisyon na kanilang pagkakatulad. Sa
sambahayan, pinaplano kung paano hahatiin ang limitadong pinagkukunang
yaman sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang pamayanan naman ay
gumagawa ng desisyon batay sa apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiko para maayos na maipamahagi at matugunan ang suliranin sa
pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang yaman. Ang mga katanungang ito ay
una, anu-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin? pangalawa, gaano
karami ang gagawin? pangatlo, paano gagawin? at pang-apat, para kanino?
Dahil sa may limitasyon ang ating pinagkukunang-yaman at habang walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay umiiral ang suliranin sa
kakapusan. Kaya ang kakapusan ay naging kaakibat na ng ating buhay sapagkat
ang lahat ng bagay sa daigdig ay may limitasyon.

Ang Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Kaakibat na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice o pagpipilian.


Kalakip na nito ang pagiging responsable sa bawat desisyon na ginawa. Araw-
araw nahaharap sa maraming tanong ang tao na kailangan niyang tugunan.
Bibinibigyan siya ng kalayan na pumili gamit ang konsepto ng matalinong
pagdedesisyon.

DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Module 1


Trade-off ang tawag sa pagpili ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Ito ay mahalaga sapagkat nakakatulong ito sa pagsuri ng mga pagpipilian
upang makagawa ng makabuluhang tugon sa isang katanungan.
Halimbawa, manonood ng paboritong palabas sa TV o mag-aaral? Ang
ginawang pagpili ng panonood ng paboritong palabas sa TV sa halip na
mag-aaral ay tinatawag na trade-off.

Opportunity cost ay ang halaga ng isang bagay na handang isakripisyo


kapalit ng ibang bagay. Batay sa naunang halimbawa, ang pagpili ng
panonood ng paboritong palabas sa TV ay ang pagsakripisyo sa
kahalagahan na mag-aaral.

Incentives ito ay isang bagay na maaaring nagbibigay motibasyon upang


makakuha ng karagdagang benepisyo mula sa ginawang desisyon.
Halimbawa, makatanggap ng gantimpala mula sa magulang dahil sa
pagiging isang honor student.

Marginal Thinking- isang proseso ng pag-iisip o pagsusuri na maaaring


makukuha bilang karagdagang halaga maging ito ay gastos o pakinabang
na makukuha sa pagbuo ng desisyon. Kaya may kasabihan na “Rational
people think at the margin”. Iniisip ng mabuti ng tao ang mga bagay na
dapat gawin upang makabuo ng isang matalino at makabuluhang
pagdedesisyon.

Pagyamanin

Unawain Mo Ako!

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga
tanong gamit ang matalinong pagdedesisyon bilang mahalagang konsepto ng
ekonomiks.

Si Jose ay nagtatrabaho sa isang restawran na kung saan kumikita


siya ng Php 350.00 kada araw. Isang araw inaanyayahan siya ng
kaniyang kaibigan na manonood ng sine na kung saan ang ticket ay
nagkakahalaga ng Php 200.

1. Kung ikaw si Jose, ano ang pipiliin mo magtatrabaho o manonood ng sine?


Bakit?

2. Ano opportunity cost ng iyong ginawang desisyon/pagpili?

DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Module 1


Isaisip

Isipin Mo Ako
Basahin, unawain at suriin ng mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang sagot
sa angkop na kolum ng talahanayan na inilaan.

Si Ana ay may burger-stand. Ninais niyang kumuha ng dalawang tindera


para magtrabaho mula Marso hanggang Mayo na may araw ng pahinga tuwing
araw ng linggo. Inaasahan na bawat isa sa kanila ay kikita ng dalawang libo
dalawang daan at limampung piso kada araw sa loob ng pitumpu’t siyam na araw
ng pagtatrabaho. Sa kabilang banda, kapag sinanay ang mga empleyado ng
dalawang araw sa loob ng pagsisimula sa pagtatrabaho, maaaring kumita ang
bawat isa sa kanila ng tatlong libong piso kada araw. Ano ang opportunity cost sa
pagsanay ng mga empleyado?

Walang pagsasanay May Pagsanay


Trade-off
Opportunity cost
Incentives
Marginal thinking

Isagawa

Tanong Ko, Tugon Ko!

Magbigay ng mga sitwasyon o katanungan na kung saan nararanasan mo


sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaaral, kasapi ng pamilya at
lipunan. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na papel.

Mag-aaaral Kasapi ng pamilya Kasapi ng lipunan

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Module 1


Paano mo nasabi na nagamit mo ang konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
Ipaliwanag.

Pagtataya
Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong activity notebook.

1. Anong sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan


ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit
ang limitadong pinagkukunang yaman?
A. Ekonomiks
B. Antropolohiya
C. Heograpiya
D. Sikolohiya

2. Ang mga sumusunod ay mga konsepto ng matalinong pagdedesisyon


maliban sa ISA…
A. Opportunity cost
B. Intensive
C. Trade-off
D. Marginal Thinking
3. Ano ang tawag sa halaga ng isang bagay na isinasakripisyo kapalit ng ibang
bagay?
A. Trade-off C. Incentives
B. Marginal Thinking D. Opportunity cost

Para sa bilang 4, 5 at 6 isulat ang:


A. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawa
B. Mali ang unang pahayag at tama ang una
C. Tama ang lahat na pahayag
D. Mali ang lahat na pahayag

4. Bakit umiiral ang kakapusan? Sapagkat…


I. May limitasyon ang pinagkukunang-yaman
II. Walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
5. Si Edna ay nagluto ng 5 bilao ng kankanin para sa kaarawan ng kaniyang
kaibigan. Anong katanungang pang-ekonomiko ang nakasalungguhit?
I. Para kanino?
II. Gaano karami?
6. Si Pilar ay isang working student. Nag-aaral siya sa gabi habang
nagtatrabaho sa umaga. Minsan nahihirapan siya kung alin ang uunahing
atupagin. Ang pag-aaral o pagtatrabaho? Pinili ni Pilar ang pagtatrabaho.
Alin ang pinili na ipagpalit ni Pilar?
I. Pinili ni Pilar na ipagpalit ang pag-aaral
II. Pinili ni Pilar na ipagpalit ang pagtatrabaho

DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Module 1


Para sa bilang 7-8
7. Opportunity cost, trade-off, incentives, marginal thinking :
matalinong pagdedesisyon ; ano ang gagawin, paano
gagawin, para kanino, gaanokarami :
A. Katanungang pang-ekonomiko B. Trade-Off
B. Incentives C. Matalinong
pagdedesisyon
8. : nomos ; : oikos
A. bahay : pamahalaan C. pamahalaan : bahay
B. pamamahala : bahay D. bahay : pamamahala
9. Bakit mahalaga ang kaalaman sa ekonomiks ng isang mag-
aaaral bilangkasapi ng pamilya?
A. Upang maging maalam sa mga napapanahong uso.
B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan
lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
10. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit
kailangan pag-aralan ang ekonomiks?
A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at
mapagtanong sanangyayari sa lipunan.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa
buhay.
C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang
bumili ngmaraming pagkain sa panahon ng pandemya.
D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.

DO_Q1_Araling Panlipunan 9_ Module 1

You might also like