You are on page 1of 22

9 9

Araling Panlipunan
Unang Markahan–Modyul 1:
Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:

Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks
TALAAN NG NILALAMAN

Pamukhang Pahina ..……………………………………………………….… i


Karapatang Ari ……………………………………………………………….…ii
Paunang Salita…………………………………………………………………..iii
Pasasalamat …………………………………………………………………... iv
Talaan ng nilalaman.………………………………………………………...... v
Alamin.……………………………...……………………………………………1
Subukin ………………………………………………………………………… 3
Balikan …………………………………………………………………….........5
Tuklasin …………………………………………………………………...........5
Gawain 1…………………………………………………………….......5
Suriin …………………………………………………………………………….6
Pagyamanin ………………………………………………………………….…9
Gawain 1 ……………………………………………………………......10
Gawain 2 ……………………………………………………………......10
Gawain 3 ……………………………………………………………......11
Isaisip …………………………………………………… ………………….......11
Isagawa ………………………………………………………………………….12
Tayahin ………………………………………………………………................13
Karagdagang Gawain……………………………………………….................15
Gabay sa pagwawasto ………………………………………………………....16
Sanggunian ………………………………………………………………..........17

2
Paunang Salita
Para sa mga guro:

Ang ekonomiks ay mahalagang bahagi ng buhay ng isang mag-aaral.


Ang aplikasyon nito sa tunay na buhay ay makakatulong sa mag-aaral
upang magtagumpay sa makabagong daigdig. Layunin ng serye ng mga
modyul na ito na ipaunawa sa magaaral ang katuturan ng ekonomiks sa
kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sinikap ng may-akda na gawing simple ang pagtalakay lalo na sa mga


aspektong teknikal upang higit itong maunawaan ng mag-aaral. Ang ilan sa
mga salitang teknikal ay sadyang hindi isinalin sa Filipino upang mapanatili
ang tunay na kahulugan at maiwasan ang pagkalito ng mga mag-aaral sa
kanilang pagtuntong sa kolehiyo at Senior High School kung saan ang
ekonomiks ay itinuturo sa wikang Ingles.
Para sa Mag -aaral:

Kamusta mga bata ? Mabuhay!

Ako si ...at ako naman


EKO …. si MIYA!

Kami ang makakasama mo sa pag -aaral ng mga aralin


tungkol sa EKONOMIKS.

Pinagkunan: http://www.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2019/10/Eko-Miya-Series.png

Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:


• Maging maingat sa paggamit ng modyul.
• Basahin at unawain ang mga direksyon sa bawat pagsubok.
• Maging tapat sa pagsagot at pagwawasto ng mga pagsubok.
• Huwag sulatan ang anumang bahagi ng modyul na ito.
• Tapusin ang naunang aralin bago tumuloy sa susunod na aralin.

3
Alamin

Aralin 1 – Kahulugan at Kahalagahan ng


Ekonomiks
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahan na
ikaw ay makapaglalapat ng kahulugan ng
ekonomiks at pagtataya sa kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Pinagkunan: https://giphy.com/gifs/nerd -miya-eko-and-igyg
HaGwIpguodhh2v

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:


1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
lipunan.
2. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

Subukin =Panimulang Pagtataya=

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi
wasto.

1. Ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili.

2. Pinipili ng tao ang mga bagay na walang pakinabang.

3. Ang matalinong pagpapasya ay nagdudulot ng suliranin.

4. Maaring makaiwas ang tao sa kakapusan.

5. Nagiging mabuti ang ugali ng tao kapag nakakaranas ng kakapusan.

Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. Piliin ang sagot mula sa
kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Desisyon D. Macroeconomics
B. Kakapusan E. Microeconomics
C. Kagustuhan

1
6. Ang pag-aaral ng kubuuang ekonomiya ng bansa.

7. Ang pag-aaral ng indibidwal na unit ng ekonomiya.

8. Pangunahing layunin ng pag-aaral ng ekonomiks ang paglutas ng


suliranin ng _______________.

9. Ang ________ at pangangailangan ng tao ay walang katapusan.

10. Sinisikap ng ekonomiks na mapalawak ang kakayahan ng tao sa


pagbuo ng matalinong ____________.

Bago tumuloy sa sususnod na gawain, i-


CHECK ang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng
modyul. Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at
KATAPATAN .

Aralin
Kahulugan at Kahalagahan
1 ng Ekonomiks

Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa pinakasimple


hanggang sa pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit
na mahalaga sa marami niyang pamimilian. Sa kabila ng lahat, mapapansin
na mayroong kaayusan na nag-uugnay sa bawat isa. Ang buhay ay tila
isang malaking palaisipan. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang
ekonomiks at ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?

2
Balikan
Handa Ka na Ba?
Basahin ang sanaysay sa ibaba at sagutin ang kaugnay na
mga tanong tungkol dito.

Isang araw ng Sabado, umalis ang iyong mga magulang at


naiwan kayo ng iyong bunsong kapatid sa bahay. Matapos
mahimbing na makatulog ang iyong kapatid, ikaw ay
naglaba at nagsaing. Matapos ang mga gawain naisipan
mong maligo. Katatapos mo lang maligo nang biglang
mangyari ng sabaysabay ang mga sumusunod:
• Biglang umulan ng malakas at nakasampay sa
likodbahay ang mga damit na iyong nilabhan.
• Naamoy mo na nasusunog ang sinaing.
• Narinig mo na nag-ring ang iyong celphone.
• Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid.
Ano ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang 1
ang una hanggang 4 ang pinakahuli.

Pinagkunan: https://www.canstockphoto.com/vector-beauty-girl-after-shower-7212208.html

Pamprosesong Tanong:
• Maaari mo bang gawin ang mga sumusunod nang sabay-sabay?
• Ano ang batayan sa iyong pagpilili sa kung anong gawain ang
uunahin?

3
Mga Tala para sa Guro

Pangunahing Paksa:

• Kahulugan at Pag - aaral ng Ekonomiks


Mahahalagang Terminolohiya:
• Ekonomiks
• Kagustuhan at Pangangailangan
• Agham Panlipunan
• Kakapusan
• Trade -off
• Opportunity Cost
Pangunahing Tanong:
• Ano ang kahalagahan ng Ekonomiks sa iyong pang -
araw -araw na pamumuhay bilang isang mag - aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan?

Tuklasin

Paggawa ng Matalinong Desisyon


Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan
kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang
iyong desisyon at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya.
Desisyon
Option A Option B Isulat kung Dahilan
AoB
Pagpapatuloy ng Pagtatrabaho
pag-aaral sa pagkatapos ng
kolehiyo high school
Paglalakad Pagsakay ng
papunta sa tricycle papunta sa
paaralan paaralan
Paglalaro Mobile Pagpasok sa klase
Legends

Pagbababad sa Pamamasyal sa
Internet parke

Paggawa ng Tiktok Paggawa ng


Videos takdang-aralin

Pamprosesong Tanong:

4
• Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng
desisyon?
• Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging
makatuwiran ka ba sa iyong pasya?

• Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap


sa sitwasyong kailangan niyang pumili.
• Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot
ng LUBOS na pakinabang.
Ang mabuting pasya ay magdudulot sa tao
ng kasiyahan (satisfaction).
. Ang di-mabuting pasya ay magdudulot
sa tao ng dusa (suffering).
• Ninanais ng tao ang maging masaya at
iniiwasan ang pagdurusa.
Pinagkunan:
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-1-ang-kahulugan-ng-ekonomiks-97962565

Suriin

Ano ang EKONOMIKS?


• Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano tutugunan ang mga
kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na
paraan.
• Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at matalinong
pagpapasya sa mga suliranin (economist’s perspective).
• Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng
matalinong desisyon.
• Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.

Pinagkunan: Pugad Baboy by Pol Medina Jr.


https://www.facebook.com/photo.php?fbid=147861036784901&set=gm.3182660805118929&type=3
&theater&ifg=1

5
Dibisyon ng Ekonomiks
• Maykroekonomiks (Microeconomics) ay tungkol sa galaw at desisyon
ng bawat bahay kalakal at sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat
indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-kalakal at industriya. Ang
mga desisyon ng bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-unawa
ng ekonomiya.
• Makroekonomiks (Macroeconmics) ay tumitingin sa kabuuang
ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang
ekonomiya pati na ang pangkahalatang antas ng presyo at
pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuan.

Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks


• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay walang katapusan.
• Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang kagustuhan at
pangangailangan ay may hangganan.
• Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya upang matugunan
ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan gamit ang
kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
• Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot ng suliranin ng
kakapusan.

Ano ang KAKAPUSAN?


• Ang kakapusan (scarcity) ay ang hindi kasapatan ng
pinagkukunangyaman upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

Uri ng Kakapusan ayon sa kalagayan

Pisikal na Kalagayan Pangkaisipan na Kalagayan

• Tumutukoy sa aktwal na • Tumutukoy sa pagpigil ng tao

kawalan ng yaman na na tugunan ang

tutugon sa mga pangangailangan kahit may

pangangailangan ng tao. kakayanan siya na tugunan

• Dahilan ito ng limitadong nito.

pinagkukunang yaman. • Dahilan nito ang walang

katapusan pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

6
Pagkakaiba ng Kakapusan at Kakulangan

Dahilan ng Kakapusan
• Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman.
• Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman.
• Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.

Para mas lalo mo ng maintindihan ang pagkakaiba


ng Kakapusan sa Kakulangan , panuorin ang video
sa Youtube gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=xxvtTaC8Jg w

Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube -frame.html

Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa Kagustuhan?


Pangangailangan Kagustuhan

• Mga bagay na lubhang • Mga bagay na ginusto


mahalaga upang ang tao ay lamang ng tao at maari itong
mabuhay mabuhay kahit wala ito.

• Kung ipagkakait ito, • Ang pagnanais na tugunan


magdudulot ito ng sakit o ito ay bunga lamang ng
kamatayan. layaw ng tao.

Ekonomiks bilang Isang Agham Panlipunan

7
• Ang agham panlipunan ay isang sangay ng kaalaman kung saan
pinagaaralan ang mga pag-uugali ng tao habang siya ay nakikipag-
ugnayan sa kanyang kapwa at kapaligiran.

• Isang displina ng agham panlipunan ang ekonomiks. Nakatuon ang


ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon
sa suliranin ng kakapusan.

• Gumagamit ito ng Siyentipikong Pamamaraan (Scientific


Process)

Paglalahad ng
Suliranin
Pagbuo ng Hypothesis

Pagsubok at
Pagpapatunay ng
Hypothesis
Pagbibigay ng
Conclusion

PAGLALAPAT

Kakapusan bilang suliraning panlipunan

▪ Nag-iiba ang pag-uugali ng tao kapag


hindi niya nakakamit ang kanyang
mga pangangailangan.

▪ Ang pag-uugali ng tao ay nagiging


hindi katanggap-tanggap. Natututo
siyang magdamot, mandaya at
manlinlang sa kapwa.

▪ Nagiging bunga ng kakapusan ang


kaguluhan at pagtaas ng presyo ng
mga bilihin (inflation).

8
Pinagkunan:
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-2-ang-konsepto-ng-kakapusan-97967901

9
Pagyamanin
Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong
ukol dito.
Opportunity Cost
EKO: Ang daya talaga nitong sorbeterong ito.
MIYA: Oh, may bago ka na namang kaaway?
EKO: Eh paano ba naman kasi, gusto ko sana siyang kunin para sa
birthday party ng kapatid ko.
MIYA: Oh tapos?
EKO: Kailangan ko raw bayaran yung lahat ng laman ng kariton!
MIYA: Oh, ganun naman talaga dapat yun ah.
EKO: Huh? Eh bakit ganun? Paano kung hindi maubos yung ice cream?
MIYA: Ayun nga mismo ang dahilan. Opportunity cost ang tawag dun, Eko.
EKO: ?????
MIYA: Kung umiikot kasi siya sa barangay para magbenta, malamang
mauuubos niya yung tinda niyang ice cream, hindi ba?
EKO: Oo nga, pero...
MIYA: Eh kung nandun lang siya sa bakuran ninyo, ano ang tsansa niyang
makaubos ng benta?
EKO: Marami naman kaming bisita eh.
MIYA: Kahit na. Yung ruta niya ay subok na; yung bahay ninyo, hindi. Kaya
dapat lang na bayaran mo yung nawawala niyang opportunity na
makabenta nang husto. EKO: Ahh, naiintindihan ko na. Ganun pala yun.
MIYA: Oo ganun talaga yun.
EKO: Sige na nga. Kuya! G na tayo. Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ayaw pumayag ng
sorbetero na hindi bayaran ni
EKO ang buong laman ng
kariton ng ice cream?
2. Bakit mas gusto ng sorbetero
na mag -ikot sa barangay kung
hindi babayaran ni EKO ang
buong laman ng ice cream?
3. Naging matalino ba ang pasya
ng sorbetero na tanggapin ang
alok ni EKO na bayaran ang
buong laman ng kariton ng ice
cream.

Pinagkunan: National Economic and Development Authority@NEDAhq


https://www.facebook.com/NEDAhq/photos/a.474888632221/10159623639437222/?type=3&theat
er

10
Isaisip

Sandaling Isipin……
• Dahil sa kakapusan, kailangan ng tao ang wastong
pagpili sa mga bagay na nais niyang gawin o mga
produktong nais niyang bilhin. Mahirap ang pagpili
kung parehong may positibong pakinabang ang mga
pagpipilian. Hindi kayang makuha ng tao ang lahat ng
kanyang pangangailangan. Dahil dito, hindi maiiwasan
ang trade-off. Ang trade -off ay ang pagpili o ang
pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay .

OPPORTUNITY COST
• Ito ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan
upang makamit ang isang bagay.
• Nagkakaroon nito dahil sa limitasyon ng mga
pinagkukunang yaman.
PRODUCTION POSSIBILITY FRONTIER (PPF)
• Ito ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya
sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng
produkto.
• Nagtatakda sa hangganan ng lahat ng kumbinasyon ng
kalakal at paglilingkod na maaring maprodyus kung
matalinong ginagamit ang lahat ng pinagkukunang -
yaman ng isang lipunan.
• Ito ang pinakamataas na opportunity cost na maaring
bitawan upang makamit ang pangangailangan.

PAGNILAYAN

• Ang pag -aaral ng ekonomiks ay nakatutulong


upang magkaroon ng tamang pagpapasya at
pagpili ang tao.
• Upang makabuo ng matalinong desisyon,
kailangan niyang mabatid ang opportunity
cost ng kanyang desisyon upang makaiwas
sa suliranin ng kakapusan .
• Paano nakakatulong ang kaalaman sa
kosepto ng opportunity cost sa pag -iwas sa
suliranin ng kakapusan?

11
Isagawa

Gumawa ng synthesis ng mga natutunan mong impormasyon tungkol sa


ekonomiks gamit ang graphic organizer sa ibaba.

EKONOMIKS

Para mas lalong madagdagan ang iyong kaalaman, panuorin natin


ang videona Kahalagahan ng Ekonomiks mula sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=joMoq09fdu g

Pinagkunan: https://www.dreamstime.com/youtube-logo-monitor-screen-social-media-
networkingamerican-video-sharing-website-flat-icon-design-isolated-over-white-image130894543

12
Tayahin =Pangwakas na Pagtataya=

MARAMIHANG PAGPILI. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang


papel.

1. Ang ekonomiks ay itinuturing na agham panlipunan sapagkat:


A. Ito’y paghahati ng mga limitadong pinagkukunang yaman ng
lipunan.
B. Ito’y pamamahagi ng kita ng pamahalaan sa mga taong bayan.
C. Ito’y pagsasama-sama ng mga datos para pag-aralan ang bilang
ng mga nandarayuhan sa bansa.
D. Ito’y sumasaklaw sa pag-aaral ng kilos at gawi ng tao habang
tinutugunan ang kanyang mga pangangailangan.
2. Bakit dapat matutunan ng bawat mamamayan ang ekonomiks?
A. Malaki ang ginagampanan ng ekonomiya sa pulitika ng bansa.
B. Pinahahalagahan nito ang ating kalikasan.
C. Nalalaman dito ang tamang alokasyon ng limitadong
pinagkukunang yaman.
D. Ito ay may kinalaman sa lahat ng dako ng daigdig.
3. Ang ekonomiks ay isang mahalagang agham panlipunan. Ano ang
pinagaaralan sa agham na ito?
A. Paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
B. Pagpaparami ng pinagkukunang yaman.
C. Pamamahagi ng pinagkukunang yaman.
D. Paggawa ng mga produktong kailangan ng tao.
4. Ang mga ekonomista ay gumagamit ng pangangatwirang ekonomiko
sa pagsusuri ng mga problema. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
ginagamit ng mga ekonomista sa pagsusuri?
A. Istatistika at datos C. Mga konsepto
B. Paniniwala at mungkahi D. Mga modelo
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na isang agham ang
ekonomiks?
A. Nagsasagawa ito ng mga eksperimento sa laboratory.
B. Pinag-aaralan nito ang kalikasan.
C. Pinapatunayan nito ang katotohanan batay sa ebidensiya.

13
D. Pinag-aaralan nito ang mahahalagang isyu ng bansa.

6. Ano ang batayang kasagutan na hinahanap sa ekonomiks?


A. Paano mapapaunlad ang isang bansa.
B. Paano magagamit ang mga pinagkukunang yaman upang
mapaunlad ang buhay.
C. Paano gagamitin ang mga pinagkukunang yaman upang
matugunan ang pangangailangan ng tao.
D. Paano makakamtan ng tao ang kasaganaan.
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sakop ng makroekonomiks?
A. Pambansang kita
B. Presyo ng mga bilihin
C. Kawalan ng trabahao
D. Kabuuang produksyon
8. Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng
ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan?
A. Ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.
B. Ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kanyang
rasyonal na pagdedesisyon
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ang lipunan kung paano haharapin
ang mga suliraning pagkabuhayan.
D. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga
suliraning pangkabuhayan na kanilang kinakaharap.
9. Ano ang dahilan bakit may trade-off at opportunity cost?
A. Walang katapusan ang pangangailangan ng tao.
B. Limitado ang kaalaman ng tao sa pagpapasya.
C. Sagana ang buhay ng tao.
D. Upang makalikha ng mas maraming kalakal.
10. Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa
ng desisyon?
A. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala at tradisyon.
B. Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan.
C. Isinasaalang-alang ang magiging bunga ng desisyon.
D. Isinasaalang-alang ang itsura at porma.

14
Bago tumuloy sa sususnod na gawain, i-
CHECK ang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng
modyul. Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at
KATAPATAN .

Karagdagang Gawain

Lagumin ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks gamit ang graphic organizer


sa ibaba.

15
Susi sa Pagwawasto

Unang Markahan – Modyul 1:Kahulugan at


Kahalagahan ng Ekonomiks

Subukin
1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. MALI
5. MALI
6. D
7. E
8. B
9. C
10.A
Tayahin
1. D
2. C
3. A
4. B
5. C
6. B
7. B
8. A
9. A
10. C

16
Sanggunian
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal Publishing (2020) retrieved from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wpcontent/uploads/2020/05/A
ctivity_Sheets_Secondary_Tabbed.pdf

• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)


Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

• Eko and Miya characters used with permission from the National Economic
Development Authority (NEDA) retrieved from
http://2040.neda.gov.ph/ekoand-miya-series

• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang


Edisyon 2015

• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon


(2012), VPHI

• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu,


VPHI

17

You might also like