You are on page 1of 24

Ang Pakikipagkaibigan

8
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan

Photo by Wil

WILLIAM B. BULLIGAN
Gumawa

Department of Education • SDO-IFUGAO

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division Office-Ifugao
Published by

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT SYSTEM

KARAPATANG ARI
(2020)

Ang Presidential Decree bilang 49, Seksyon 9 s. 1972 ay nagsasaad ng:

“Walang gawa sa pamahalaan ng Pilipinas na hindi kinikilala ang karapatan ng


may akda. Ngunit, kung may pahintulot ang opisina ng ahensya ng
pamahalaan na kung saan ginawa ang gawain upang gamitin ito para kumita.”

Ang kagamitang ito ay nagawa bilang pagpapatupad sa K-12 kurikulum sa


pamamagitan ng mga Tagapagtupad ng Kurikulum sa dibisyon/ Curriculum
ImplementationDivision (CID)-Learning Resource Management andDevelopment
System (LRMDS). Maaari itong maparami para sa pang-edukasyong layunin ngunit
kinakailangangmakilala ang gumawa nito. Sa paggamit ng nasabing gawain kasama
na rito ang pagbabago ng salin, pagpapaganda o pagdaragdag sa gawain ay
pinahihintulutan kung ang lahat ng orihinal na ginawa ay kinikilala at iniuukol ang
karapatan nito. Walang gawaing hinalaw sa material na ito para ibenta o kumita.

ii
PAUNANG SALITA

Ang kagamitang pampagtuturong ito ay proyekto ng mga tagapagtupad ng


Kurukulum sa Dibisyon lalong-lalo na ang pangkat ng Learning Resource
Management and Development, Sangay ng Edukasyon, Dibisyon ng Ifugao bilang
tugon sa pagpapatupad ng Kurikulum K-12.

Ang kagamitang pampagtuturong ito ay pagmamay-ari ng Departamento ng


Edukasyon-CID, Dibisyon ng Ifugao. Ito ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa
asignaturang Araling Panlipunan 7.

Petsa ng Pagkalimbag Hunyo, 2020

Lokasyon Mongilit Ligmayo National High School, Lamut


District, SDO- Ifugao
Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Antas 8
Uri ng Kagamitan Modyul
Wika Filipino
Markahan/Linggo: Ikalawang Markahan/ Ikaapat na Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto/Koda Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang
mapaunlad ang pakikipagkaibigan.
EsP8IId-6.4

iii
PASASALAMAT
Ang manunulat ay taus-pusong nagpapasalamat sa mga taong walang
sawang tumulong at sumuporta para maisakatuparan ang paggawa ng kagamitang-
pampagtuturo na ito.

Lourdes Bilowan, EPS-Edukasyon sa Pagpapakatao, sa kanyang


pangunguna sa ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturong ito upang maseguro
ang kalidad nito.

Rosa D. Humiwat, Pandistritong Tagamasid ng Lamut, Ifugao para sa


pagpatnugot sa kagamitang-pampagtuturo na ito;

Jennifer L. Dulnuan, Punong Guro, sa kanyang walang humpay na


pagsuporta at pagbibigay ng lakas ng loob para maisagawa at matapos ang
kagamitang-pampagtuturong ito;

Pangkat ng Dibisyong LRMS (DIVISION LRMS STAFF), para sa pagsusuri,


pagtataya at pagbibigay komento para sa kawastuhan ng materyales na ito;

Sa kanyang mahal na asawa, at mga anak na naging inspirasyon para


tapusin ang modyul na ito; at

Sa mapagpalang Panginoon na nagbigay ng lakas ng loob at talino para


mabuo ang kagamitang pampag-aaral na ito.

Maraming salamat.

PANGKAT NG DIBISYONNG LRMS

SHAILA S. TAKINAN NANCY G. NALUNNE


Librarian-11 PDO-11

JOVITA L. NAMINGIT
EPS-LRMS

MGA KASANGGUNI

MARCIANA M. AYDINAN, Ph.D.


Hepe, Dibisyon ng Kurikulum Implimentasyon

GERALDINE B. GAWI, Ed. D.


OIC-Pangalawang Pansangay na Tagapamahala ng mga Paaralan

BENEDICTA B. GAMATERO

iv
OIC-Pansangay na Tagapamahala ng mga Paaralan
Talaan ng Nilalaman

Pamukhang Pahina………………………………………………………….… i
Karapatang Ari. .……………………………………………………………...…ii
Paunang Salita…………………………………………………………….…... iii
Pasasalamat……………….………………………………………………...... iv
Talaan ng Nilalaman……………………………………………………….…. v
Alamin.……………………………...……………………………………………2
Subukin ………………………………………………………………………… 4
Balikan …………………………………………………………….……….........6
Tuklasin …………………………………………………………….……...........7
Gawain 1…………………………………………………….……….......7
Suriin ………………………………………………………………….………….8
Pagyamanin ………………………………………………………………….…12
Gawain 1 ……………………………………………………………......12
Gawain 2 ……………………………………………………………......12
Gawain 3 ……………………………………………………………......13
Isaisip …………………………………………………… ………………….......14
Isagawa ………………………………………………………………………….15
Tayahin ………………………………………………………………................15
Karagdagang Gawain……………………………………………….................18
Gabay sa pagwawasto ………………………………………………………....19
Sanggunian ………………………………………………………………..........20

v
Ang Pakikipagkaibigan
8
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan

Photo by Wil

WILLIAM B. BULLIGAN
Gumawa

Department of Education • SDO-IFUGAO

2
Alamin

Walang tao ang nabubuhay na mag-isa. Ang bawat nilalang ay may


karamay sa ano mang sitwasyon. Mayroon tayong makikilala sa
pupuntahang lugar at sa paligid natin mismo. Maaaring ang mga ito ay
kakilala natin pero may mas malalim na ugnayang kung ito ay ituturing
kaibigan. Sa module na ito, may mga aralin at gawain na naihanda upang
mapaunlad ang pakikipagkaibigan sa ibang tao.

Para sa magtuturo

Bilang tagadaloy sa module na ito, kailangang gabayan ang mga mag-


aaral sa paggawa ng mga gawain. Bukas ang tulong na ibibigay sa mga
mag-aaral upang magawa ang mga gawain ng maayos hanggang sa wakas.
kailangang idiin ang pagpapaliwanag at pagsunod sa mga panuto sa bawat
gawain at paalalahanin ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel
para sa kanilang sagot.

Para sa mga mag-aaral

Basahin at unawain ang mga panuto sa bawat gawain. Alalahanin na


ang bawat gawain ay nakakatulong sa kaalaman tungkol sa
pakikipagkaibigan. Gumamit ng sagutang papel para sa inyong mga sagot
sa mga gawain. Ikompara ang inyong sagot sa gabay sa pagwawasto para sa
tamang sagot.

Sa pagtatapos ng mga gawain, kayo ay inaasahan na:

1. Nahihinuha na

a. ang pakikipagkaibigan ay nakakatulong sa paghubog ng matatag


na pakikisalamuha sa lipunan.

b. maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting


pakikipagkaibigan.

c. ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa


kabutihan at pagmamahal.

2. Nasusuri ang mga sangkap ng pakikipagkaibigan.

3. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang


pakikipagkaibigan.

2
Ang sumusunod na talahanayan ay makakatulong sa inyo sa daloy ng
mga gawin sa module na ito.

Aykon Label detalye

Alamin Naglalaman ng maikling panimula sa


module na ito. Nagsasaad ng gabay sa
guro at sa mag-aaral. Naglalaman din
ng mga layunin na inyong magawa sa
buong aralin.

Subukin Ito ang paunang pagsusulit tungkol sa


inyong kaalaman sa aralin.

Balikan Ito ang pagbabalik-aral upang


maidugtong ang talakayan sa aralin

Tuklasin Pagpapakilala sa aralin sa


pamamagitan ng pagsusuri sa teksto.

Suriin Talakayan sa aralin

Pagyamanin Ito ay mga gawain upang masuri ang


inyong kaalaman at pagkaunawa sa
aralin.

Isaisip Pagbubuod sa mahahalagang talakayan


sa aralin.

Isagawa Ang pagsasabuhay sa inyong napag-


aralan.

Tayahin Ang panghuling pagsusulit

Karagdagang Ang gawain sa pagpapatibay ng inyong


gawain kahusayan.

3
Subukin
Subukin mo ang inyong kaalaman tungkol sa pakikipagkaibigan.
Suriin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang mabuting naidudulot ng pakikipagkaibigan?


A) naiiwasan ang mga gawaing bahay
B) nagkakaroon ng nanlilibre tuwing recess time.
C) nagbibigay at nakakagawa ng pag-unlad sa sarili
D) Nakakagawa tayo ng maling desisyon

2. Alin sa sumusunod ang bagay na naidudulot ng pakikipagkaibigan sa


pagpapaunlad ng ating pagkatao ayon kay Joy Carol sa kanyang aklat na
‘The Fabric of Friendship.”
A) nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
B) natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.
C) natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa
pamamagitan ng mga tunay na kaibigan
D) lahat ng nabanggit

3. Ang katuturan ng pakikipagkaibigan ay hindi lamang ang pagkatao ng


bawat indibidwal ang umunlad kundi pati na rin ang _____.
A) kasanayan sa pakikipagkapwa
B) kasanayan sa politika
C) kaalaman sa kultura
D) kaalaman sa sarili

4. Ito ang pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalikasan ng tao at


ito rin ang pundasyon ng anumang lipunan.
A) propesyon C) pananampalataya
B) pagkakaibigan D) pagkatao

5. Alin sa sumusunod ang tinutukoy na matibay na pundasyon at mabisang


sangkap sa maraming uri ng ugnayan sa pagitan ng mga tao sa lipunan?
A) malayang pagkakaibigan C) mabuting pagkakaibigan
B) maraming kaibigan D) masayang pagkakaibigan

6. Ito ay isang sangkap sa pagkakaibigan na nangangailangan ng panahon


sa pagkasama.
4
A) presensiya C) pag-aalaga
B) paggawa ng bagay nang makasama D) katapatan

7. Ito ay isang sangkap ng pagkakaibigan na nangangahulugang pagtulong


sa kanyang kaibigan sa pag-unlad o paglago.
A) presensiya C) pag-aalaga
B) paggawa ng bagay nang makasama D) katapatan

8. Ito ay batayan ng kabutihan at pagmamahal.


A) pagkakaibigan C) pakikialam
B) pagpapatawad D) katapatan

9. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng


ating pagkatao maliban sa:
A) nalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
B) pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C) natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa
pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan
D) natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa
pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba

10. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng mabuting pagkakaibigan?


A) may panahon si Jack na bisitahin ang kanyang kaibigan na may
sakit.
B) inalagaan ni Jack ang kanyang kaibigan na may sakit
C) binigyan ni Jack ng pera ang kanyang kaibigan na may sakit
D) ibinalita ni jack sa iba na may sakit ang kanyang kaibigan

11. ano ang gagawin mo kung nagkamali ang inyong kaibigan sa pagturo sa
maling salarin?
A) patawarin mo siya
B) idiin ang kanyang pagkakamali
C) sang-ayon ka sa kanyang pagkakamali
D) walang kang gagawin

12. Palaging nasa tabi ni Jones ang kaibigang si Huver para damayan siya
sa mga problema niya. Ano ang nailalarawang sangkap ng pagkakaibigan
dito? A) katapatan C) presensiya
B) kakayahang mag-alaga ng lihim D) pag-aalaga

13. Alin sa sumusunod ang sangkap ng pagkakaibigan na nagangahulugang


hindi pagbubulgar sa mga sekreto ng magkaibigan?
A) pag-aalaga C) presensiya

5
B) katapatan D) kakayahang mag-alaga ng lihim

14. Sino ang nagsabi na “ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna


sa ilang matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na
antas ng pakikipag-ugnayan”?
A) George Washington C) Joy Carol
B) Thomas Bruce D) Andrew Greeley

15 Alin sa sumusunod ang nagpapakita na may pagmamahal sa


pagpapatawad?
A) wala akong kasalanan ngunit patawarin kita.
B) Patawarin kita ngunit wakas na an gating pagkakaibigan.
C) Pinapatawad kita dahil ako rin ay makasalanang tao.
D) Pinapatawad kita dahil gusto kitang maging alipin.

Balikan
Ang pakikipagkaibigan ay bahagi ng pagkatao. Kung minsan, ang mga
kaibigan ang sandalan sa problema. Ano ang pinakamagandang bagay na
naibigay sa iyo ng iyong kaibigan?

Ang sumusunod na paksa ay matatalakay sa module na ito.


A) Pakikipagkaibigan tungo sa matatag na pagkakakilanlan at
kaganapan ng pagkatao.
B) Mga sangkap sa pagkakaibigan.
C) Pagpapatawad: batayan ng kabutihan at pagmamahal

Tuklasin

6
Gawain 1: Sa pagkakataon na ito ay susuriin naman kung naisasabuhay mo
ba ang pagkakaibigan, batay sa layon nito. Ang mga aytem na nasa gawaing
ito ay hango sa aklat na Character Building (Isaac, 2001)

Panuto:
1. Makikita sa ibaba ang tseklis ng mga palatandaan na nagpapatunay ng
pagsasabuhay ng pakikipagkaibigan ayon kay Isaac (2001).
2. Suriin kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan. Lagyan ng
tsek (/) sa tapat ng bawat aytem kung ito ay iyong taglay at lagyan naman
ng eks (X) kung hindi.
Mga palatandaan Ako Hindi
ito ako
ito
1. Lahat ng bagong kakilala ay pinaniniwalaan kong maaari
kong maging kaibigan sa hinaharap.
2. Upang mabuo ang pakikipagkaibigan kailangang may
pagkakatulad at iisang interes o hilig.
3. Interesado ako sa aking kaibigan sa kabuuanng kanyang
pagkatao at hindi lamang sa mga bagay na kami ay may
pagkakatulad.
4. Naniniwala akong mahalaga na mayroong regular na
pakikipag-ugnayan sa mga pinipiling maging kaibigan.
5. Nauunawaan ko na ang kalidad ng pagkakaibigan ay
tataas batay sa dami ng pagpapalitan ng mga tanong na
maglalapit sa isa’t isa at magbubukas sa kanilang sarili at
maging sa kanilang magkakaparehong interes na kakilala
ang isa’t isa.
6. Mulat ako na ang pakikipagkaibigan lalo na sa katapat na
kasarian ay mayroong limitasyon.
7. Nauunawaan ko na upang maging mabuting kaibigan ako
sa aking kaibigan at upang maging mabuting kaibigan din
sila sa akin, kailangan naming magsikap na mapagyaman
ang ilang mga birtud.
8. Nagpapakita ako ng pagmamalasakit sa aking kaibigan sa
maraming paraan.

Paraan ng pagmamarka:
Bilangin ang kabuuang iskor ng kolum sa AKO ITO at HINDI AKO
ITO. Tingnan sa ibaba ang paglalarawan sa bilang ng iskor upang matukoy
ang antas ng iyong pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.

7
Paglalarawan/ interpretasyon ng iskor:
0-2 = Hindi pa naisasabuhay ang tunay na pakikipagkaibigan
3-4 = Nangangailangan ng paglinang sa kakayahan sa pagsasabuhay ng
tunay na pakikipagkaibigan
5-6 = May kasanayan sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan
7-8 = Napakabuti sa pagsasabuhay ng yunay na pakikipagkaibigan

Ang nakuha mong iskor ay hindi nararapat na bigyan ng negatibong


interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang tulungan kang tayahin
ang iyong kakayahan at maging bukas sa pagbabago.

Suriin
A) Pakikipagkaibigan tungo sa matatag na pagkakaibigan at
kaganapan ng pagkatao.

Sa aklat ni Joy Carol (2008) na The Fabric of Friendship, tinukoy ang


maraming bagay na naidulot ng pakikipagkaibigan sa pag-unlad ng ating
pagkatao.

Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili

Natutuhan kung paano maging mabuting


tagapakinig
Pakikipagka
i-bigan sa
Natutukoy ang mabuti at di mabuting kaibigan
pagpapaunlad
ng ating
pagkatao
Natutuhang pahalagahan ang mabuting
ugnayan

Nagkakaroon ng mga bagong pananaw

B) Pakikipagkaibigan tungo sa paglinang ng pakikipagkapuwa

Sa malawak na katuturan ng pakikipagkaibigan, hindi lamang ang


pagkatao ng bawat indibidwal ang umunlad kundi pati na rin ang kasanayan

8
sa pakikipakapuwa. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagbibigay at
pagtanggap. Hindi makabubuo nang malalim na ugnayan kung hindi matuto
ang tao na maglaan ng panahon, pagmamahal at sakripisyo.

C) Mga sangkap ng pakikipagkaibigan

Ayon sa aklat ni James at Savary na the Heart of Friendship (1976),


ang sumusunod ay mga sangkat ng pagkakaibigan.

1. Presensiya. Ang pakikipagkaibigan ay lumalago dahil sa presensiya


ng isa’t isa. Ang magkaibigan ay nagangailangan ng panahon na
magkasama.

Photo by Wil

2. Paggawa ng bagay nang magkasama. Maraming pagkakaibigan ang


nagsisimula sapagitan ng mga taong naglalaro o gumagawa nang
magkasama. Ang paggawa ng maraming bagay nang magkasama
ay daan din upang magkaroon ang magkaibigan ng oras para sa
isa’t isa.

Photo by Wil from the MLNHS Murals

3. Pag-aalaga. Sa pagitan ng pakikipagkaibigan, ang pag-aalaga ay


nangangahulugang pagtulong sa kaniyang kaibigan sa pag-unlad o
paglago. Ito ay lumilitaw sa mga gawaing nagpapakita ng mainit na
pagtanggap at pag-aaruga na ginagawa sa isa’t isa.

9
Photo by Wil from the MLNHS Murals

4. Katapatan. Ang katapatan sa pagkakaibigan ay hindi


nangangahuluganng ganap na pagbubukas ng sarili sa kaibigan.
Ang katapatan ay hindi nararapat na sumasalungat sa pagiging
pribado ng buhay ng isang tao.

Photo by Wil

5. Kakayahang mag-alaga ng lihim. Ang isang tunay na kaibigan ay


nakahandang ingatan ang lihim ng isa pa. Mahalaga ito upang
tunay na makuha ang tiwala ng isang kaibigan.

6. Pag-unawa sa nilalaman ng isip at daamdamin ng iba. Ang pag-


unawa ay nangangahulugang paglagay ng sarili sa sitwasyong
kinalalagyan ng kaibigan. Ito ay nangangailangan ng malinaw na
komunikasyon o ugnayan.

10
Photo by Wil

D) Pagpapatawad: batayan ng kabutihan at pagmamahal

Minsan, kahit iniingatan ang magandang ugnayan ng pagkakaibigan


dumadating sapunto ng hindi pagkakaunawaan. Sumang-ayon ka ba dito?
Sabi nga ni George Washington, “ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan
muna sa ilang matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa
malalim na antas ng pakikipag-ugnayan.” Hindi nga natin makilala nang
lubos ang mga kaibigan kung hindi natin mararanasan ang ilang krisis
kaugnay sa pakikipagkaibigan. Lahat ay nagkakamali. Ang paghingi ng
kapatawaran ay hindi kahinaan kundi kalakasan ng isang tao. ang
mabuting pagkakaibigan ay marunong tumanggap sa katotohanan, handing
ipakita ang kababaang-loob at magpatawad. Sapagkat nararapat lamang na
sabihin at tanggapin na ang isa sa atin ay nagkamali, makabubuti sa
pakiramdam na malaman natin na ang isang kaibigan ay may pagnanais na
maiayos at mapanatili ang binuong pagkakaibigan sa matagal na panahon

Pagyamanin
Ano ang Batayang konsepto na nahinuha mo sa
modyul? Gabay mo ang kaalaman sa kahalagahan ng
11
pakikipagkaibigan at kahalagahan ng pagpapatawad
upang makompleto mo ang graphic organizer.
Gawain 1: kompletuhin ang naibigay na mga salita gamit ang graphic
organizer.

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
Ang pagkakaibigan ay ______________________________________

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
________________________________

Photo by Wil from the MLNHS Murals

Ang pagpapatawad ay __________________________________________


__________________________________________
__________________________________________
________________________________

Gawain 2: Sa bahaging ito ay iyong malalaman kung ano ba talaga ang


pangunahing sangkap sa pagkakaibigan. Ano ba talaga ang kinakailangan
upang mapagtagumpayan ng isang tao ang pagbuo ng pagkakaibigan?

Panuto:
Pagtatapat. Piliin ang titik sa kolum B na tumutugma sa sitwasyon sa kolum
A.

Kolun A Kolum B
1. Matindi ang pagkakaibigan ni James at A. presensiya
12
Jake dahil palagi silang magkasa sa paglalaro B. kakayahang mag-alaga
ng basketbol. ng lihim
2. Tinutulungan ni James si Jake sa C. pag-unawa sa
kanyang mga gawain sa paghahanapbuhay. nilalaman ng isip at
3. Palahing sinasamahan ni Maricris ang damdamin ng iba
kayang kaibigan na si Jane noong nagkaroon D. pag-aalaga
ng problema sa pamilya. E. katapatan
4. Alam ni Carlo ang ginawa ng kanyang F. paggawa ng bagay nang
kaibigan na si Wilfred ngunit hindi niya magkasama
sinabi sa ibang tao.
5. Hindi sinira ni Joe ang reputasyon ni James
kahit may hindi pagkakaunawaan ang salawa.

Gawain 3: Gumawa ng recipe ng pagkakaibigan

Ang pagkakaibigan ay parang pagkain. Nasasarapan ka sa


kainan kapag ang luto at sangkat ng pagkain ay tamang-
tama ang timpla.

4 na tasa ng pagmamahal
Panuto: 2 tas ng katapatan
1. Gumawa ng sariling recipe ng pagkakaibigan.
3 kilo ng pagpapatawad
Itala rito ang mga mahahalagang sangkap na
kailangan upang maging malalim at 1 tasa ng pagkakaibigan
makabuluhan ang pagkakaibigan.
2 kutsara ng lambing
2. Gamitin ang mga terminolohiya sa ginagamit
sa mga recipe, katulad ng: isang tasa, isang kilo, 1 bariles ng tawanan
isang kutsara at iba pa. Paghalu-haluin ng mabuti ang
3. May inihandang halimbawa para sa iyo. lahat ng mga sangkap
4. Ibahagi ang nagawang recipe sa networking site.
Gamitin nang panghabambuhay
sa lahat ng mga makakasama

Isaisip

Ang pakikipagkaibigan ay nagdudulot ng pag-unlad sa ating


pagkatao. Maraming bagay ang naibibigay ng pakikipagkaibigan sa
ating buhay. Sa puntong ito iyong pagsamahin ang inyong
natutunan sa araling ito.
13
Gawain: Gamit ang kaalaman at natutunan sa araling, pakikipagkaibigan,
kompletuhin ang graphic organizer sa ibaba.

Ang mga naidudulot ng


pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad sa
aking pagkatao

____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________

____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________

Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na naidudulot ng pakikipagkaibigan sa
pagpapaunlad ng pagkatao?

Isagawa
Isa kang napili bilang opisyal ng inyong pinapasukang paaralan.
Hinahangad mo na lahat ng mag-aaral ay magkaroon ng kaibigan na

14
tutulong sa isa’t isa sa pag-aaral sa mga aralin, karamay sa problema at
kasiyahan.
Bilang opisyal, anong programa o aktibidades ang isusulong mo para
sa hangad mo na pamaunlad ang pakikipagkaibigan? Ano ang inyong
gagawin? ano ang mga kailangan para matupad ito?

Tayahin

May karunungan ka na sa aralin. Handa ka


na sa huling pagsusulit.

Panuto: Piliin ang titik na tumutugma sa tamang sagot. Isulat ito sa


sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang mabuting naidudulot ng pagpapatawad?


A) naiiwasan ang taong nagkasala
B) nagkakaroon ng kaisahan
C) nagpapakita ng galit sa isa’t isa
D) Nakakagawa tayo ng maling desisyon

2. Alin sa sumusunod ang hindi naidudulot ng pakikipagkaibigan sa


pagpapaunlad ng ating pagkatao ayon kay Joy Carol sa kanyang aklat na
‘The Fabric of Friendship.”
A) nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
B) natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.
C) natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa
pamamagitan ng mga tunay na kaibigan
D) nakikilala ang kamalian ng kaibigan

3. Ang katuturan ng pakikipagkaibigan ay hindi lamang ang pagkatao ng


bawat indibidwal ang umunlad kundi pati na rin ang _____.
A) kasanayan sa pakikipagkapwa
B) kasanayan sa polotika
C) kaalaman sa kultura
D) kaalaman sa sarili
15
4. Ito ang pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalikasan ng tao at
ito rin ang pundasyon ng anumang lipunan.
A) propesyon C) pananampalataya
B) pagkakaibigan D) pagkatao

5. Alin sa sumusunod ang tinutukoy na batayan ng kabutihan at


pagmamahal?
A) malayang pagkakaibigan C) mabuting pagkakaibigan
B) pagpapatawad D) masayang pagkakaibigan

6. Ito ay isang sangkap sa pagkakaibigan na nangangailangan ng panahon


sa magkasama.
A) presensiya C) pag-aalaga
B) paggawa ng bagay nang makasama D) katapatan

7. Ito ay isang sangkap ng pagkakaibigan na nangangahulugang pagtulong


sa kanyang kaibigan sa pag-unlad o paglago.
A) presensiya C) pag-aalaga
B) paggawa ng bagay nang makasama D) katapatan

8. Alin sa sumusunod ang batayan ng kabutihan at pagmamahal.


A) pagkakaibigan C) pakikialam
B) pagpapatawad D) katapatan

9. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng


ating pagkatao maliban sa:
A) nalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
B) pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C) natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa
pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan
D) natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa
pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba

10. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng mabuting pagkakaibigan?


A) may panahon si Jack na bisitahin ang kanyang kaibigan na may
sakit.
B) inalagaan ni Jack ang kanyang kaibigan na may sakit
C) binigyan ni Jack ng pera ang kanyang kaibigan na may sakit
D) ibinalita ni jack sa iba na may sakit ang kanyang kaibigan

16
11. ano ang gagawin mo kung nagkasala ang inyong kaibigan sa hindi
pagsabi ng totoong impormasyon?
A) patawarin mo siya
B) idiin ang kanyang pagkakamali
C) sang-ayon ka sa kanyang pagkakamali
D) walang kang gagawin

12. Palaging nasa tabi ni Jones ang kaibigang si Huver para damayan siya
sa mga problema niya. Ano ang nailalarawang sangkap ng pagkakaibigan
dito? A) katapatan C) pag-aalaga
B) kakayahang mag-alaga ng lihim D) presensiya

13. Alin sa sumusunod ang sangkap ng pagkakaibigan na nagangahulugang


hindi pagsabi ng mga sekreto ng magkaibigan?
A) pag-aalaga C) presensiya
B) katapatan D) kakayahang mag-alaga ng lihim

14. Sino ang nagsulat ng “The Fabric of Friendship?”


A) George Washington C) Joy Carol
B) Thomas Bruce D) Andrew Greeley

15 Alin sa sumusunod ang nagpapakita na may pagmamahal sa


pagpapatawad?
A) wala akong kasalanan ngunit patawarin kita.
B) Patawarin kita ngunit wakas na an gating pagkakaibigan.
C) Pinapatawad kita dahil ako rin ay makasalanang tao.
D) Pinapatawad kita dahil gusto kitang maging alipin.

Karagdagang Gawain

Ang susunod na gawain ay nakakatulong sa


inyong kaalaman sa aralin

17
Gawain
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay makatotohanan at Mali kung
hindi makatotohanan.

1. Ang pagkikipagkaibigan ay nakalilikha ng hindi mabuting pagtingin sa


sarili.

2.Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibiganng batay sa


kabutihan at pagmamahal.

3. Ayon kay Andrew Greeley, ang mabuting pagkakaibigan ay matibay na


pundasyon at mabisang sangkap sa maraming uri ng ugnayan sa pagitan
ng mga tao sa lipunan.

4. Ang katapatan ng isang kaibigan ay makikita sa paghimasok sa


pribadong buhay ng kaibigan.

5. Maraming kabutihang naidudulot ang pananatili ng mabuting


pakikipagkaibigan
Gabay sa Pagwawasto
Subukin Tayahin
Paunang Pagtataya 1. B
1. C 2. D
2. D 3. A
3. A 4. B
4. B
5. B
5. C
6. A 6. C
7. C 7. C
8. B 8. B
9. B 9. B
10.D 10. D
11.A 11. A
12.C 12. D
13.D 13. D
14.A 14. C
15.C 15. C

Karagdagang Gawain
1. Mali
2.18
Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
TALASANGGUNIAN

1. Bognot, RM. Et. Al. (2013). Educasyon sa Pagpapakatao. Modyul


para sa Mag-aaral. Vibal Publishing House, Inc.

19

You might also like