You are on page 1of 24

Ang mga Kaisipang Asyano

7
Modyul sa Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan

MS Encarta

WILLIAM B. BULLIGAN
Gumawa

Department of Education • SDO-IFUGAO

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division Office-Ifugao
Published by

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT SYSTEM

KARAPATANG ARI
(2020)

Ang Presidential Decree bilang 49, Seksyon 9 s. 1972 ay nagsasaad ng:

“Walang gawa sa pamahalaan ng Pilipinas na hindi kinikilala ang karapatan ng


may akda. Ngunit, kung may pahintulot ang opisina ng ahensya ng
pamahalaan na kung saan ginawa ang gawain upang gamitin ito para kumita.”

Ang kagamitang ito ay nagawa bilang pagpapatupad sa K-12 kurikulum sa


pamamagitan ng mga Tagapagtupad ng Kurikulum sa dibisyon/ Curriculum
ImplementationDivision (CID)-Learning Resource Management andDevelopment
System (LRMDS). Maaari itong maparami para sa pang-edukasyong layunin ngunit
kinakailangangmakilala ang gumawa nito. Sa paggamit ng nasabing gawain kasama
na rito ang pagbabago ng salin, pagpapaganda o pagdaragdag sa gawain ay
pinahihintulutan kung ang lahat ng orihinal na ginawa ay kinikilala at iniuukol ang
karapatan nito. Walang gawaing hinalaw sa material na ito para ibenta o kumita.

ii
PAUNANG SALITA

Ang kagamitang pampagtuturong ito ay proyekto ng mga tagapagtupad ng


Kurukulum sa Dibisyon lalong-lalo na ang pangkat ng Learning Resource
Management System, Sangay ng Edukasyon, Dibisyon ng Ifugao bilang tugon sa
pagpapatupad ng Kurikulum K-12.

Ang kagamitang pampagtuturong ito ay pagmamay-ari ng Departamento ng


Edukasyon-CID, Dibisyon ng Ifugao. Ito ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa
asignaturang Araling Panlipunan 7.

Petsa ng Pagkalimbag Hunyo, 2020

Lokasyon Mongilit Ligmayo National High School, Lamut


District, SDO- Ifugao
Asignatura Araling Panlipunan
Antas 7
Uri ng Kagamitan Modyul
Wika Filipino
Markahan/Linggo: Ikalawang Markahan/ Ikalimang Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto/Koda Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano
na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano. APKSA-IIb-1.3.

iii
Pasasalamat
Isang taos-pusong pasasalamat ang hatid ng may-akda sa lahat ng taong
tumulong sa kanya upang mabuo ang kagamitang pampagtuturong ito:

Edel Grace Kimayong, EPS-Araling Panlipunan, sa kanyang pangunguna sa


ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturong ito upang maseguro ang kalidad nito.

Rosa D. Humiwat, PSDS of Lamut District, sa pagbibigay ng impormasyong


tungkol sa paggawa ng module;

Jennifer L. Dulnuan, Punong Guro, sa pagbibigay ng mahahalagang


impormasyon at suporta upang mapa-unlad ang students’ performance sa
pamamagitan ng interbensiyon tulad nitong module.

Sa kanyang minamahal na asawa at ang kanyang mga anak (Shanaya, Lia


Cuyappi, Wei Ann Jade) sa kanilang inspirasyon at suporta.

Sa kanyang mga kaibigan at kaguro na nagbigay ng kanilang kaalaman at


tulong sa paggawa nitong kagamitang pampagtuturo.

Higit sa lahat ay ang panginoon, ang pinanggagalingan ng lakas, talino at


pagmamahal upang magawa at matapos itong gawain.

PANGKAT NG DIBISYONNG LRMS

SHAILA S. TAKINAN NANCY G. NALUNNE


Librarian-11 PDO-11

JOVITA L. NAMINGIT
EPS-LRMS

MGA KASANGGUNI

MARCIANA M. AYDINAN, Ph.D.


Hepe, Dibisyon ng Kurikulum Implimentasyon

GERALDINE B. GAWI, Ed. D.


OIC-Pangalawang Pansangay na Tagapamahala ng mga Paaralan

BENEDICTA B. GAMATERO
OIC-Pansangay na Tagapamahala ng mga Paaralan

iv
Talaan ng Nilalaman
Pamukhang Pahina ..……………………………………………………….… i
Karapatang Ari ……………………………………………………………….…ii
Paunang Salita ..………………………………………………………………..iii
Pasasalamat …………………………………………………………………... iv
Talaan ng nilalaman.………………………………………………………...... v
Alamin.……………………………...……………………………………………1
Subukin ………………………………………………………………………… 3
Balikan …………………………………………………………………….........5
Tuklasin …………………………………………………………………...........5
Gawain 1…………………………………………………………….......5
Suriin …………………………………………………………………………….6
Pagyamanin ………………………………………………………………….…9
Gawain 1 ……………………………………………………………......10
Gawain 2 ……………………………………………………………......10
Gawain 3 ……………………………………………………………......11
Isaisip …………………………………………………… ………………….......11
Isagawa ………………………………………………………………………….12
Tayahin ………………………………………………………………................13
Karagdagang Gawain……………………………………………….................15
Gabay sa pagwawasto ………………………………………………………....16
Sanggunian ………………………………………………………………..........17

v
7
Ang mga Kaisipang Asyano
Modyul sa Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan

MS Encarta

WILLIAM B. BULLIGAN
Gumawa

Department of Education • SDO-IFUGAO

vi
vii
Alamin

Ang araling ito ay tungkol sa ng kaisipang pinagbatayan ng bansang


India, Hapon at Tsina mula sa sinaunang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyan. Napaloob din dito ang iba’t ibang aral na nabuo na ngayon ay
kinikilala bilang relihiyong Buddihismo, Shintoismo at Confucianismo.
Bilang Asyano, kailangan nating alamin at alagaan ang mga kaisipan dahil
ito rin ang ating pagkakakilanlan.

Para sa magtuturo

Bilang tagadaloy sa module na ito, kailangang gabayan ang mga mag-


aaral sa paggawa ng mga gawain. Bukas ang tulong na ibibigay sa mga
mag-aaral upang magawa ang mga gawain ng maayos hanggang sa wakas.
kailangang idiin ang pagpapaliwanag at pagsunod sa mga panuto sa bawat
gawain at paalalahanin ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel
para sa kanilang sagot.

Para sa mga mag-aaral

Basahin at unawain ang mga panuto sa bawat gawain. Alalahanin na


ang bawat gawain ay nakakatulong sa kaalaman tungkol sa konsepto ng
Asya. Gumamit ng sagutang papel para sa inyong mga sagot sa mga gawain.
Ikompara ang inyong sagot sa gabay sa pagwawasto para sa tamang sagot.

Sa pagtatapos ng mga gawain, kayo ay inaasahan na:


1. Miuugnay ang mahahalagang kaisipan na may kaugnayan sa mga
kaisipang lumaganap sa Asya.

2. Matutukoy ang mga kaisipan o aral ng Buddhismo, Shintoismo o


Confucianismo.

3. Makapagbibigay ng 5 dahilan sa pagsunod ng mga Asyano sa


kaisipan at relihiyong Buddihismo, Shintoismo at Cunfucianismo.

Ang sumusunod na talahanayan ay makakatulong sa inyo sa daloy ng


mga gawin sa module na ito.

1
Aykon Label detalye

Alamin Naglalaman ng maikling panimula sa


module na ito. Nagsasaad ng gabay sa
guro at sa mag-aaral. Naglalaman din
ng mga layunin na inyong magawa sa
buong aralin.

Subukin Ito ang paunang pagsusulit tungkol sa


inyong kaalaman sa aralin.

Balikan Ito ang pagbabalik-aral upang


maidugtong ang talakayan sa aralin

Tuklasin Pagpapakilala sa aralin sa


pamamagitan ng pagsusuri sa tekso.

Suriin Talakayan sa aralin

Pagyamanin Ito ay mga gawain upang masuri ang


inyong kaalaman at pagkaunawa sa
aralin.

Isaisip Pagbubuod sa mahahalagang talakayan


sa aralin.

Isagawa Ang pagsasabuhay sa inyong napag-


aralan.

Tayahin Ang panghuling pagsusulit

Karagdagang Ang gawain sa pagpapatibay ng inyong


gawain kahusayan.

2
Subukin
Subukin mo ang inyong kaalaman tungkol sa kaisipang Asyano na
nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano. Suriin ang
bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang
papel.

1. Pinapahalagahan ng mga Tsino ang kanilang sarili. Ano ang salitang


nangangahulugang pagpapahalaga sa sarili ng mga Tsino?
A) Sinocentrismo C) Kung Fu Tzu
B) Buddismo D) Shinto

2. Ang sibilisasyon ay pag-unlad. Ayon sa mga Tsino, saan nagsimula ang


sibilisayon?
A) Japan C) China
B) Africa D) Latin America

3. Ayon sa paniniwala ng mga Hapones, ang kalupaang Japan ay mula sa:


A) patak na galing sa sibat ng kinilala nilang diyos
B) Ibon na lumilipad sa himpapawid
C) Pagputok ng bulkang Fuji
D) Luha ni Izanagi

4. May pinaniniwalaan ang mga Hapon na banal ang kanilang pinuno. Sino
ang unang naghari sa lupang Japan.
A) Izanagi C) Jimmu Tenno
B) Ninigi D) Izanami

5. Nagsimula ang Buddhismo sa India. Sino ang lumikha ng relihiyong


Buddhismo?
A) Confucuis C) Mohammmad
B) Zoroaster D) Siddharta Gautama

6. Kung isa kang Hapanes, ano ang maaaring maging relihiyon mo?
A) Buddismo C) Shintoismo
B) Islam D) Judaismo

7. Anong Walong Landas ang ngangangahulugang pag-iwas sa pagsasabi ng


kasinungalingan, mga haka-haka, at pagbigkas ng magaspang na salita?
A) Tamang pananaw C) Tamang pananalita
B) Tamang kaisipan D) Tamang gawa

3
8. Anong relihiyon ang naniniwala sa Universal Causalty o karma?
A) Buddismo C) Confucianismo
B) Shintoismo D) Judaismo

9. Ang Tripitaka ay turo ng anong relihiyon?


A) Buddismo C) Confucianismo
B) Shintoismo D) Judaismo

10. Ang Tripitaka o Three Baskets ay ang: higher doctrine, discourses at


_____________.
A) karma C) incarnation
B) discipline D) four noble truths

11. Ito ay nangangahulugang “the Enlighened One.”


A) Shinto C) Tripitaka
B) Karma D) Buddha

12. Ang salitang “Sino” ay tumutukoy sa mga:


A) Hindu C) Pilipino
B) Tsino D) Hapones

13. Ang mga Hapones ay naniniwala na ang kanilang Emperador ay:


A) banal C) anak ng langit
B) diyos D) lahat ng nabanggit

14. Alin sa sumusunod ang nangangahulugang, gawain na hindi


makakasira sa ano mang buhay, bagay at kalikasan sa Walong landas ng
Buddihismo?
A) Tamang kabuhayan C) Tamang pananaw
B) Tamang kaisipan D) Tamang pananalita

15 Alin sa sumusunod ang makatotohanang impormasyon tungkol sa


kaisipang Asyano?
A) nawawala na ngayon.
B) gabay sa mga gawain at paniniwala ng mga dayuhan.
C) sinunod ng mga dayuhan.
D) hinubog ang pagkakakilanlan ng mga Asyano.

4
Balikan
Ang Asya ay pinagmulan ng sinaunang kabihasnan. Dito rin umunlad
ang mga imperyo at lumaganap sa iba’t ibang lugar. Maraming imperyo ang
nanatili nang mahabang panahon at umunlad ang kultura dito sa Asya. Sa
bahaging ito ng pag-aaral sa Asya ay inaasahan na mas malawak ang
inyong kaalaman at pag-unawa tungkol sa kaisipang Asyano na nagbigay
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano.

Ang araling ito ay tungkol sa mga kaisipang pinagbatayan ng bansang


India, Hapon at Tsina mula pa sa sinaunang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyan. Napaloob din dito ang iba’t ibang aral na nabuo na ngayon ay
kinikilala bilang relihiyong Buddhismo, Shintoismo at Confucianismo.

Tuklasin
Gawain 1: Ang mga larawan ay may kaugnayan sa religiyon ng mga tao.
Tukuyin mo kung anong relihiyon ang may kaugnayan sa bawat larawan.

1_________________ 2_________________ 3_________________

4__________________ 5_____________________

5
Suriin

Sa bahaging ito, talakayin mo ang mga kaisipang Asyano.

Katutubong kasaysayan ng mga Rehiyon sa Asya

Lahat ng pook sa mundo ay wala nang hihigit pa sa pagpapahalaga sa


tradisyon tulad ng mga Asyano. Marami ang nakaalam ng mga Tradisyong
paggalang sa nakakatanda at may katungkulan, sa pagmamahal sa
magulang at pagpapahalaga sa edukasyon.

Ang mga Asyano ay ginagabayan ng mga aral ng mga unang


paniniwala. Suriin mo ang tatlong pangunahing pananaw ng mga Asyano.

Sinocentrisimo (Tsina)

Ito ay salitang nangangahulugang pagpapahalaga sa sarili ng mga


Tsino. Ang “Sino” ay tumutukoy sa mga Tsino at ang “Centrisimo” ay
paglalagay ng sarili sa gitna, kaya ang Sinocentrisimo ay paniniwala ng mga
Tsino na sila, higit sa lahat, ay mahalaga.

Nag-ugat ang pananaw na ito sa panahon ni Kung Fu Tzu kung


kailan ang kahariang piyudal ng dinastiyang Chou ay napalitan ng grupo ng
malayang estado na nanatiling nakikibaka upang makamit ang kasaysayang
pampulitika.

Ang bagong sistemang pampulitika at panlipunan ay nalinang ni


Kung Fu Tzu. Ito ay nagsasabi na panatilihin sa pamamahala ang mga
kasanayang espiritwal at dapat ang mga pinuno ang may moral na
responsibilidad sa ikakabuti ng mga mamamayan na lalong kilala bilang
pangunahing paniniwala na Confucianismo.

6
Noon at ngayon, gabay ng mga Tsino ang pananaw na ito. Paniniwala
ng mga Tsino na ang Tsina ang sentro ng daigdig at sa Tsina nagsimula ang
sibilisasyon.

Divine Origin (Hapon)

Ginagabayan sila ng paniniwala na silang mga Hapon ay mga anak ng


diyos. Ang katangian, kakayahan at kapangyarihan nila ay ipinamana sa
kanila ng dakilang manlilikha. Sila ay may divine origin o banal na
pinagmulan.

Ang kaisipan ng mga Hapones ay binubuo ng halu-halong paniniwala


sa mga aral ng Shinto, ang pambansang relihiyon. Ito ang dahilan ng
maraming piging at selebrasyong isinasagawa ng bansang Hapon.

Ang ugat ng paniniwalang Shinto (Way of the Gods) ay batay sa isang


makasaysayang alamat at nagpalipat-lipat sa maraming henerasyon na
nagsasabing:

Dumating sa lupa ang diyos na si Izanagi at si diyosang Izanami. Sila


ay tumayo sa tulay ng kalangitan at inilusob ang sibat sa tubig sa kanilang
ibaba. Ang mga patak na galing sa sibat ay naging kalupaan sa Hapon. Ang
diyosang si Izanami ay pinaniniwalaang nanganak at ito si Amaterasu-o mi-
Rami. Ipinadala siya sa kalangitan kung saan nagrena bilang diyosa ng
araw. Ipinadala niya ang kanyang apo na si Ninigi upang maghari sa Hapon.
Pumunta si Ninigi na dala-dala niya ang alahas, isang espada, at isang
salamin. Si Jimmu Tenno ay apo ni Ninigi na siya ang naging hari ng Hapon
at naging unang emperador na Japan.

Ang alamat ay nagpatuloy sa pagsasabing ang pabaon ni Amaterasu


kay Ninigi ay naging simbolo ng Imperial army hanggang sa kasalukuyan.
Iginagalang nila ang kalikasan at disiplinado sila. Nakikita sa kultura nila
ang pagpapahalaga sa pinagmulan. Ang paniniwala ng Hapon sa “divine
Origin” ay lakas na bumibigkis sa mga Hapones upang patuloy na hangarin
ang pag-unlad.

7
Theravada Buddhism

Ang Buddhismo ay isang relihiyong oriental na itinatag ni Siddharta


Gautama, lalong kinilala sa pangalang Buddha na ang ibig sabihin ay “ The
Enlightened One”. Ang Buddhismo ay isang pilosopiyang pang-espiritwal at
Sistema ng etiko o moralidad. Ang Theravada o hiyas ang pinakamatandang
aral ng Buddhismo na tinawag na “dharma”.

Ang mga aral ni Buddha ay ang sumusunod:

1. Ang kalawakan ay isang proseso ng patuloy na pagbabago. Ang lahat


ng bagay ay hindi permanente (anicca). Ang kakayahan ng isang tao
ay patuloy na nagbabago (atta). Naniniwala sa “incarnation”

2. Ang lahat ay nagaganap nang naaayon sa “universal causality”


(karma).

3. Walong Landas ng katotohanan.

a. Tamang pananaw

b. Tamang kaisipan na bunga ng pagiging Malaya sa kaisipang


makamundo, gawaing di-kaibig-ibig, kalupitan at kasinungalingan

c. Tamang pananalita- pag-iwas sa pagsasabi ng kasinungalingan,


mga haka-haka, pagbikas ng magaspang na salita.

d. Tamang gawa – pag-iwas sa pagpatay, pagnanakaw at masamang


asal.

e. Tamang kabuhayan – nang hindi makakasira sa ano mang buhay


na bagay at kalikasan.

f. Tamang pangyayari – pag-iwas sa pagkawili sa kasamaan.

8
g. Tamang pag-aalala – matamo sa pamamagitan ng tamang
pangangalaga sa bawat aspeto ng sarili, katawan, damdamin at
isipan

h. Tamang konsentrasyon – pagnilay-nilay na magdudulot ng


kalugod-lugod na kamalayan.

Ang makapangyarihang literature ng doktrinang Theravada ay isinaayos


sa tatlong bahagi (Three Baskets) na tinawag na Tripitaka.

1. Vinaya pitaka (basket of discipline)

2. Sutta pitaka (basket of discourses)

3. Adhidhama pitaka (basket of higher doctrine)

Ang kulturang Asyano ay naging bahagi na rin ng kulturang Kanluranin.


Dala ng mga Hindu, Buddhista at iba pang relihiyon. Maging ang panitikan,
pelikula, musika at iba pang aspeto ng kulturang Asyano ay may puwang
na sa Kanluran. Ang kasaysayan ng Asya ay patuloy na dumadaloy at
habang umuunlad ang Asya, patuloy na inaakma ang dating kultura sa
ngayon.

Pagyamanin

Matapos mong malaman ang mga mahahalagang impormasyon


na may kaugnayan sa Kaisipang Asyano, suriin mo at gawin ang
sumusunod na gawain.

9
Gawain 1:
Panuto: Narito ang ilang salita na may kaugnayan sa mga pangunahing
kaisipang lumaganap sa Asya. Pagdugtong-dugtungin ang mga salitang may
kaugnayan sa bawat isa sa Hanay A, B, at C sa pamamagitam ng mga guhit.

Hanay A Hanay B Hanay C

Siddharta
Way of the
Gautama Karma
gods

Izanagi at Moral Pagtatag ng


Izanami Responsibilit Imperyong
y Hapon

8 Landas ng Sino-
Kung Fu Tsu
Katotohanan centrismo

Gawain 2:
Panuto: Basahing mabuti ang mga salita sa kahon at isulat sa tamang
hanay ang bawat isa kung ang kaisipan o aral ay mula sa Buddhismo,
Shintoismo o Confucianismo.

Mga kaisipang Asyano


 Divine Origin
 Four Noble Truth
 Incarnation
 Magalang sa kalikasan at disiplinado
 Makapagkumbabang mga tao sa kabila ng mga digmaan
 Nagmula sa diyos (Emperador hanggang sa tao)
 Nagtutulungan at ayaw makitang naghihirap ang kapuwa
 Pagpapalaganap sa pinagmulan tanda nito ang maayos na museum
 Pagpapanatili ng mga kasanayang espiritwal at diplomatiko
 Three Basket (Tripitaka)
 Universal Causality (karma)
10
Kahon ng mga aral mula sa iba’t ibang kaisipang Asyano
BUDDHISMO SHINTOISMO CONFUCIANISMO

Gawain 3: Basahing mabuti at sagutin ang katanungan ayon sa iyong


nabasa at napag-aralan.

 Magbigay ng 5 dahilan kung bakit sinusunod ng mga Asyano ang iba’t


ibang turo ng mga sinaunang kaisipan at relihiyon tulad ng
Buddhismo, shintoismo at Confucianismo?
1. ____________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________

5. ____________________________________________________________________

Isaisip
Gawain:
Kompletuhin ang mga pangungusap ng tama at makatotohanang
impormasyon. Gabay sa iyo ang mga ginulong titik para mabuo ang wastong
sagot.

1. Ang mga Asyano ay ginagabayan ng mga aral ng mga unang paniniwala


tulad ng Sinocentrisimo. Ang ______________ (OINS) ay tumutukoy sa mga
Tsino at ang _______________ (SMICERNT) ay pagpalalagay ng sarili sa gitna.
11
2. Sa bansang Hapon ay may paniniwala sila sa _________________ ( NIEIDV
GINROI) na ang katangian, kakayahan at kapangyarihan nila ay ipinamana
sa kanila ng dakilang manlilikha.

3. Ang ugat ng paniniwalang _____________ (TISNOH) ay gabay sa isang


makasaysayang alamat at nagpalipat-lipat sa maraming henerasyon.

4. Ang Buddhismo ay isang relihiyong Oriental na itinatag ni


________________ (DIADHARTS AUTGAMA).

5. Ang mga Aral ni Buddha ay tungkol sa kalawakan ng isang prosesong


patuloy na pagbabago at ang paniniwalang lahat ay nagaganap ng naaayon
sa ___________ (MARKA) at may kaukulang bunga.

Isagawa
Mayroon kang kaibigan na nagtatanong sa iyo. Inyong sasagutin ayon
sa inyong kakayahan.
Ako’y taga
Ifugao.
Taga saan po ba
kayo?

Paano mo po _____________
pahahalagahan ang _____________
inyong kaisipang _____________
Ifugao na nagbigay _____________
sa iyong pagkatao? _____________
_____________
_____________
_____________
pakipaliwanag _____________
nga po. _____________
_____________

Photo by wil

12
Tayahin

May karunungan ka na sa aralin. Handa ka na


sa huling pagsusulit.

Panuto: Piliin ang titik na tumutugma sa tamang sagot. Isulat ito sa


sagutang papel.
1. Ang mga Hapones ay may paniniwala. Ano ang pinaniniwalaan nila na
nangangahulugang “way of the gods”.
A) Sinocentrismo C) Kung Fu Tzu
B) Buddismo D) Shinto

2. Malaki ang tingin ng mga Tsino sa kanilang imperyo. Ano ang turing nila
sa kanilang kaharian?
A) gitnang kaharian C) unang kaharian
B) huling kaharian D) malayang kaharian

3. Ayon sa paniniwala ng mga Hapones, ang kalupaang Japan ay nilikha ng:


A) dayuhan C) hapones
B) diyos D) ibon

4. Banal ang hari sa sinaunang Japan. Sino ang unang hari sa lupang
Japan?
A) Izanagi C) Jimmu Tenno
B) Ninigi D) Izanami

5. Anong relihiyon ang nilikha ni Siddharta Gautama?


A) Confucuanismo C) Buddhismo
B) Judaismo D) Shintoismo

6. Kung isa kang Tsino, ano ang maaaring maging relihiyon mo?
A) Buddismo C) Shintoismo
B) Islam D) Judaismo

7. Anong Walong Landas ang ngangangahulugang pagnilay-nilay na


magdudulot ng kalugod-lugod na kamalayan tungo sa pinakarurok ng
magandang pananaw?
A) Tamang pananaw C) Tamang pananalita
B) Tamang konsentrasyon D) Tamang gawa
13
8. Ang gawa ng tao ay may naibubunga. Anong relihiyon ang naniniwala sa
Universal Causality o karma?
A) Buddismo C) Confucianismo
B) Shintoismo D) Judaismo

9. Malaki ang impluwensiya ng Tripitaka sa naniniwala dito. Ang Tripitaka


ay turo ng anong relihiyon?
A) Buddismo C) Confucianismo
B) Shintoismo D) Judaismo

10. Ang Tripitaka o Three Baskets ay ang: disiplina, higher doctrine, at


___________.
A) karma C) incarnation
B) discipline D) discourses

11. Si Siddharta Gautama ang tinaguriang “Enlighened One.” Ano ang


salitang nangangahulugang “the Enlighened One.”
A) Shinto C) Tripitaka
B) Karma D) Buddha

12. Ang salitang “Sino” ay tumutukoy sa mga:


A) Hindu C) Pilipino
B) Tsino D) Hapones

13. Ang mga Hapones ay naniniwala na ang kanilang Emperador ay:


A) banal C) anak ng langit
B) diyos D) lahat ng nabanggit

14. Alin sa sumusunod ang nangangahulugang gawain na hindi makakasira


sa ano mang buhay, bagay at kalikasan sa Walong landas sa Buddihismo?
A) Tamang kabuhayan C) Tamang pananaw
B) Tamang kaisipan D) Tamang pananalita

15 Alin sa sumusunod ang makatotohanang impormasyon tungkol sa


kaisipang Asyano?
A) nawawala na ngayon.
B) gabay sa mga gawain at paniniwala ng mga dayuhan.
C) sinunod ng mga dayuhan.
D) hinubog ang pagkakakilanlan ng mga Asyano.

14
Karagdagang Gawain

Ang susunod na gawain ay nakakatulong sa


inyong kaalaman sa aralin

Gawain
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay makatotohanan at Mali kung
hindi makatotohanan.

1.Ang mga Asyano ay ginagabayan ng mga aral ng mga unang paniniwala


tulad ng Sinocentrisimo, Divine Origin at Shintoismo.

2. May sampung landas ng katotohanang sinunod ng mga naniniwala sa


Buddhismo.

3. Sa Sinocentrisimo, ang mga Hapones ay naniniwala na ang kanilang


sibilisasyon ay maunlad.

4. Maalamat ang pinagmulan ng kahariang Hapon ngunit pinaniniwalaan


pa rin ng mga Hapones.

5. Ang mga kasisipang Asyano ay nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang


kabihasnan sa Asya.

Natapos mo na ang isang


Modyul.

Binabati Kita

15
Gabay sa Pagwawasto

Subukin Tayahin

Paunang Pagtataya
1. D
1. A
2. C 2. S
3. A 3. B
4. B 4. B
5. D 5. C
6. C 6. B
7. C 7. B
8. A 8. A
9. A 9. A
10.B
10. D
11.D
11. D
12.B
12. B
13.D
14.A 13. D
15.D 14. A
15. D

Karagdagang Gawain
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama

Mga Sanggunian
1. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan 7.
Module para sa mag-aaral.

2. Project EASE. Modyul 3.


3. MS Encarta

16
17

You might also like