You are on page 1of 24

KAISIPANG ASYANO

Araling Panlipunan 7
Ikalawang Markahan/Ikaapat/AP7KSA-IId-1.5

JONALYN S. DAMORKIS
Debeloper
Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng mga Paaralan ng Benguet

i
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum–
Learning Resource Management Section

KARAPATANG SIPI
2020

Isinasaaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293; Hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit
sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng
nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum


ng Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang
kopyahin kung para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.
Deribatibo ng trabaho kabilang ang paglikha at na-edit na bersyon, isang
pagpapahusay o isang pandagdag na gawain ay pinahihintulutan sa kondisyon
na ang lahat ng orihinal na trabaho ay kinikilala at ang karapatang
magpalathala ay maiugnay. Walang gawa ang maaaring magmula sa materyal
para sa komersyal na layunin at kita.

ii
PAUNANG SALITA
Ang modyul na ito ay proyekto ng Sangay sa Pagpapatupad ng Kurilulum
lalo na sa Learning Resource Management Section, Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet bilang tugon sa implementasyon ng K to
12 Curriculum.

Ang materyal na ito ng pagkatuto ay pagmamay-ari ng Sangay ng mga


Paaralan ng Benguet, naglalayong mapagbuti ang pagganap ng mga mag-aaral
lalo na sa Sakop ng Paksa. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapaunlad ng
kakayahan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Araling Panlipunan-
Asya sa Baitang 7.

Ang modyul din na ito ay maaaring maihatid sa pamamagitan ng modular,


nakalimbag o na- digitize na mga materyales at naaangkop mula sa pag-aaral sa
bahay, na kaunti ang kinakailangang pangangasiwa mula sa mga magulang o
nasa hustong gulang o kuya o ate.

Petsa ng Paggawa Mayo 2020


Lokasyon ng Mapagkukunan Purok ng La Trinidad, Benguet
Asignatura Araling Panlipunan
Antas ng Baitang 7
Uri ng Mapagkukunan ng Pagkatuto Modyul
Daluyan ng Pagtuturo Filipino
Bahagi/Linggo/Oras Ikalawang Markahan/Apat/Tatlo
Kasanayang Pampagkatuto/Kowd AP7KSA-IId-1.5
 Napahahalagahan ang mga
bagay at kaisipang pinagbatayan
(sinocentrism, divine origin,
devaraja) sa pagkilala sa
sinaunang kabihasnan.

iii
PAGKILALA
Lubusang nagpapasalamat ang debeloper sa kanyang pamilya, sa
kanyang kapwa guro sa departamento ng Araling Panlipunan, sa kanyang AP
Koordineytor, at sa kanyang punongguro na si Ginoong Nestor O. Dalay-on sa
inspirasyon, motibasyon, pagbabahagi ng kanilang kaalaman at mga mungkahi
para sa tagumpay ng modyul na ito.
Higit sa lahat, sa Panginoon na siyang bukal ng buhay, karunungan at
lakas.
Kinikilala rin ng debeloper ang Division LRMS Staff sa paglalaan nila ng
kanilang panahon at karunungan upang maiwasto hanggang sa magawa ang
pinal na sipi ng modyul.
DIVISION LRMS STAFF:

MELVIN L. ALFREDO ANTIONETTE D. SACYANG


Librarian II Project Development Officer II

SONIA D. DUPAGAN, EdD


EPS-LR

MGA KONSULTANT:

ROSE N. ANAPEN
Coordinator, Araling Panlipunan
EPS II- ALS

RIZALYN A. GUZNIAN, EdD


Chief- Curriculum Implementation Division

NESTOR L. BOLAYO
Public Schools District Supervisor
OIC- Office of the Assistant Schools Division Superintendent

BENILDA M. DAYTACA, EdD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent
OIC- Office of the Schools Division Superintendent

iv
ALAMIN

Ang modyul na ito ng ikalawang markahan ay tumatalakay sa


mga kaisipang Asyano na uminog sa mga relihiyon at pamumuno
kung saan ito rin ang naging pundasyon sa pagkabuo ng mga sinaunang
kabihasnan sa Asya.
Para sa Gumagabay sa Mag-aaral:
Ang modyul na ito ay nangangailangan ng gabay ng magulang, nakatatandang
kapatid o kasambahay upang magawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito. Kung kinakailangang magtanong para maliwanag
ang gagawing paggabay, huwag mahihiyang sumangguni sa guro. Para sa mas
makabuluhang pagsasanay, may mga ilang gawain na dapat gawin mag-isa ng
mag-aaral kagaya ng mga pagtataya at pagtatasang naihanda sa modyul na ito.
Ipinaaalala na ang iyong gabay sa mag-aaral ay napakahalagang aspeto upang
mapagtagumpayan nito ang pag-abot sa layunin ng aralin na ito. Ipaalala rin na
ang bawat mag-aaral ay kailangan gumamit ng kuwaderno sa pagsagot ng bawat
gawain.
Para sa Mag-aaral:
Inaasahan na magawa mo ang mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Basahin mo nang masinsinan ang bawat yugto ng mga gawain at sikapin mong
sagutan ang lahat ng mga katanungan sa iyong kwaderno. Maari kang humingi
ng tulong sa iyong magulang o nakatatandang kapamilya upang masunod mo
ang mga panuto at humingi ng mga paliwanag sa bawat gawain na may
kahirapan. Subalit mahalagang maunawaan mo na ikaw ay sinasanay na
magsikap na sumagot sa bawat pagtataya kaya iwasang humingi ng sagot mula
sa kapamilyang gumagabay sa iyo. Isaisip na ang modyul na ito ay naglalayong
mapayabong pa ang iyong kaalaman at kasanayan tungkol sa sakop ng paksa.
Pagkatapos mong isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang
magawa mo ang mga sumusunod:
1. Pamantayan sa Pagkatuto AP7KSA-IId-1.5
 Napahahalagahan ang mga bagay at kaisipang pinagbatayan (sinocentrism,
divine origin, devaraja) sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan.

2. Tiyak na layunin
 Naipaliliwanag ang konsepto ng bawat kaisipang Asyano (sinocentrism,
divine origin, devaraja)
 Nahihinuha ang kahalagahan ng mga kaisipang Asyano sa paghubog ng mga
tapat at mabuting pinuno ng mga sinaunang kabihasnang umusbong sa
Asya.

1
SUBUKIN

Bago mo taluntunin ang mga nakahandang aralin sa modyul, alamin mo muna


kung ano ang antas ng iyong kaalaman sa iba’t- ibang konsepto at paksang
tatalakayin sa mga aralin. Sumangguni sa susi sa pagwawasto sa bandang
hulihan ng modyul para makumpirma ang tamang sagot sa pagsusulit.

Panimulang Pagsusulit
Checklist: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng
tsek (/) ang kahon kung ikaw ay sang-ayon at ekis (x) naman kung hindi ka
sang-ayon sa mga pahayag.

Pahayag Sang- Hindi


ayon Sang-ayon
(✓) (x)
1. May mga kaisipang Asyano (mga paniniwala) na
nabuo noon ang nananatili hanggang ngayon.
Ito ang naging sandigan ng ilang bansa sa Asya
upang mapatatag ang kanilang lungsod at
liderato tulad ng China.
2. Kabihasnan nang maituturing ang pamayanang
may organisadong pamamahala, relihiyon, uring
panlipunan, at may pag-unald sa sining,
teknolohiya at sistema ng pagsulat.
3. Para sa mga Koreano ang kanilang emperador
ay nagsimula kay Amaterasu.
4. Banal ang pinagmulan ng emperador ng Japan
mula kay Prinsipe Hwaning.
5. Sa India, ang mga hari ay kinilala bilang
devaraja (Haring Diyos) at cakravartin bilang
hari ng daigdig.
6. Sa Pilipinas at ibang mga bansa sa Timog-
Silangang Asya ang mga namumuno ay kinilala
batay sa katapangan, Kagalingan at
katalinuhan.
7. Sa mga Muslim ang kanilang pinuno na tinawag
na caliph ay utos at basbas ni Allah.

2
8. Lumaganap sa Korea ang impluwensiya ng
Hinduism. Ang maging pagtingin ng mga tao sa
hari ay isang buhay na imahen ng diyos.
9. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang
sentro ng daigdig at ang namumuno ay Anak ng
Langit (Son of Heaven) at may basbas ng langit
(Mandate of Heaven).
10. Taliwas sa paniniwalang Tsino, hindi
naniniwala ang mga Hapones sa mandate of
heaven, dahil dito ang kanilang emperador ay
hindi maaaring palitan o tanggalin sa
katungkulan.
11. Pinaniniwalaan ng mga Hapon na ang China
ang sentro ng daigdig. Pinaniniwalaan din nila
na ang kanilang kultura at kabihasnan ang
natatangi sa lahat.
12. Ang “heaven” o “langit” ay hindi
nangangahulugang “diyos” kung hindi isang
makapangyarihang batas ng kalikasan. Ito ay
ayon sa Rites of Zhou. Isa sa sinaunang
nananatiling dokumento tungkol sa politikang
Tsino.
13. Ang pangalang Korea ay nagmula sa dalawang
Kanji character na nangangahulugang “sun
origin”.
14. Sa kasalukuyang panahon ay hindi itinuturing
ng mga Hapones na diyos ang emperador
kahit mataas pa rin ang pagtingin sa kaniya.
15. Ang salitang Japan ay nangangahulugang “Land
of the Morning Calm”.

PAALALA: Binabati kita! Nakakuha ka ng iskor na 15/15 o 100%.


Ipagpatuloy at tapusin lahat ng mga gawaing nasa modyul para lalong
madagdagan pa ang iyong kaalaman sa Kaisipang Asyano.

3
BALIKAN

Sa unang bahagi ng ating aralin sa ikalawang markahan ay natutunan


mo ang mga bagong kaalaman kung paano nagsimula at umunlad ang
sinaunang kabihasnan sa Asya. Nalaman mo rin ang mga mahalagang ambag
o kontribusyon ng mga ito sa sangkatauhan. Sa paglipas ng panahon ay
nagpatuloy ang pag-unlad ng mga kabihasnan mula sa payak na pamumuhay
patungo sa pagtatatag ng mga bagong estado at imperyo sa Asya. Sa
pagpapatuloy ng ating aralin ay iyong masusuri ang mga kaisipang Asyano na
naging batayan o pundasyon sa pagbuo ng mga pamayanan, estado at
imperyo sa Asya.

Umpisahan natin!
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at bilugan ang titik ng
iyong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat nga
tao.
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
C. Paninirahan malalapit at mauunlad na pamayanan

2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?


A. Sa pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon,
uring panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat.
B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat.
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga
batas at pagsusulat

3. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa


Kabaihasnan ng Indus at Sumer?
A. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.
B. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o panghuhula.
C. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos.

4-5. Pagsunod-sunurin ang mga kaganapan ng sinaunang kabihasnang Asyano.


1. Nakalikha ng mga Sumerian ng cuneiform writing
2. Lumitaw ang Neolitikong pamayanan sa Ilog Indus
3. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ay namayagpag
4. Ang Kabihasnang Indo-Aryan ay nabuo noong 1500 BCE

4
TUKLASIN

Sukatin natin ang iyong paunang kaalaman sa mga salitang may


kaugnayan sa ating aralin tungkol sa mga Kaisipang Asyano.

WORD HUNT: Bilugan ang 5 salita na nabanggit sa talasalitaan sa ibaba. Ang


mga salita ay maaaring pahalang, pababa, paakyat at pahilis.

Q W E R T Y N A N S A H I B A K
A K A I S I P A N Z X C V B N M
S A S D F G H J K W E R G H J K
D O M S I N O Y I H I L E R H A
C D P I L O S O P I Y A F A S D
V A J A R A A R U T L U K G H N

DEFINE A WORD: Sa mga nahanapang salita magsulat ng isang pangungusap


tungkol dito.

TALA-SALITA-AN KAHULUGAN/ PAGKAKAKILANLAN


1. Kabihasnan
2. Kaisipan
3. Relihiyon
4. Pilosopiya
5. Kultura

Tala ng Guro
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol
sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang
ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan
mo ng impormasyon. Ang layunin ng bahaging ito ay mahihinuha mo bilang
mag-aaral kung ano ang mga naging epekto ng sinocentrism, divine origin at
devaraja sa paghubog ng kulturang Asyano. Mula sa mga inihandang gawain at
teksto, inaasahang magagabayan ka upang masagot ang katanungang may
kaugnayan sa aralin.

5
SURIIN

Basahin at unawain ang teksto upang mas lalo pang mapalawak ang
iyong kaalaman sa aralin.

MGA KAISIPANG ASYANO


Sinocentrism
Ang kabihasnang Tsino ay isa sa pinakamatandang kabihasnan sa
daigdig. Maiuugnay ito sa mga turo at kaisipan ng kilalang pilosopo na si
Confucius. Ang pagiging mayaman ng kabihasnang Tsino ay nagbunga ng mga
dakilang kontribusyon sa daigdig sa larangan ng pilosopiya at imbensiyon.
Naging dahilan ito upang maging mataas ang kanilang pagtingin sa sarili.
Tinawag ng mga Tsino ang kanilang bansa na Zhongguo na
nangangahulugang “Gitnang Kaharian”. Pinaniniwalaan ng mga Tsino na ang
China ang sentro ng daigdig. Pinaniniwalaan din nila na ang kanilang kultura
at kabihasnan ang natatangi sa lahat. Dahil sa ganitong paniniwala, ang naging
paningin ng mga Tsino sa mga Europeo at iba pang lahi ay mga barbaro. Ang
ganitong tradisyunal na perspektiba ng mga Tsino ay tinaguriang Sinocentrism.
Bahagi ng Sinocentrism, kinilala ng mga Tsino ang kanilang emperador
bilang Anak ng Langit o Son of Heaven. Pinaniniwalaang pinili siya ng langit
upang pamunuan ang buong kalupaan. Ang kanyang pamumuno ay may
mandate of heaven o pahintulot o basbas ng langit. Ang emperador ay may
malaking responsiblidad sa pagpapanatili ng kaayusan.
Kapag hindi niya nagampanan ang kaniyang mga tungkulin at siya ay
naging mapang-abuso at masama, ang kanyang pagiging emperador ay babawiin
ng kalangitan at igagawad sa susunod na taong puspos ng kabutihan. Ang mga
palatandaan tulad ng kalamidad, peste, tagtuyot, kaguluhan at digmaan ay mga
pangitaing hindi nalulugod ang kalangitan sa kasalukuyang emperador. Ang
mandate of heaven ang nagpapaliwanag kung bakit may mga naganap na
pagbabago o pagpapalit ng dinastiya ng China.
❖ Dagdag kaalaman: Ang salitang “Zhongguo” ay mula sa dalawang
Chinese character na Zhong na nangangahulugang “gitna” at guo na
nangangahulugang “lupa”, “kaharian” o “bansa”. Ang “heaven” o “langit” ay hindi
nangangahulugang “diyos” kung hindi isang makapangyarihang batas ng
kalikasan. Ito ay ayon sa Rites of Zhou. Isa sa sinaunang nananatiling
dokumento tungkol sa politikang Tsino.

6
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang sinocentrism?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano ito nakatulong sa paghubog ng tapat at mabuting pinuno ng mga
sinaunang kabihasnang umusbong sa Asya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Divine Origin
Japan ay may sariling kultura at paniniwala bagama’t sinasabing
humiram ito ng kultura mula sa China. Ayon sa Kojiki (Record of Ancient
Matters, isinulat noong 712 C.E.), ang kapuluan ng Japan ay nabuo mula sa
diyos na si Izagani at diyosang si Izanami. Mula naman sa paghuhugas ng
kaliwang mata ni Izanami nagbuhat ang diyosa ng araw at kinikilalang diyos ng
mga Hapones na si Amaterasu Omikami.
Ipinadala ni Amaterasu ang kaniyang apo na si Ninigi sa pulo ng Kyushu
upang doon mamuhay. Binigyan niya ito ng tatlong kayamanan: alahas, salamin
at espada. Ayon sa tradisyon, ang kaapo-apuhan naman ni Ninigi na si Jimmu
ang naging kauna-unahang emperador ng Japan noong 660 B.C.E. Simula
noon, tanging sa lahi lamang ni Amaterasu magmula ang emperador ng Japan.
Taliwas sa paniniwalang Tsino, hindi naniniwala ang mga Hapones sa
mandate of heaven, dahil dito ang kanilang emperador ay hindi maaaring palitan
o tanggalin sa katungkulan. Naniniwala ang mga Hapones na ang kanilang
emperador ay natatangi at hindi karaniwan kung ihahambing sa mga pinuno ng
ibang bansa. Mahalaga ang ginampanan ng teorya ng divine origin sa gawi at
kaparaanang tinahak ng mga Hapones sa paglilinang ng kabihasnan sa kanilang
bansa.
Ang paniniwalang ito ang bumuo sa isipan ng mga Hapones na ang
kanilang emperador ay mayroong dakilang kapangyarihang mamuno. Bunga
nito, natanim sa kanilang isipan na sila at kanilang bansa ang pinakasuperyor
sa buong daigdig.
Ayon sa manunulat ng kasaysayan, ang Teorya ng Divine Origin ang
maaaring naging gabay ng mga Hapones sa kanilang pag-aakalang sila ang
tanging tagapagtanggol ng mga bansa sa Asya. Ito rin marahil ang nag-udyok sa
mga Hapones na tangkaing sakupin at pamunuan ang buong kontinente ng
Asya sa ilalim ng programang Greater East Asia Coprosperity Sphere.
Sa kabila ng mga pangyayaring naganap sa Asya na pinaniniwalaang
ibinunga ng kaisipang teorya ng Divine Origin. May mga positibong ibinuga rin

7
ito. Ito ang naglinang ng kinikinila at hinahangaang pag-uugali sa paggawa ng
mga Hapones na isa sa pinakamahalagang salik na nagpaunlad sa bansa.
Bagama’t sa kasalukuyang panahon ay hindi itinuturing na diyos ang kanilang
emperador, ang mga hapones ay may mataas pa rin na pagtingin sa kaniya.
Lubos parin ang paggalang at pagmamahal nila rito. Nananatili ang emperador
ng Japan bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga Hapones hanggang sa
kasalukuyan.
❖ Dagdag Kaalaman: Ang pangalang Japan ay nagmula sa dalawang Kanji
character na nangangahulugang “sun origin”. Ito ang dahilan kung bakit
tinawag na “The Land of Rising Sun” ang Japan.
Sa kabilang dako, ang mga Korean ay naniniwala rin sa banal na
pinagmulan ng kanilang emperador. Masasalamin ito sa alamat ni Tangun
Wanggeom, ang nagtatag ng unang kaharian ng Korea. Ayon sa kuwento, noong
unang panahon, si Prinsipe Hwanung, anak ng diyos ng kalangitan na si Hwanin
ay nagnais na bumaba mula sa langit at manirahan sa daigdig ng mga tao.
Nang malaman ang ninanais ng anak ay naghanap si Hwanin ng mataas
na kabundukan at natagpuan ang Mount T’aebaek na nagsilbing panirahan ng
nasabing prinsipe. Nang makapanirahan sa lupa ang prinsipe, itinatag niya ang
Lungsod ng Diyos. Tinuruan niya ang kaniyang nasasakupan ng kaalaman sa
agrikultura at iba’t ibang gawain tulad ng paghahabi at pagkakarpintero. Bumuo
rin siya ng mga batas upang maging gabay sa pagtukoy ng mabuti at masama
at sa pagpataw ng kaparusahan sa mga lumabag sa batas.
Siya ay sinasabing nakapangasawa ng isang oso na naging isang
magandang babae. Sila ay nagkaanak at pinangalanan itong Tangun Wanggeom.
Siya ang nagtatag ng Kaharian ng Gojoseon (Lumang Joson). Namuno siya dito
ng 150 taon.
❖ Dagdag kaalaman: Ang salitang Korea ay nangangahulugang “Land of the
Morning Calm”

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang divine origin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano ito nakatulong sa paghubog ng tapat at mabuting pinuno ng mga
sinaunang kabihasnang umusbong sa Asya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

8
Devaraja
Sa India, ang kinikilalang diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng diyos ng buwan, apoy, hangin, tubig, kayaman at kamatayan.
Kilala siya bilang pinakamataas at walang kapantay dahil hindi lamang iisang
diyos ang kaniyang taglay. Ang tawag sa kanya ay devaraja.
Sa Hinduism at Buddhism, ang hari ay kilala bilang cakravartin o hari ng
sansinukob. Ang natatanging haring ito ay may pangakong mamuno ng
makatuwiran at mapagkalinga sa mga mamamayan at kanilang rehiyon.
Samantala, nangako rin ng katapatan sa kanya ang kaniyang
nasasakupan. Si Haring Asoka ay isang halimbawa ng cakravartin. Isa siyang
mandirigma na tumalikod sa karahasan at tumanggap at sumuporta sa
Buddhism. Sa Cambodia, ang haring Khmer na si Jayavarman II ay isang
cakravartin na nasa pagkalinga at proteksyon ni Shiva.
Lumaganap sa India ang impluwensiya ng Hinduism. Ang maging
pagtingin ng mga tao sa hari ay isang buhay na imahen ng diyos. Ang paniniwala
sa karma at reinkarnasyon ay bahagi rin ng Hinduism.
❖ Dagdag Kaalaman: Ang “devaraja” ay hango sa dalawang salita – “deva” na
nangangahulugang “diyos” at “raja” na nangangahulugang “hari”. Karma –
ang paniniwalang ang kabutihan ay masusuklihan din ng kabutihan.
Reinkarnasyon – ang paniniwala na kapag ang tao ay namatay, siya ay
mabubuhay muli sa ibang anyo.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang Devaraja?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano ito nakatulong sa paghubog ng tapat at mabuting pinuno ng mga
sinaunang kabihasnang umusbong sa Asya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

9
PAGYAMANIN

Pagyamanin mo pa ang iyong kaalaman kaugnayan ng


likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sa
pagsasasagawa sa mga gawain at pagsagot sa mga pagtataya na
inihanda para sa iyo.

Gawain 1: Pagkompleto sa Puzzle: Panuto: Kumpletuhin ang puzzle na nasa


ibaba, makakatulong ang mga clue na naisulat.

1 K N
2 D A A
3 I N
4 S M
5 C I
6 J P
7 A
8 R N N
9 Z G O
10 H A
11 A S U
12 R Y N
13 C A N
14 N
15 O
1. Ang Sumer, Indus at Tsina ay mga sinaunang K__________
2. Kinikilala bilang haring Diyos sa India___________________
3. Ang paniniwala ng mga Hapones na ang lahi nila ay nanggaling sa mga
diyos. Dahil dito, nasa isip nila noon na may karapatan silang agawin ang
lupa ng sino man. - Divine __________
4. Tawag sa paniniwala ng mga Tsino na sila ang nakakaangat sa lahat ng
bagay lalung lalo na kung ang kultura at tradisyon ang pinag-uusapan.
5. Bansa na kinikilala ang kanilang emperador bilang Anak ng Langit o Son
of Heaven.

10
6. Bansa na na kinikilala ang kanilang emperador na nagsimula kay
Amaterasu.
7. Ang paniniwalang ang kabutihan ay masusuklihan din ng kabutihan.
8. Ang paniniwala na kapag ang tao ay namatay, siya ay mabubuhay muli
sa ibang anyo.
9. Tawag ng mga Tsino sa kanilang bansa na nangangahulugang “Gitnang
Kaharian.
10. Ito ay basbas ng kalangitan na ang emperador ang namumuno sa
kapahintulan ng langit at pinili siya dahil puno siya ng kabutihan.
11. Diyosa ng araw at kinikilalang diyos ng mga Hapones.
12. Paniniwala ito ng isang tao na sasambahin ang kanilang pinaniniwalaang
diyos.
13. Sa Hindusim at Buddhism ang natatanging haring ito ay may pangakong
mamuno ng makatuwiran at mapagkalinga sa mga mamamayan at
kanilang rehiyon.
14. Bansa sa Timog Asya kung saan ang mga hari ay kinilala bilang devaraja.
15. Ang salitang nangangahulugang “Land of the Morning Calm”.

Pagtatasa 1: Pagpapaliwanag
1. Ano ang naging epekto ng sinocentrism, divine origin at devaraja sa
paghubog ng kulturang Asyano?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagsagot:
a. Nilalaman: 7 na puntos
b. Kaugnayan sa Tema: 5 na puntos
c. Paggamit ng Salita: 3 na puntos

Kabuuan: 15 na puntos

11
Gawain 2: Alin Ka Mo?
Panuto: Tukuyin kung anong paniniwala may kaugnayan ang mga sumusunod
na kaisipang Asyano. Isulat ang S kung sinocentrism, D kung devaraja at DO
kung ito ay divine origin. Isulat ang letra ng sagot sa unang kolum.
Sagot Paniniwala
1. Ang kinikilalang diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng diyos ng buwan, apoy, hangin, tubig, kayaman
at kamatayan. Kilala siya bilang pinakamataas at walang kapantay
dahil hindi lamang iisang diyos ang kaniyang taglay.
2. Kinilala ng mga Tsino ang kanilang emperador bilang Anak ng
Langit o Son of Heaven
3. Ang hari ay kilala bilang cakravartin o hari ng sansinukob
4. Hindi naniniwala ang mga Hapones sa mandate of heaven, dahil
dito ang kanilang emperador ay hindi maaaring palitan o
tanggalin sa katungkulan.
5. Pinaniniwalaan ng mga Tsino na ang China ang sentro ng daigdig.
Pinaniniwalaan din nila na ang kanilang kultura at kabihasnan
ang natatangi sa lahat
6. Para sa mga Hapones ang kanilang emperador na nagsimula kay
Amaterasu.
7. Banal ang pinagmulan ng emperador ng Korea mula kay Prinsipe
Hwaning.
8. Lumaganap sa India ang impluwensiya ng Hinduism. Ang maging
pagtingin ng mga tao sa hari ay isang buhay na imahen ng diyos.
9. Bagama’t sa kasalukuyang panahon ay hindi itinuturing na diyos
ang kanilang emperador, ang mga hapones ay may mataas pa rin
na pagtingin sa kaniya.
10. Kapag hindi niya nagampanan ang kaniyang mga tungkulin at
siya ay naging mapang-abuso at masama, ang kanyang pagiging
emperador ay babawiin ng kalangitan at igagawad sa susunod na
taong puspos ng kabutihan
11. Ang kaisipang ito ang naging gabay ng mga Hapones sa kanilang
pag-aakalang sila ang tanging tagapagtanggol ng mga bansa sa
Asya. Ito rin marahil ang nag-udyok sa mga Hapones na
tangkaing sakupin at pamunuan ang buong kontinente ng Asya
sa ilalim ng programang Greater East Asia Coprosperity Sphere
12. Ang mandate of heaven ang nagpapaliwanag kung bakit may
mga naganap na pagbabago o pagpapalit ng dinastiya ng China.

12
Pagtatasa 2: TAMA o MALI
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at salitang MALI
kung ang pahayag ay hindi wasto.
_____________________1. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng
daigdig at ang namumuno ay Anak ng Langit (Son of Heaven) at may basbas ng
langit (Mandate of Heaven).
_____________________2. Para sa mga Hapones ang kanilang emperador na
nagsimula kay Amaterasu.
_____________________3. Banal ang pinagmulan ng emperador ng Korea mula kay
Prinsipe Hwaning.
_____________________4. Sa India, ang mga hari ay kinilala bilang devaraja
(Haring Diyos) at cakravartin bilang hari ng daigdig.
_____________________5. Ang mga kaisipang Asyano (mga paniniwala) ang naging
sandigan ng ilang bansa sa Asya upang mapatatag ang kanilang lungsod at
liderato.

Gawain 3: Pahalagahan
Panuto: Magbigay ng 5 paniniwala na nakatulong sa paghubog ng tapat at
mabuting pinuno ng mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Asya.
Hal: Ang emperador ay may malaking responsiblidad sa pagpapanatili ng
kaayusan.
1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________________

Ang nabuo mong mga kasagutan ay makatutulong sa iyo na


maisakatuparan ang huling gawain na magpapasailalim sa iyong pananaw
hinggil sa mga kaisipang Asyano na naging batayan o pundasyon sa pagbuo ng
mga pamayanan, estado at imperyo sa Asya.
Pagtatasa 3: Ipaliwanag
1. Ano ang kahalagahan ng mga kaisipang Asyano sa pagkakatatag ng mga
sinaunang kabihasnan?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

13
ISAISIP
KAISIPANG ASYANO

Pinaniniwalaan ng mga taga Timog-Silangang Asya ang mga diyos-


diyosan at espiritu sa kapaligiran. Ang paniniwalang ito ay nakatulong sa
paghubog ng mga imperyo sa naturang rehiyon. Kadalasan, ang nagtataasang
bundok ang sinasabing tirahan ng mga diyos at espiritu. Sa Pilipinas, ang mga
bundok ng Arayat, Banahaw at Makiling ang pinaniniwalaang tirahan ng mga
anito at diwata.
Ayon sa kuwento, kadalasang nagmula ang imperyo sa pakikipag-isang
dibdib ng diyos sa tao. Mula rito, ang maitatalagang hari ay dapat manguna sa
pagsasagawa ng mga ritwal bilang pagsamba sa mga espiritu. Sa pagsasagawa
ng mga pag-aalay at ritwal para sa mga pinaniniwalaang espiritu at diyos ay
sinasabing magbibigay sa kanila ng kasaganaan at katatagan ng kanilang
kaharian. Ang mapipiling pinuno ay dapat nagtataglay ng hindi pangkaraniwang
katangian tulad ng pagiging matapang, magaling at matalino. Dapat siyang
kakitaan ng kahusayan sa pamumuno ng kaniyang nasasakupan at
kakayahang magsagawa ng ritwal para sa mga kinikilalang espiritu at diyos.

Pinal na Kaalaman: Sagutin nang masinsinan ang katanungan.


 Ano ang kahalagahan ng mga sumusunod na kaisipang Asyano sa
pagkilala ng sa mga sinaunang kabihasnan ?

A. Sinocentrism
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
B. Divine Origin
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
C. Devaraja
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

14
ISAGAWA

Magtala Tayo! Panuto: Sa gawaing ito ay itala ang mga


kaisipang Asyano na naging batayan o pundasyon sa pagbuo
ng mga pamayanan, estado at imperyo sa Asya. Tignan ang
tsart sa ibaba at isulat ang hinihingi ng bawat aytem:
1. Kaisipang Asyano - unang mga kahon sa bandang itaas
2. Mga rehiyon, bansa kung saan ito nagmula - sa bawat bilog
3. Mga paniniwala kaugnay ng mga kaisipang Asyano - ikatlong bahagi ng mga
kahon.
4. Impluwensiya nito sa pagbuo at pag-unlad ng mga estado imperyo pati na sa
buhay ng mga Asyano - sa ikaapat at huling kahon

MGA KAISIPANG ASYANO

Kaisipang Asyano

Rehiyon

Paniniwala

Impluwensiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga estado at imperyo

15
TAYAHIN

Bilang panapos sa modyul na ito, alamin mo ngayon ang antas ng iyong


kaalaman sa pagsagot sa pangwakas na pagsusulit. Sumangguni sa susi sa
pagwawasto sa bandang hulihan ng modyul para makumpirma ang tamang
sagot sa pagsusulit.

Checklist: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng


tsek (/) ang kahon kung ikaw ay sang-ayon at ekis (x) naman kung hindi ka
sang-ayon sa mga pahayag.

Pahayag Sang- Hindi


ayon Sang-ayon
(✓) (x)
1. Ang salitang Korea ay nangangahulugang “Land of
the Morning Calm”.
2. Ang pangalang China ay nagmula sa dalawang
Kanji character na nangangahulugang “sun origin”.
3. Bagama’t sa kasalukuyang panahon ay hindi
itinuturing na diyos ang kanilang emperador, ang
mga hapones ay may mataas pa rin na pagtingin sa
kaniya.
4. Pinaniniwalaan ng mga Tsino na ang China ang
sentro ng daigdig. Pinaniniwalaan din nila na ang
kanilang kultura at kabihasnan ang natatangi sa
lahat
5. Taliwas sa paniniwalang Tsino, hindi naniniwala
ang mga Hapones sa mandate of heaven, dahil dito
ang kanilang emperador ay hindi maaaring palitan
o tanggalin sa katungkulan.
6. Lumaganap sa Japan ang impluwensiya ng
Hinduism. Ang maging pagtingin ng mga tao sa
hari ay isang buhay na imahen ng Diyos.

16
7. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang
sentro ng daigdig at ang namumuno ay Anak ng
Langit (Son of Heaven) at may basbas ng langit
(Mandate of Heaven).
8. Sa Pilipinas at ibang mga bansa sa Timog-
Silangang Asya ang mga namumuno ay kinilala
batay sa katapangan, Kagalingan at katalinuhan.
9. Sa mga Muslim ang kanilang pinuno na tinawag na
caliph ay utos at basbas ni Allah.
10. May mga kaisipang Asyano (mga paniniwala) na
nabuo noon ang nanatili hanggang sa
kasalukuyan. Ito ang naging sandigan ng ilang
bansa sa Asya upang mapatatag ang kanilang
lungsod at liderato tulad ng China.
11. Sa Japan, ang mga hari ay kinilala bilang devaraja
(Haring Diyos) at cakravartin bilang hari ng
daigdig.
12. Kabihasnan nang maituturing ang pamayanang
may organisadong pamamahala, relihiyon, uring
panlipunan, at may pag-unald sa sining,
teknolohiya at sistema ng pagsulat.
13. Banal ang pinagmulan ng emperador ng India mula
kay Prinsipe Hwaning.
14. Para sa mga Tsino ang kanilang emperador na
nagsimula kay Amaterasu.
15. Ang “heaven” o “langit” ay hindi nangangahulugang
“diyos” kung hindi isang makapangyarihang batas
ng kalikasan. Ito ay ayon sa Rites of Zhou. Isa sa
sinaunang nananatiling dokumento tungkol sa
politikang Tsino.

17
KARAGDAGANG GAWAIN

Paggawa ng Poster
Panuto: Sa pamamagitan ng pagguhit ipakita ang kahalagahan ng mga
Kaisipang Asyano sa paghubog ng mga tapat at mabuting pinuno ng mga
sinaunang kabihanang umusbong sa Asya. Gumamit ng mahabang kopon at
sumangguni sa rubrik ng pagmamarka para sa gawaing ito.

Rubrik sa pagmamarka ng poster


Pamantayan Napakagaling Magaling May Kakulangan
5 4 3
Nilalaman Naipakita ang Hindi masyadong Hindi naipakita
konsepto ng mga naipakita ang ang konsepto ng
kaisipang Asyano. konsepto ng mga mga kaisipang
kaisipang Asyano. Asyano.
Kaangkupan ng Lubhang angkop Hindi masyadong Hindi angkop ang
Konsepto ang konsepto at angkop ang konsepto at
maaaring magamit konsepto at maaaring magamit
sa pang-araw-araw maaaring magamit sa pang-araw-araw
na pamumuhay. sa pang-araw-araw na pamumuhay.
na pamumuhay.
Kabuuang Ang kabuuang Ang kabuuang Ang kabuuang
Presentasyon presentasyon ay presentasyon ay presentasyon ay
maliwanag at hindi masyadong hindi maliwanag at
organisado at may maliwanag at organisado at may
kabuluhan sa organisado at may kabuluhan sa
buhay ng isang kabuluhan sa buhay ng isang
Pilipino. buhay ng isang Pilipino.
Pilipino.
Pagkamalikhain Gumamit ng Hindi masyadong Hindi gumamit ng
tamang umamit ng tamang tamang
kombinasyon ng kombinasyon ng kombinasyon ng
mga kulay upang mga kulay upang mga kulay upang
ipahayag ang ipahayag ang ipahayag ang
nilalaman ng nilalaman ng nilalaman ng
mensahe. mensahe. mensahe.

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain para sa mga mag-aaral!

18
19
SURIIN
PAGYAMANIN Pamprosesong Tanong:
Gawain 2:
1. D 1. 1. Sinocentrism – Kaugalian at paniniwalang ang
PAGYAMANIN
2. S Tsina ang gitna ng buong daigdig at higit na
Gawain 1: nakakataas ang lahi.
3. D
TAYAIN 1. Kabihasnan 2. 2. Nakatulong bilang gabay sa mga emperador
4. DO
Checklist: 2. Devaraja na sila ay may malaking responsibilidad sa
5. S
1. / 3. Origin pagpapanatili sa kaayusan.
6. DO
2. x 4. Sinocentrism
7. DO
3. / 5. China 1. 1. Divine Origin – Paniniwala ng mga Hapon na
8. D
4. / 6. Japan ang lahi nila ay nanggaling sa mga diyos.
9. DO 2. 2. Nakatulong upang maging gabay ng mga
5. / 7. Karma
10. DO Hapones sa kanilang pag-aakala na sila ang
6. x 8. Reinkarnasyon
11. DO tagapagtanggol ng mga bansa sa Asya.
7. / 9. Zhoungguo
12. S
8. / 10. Heaven
1. 1. Devaraja – kulturang may hari na itinuturing
9. / 11. Amaterasu na isang diyos o binigyang biyaya ng diyos
Pagtatasa 2:
10. / 1.TAMA12. Relihiyon upang maging hari.
11. x 2.TAMA13. Cakravartin 2. 2. Paniniwalang ang natatanging haring ito ay
12. / 3.TAMA14. India may pangakong mamuno ng makatuwiran at
TUKLASIN mapagkalinga sa mga mamamayan at rehiyon.
13. x 4. TAMA
15. Korea
DEFINE A WORD: 5. TAMA
14. x
15. / SUBUKIN
1. Kabihasnan – klase o estado ng
pamumuhay sa isang lungsod o Checklist:
lugar TUKLASIN 1. ✓
2. Kaisipan – konsepto, ideya o WORD HUNT
2. ✓
pananaw 3. x
3. Relihiyon – paniniwala ng isang
4. x
tao at kanilang sinasamba ang
kanilang pinaniniwalaang diyos 5. ✓
4. Pilosopiya – pag-aaral ng 6. ✓
pangkalahatan 7. ✓
5. Kultura – binubuo ng mga 8. x
katutubo, katangi-tanging 9. ✓
kaugalian, paniniwala at mga 10. ✓
batas sa isang bansa.
11. x
12. ✓
13. x
14. ✓
15. x
SUSING SAGOT
SANGGUNIAN

Estelita C. Mateo, Maria Theresa SM. Lazaro, Delia C. Vivar. Kabihasnang


Asyano.Quezon City. Bookman, Inc. 2002. 17-24

Kagawaran ng Edukasyon (2014). Araling Asyano Araling Panlipunan – Modyul


para sa Mag-aaral Unang Edisyon.Eduresources Publishing, Inc.

Maria Carmelita B. Samson, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo


M. Imperial, Celia D. Soriano. Kayamanan Araling Asyano. Manila City. Rex
Publishing Printing Company, Inc. 2015. 30-54

Para sa puna, fidbak at katanungan, maaaring sumulat o


tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet
Telepono: 074 422 6570
Email Address: benguet@deped.gov.ph

20

You might also like