You are on page 1of 36

9

Personal na Pananagutan:
Puhunan sa Pagkamit ng
Kabutihang Panlahat
Modyul ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan Linggo 8

JENIFER G. HIANO
Gumawa
Kagawaran ng Edukasyon. Cordillera Administrative Region
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Cordillera Administratibong Rehiyon
Dibisyon ng Ifugao
Lagawe

Inilathala ng:
Learning Resource Management System

KARAPATANG-ARI
2020

Nailaan sa Seksyong 9 Atas ng Pangulo Blg. 49, s. 1972:

“Walang karapatang-ari ang hahalili sa gawain ng pamahalaan ng Pilipinas.


Subalit, kung may pag-aproba ng opisina ng ahensiya ng pamahalaan, ang gawain
ay kailangang likhain para sa pakinabang na paggamit.”

Ang materyal na ito ay binuo para sa implimentasyon ng K to 12 Kurikulum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)-Learning Resource
Management System (LRMS). Ito ay maaring maparami para sa layuning
edukasyonal at dapat kilalanin ang gumawa. Ang pinagmulan ng gawain kasama
ang panibagong bersyon, ang pagbabago o karagdagang gawain na pinahintulutan
ng may gawa ay kinilala at ang karapatang-ari ay naiukol. Walang gawain mula sa
materyal na ito ang para sa komersyal na layunin at kita.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division


partikular sa Learning Resource Management System (LRMS), Kagawaran ng
Edukasyon, Dibisyon ng Ifugao bilang tugon sa implimentasyon ng K-12 na
Kurikulum.

Layunin ng modyul na ito na maiangat ang kasanayan ng mga mag-aaral sa


ikasampung baitang sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao.

Petsa ng Paggawa : Oktubre 2020


Lokasyon ng gamit panturo: Mataas na Paaralan ng Lawig, Distrito ng
Lamut, SDO- Ifugao
Asignatura : Edukasyon sa Pagpapakatao
Antas : 9
Urin ng Kagamitan : Modyul
Lengwahe : Filipino
Kuwarter/Linggo : Ikalawang Kuwarter/Ikawalong Linggo
Pag-aaral na Kompitensi/ Napatutunayan na:
Koda : a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat
mamamayan sa mga gawaing pampamayanan,
panlipunan/pambansa, batay sa kanyang
talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay
makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat
b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang
pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o
paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon
siyang personal na pananagutan
EsP9TTIIh-8.3

iii
PASASALAMAT

Ang manunulat ay buong-pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang


tumulong at sumuporta para maisakatuparan ang paggawa ng kagamitang-pampagkatuto
na ito:
DR. ESTELA L. CARINO, Director ng DepEd-CAR, sa kanyang walang sawang
pagganyak na gumawa ang mga guro ng sariling atin na learning materials para sa mga
mag-aaral sa Cordillera;

DR. ROSITA C. AGNASI, Education Program Supervisor ng Learning Resource


Management System - Rehiyon CAR, sa kanyang mariing paghihikayat upang maquality
assure ang mga learning materials;

BENEDICTA B. GAMATERO, Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralan


ng Ifugao, sa pagbibigay ng pagkakataon sa paggawa ng modyul sa asignaturang
nabanggit;

LOURDES P. BILOWAN, Education Program Supervisor ng Edukasyon sa


Pagpapakatao, para sa pagpapasimuno sa pagsasagawa at pagtataya sa modyul na ito;

DIBISYONG PANGKAT NG MGA TAGASURI NG ESP MODYUL, para sa pinal


na pagwawasto sa modyul;

ROSA L. HUMIWAT, Pandistritong Tagamasid ng Lamut, Ifugao para sa


pamatnugot sa kagamitang pampagtuturo na ito;

EUNICE ANN B. PUGUON, Punong Guro ng Lawig National High School-Main, sa


walang-sawang pag-uudyok upang maisumite ang modyul na ito;

Sa POONG MAYKAPAL, dahil sa walang humpay niyang biyayay at sapat na


talino at lakas para mabuo ang kagamitang pagpagkatuto na ito.

PANGKAT NG DIBISYONG LRMS

SHAILA S. TAKINAN NANCY G. NALUNNE


Librarian- 11 PDO-11
JOVITA L. NAMINGIT
Dibisyong Tagamasid ng LRMS

MGA TAGASANGGUNI:

MARCIANA M. AYDINAN, Ph.D.


Hepe, Dibisyon ng Implementasyon sa Kurrikulum

PIO D. ECUAN, Ed.D.


OIC- Pangalawang Pansangay ng Tagapamanihala ng mga Paaralan

BENEDICTA B. GAMATERO
OIC- Pansangay ng Tagapamanihala ng mga Paaralan

iv
NILALAMAN

Pahina
Karapatang- ari …………………………………………………..……...…..…. ii
Paunang Salita ………………………………………………………………….. iii
Pasasalamat........……………………………………………………. …….…... iv
Talaan ng Nilalaman……………………………………………………….……. v
Panimula ..... ……………………………………………………………………... 1
Alamin ….…………………………………………………………………..…….. 2
Subukin………………………………………………………………….………... 4
Balikan…………………………………………………………………………….. 7
Tuklasin……………………………………….……………….………………….. 8
Suriin ……………………………………...………………………………………. 9
Pagyamanin ……………………………………………………….……………… 13
Isaisip………………………………………………………………………………. 21
Isagawa……………………………………….…...………………………........... 22
Tayahin…………...…………………...…………………………………………. 23
Karagdagang Gawain…………………………………………….……………… 26
Susi sa Pagwawasto …………………………………………………………… 27
Sanggunian ..………………..……………………………………...…….……… 28

v
Panimula
Ang mga sumusunod ay gabay sa bahagi ng aralin na
kailangan mong maintindihan sa patuloy mong pagbabasa at
pagsasaliksik sa nilalaman.

ICON LABEL DETALYE

Dito napapaloob ang mga layunin na kailangan mong


Alamin
tapusin.

Isang maikling pagsusulit para malaman ang mga dati


Subukin
mong kaalaman bago umpisahan ang aralin.

Dito naiuugnay ang mga kasalukuyang aralin sa


Balikan
nakaraang paksa.

Ipinapakilala dito ang bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin
isang gawain.

Suriin Maikling talakayan ukol sa paksa.

Pagyamanin Ito ay mga gawaing pagtataya sa inyong pag-unawa.

Isaisip Ito ang kabuuan ng mahahalagang kaisipan ng aralin.

Dito napapaloob ang mga pagsasabuhay sa mga


Isagawa
natutunan mo.

Lagumang pagsusulit ukol sa paksang inyong napag-


Tayahin
aralan.

Karagdagang
Mga karagdagang gawain na inyong pagnninilayan.
Gawin
Alamin

Ang modyul na ito ang aakay sa iyo upang mahasa ang iyong
kakayahan na siyasatin ang mga paksa tungkol sa pakikilahok at bolunterismo ng
bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay
sa personal na pananagutan upang makatulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat. Ikaw ay maglalakbay sa iba’t-ibang kalagayan o maaaring kuwento ng
buhay ng tao lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Habang umuusad ka sa
mga aralin isa-isip ang tanong: Paano mo maisusulong ang pakikiramay sa mga
masaklap na kalagayan ng mga tao upang makamit ang kabutihang panlahat? May
mga paglabag ba sa dignidad ng tao bilang puhunan sa paggawa ng kabutihang
panlahat?

Alamin ang kasagutan sa mga tanong habang sinusuri ang tunay na


kahulugan ng mga ito sa buhay ng tao sa pamamagitan ng aralin na ito.

Layuning Tuntunin
Napatutunayan na:

a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga


gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kanyang
talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit
ng kabutihang panlahat.

b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay


nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan
mayroon siyang personal na pananagutan.

1
Para sa guro:
Ang pangangasiwa sa modyul na ito ay para mapagtanto ang mga aralin ng
mga mag-aaral. Mahalagang himukin ang kanilang kumpiyansa sa sarili at
kakayahan bilang paraan sa paglago ng kanilang kaalaman. Ang pagiging facilitator
sa modyul na ito ay inaasahang mabubuksan mo ang kaisipan ng bawat mag-aaral
upang malinang ang bawat panuto nang mga naihandang gawain at ng masundan
ng bawat mag-aaral ng walang pag-aalinlangan.

Ang materyal na ito ay Self Learning Module kaya linawin sa mga mag-aaral
na sagutin ang mga Gawain at Tayahin bago ivalidate sa Susi ng Pagwawasto sa
pahina 29. Huwag bubuksan ang Susi sa Pagwawasto hangga’t hindi natatapos ang
pagsagot. Bigyang diin ang kahalagahan ng DepEd Motto, “HONESTY IS THE
BEST POLICY” sa bawat paggawa ng alinmang Gawain at Pagtatasa o Tayahin.

Linawin din na kanilang gagamitin ang Sagutang Papel sa pahina 27 sa


pagsagot ng mga gawain at pagtataya na nakapaloob dito.

Para sa mag-aaral:

2
Aralin Pakikisangkot sa Paggawa

Subukin

Panuto: Tunghayan ang iyong kaalaman tungkol sa aralin sa


pagpili ng titik ng tamang sagot at isulat sa Sagutang Papel.
Huwag iwanang hindi nasagutan ang alin mang aytem kundi
sikapin na maunawaan ang tanong.

1. Ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos kaya ito ay likas sa tao.


a. tama
b. mali

2. Kailangan ng tao ang kanyang kapwa upang mamuhay ng matiwasay sa


mundong ito.
a. tama
b. mali

3. Ang katangian ng bawat nilalang ay hindi bukod-tangi kung ihahalintulad sa ibang


nilikha.
a. tama
b. mali

4. Ang talento ng isang tao ay tumutukoy sa kung saan mas angat ang ginagawa
nito na hindi nagagawa o magawa nang iba.
a. tama
b. mali

5. Ang tao ay may isip na nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa ng


konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya.
a. tama
b. mali

6. Ang subsidiarity ay nangangahulugan na ang mga bagay ay naisasagawa sa


antas ng pamayanan sa tulong ng mga nasa mababang antas ng lipunan.
a. tama
b. mali

3
7. Sa pagkalikha ng tao ayon sa wangis ng Diyos ay taglay niya ang mabubuting
katangian subalit ang kalikasan na ito ay nasisisira dahil sa _.
a. karangalan
b. karapatan
c. kasalanan
d. kamangmangan

8. Ang _ ay nangangahulugan ng pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga


at paggalang mula sa kanyang kapwa.
a. dignidad
b. kakayahan
c. katangian
d. talento

9. Ano ang kasangkapan ng tao upang makilahok, makihalubilo at tumulong sa


kanyang pamayanan sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
a. batas, salapi at karangaln
b. dignidad, kakayahan at talento
c. galing, sipag at tiyaga
d. ugali, karangalan at salapi

10. Ang ginintuang tuntunin, “Lahat ng bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng
mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila” ay maaaring maipaliwanag na
_.
a. pagiging makakalikasan ng tao.
b. natatanging kaibahan ng mga tao na marunong mangatwiran
c. kung ano ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung
ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kanya
d. hindi napagtutuunan nang pansin ang mga talento at kakayahan ng tao dahil sa
mga bagay na dapat unahin at pahalagahan

11. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagkakapantay-pantay ang tao?


a. Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahan na umunawa sa Kanya at sa Kanyang
malawak at kumplikadong disenyo.
b. Naipakikita ang ating kalikasan sa pamamagitan ng ating pangangatwiran.
c. Nabiyayaan ang ilan sa atin ng natatanging talento at kakayahan upang
maibahagi sa nangangailangan ng mga ito.
d. Nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula
rito ang pagkakapantay-pantay ng tao.

4
12. Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang
hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Aling sitwasyon ang naka angkla
dito?
a. Hangad ni Mario ang makapagtapos sa pag-aaral kahit nahihirapan siya bilang
isang working student.
b. Inaway ni Bugan si Juana dahil nangunguna sana sa klase kung hindi
isinuplong na nag cheat siya sa pagsusulit.
c. Napahinto sa pag-aaral si Aginaya sapagkat nahirapang pagsabayan ang pag-
aaral at paghahanap-buhay.
d.Nalingat si Duduli sa kanyang trabaho dahil inaya siya ng kanyang kaibigan na
makipag-inuman.

13. Sa pagtulong ng mahihirap, huwag lamang magbigay ng isda; turuan mo silang


mangisda. Ano ang nais ipabatid nito?
a. Ang regalo ay kusang ibinibigay.
b. Magbigay kahit wala ng matira sa iyo.
c. Ipagkaloob ang kaalaman para umunlad ang pangkabuhayan.
d. Sustentuhan ang pamilya maging ang kanilang pangkabuhayan.

14. Ang tao ay pinagkalooban ng Panginoong Diyos ng talento o kakayahan at


inaasaahan niya na _.
a. ang nabiyayaan nito ay maibabahagi niya sa mga nangangailangan
b. gagamitin ito para makapag-ipon ng limpak-limpak na salapi
c. maging puhunan ito upang makapaglakbay sa kanyang mga kaharian
d. malilinang ito para sa sapat na pangkabuhayan

15. Paano nailalarawan ng tao ang katangian ng kanyang manlilikha?


a. Ang mga katangian ng tao ay winasak ng kasalanan na nananahan din sa ating
kalikasan.
b. Ang ating kalikasan bilang tao ang naglalarawan ng ilang mga katangian ng
Diyos.
c. Ang pag-alaga sa lupang sinilangan ay lalago sapagkat taglay ng tao ang
katangiang biyaya ng Diyos.
d. Ang pagsasabuhay ng banal Niyang salita ay nagpapayabong sa kanyang
pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Ano ang masasabi mo sa pagtatasang ito?


Hindi ba nakapanghihikayat?

Ilan kaya ang nasagutan mo nang tama?


Ang gawaing ito ay inihahanda ka sa susunod pang
aralin.Umpisa pa lamang ito. Hala, sige ipagpatuloy mo lang!

5
Balikan

Sikaping maunawaan ang pag-uusap ni Petra at Juan


upang makapagbalik-tanaw sa nakaraang aralin.

6
Tuklasin
Ang angking talento at kakayahan ba ng tao ay maaring
ibahagi sa kapwa, paano kaya ito? Linangin ang sanaysay
upang maintindihan ang mga sumusunod na gawain.

Ang kalikasan ng tao ang dahilan kung bakit tinagurian siya bilang tao. Ang
pagkakaroon natin ng emosyon at katalinuhan ang kaibhan ng ating kalikasan sa
mga hayop at ng lahat ng iba pang nilikha ng Diyos. Ang isa sa natatanging
kaibahan ng mga tao sa lahat ng nilikha ay ang ating kakayahang mangatwiran.
Walang ibang nilikha ang may ganitong kakayahan at walang kwestiyon na
ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ang ating pangangatwiran ang nagbibigay sa atin ng
kakayahan na maipakita ang ating kalikasan at ang ating pagiging kawangis ng
Diyos gayundin ang kakayahan na maunawaan ang kalooban ng Diyos para sa
kanyang nilikha. Walang ibang linikha ng Diyos ang may kakayahang mangatwiran
gaya ng tao.

“At sinabi ng Diyos, lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating
wangis; at magkakaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga
ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat umuusad, na
nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang
sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang; nilalang niya sila na lalake
at babae.” (Genesis 1: 26-27)

Itinuturo ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis.


Nangangahulugan ito na binigyan niya tayo ng kakayahan na magkaroon ng ilang
pang-unawa sa Kanya at sa Kanyang malawak at kumplikadong disenyo. Ang ating
kalikasan bilang tao ang naglalarawan ng ilang mga katangian ng Diyos, bagamat sa
isang limitadong paraan. Umiibig tayo dahil nilikha tayo ayon sa wangis ng Diyos na
Diyos ng pag-ibig (1 Juan 4:16). Dahil nilikha tayo ayon sa Kanyang wangis, maaari
tayong maging mahabagin, tapat, totoo, moral, matiyaga at makatarungan. Ngunit
ang mga katangiang ito ay sinisira ng kasalanan na nananahan din sa ating
kalikasan.

Ang bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang kakayahan at talento na


ipinagkaloob ng ating Panginoong Diyos. Inaasahan Niya na yaong nabiyayaan ng
mga natatanging nito ay magbabahagi ng mga biyayang ito sa mga taong
nangangailangan ng mga ito. Ang ganitong mga pagkakaiba ang humihikayat sa tao
na isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti. Ang nais ng Diyos ay yakapin ng
tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat tao mula sa
Kanya bilang daan sa personal na pananagutan at puhunan sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.

7
Suriin

Natalakay na ang kahalagahan ng tao at ang angking


kalikasan nito.

Ngayon ay ating palawigin ang iyong kaalaman tungkol sa


mga iba’t-ibang gawain ng tao kung ano ang batayan niya, mga
kasangkapan niya o personal na pananagutan bilang puhunan
sa pagkamit ng kabutihang panlahat. May mga katanungan na
iyong sasagutin pagkatapos mong basahin ito.

Nakasaad sa aklat ng Mateo 7:12 ang ginintuang tuntunin o golden rule,


“Lahat ng bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo
ang gayon sa kanila”. Kung ano ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa
iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kanya.
Bakit nga ba, kaibigan? Sapagkat siya ay iyong kapwa-tao. Magkatulad ang
inyong pagkatao bilang tao. Ang taglay niyang talento at kakayahan, ang kanyang
dignidad ay mga kasangkapan upang makilahok, makihalubilo at tumulong sa
kanyang pamayanan sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas,
mula sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang
pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapwa. Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan, ay may dignidad. May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi
sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip na
nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran,
magmuni-muni at pumili nang malaya. May likas na kakayahan siyang hubugin at
paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang
kakayahang ito katulad ng mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat
na dahilan ng kanyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang
sa iilan.
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa
paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat.
Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong
kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad. Mapangangalagaan ang
tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng
Diyos. Nakasalalay ang ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag tayo
upang makapiling ang Diyos. Kaya naman bilang isang tao na may dignidad
magagawa mo ang pakikilahok o bolunterismo.

8
Ang bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi
naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay marami ding katawagan tulad ng
bayanihan, damayan,
kawanggawa o bahaginan. Ang
mga bagay ay maaaring
naisasagawa kaagapay ang
nasa antas ng pamayanan sa
tulong ng mga naroon sa mas
mataas na antas ng lipunan at
tinatawag itong subsidiarity.
Isang halimbawa ng
subsidiarity ay ang
pagkawanggawa ng Rotary
Club of the Philippines at ang
Rotary Club of Lawrence,
Maniniyot: Jenifer Hiano
Kansas sa Estados Unidos.
Kamakailan lamang ay inihatid
ng Rotary Club of Lamut, Ifugao, Philippines sa pakikipagtulungan ng Ifugao State
University (IFSU) Lagawe Campus, Ifugao, mga reservists ng Hingyon, Ifugao at
Banaue, Ifugao, mga kapulisan sa Hingyon, Ifugao at stakeholders ng Humalophop
Elementary School, Hingyon, Ifugao, Philippines ang mga kagamitang pampaaralan
gaya ng umaabot na 1,500 pirasong aklat na iba-iba, LED na telebisyon, desktop
computer with stand na i-assemble pa lamang, mga upuan ng mga bata, floor rubber
mats, bookshelves, chess boards, gallons of paints, at mga pirasong plywoods. Ang
mga facemasks at mga bond papers ay IFSU counterpart naman. Ang mga
kagamitang ito ay nakarating sa nasabing lugar habang pasan-pasan sa likod ng
mga reservists, mga kapulisan at mga stakeholders at binabagtas ang daan na
paakyat, pababa at matirik na bundok na umabot tatlo at kalahating oras na
paglalakad kahit na umuulan. Ang barangay ng Humalophop ay siyang
pinakamalayo sa lahat na barangay ng Hingyon Municipality at nararating lamang ito
sa pamamagitan ng paglalakad.
Ang kawanggawa na ito ay pinondohan ng Rotary Club of Lawrence na
ipinasa sa Rotary Club of Lamut. Ang tungkol sa pondo ay matiyagang inasikaso ni
Binibining Rosemary O’Leary, isang US Peace Corps Volunteer, na sandaling
nakipagtrabaho sa Ifugao State University (IFSU), Lagawe Campus, Ifugao,
Philippines sa kanyang kamag-anak na miyembro ng Rotary Club of Lawrence sa
kanilang lugar. Si Rosemary ay agarang ipinabalik sa Estados Unidos noong
kasagsagan ng pandemya subalit patuloy niyang inayos ang tungkol sa pondo.
Naiturn-over ang mga kagamitan noong December 8, 2020 sa Parents-
Teachers Association ng Humalophop Elementary School sa pamamagitan ng
Rotary Club of Lamut. Ang nalikom na salaping ipinambili sa mga kagamitan ay
nagkakahalaga ng PhP. 123, 000.00. Ilan lamang ang mga ito sa pagkakawanggawa
ng mga Rotarians sa alinmang bahagi ng mundo kahit na sa panahon ng pandemya

9
ay ipinaaabot at ipinaparamdam ang kanilang motto na “service above self” tungo sa
kabutihang panlahat para sa kanilang komunidad.
Ang nasa larawan na mga regalo ay inihatid kamakailan lamang bago
magtapos ang taong ito ng Rotary Club
of Lamut sa Regimental Elementary
School, Magulon, Lamut, Ifugao,
Philippines, ang kanilang adopted
school. Ang bilang ng regalo ay
umaabot ng hanggang 80 piraso para
sa 80 na mag-aaral mula sa kinder
hanggang Grade 6. Hindi rin nagpahuli
ang mga guro sapagkat ipinaghanda
sila ng mga rotaryo.
Sa Rotary Club ng Baguio
naman, isa sa kanilang mga proyekto
ay ang pagkakaroon ng playground and
wash area sa Tublay Elementary
Maniniyot: Jenifer Hiano
School, Baguio City, Philippines nitong
Disyembre.
Ang Rotary Club ay isang internasyonal na organisasyong panglingkod na
ang nakasaad na karapatang pantaong
layunin ay pagbuklod-buklurin ang mga Maniniyot: Jenifer Hiano

pinuno ng mga negosyo at propesyonal


upang magkaloob ng serbisyong
pangkawanggawa, hikayatin ang mataas na
pamantayang pang-etika sa lahat ng mga
bokasyon, at higit na pinasulong na tapat
na kalooban at kapayapaan sa buong
mundo. Iyon ay isang organisasyong
sekular na bukas sa lahat ng tao, ano man
ang kanilang lahi, kulay, paniniwala,
pananampalataya, kasarian o ang naising
pampolitika.

Mayroong benepisyo ang pagsasagawa ng


Bolunterismo Maniniyot: RC Baguio
1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang
tao kapag siya ay naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suportang sosyal at relasyon
sa iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi
pati na ang kanyang sarili.

10
Sa pakikilahok at bolunterismo inaasahang malinang ang 3 T’s
1. Time (Panahon) - Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito lumipas hindi na
ito maibabalik.
2. Talent (Talento) - Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talento at ito ay iyong
magagamit upang ibahagi sa iba. Iba-iba ang talento ng bawat isa. Ang paggamit
ng iyong talento ay makatutulong hindi lamang sa iba kundi ito ay makatutulong
din sa iyo upang higit kang magkaroon ng tiwala sa iyong sarili.
3. Treasure (Kayamanan) - Maaring ang unang sasabihin ng iba ay wala akong
pera, mahirap lang kami, wala akong maitutulong, ngunit sa pagbibigay hindi
tinitingnan ang laki nito sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa
mong ibinigay ito ng buong puso para sa nangangailangan.

Pagkilatis sa Tanong:
1. Ano ang nakapaloob sa Golden Rule?
2. Saan nagmula ang salitang dignidad at ano ang ibig sabihin nito?
3. Ano ang nais ipakahulugan ng dignidad para sa kanyang kapwa?
4. Anong biyaya ng Diyos sa tao ang maaari niyang magamit upang maibahagi niya
sa iba?
5. Maliban sa bolunterismo, ano pa ang ibang katawagan nito?
6. Ano ang pakiramdam kapag boluntaryo ang pakikisangkot sa paggawa ng mga
bagay-bagay sa lipunan?
7. Ang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa
lipunan ay _.
8. Ang taong may dignidad ay nananaig ang _ at (9) _.
10. Ano ang maaaring magawa ng isang tao na may dignidad?

Naintindihan mo ba ang mga usapin dito?


Ang iyong kaalaman ay pagyayamanin sa mga
sumusunod pang Gawain at Tayahin.

11
Pagyamanin

Anong masasabi mo tungkol sa talakayan sa Suriin?


Nauunawaan mo ba ang kahalagahan sa paghubog ng
tao?

Paano naipakikita ang kanyang taglay na kalikasan


sa mga sumusunod na gawain upang mapatunayan na
siya ay sadyang kakaiba sa mga nalikhang hayop?

Gawain 1 Mensahe ng Larawan

Larawan na kuha sa Ifugao Youth Association FB Page

Pagsuri sa Tanong:
1. Ano ang nais ipakahulugan ng Baddang Ifugao na nakatatak sa harap ng trak?
2. Sa iyong palagay, para saan ang nalikom na mga suplay o kargamento?

12
Pag-usapan Natin:
1. Ang salitang Baddang sa Ifugao ay
nangangahulugang bayanihan. Ang bayanihan ay
kaugalian ng mga Pilipino bilang kawanggawa o
boluntaryong pagtulong sa mga higit na
nangangailangan sa panahon ng sakuna.
2. Ang mga nalikom na suplay ay mga ipamamahagi para sa nasalanta ng
bagyong Ulysses. Kung bubuksan ang nasabing FB Page ay maipakikita
nito ang mga aktibong kabataan sa Ifugao na bumuo ng organisasyon
upang manguna sa pangangalap ng iba’t-ibang suplay na maaari nilang
ipamigay sa mga napinsala ng bagyo sa Cagayan Valley.

Pagtatasa 1.1: Tanong Ko, Sagutin Mo


Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. “Kung ano ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung
ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kanya”. Ano ang nais ipahiwatig
nito?
a. magpakatao
b. magpakabayani
c. magpasikat
d. magpakadakila
2. Alin sa mga sumusunod ang mga kasangkapan upang ang tao ay makilahok,
makihalubilo at tumulong sa kanyang pamayanan sa pagkamit ng kabutihang
panlahat?
a. talento
b. kakayahan
c. dignidad
d. lahat ng sagot
3. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran ng tao, dahil sa mata ng
Diyos, ang tao ay _.
a. balimbing
b. pantay-pantay
c. mapanagutan
d. salawahan
4. Kapag ang World Health Organization ay naglaan ng sapat na tulong o pag-alalay
sa Department of Health ng ating bansa, ang tawag natin dito ay _.
a. subsidiarity
b. benefactor
c. pilantropo
d. patron

13
5. Sa anong paraan naipakikita ng tao na siya ay may dignidad?
a. May kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang sarili.
b. Ang makilahok sa makabuluhang mga gawain.
c. Siya ay bukod-tangi.
d. Lahat ng sagot.

6. Ano ang ibig sabihin ng “service above self”?


a. Ito ay kusang-loob na paglilingkod o pagbibigay ng tulong sa mga
nangangailangan o kapus-palad bilang makataong gawain.
b. Ito ay panandaliang suporta sa mga naghihirap na pamilya.
c. Ito ay kawanggawa na nagsisimula sa loob ng tahanan.
d. Ito ay pagbibigay limos bilang birtud ng karidad.

7. Sa iyong palagay, bakit nagdala ng mga regalo ang Rotary Club ng Lamut sa
Regimental Elementary School?
a. Dahil ito ay kanilang adopted school.
b. Dahil ito ang hiling ng nagbigay ng donasyon na kanilang kinalap.
c. Dahil nais nilang ibahagi ang kasiyahan sa mga bata sa panahon ng pasko.
d. Dahil isa lamang ito sa bahagi ng kanilang mga tungkulin bilang miyembro.

8. Paano nakarating sa Humalophop Elementary School ang mga kagamitang


pampaaralan?
a. Maraming tumulong na nagbitbit sa pamamagitan ng pagpasan nila sa likod.
b. Inilulan sa sasakyang panghimpapawid kaya mabilis na nakarating doon.
c. Isinakay sa dam truck kaya lang naistock sa daan dahil dumausdos ang lupa sa
kalsada.
d. Hinarang sa daan ng mga masasamang elemento kaya kaunti na lang ang
nakarating.

9. Paano nakatanggap ang Humalophop Elementary School ng mga kagamitang


pampaaralan?
a. Hiningi ang mga donasyon ng stakeholders sa Rotary Club ng Lamut, Ifugao.
b. Nangalap ng pondo si Rosemary O’Leary sa Rotary Club of Lawrence.
c. Pinadala ng pangulo ng ating bansa ang mga donasyon.
d. Dinala ng mga kapulisan ang donasyon na nakalap.

10. Paano maipaliliwanag ang pangungusap na, “ang dignidad ay


nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kanyang kapwa”?
a. Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan ay may dignidad.
b. May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung
ihahalintulad sa ibang nilikha.
c. Mayroon siyang isip na nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa ng
konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya.
d. Lahat ng sagot
14
Pagtatasa 1.2 Crossword Puzzle

Panuto: Gamit ang mga salitang palatandaan na nakasaad sa Across at sa Down,


isulat ang sagot sa puzzle.

Huh! Nasagot mo ba?


Sige lang, tiwala sa
sarili ang kailangan …
kaya ipagpatuloy mo!

15
Gawain 2 Ang Talinghaga Tungkol sa mga Talento

Pag-aralan ang salaysay kung paano ginamit ng mga


alipin ang kanilang tinanggap na talento pagkatapos sagutin
ang mga tanong sa susunod na pahina.

14“Sapagkat maihahalintulad dito ang kaharian ng Diyos: May isang taong


maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin, at pinagbilinan sila tungkol
sa kanyang mga ari-arian. 15 Ang isa ay binigyan niya ng limang talento ang isa ay
dalawa, at ang isa naman ay isa. Binigyan ang bawat isa ayon sa kanya-kanyang
kakayahan. Pagkatapos ay sumulong na siya. 16 Ang tumanggap ng limang talento
ay umalis kaagad at ginamit ang mga iyon sa kalakal. At kumita siya ng lima pang
talento. 17Sa gayunding paraan, ang tumanggap ng dalawang talento ay kumita pa
ng dalawa. 18Ngunit ang tumanggap ng isa ay umalis. Naghukay siya sa lupa at
itinago ang salapi ng kanyang panginoon. 19Pagkaraan ng mahabang panahon,
dumating ang panginoon ng mga aliping iyon, at kanyang inalam kung ano na ang
nangyari sa kanyang salapi.
20Ang tumanggap ng limang talento ay lumapit at nagsulit ng lima pang
talento. Sabi niya, ‘Panginoon, pinagkatiwalaan mo ako ng limang talento. Narito po,
kumita ako ng lima pang talento.’ 21Sinabi sa kanya ng Panginoon niya, ‘Maganda
ang ginawa mo! Mahusay at maaasahang alipin. Napagkatiwalaan ka sa kaunting
bagay, kaya't pamamahalain kita sa maraming bagay. Makigalak ka sa iyong
Panginoon.’ 22Lumapit din ang tumanggap ng dalawang talento. Sabi niya,
‘Panginoon, pinagkatiwalaan mo ako ng dalawang talento. Narito po, kumita ako ng
dalawa pang talento.’ 23Sinabi sa kanya ng Panginoon niya, ‘Maganda ang ginawa
mo! Mahusay at maaasahang alipin! Napagkatiwalaan ka sa kaunting bagay, kaya't
pamamahalain kita sa maraming bagay. Makigalak ka sa iyong panginoon.’
24Lumapit din ang tumanggap ng isang talento. Sabi niya, ‘Panginoon, alam ko pong

kayo ay taong malupit. Gumagapas kayo sa hindi.


25Kaya natakot ako at umalis. Ibinaon ko sa lupa ang inyong talento. Narito
na po ang salapi ninyo.’ 26Ngunit sumagot ang kanyang Panginoon at sinabi sa
kanya, ‘Napakasama mo, tamad na alipin! Alam mo palang ako'y gumagapas sa
hindi ko hinasikan, at umaani sa hindi ko pinunlaan. 27Kung gayo'y bakit hindi mo
inilagak ang aking salapi sa bangko, at nang sa aking pagbabalik ay matanggap ko
sana kung ano ang akin kasama na ang tubo nito. 28Kunin ninyo sa kanya ang
talento, at ibigay ninyo sa may sampung talento! 29Sapagkat ang sinumang
mayroon ay bibigyan pa at siya'y mananagana, subalit ang wala, pati ang nasa
kanya ay kukunin pa. 30At ang walang silbing alipin na ito ay itapon ninyo sa labas,
doon sa kadiliman. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga
ngipin.
- hango sa Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Mateo 25:14-30.

16
Pag-usisa sa Naunawaan
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang tumawag sa kanyang mga alipin, at pinagbilinan tungkol sa kanyang


mga ari-arian?
a. manlalakbay
b. magulang
c. katulong
d. anak

2. Ang batayan ng manlalakbay sa pagbibigay ng talento.


a. lakas
b. ugali
c. talino
d. kakayahan

3. Paano pinayabong ng tumanggap ng lima at dalawang talento ang ibinigay ng


manlalakbay?
a. Nilustay sa bisyo, pinagbigyan ang luho ng kanyang katawan at mga kaibigan.
b. Ginamit sa pangangalakal kaya kumita ng doble pang talento.
c. Naghukay sa lupa at itinago ang salapi.
d. Inilagak sa banko.

4. Mahihinuha ang mga katangian ng mga pinuring alipin ng panginoon na nagbalik


sa kanya ng tubo katulad ng pagiging _.
a. mahusay, mapagpakumbaba at pagsisikap
b. mapanlinlang, mapanlait at tuso
c. pakipot, matiisin at mapagkunwari
d. palaasa, sinungaling at tamad

5. Ano ang nangyari sa hindi marunong gumamit ng taglay niyang kakayahan at


talento?
a. Pinagka-isahan siya ng mga kasamahan niyang mga alipin.
b. Patuloy siyang kinukutya ng kanyang mga kamag-anak.
c. Makararanas ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
d. Nagsisi sa pagiging pabaya niya.

Tama ba ang inyong mga sagot?

1. a, 2. d, 3. b, 4. a, 5. c

17
Pagtatasa 2: Kuwentuhan Mo Ako!

Ngayon, ikaw ay handa nang bumuo ng isang kuwento. Kung


mabibiyayaan ka ng isang napakahusay na talento, paano mo ito
gagamitin upang maisaalang-alang ang pagkamit ng kabuting
panlahat.

Punan ng mga akmang dayalog ang comic strips ayon sa uri ng


mga tauhan at kaganapan o kinaroroonan ng mga tauhan.

18
Gawain 3 Magbahagi, Makialam, Makisangkot: Isang Pananagutan
Nagkakaroon ang buhay ng saysay sa kanyang nakaraan, kasalukuyan at
hinaharap. Tunay ngang makasaysayan ang buhay kung ito ay ginagamit nang
makabuluhan tuwing siya ay nagbabahagi ng kanyang sarili para sa kapwa, para sa
lipunan sapagkat bilang taong nilikha ng Diyos, ang tao ay may pananagutan na
magbahagi, makialam o makisangkot sa kanyang kapwa at sa lipunang kanyang
kinabibilangan.

Maglahad ng mga katibayan:


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Talakayin Natin:
1. Ipinababatid sa atin na gumugol ang Maykapal ng
napakatagal na panahon sa paghahanda sa lupa para
panirahan ng tao. Walang anumang bagay ang umiral
nang di-sinasadya. Tiniyak niya na ang lahat ay
“napakabuti.” (Genesis 1:31; Isaias 45:18) Bakit? Ito’y
dahil may layunin ang Diyos para sa tao.
2. Kung hinahangad mong magkaroon ng higit na kahulugan ang iyong
buhay, dapat mong malaman na inaanyayahan ka ng Diyos na makisama
ngayon sa kaniyang bayan—ang kaniyang “matuwid na bansa.” (Isaias
26:2)

Pagtatasa 3 Ilathala Mo sa Islogan

Pangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit


at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan sa pamamagitan ng isang islogan.

Gumamit ng short bond paper.

19
Isaisip

Sa gawaing ito, masusukat ang konseptong


iyong natutunan sa pamamagitan ng pagtsek
(/) sa pahayag kung ito ay nagsasaad ng
katotohanan; ekis (x) naman kung hindi
makatotohanan. May mga salitang
nasalungguhitan bilang iyong palatandaan.

Magpakatotoo Ka!

_____1. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang
indibidwal, na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong
pangkat kung umiiral ang prinsipyo ng subsidiarity, mapananatili ang
pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa
mababang antas at maisasa-alangalang ang dignidad ng bawat kasapi ng
pamayanan kaya kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga
pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan o bansa.

_____2. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing


pampamayanan at panlipunan batay sa kanyang talento o kakayahan at
papel sa lipunan ay mahina sa pagkamit ng kabutihang panlahat bilang
obligasyong likas sa dignidad ng tao at ang pakikilahok ay nakakamit sa
pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal
na pananagutan.

_____3. Sa pammamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga


pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat ang bunga ng
kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit
niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao.

_____4. Ang paggawang nasasaksihan mo sa pamilya, paaralan o barangay at


pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.

_____5. Ang karapatan ay nagkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan


ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain gamit ang kanyang
katwiran.

20
Isagawa

Kumusta ka na, ano ang masasabi mo sa


mga natapos mong sagutan na mga gawain?

Habang patuloy ang pagtugon mo sa bawat


gawain, ikaw ay hinahamon na ipaliwanag ang
kaugnayan ng mga sitwasyong ito sa tunay na
buhay.

Hangad Ko, Paliwanag Mo

1. Mahalaga ang paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at


paglilingkod.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ang kasipagan at pagpupunyagi sa paggawa ng mga tao ay indikasyon ng


pagkamit sa kabutihang panlahat.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano mo isasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
namasid na paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya paaralan
barangay/pamayanan o lipunan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Hayan! Malapit ka na sa finish line.


Ipagpatuloy lamang ang pagsusuri sa mga gawain.
Laging tandaan ang pagiging matapat sa pagsagot sa anumang gawain.

21
Tayahin

Sa mga sandaling ito, alam kong napagtibay mo na ang pang-


unawa mo sa ating aralin kaya handa ka nang sagutin ang tayahin.

Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra sa Sagutang Papel.

1. Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at


kakayahan ay may dignidad.
a. tama
b. mali

2. Ang talento ng tao ay pantay-pantay na naibahagi ng Maylikha.


a. tama
b. mali

3. May likas na kakayahan ang tao na hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili.
a. tama
b. mali

4. Nabiyayaan ang mga tao ng natatanging talento at kakayahan bilang paraan ng


pagtulong sa kapwa.
a. tama
b. mali

5. Ang pagbahagi ng mga biyaya sa mga taong nangangailangan ang humihikayat


sa tao na isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti.
a. tama
b. mali

6. Ang pagtulong ay isang pagkakakilanlan na taglay ng isang tao na handang ialay


kahit ang sarili para sa kabutihang panlahat.
a. tama
b. mali

7. Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, na ang ibig
sabihin ay _.
a. karapat-dapat
b. katangi-tangi
c. nakabibighani
d. nagpapabukod-tangi

22
8. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa
itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa,
lipunan at bansa na nangangahulugang _.
a. ang pag-antabay ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga tao ay agarang
solusyon ang katapat
b. ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa
pagtupad ng itinakdang mithiin
c. ang mga tao ay maaring iparating ang karaingan sa pangulo kahit anong oras
d. ang bawat pagawaan ay dapat ibigay ang akmang sustento sa mga empleyado
kapalit ng kasipagan sa trabaho

9. Ang tao ay ipinanganak na isang panlipunang nilalang; hindi niya tunay na


makakamit ang kanyang kaganapan bilang tao kung hindi siya makikipamuhay
kasama ang kanyang kapwa. Ang nais ipahiwatig nito ay _.
a. kailangan niyang makilahok sa lipunan
b. may saysay ang buhay sa pakikihalubilo
c. mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa kapwa tao
d. lahat ng sagot

10. Saan nakasalalay ang tunay na dangal na tao?


a. Ang tawag ng Panginoong Diyos na makapiling siya.
b. Kung napayayabong ang taglay na talento at kakayahan.
c. Kung nakapagmumuni-muni sa mga dapat isaalang-alang sa buhay.
d. Kung napangangatwiranan ang mga baluktot na kaganapan sa mundo.

11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na nagkakaroon ang tao
ng personal na paglago?
a. Si Inway ay isang anak-mayaman kaya bantay-sarado ng magulang at hatid –
sundo sa lahat ng kanyang pinupuntahan.
b. Ang hangarin ng magulang ni Lumauig na anak ng kaisa-isang kilalang angkan
ay maging magiting na mandirigma.
c. Galing si Aginaya sa mahirap na pamilya subalit nagsariling sikap kaya
nakapagtapos sa kanyang pag-aaral.
d. Ang hamon sa lahat ng mga mag-aaral sa kabila ng pandemya na nararanasan
ay makapag-aral pa rin ng mabuti.

12. Ang katangian ng tao na itinuturing siyang bukod-tangi kung ihahalintulad sa


ibang nilikha ay nangangahulugan na _.
a. may likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit
ang kanyang isip
b. taglay niya ang iba’t-ibang pagpapahalaga at malaya niyang tinatangkilik ang
mga ito
c. hiniling niya ito sa kanyang Manlilikha kaya ibinigay sa kanya
d. kusang niya itong nadiskubre sa kanyang paglalakbay

23
13. Paano natin masasabi na ang tao ay kaiba siya sa mga hayop?
a. Ang tao ay walang buntot.
b. Ang tao ay marunong umangal.
c. Ang tao ay marunong mangatwiran.
d. Ang tao ay mas maayos ang hitsura.

14. Bakit nagtiyaga ang mga rotaryo na dalhin sa liblib na paaralan ang kagamitang
pampaaralan?
a. Ito ang kanilang serbisyong pangkawanggawa.
b. Ito ang lugar na pinili ng nagbigay ng pondo.
c. Ito ang hiningi ng mga PTA Officials.
d. Ito ay bahagi ng kanilang ehersisyo.

15. Paano naiparamdam ng mga Rotarians ang diwa ng pasko sa Regimental


Elementarys School?
a. Nagsalo-salo sila sa paaralan kasama ang mga magulang ng mag-aaral.
b. Nagdala sila ng iba’t-ibang kagamitang pampaaralan.
c. Naghome visitation sila kasama ang mga guro.
d. Nagbigay ng regalo sa bawat mag-aaral.

Nakapanghihimok ba ang pagsagot sa Tayahin?


Ivalidate ang mga sagot sa Susi ng
Pagwawasto upang malaman ang
tamang sagot. Muling ipinaaalala ang
iyong sapat na katapatan sa pagbalido.

24
Karagdagang Gawain

Ang mga gawain dito ay masusubok ang lalim ng iyong


naunawaan sa aralin.

Gamit ang iyong laptop o selpon lumikha ng isang photo-


journal na naglalahad ng kwento mo sa Gawain 1, iguhit din ang
Gawain 2 at gawin ang Gawain 3.

Huwag kaligtaang lagyan ng caption at ayusin sa tamang


pagkasunod-sunod ayon sa kaganapan.

Gawain 1 Photo-journal Ko, Ididisenyo Ko

Gumawa ng malikhaing photo-journal tungkol sa mga ginawa mong mga kilos


o paraan upang makatulong sa inyong barangay sa pagpuksa ng pandemya (covid-
19). Ang mga kilos o paraan ba na ito ay nakamit ang kabutihang panlahat?

Gawain 2 Talento Ko, Iguguhit Ko


Ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod ay kailangan upang maiangat ang
sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga
talentong kanyang kaloob.

Iguhit sa short bond paper ang iyong pamamaraan sa pagkamit ng


konseptong ito.

Gawain 3 Panukala Ko, Itataguyod Ko

Ang pagsunod sa batas na nakabatay sa likas na batas moral at natural law


ay gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad
ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran ay mahalaga upang
makamit ang kabutihang panlahat.

Kung ikaw ay isang mambabatas, ano ang panukala na gusto mong isulong
tungkol dito. Sumulat ng isang maikling pagtataguyod nito.

Sa wakas nagawa mo hanggang dito.


Isang pagpupugay ang iginagawad
ko sa iyo, mag-aaral. Hagiyo!
(Mabuhay ka)!

25
SAGUTANG PAPEL
Pangalan: ___________________________ Puntos: _________________
Baitang at Pangkat: ___________________ Petsa: __________________

PAALALA:
 Ang modyul na ito ay SELF LEARNING MODULE kaya maaaring iwasto at
ibalido ang iyong sagot sa Susi sa Pagwawasto pagkatapos mong sagutin
lahat ang mga Gawain at Pagtatasa. Tandaan ang DepEd Motto na
“Honesty is the Best Policy” sa lahat ng iyong ginagawa.

Subukin
1. _____ 6. _____ 11. _____
2. _____ 7. _____ 12. _____
3. _____ 8. _____ 13. _____
4. _____ 9. _____ 14. _____
5. _____ 10. _____ 15. _____

Pagyamanin
Gawain 1
1. _______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
2. _______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Pagtatasa 1.1 Pagtatasa 1.2


1. _____
2. _____
3. _____
4. _____
5. _____
6. _____
7. _____
8. _____
9. _____
10. _____

26
Gawain 2
1. _____
2. _____
3. _____
4. _____
5. _____

Gawain 3
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Isaisip
1. _____
2. _____
3. _____
4. _____
5. _____

Isagawa
1.______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
2.______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
3.______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Tayahin
1. _____ 6. _____ 11. _____
2. _____ 7. _____ 12. _____
3. _____ 8. _____ 13. _____
4. _____ 9. _____ 14. _____
5. _____ 10. _____ 15. _____

27
28
Subukin Pagyamanin
Tayahin
Tanong Ko, Sagutin Mo
1. a 1. a
2. a 1. a 2. b
3. b 2. d 3. a
4. a 3. b 4. a
5. a 4. a 5. a
6. b 5. d 6. b
7. c 6. a 7. a
8. a 7. c 8. b
9. b 8. a 9. d
10. c 9. b 10.a
11. d 10. d 11. c
12. a 12. a
13. c Crossword Puzzle 13. c
14. a 1. pananagutan 14. a
15. b 2. bukod-tangi 15. d
3. kakayahan
Suriin
4. talento
1. Lahat ng bagay na ibig
5. dignidad
ninyong sa inyo’y gawin
6. benepisyo
ng mga tao, gawin
7. kawanggawa
naman ninyo ang gayon
8. bolunterismo
sa kanila
9. kasangkapan
2. salitang Latin na
10. pakikilahok
dignitas, mula sa
dignus, ibig sabihin
Isaisip
“karapat-dapat”
3. Ang dignidad ay 1. /
nangangahulugang 2. x
pagiging karapat-dapat 3. /
ng tao sa 4. /
pagpapahalaga at 5. /
paggalang mula sa
kaniyang kapwa.
4. talento
5. bayanihan, damayan,
kawanggawa o
bahaginan
6. nag-uumapaw na
kaligayan,
pagkakuntento at iba pa
7. bolunterismo
8. paggalang
9. pakikipagkapatiran
10. pakikilahok o
bolunterismo
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
A. Mga Aklat

Gayola, Sheryll T. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao. Pasig City, Philippines: FEP


Printing Corporation, 2015.

B. Websites

“Ano ang kalikasan ng tao? Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa kalikasan ng
tao?”, accessed October 2020, https://tinyurl.com/yxgr78cz

“Baddang Ifugao”, accessed November 2020, Ifugao Youth Association-IYA


Facebook Page,
“Bolunterismo”, accessed October 2020, https://tinyurl.com/y6op4k45
“Pakikilahok at Bolunterismo” accessed October 2020, https://tinyurl.com/y2yu2qml
“Rotary International”, accessed December 2020, https://tinyurl.com/ycwwon4p

29
Para sa anumang katanungan o puna, sumangguni o sumulat sa:

Department of Education-Schools Division Office-Ifugao


(Office Address: Rizal Avenue, Poblacion South, Lagawe, Ifugao,
Philippines)
Website: https://www.depedcarifugao.com
FB Page: DepEd Tayo Ifugao
Email Address: ifugao@deped.gov.ph

30

You might also like