You are on page 1of 25

5

Paggamit nang Wasto


ng Pangngalan at Panghalip
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 5
Quarter 1 ● Module 1

MARIA MAGDALENA C. BALAO


Developer

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN____________________ BAITANG AT PANGKAT____________


GURO_________________________ ISKOR___________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City

Published by:
Learning Resource Management and Development System

Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi


(COPYRIGHT NOTICE)

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum


sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)-Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa
layuning pang-edukasiyon at maaaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito.
Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang
karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw
ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation Division


particular ang Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran
ng Edukasyon, Schools Division ng CAR bilang tugon sa pagpapatupad ng K-12
Kurikulum.

Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral partikular sa


Filipino.

Petsa ng Pagkakagawa : May 2020


Lokasyon : Kagawaran ng Edukasyon, Lungsod ng Baguio
Asignatura : Filipino
Baitang :5
Uri ng material : Modyul pang mag-aaral
Wika : Filipino
Markahan/Linggo : Unang Markahan/Unang Linggo

F5PN-Ia-4Nauiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.


F5PS-Ia-j-1Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang
balita, isyu o usapan.
F5WG-Ia-e-2; F5WG-If-j-3Nagagamit nang wasto ang pangngalan at panghalip sa
pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa
paligid.
F5PT-Ia-b-1.14Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng gamit sa pangungusap.
F5PB-Ia-3.1Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento.
F5EP-Ia-15Nabibigyang-kahulugan ang patalastas.
F5EP-Ia-15 Nakasusulat ng isang maikling balita.

iii
PAGKILALA

Ang manunulat ay nagpapasalamat sa mga taong walang sawang tumulong


at gumabay sa kanya sa pagbuo ng modyul na ito:
Sa management ng LRMDS, Baguio City Division sa walang sawang
pagbibigay sa kanya ng tulong teknikal;
Kay Xiandra Lyn B. Alexander na nagsilbing ilustrador;
Kay Maam Marilyn S. Api-it sa kaniyang walang kapagurang paggabay at
tiyaga sa pagbibigay–linaw ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
pagsusulat;
Sa kaniyang punungguro, mga kapwa guro at mga mag-aaral na nagsisilbing
inspirasyon niya para simulan ang pagsulat; at
Higit na pagluwalhati at pasasalamat sa Poong Maykapal sa kaniyang patuloy
na pagbibigay ng lakas, tibay, tatag ng kalooban, at malusog na pangangatawan
upang matagumpay at maluwalhating naisulat ang modyul na ito.

Manunulat: Maria Magdalena C. Balao


Tagaguhit: Xiandra Lyn B. Alexander
Tagalapat: Maria Magdalena C. Balao

Quality Assurance Team


Marilyn S. Api-it EPS – Filipino

Learning Resource Management Section Staff


Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I
Ariel Botacion Admin Assistant

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief Education Supervisor – CID

SORAYA T. FACULO, PhD


Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI ...................................................................................... II


PAUNANG SALITA .................................................................................................................................. III
PAGKILALA ............................................................................................................................................. IV
TALAAN NG NILALAMAN ...................................................................................................................... IV
ALAMIN ..................................................................................................................................................... 1
MGA BAHAGI NG MODYUL ......................................................................................................................... 1
PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG MODYUL .......................................................................................... 2
MGA INAASAHANG MATUTUHAN .................................................................................................................... 3
SUBUKIN ................................................................................................................................................... 3
BALIKAN ................................................................................................................................................... 4
TUKLASIN........................................................................................................................................................ 7
SURIIN .............................................................................................................................................................. 9
PAGYAMANIN........................................................................................................................................... 9
ISAISIP ..................................................................................................................................................... 11
ISAGAWA ................................................................................................................................................ 12
TAYAHIN ................................................................................................................................................. 12
KARAGDAGANG GAWAIN ................................................................................................................... 14
SUSI SA PAGWAWASTO ...................................................................................................................... 16
MGA SANGGUNIAN ............................................................................................................................... 19

v
Paggamit nang Wasto
ng Pangngalan at Panghalip
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 5
Quarter 1 ● Module 1

MARIA MAGDALENA C. BALAO


Developer

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

vi
ALAMIN

Magandang araw sa iyo ginigiliw kong mag-aaral, handa ka na ba para sa


matututunan mo sa linggong ito? Ihanda ang iyong mga mata at isipan para sa mga
kaalaman at kasanayang iyong matututunan.

Una sa lahat, binuo ang modyul na ito para lubusan mong matutunan ang
paggamit nang wasto ng pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa
mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.

MGA BAHAGI NG MODYUL

Narito ang mga bahagi ng modyul upang pahapyaw mong makita ang
kabuuan nito:
1. Alamin – Ito ang mga inaasahang kompetensi na dapat mong matutunan.
2. Subukin – Ang bahaging ito ang susukat kung gaano na kalawak ang iyong
kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin sa modyul.
3. Yugto ng Pagkatuto – Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain at
talakayan tungkol sa paggamit nang wasto ng pangngalan sa pagtalakay
tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.
Malilinang dito ang iyong kaalaman at kasanayan sa pagkatuto. Ito ay may
limang bahagi:
A. Balikan: Iuugnay sa bahaging ito kung ano ang alam mo na sa paksang
tatalakayin.
B. Tuklasin: Ipakikilala sa bahaging ito ang bagong aralin na dapat
matutunan.
C. Suriin: Tatayahin dito kung gaano kalawak ang natuklasan at naunawaan
mo sa paksa.
D. Maikling Talakayan: Tatalakyin dito nang pahapyaw ang bagong aralin
upang lalo mong maunawaan ang paksa.
E. Pagyamanin: Hahamunin ka rito na gamitin ang lahat ng natutunan mo
upang maisagawa ang pamantayang pagganap.
4. Isaisip- Aalamin sa bahaging ito ang kabuuan ng iyong natutunan sa aralin.
5. Isagawa- Aalamin sa bahaging ito kung paano mo ililipat ang iyong natutunan
sa totoong kaganapan at sitwasyon sa buhay.
6. Tayahin – Susukatin sa bahaging ito ang antas ng iyong pagkatuto
pagkatapos ng mga talakayan at mga gawaing humamon sa iyo.

1
PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG MODYUL

Gagabayan ka ng modyul na ito sa mga kasanayan at kaalamang dapat


mong matutunan kahit na wala ang gurong gagabay sa iyo. Basahin at intindihin mo
ang mga sumusunod na hakbang upang matamo ang tamang pagsunod nito.

1. Basahin mo ang mga inaasahang matutuhan mo sa modyul. Ang mga ito ay


batay sa kasanayang pagkatuto at pamantayang pagganap na nakasaad sa
Batayang Pangkurikulum ng K to 12 sa Baitang 5.

2. Sagutin ang Subukin upang masukat mo kung gaano kalawak ang kaalaman
mo tungkol sa paksa. Kung tama lahat ng sagot mo sa panimulang pagtataya
maaari ka ng magpatuloy sa susunod na aralin.

3. Basahing mabuti ang mga panuto sa bawat Yugto ng Pagkatuto. Ang bawat
yugto ay gagabay sa iyo upang lubos mong mauunawaan ang araling
tinatalakay.

4. Sa bawat Yugto ng Pagkatuto, may mga naihandang mga talakayan at


gawain. Sagutin nang buong pagsisikap upang malinang mo ang mga
inaasahang kasananayan sa pagkatuto.

5. Sagutin ang iba pang mga gawaing lilinang sa iyong kasanayan.

6. Sa pagtatapos ng modyul sagutin ang Tayahin upang malaman mo kung


lubos ang iyong pagkatuto. Kung may hindi ka lubos na naunawaan, balikan
mo lamang ang bahagi ng modyul na magpapaliwanag nito.

2
UNANG Markahan UNANG LINGGO
Paggamit nang Wasto ng Pangngalan at Panghalip

MGA INAASAHANG MATUTUHAN

Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:

• Nauiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.


• Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang
napakinggang balita, isyu o usapan.
• Nagagamit nang wasto ang pangngalan at panghalip sa pagtalakay
tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa
paligid.
• Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng gamit sa pangungusap.
• Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento.
• Nabibigyang-kahulugan ang patalastas.
• Nakasusulat ng isang maikling balita.

SUBUKIN

Sukatin natin kung ano ang nalalaman mo sa paksang tatalakayin. Isulat ang
W kung wasto ang paggamit ng mga pangngalan o panghalip sa buong
pangungusap. Isulat naman ang HW kung may nakitang isa o higit pang hindi
wastong paggamit ng pangngalan o panghalip.
1. Maingat na sumusunod ang mga Mag-aaral sa panuto ng guro.
2. Maging bahagi sa pakikipaglaban sa anumang pandemya na kakaharapin ng
ating bansa.
3. Si maria ay nagboluntaryo sa kanilang lugar na mamahagi ng pagkain sa mga
apektado ng kalamidad.
4. Naghanda ang aming paaralan na nasa aming barangay para sa pasukan.
5. Napakahalaga ng mga gadgets ngayon dahil ginagamit na sa pagtuturo at
pagkatuto.
6. Ang Lungsod ng baguio ay nananatiling Summer Capital of the Philippines.
7. Hindi natin nasaksihan ang panagbenga festival ngayong taon dahil sa
pandemya ng COVID-19.

3
8. Ang Bayanihan ng buong bansa ay muling nasaksihan sa pagsugpo ng hindi
maaninag na kalabang kumikitil sa maraming buhay.
9. Ang mga doktor at nars ang pinakaabala ngayon sa buong mundo. Nila ang
itinuturing na bagong bayani ng bansa.
10. Binisita kami ng mga doktor sa aming paaralan.
11. Pilit na bumabangon ang ekonomiya ng mga Bansang apektado sa
pandemya.
12. Ang responsableng pagbabalita ay puwedeng magsalba ng buhay. Ako ay
maituturing na sandigan ng maraming tao.
13. Dapat ituro ang wastong paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto
dahil ito ang itinuturing na new normal sa mga panahong ito.
14. Ang kalinisan sa katawan at disiplina sa sarili ay panatilihin at gawing bahagi
ng araw-araw na pamumuhay.
15. Kailanman ay hindi magandang pag-uugali ang pambubully.

Nasagot mo ba nang tama ang Subukin? Kapag nakakuha ka ng 15 puntos di mo


na kailangang gawin ang module na ito? Kapag nakakuha ka ng 14 na puntos
pababa, ipagpatuloy ang pagsasagawa sa mga Gawain sa mga sumusunod na
pahina.

BALIKAN

Naaalala mo ba kung ano ang pangngalan at panghalip? Basahing mabuti


ang teksto sa ibaba at tukuyin ang mga salitang may salungguhit kung pangngalan o
panghalip. Ngunit bago iyan, gawin muna ang Pagbibigay-kahulugan at pag-unawa
sa binasa.
GAWAIN 1. Pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang
nasalungguhitan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

sukat ng distansya o layo kailangang gamit nagrerebyu kasama


Makagradweyt

1. Dalawang kilometro ang nilalakad ko mula bahay hanggang sa paaralan.


2. Ang mga kinakailangan ko sa pag-aaral ay lapis, bolpen, papel at iba pa.
3. Lagi kaming nagbabalik-aral ng nakaraang aralin bago namin inuumpisahan
ang panibago.
4. Siya ang katulong ko sa paglilinis ng bahay.
5. Pagtatapos ng pag-aaral ang pangarap ng lahat ng bata.

4
Bag ko, Katulong ko!
ni Maria Magdalena C. Balao

Ako’y nasa ikalimang baitang sa elementarya. Piltok ang ipinangalan sa


akin ng aking mga magulang. Ang aming paaralan ay medyo malapit lang sa
aming bahay ngunit kailangan kong maglakad ng dalawang kilometro para ito
ay aking marating. Sa aking pagpasok kailangang dala-dala ko ang lahat ng
kinakailangan sa loob ng paaralan gaya ng lapis, bolpen, papel, kwaderno,
libro at iba pa. Kailangan ko ring dalhin ang aking meryenda at tanghalian. Hindi
ko naman maaaring iwan ang mga ito sa silid-aralan dahil kailangan ko ang
mga ito sa pagbabalik-aral ko ng mga natapos na aralin. Gayundin din naman
ang aking baunan. Buti na lang hindi ako iniiwan ng aking katulong.
Napakatibay nito at matagal na rin ito sa akin. Ito ang aking pinakamamahal na
bag. Halos kasinlaki ko ito pero kayang-kaya kong buhatin dahil dinadala nito
ang aking mga gamit. Sabi nga ni Bb. Bee, kapag dala-dala ko ang bag ko ay
hindi na raw niya ako makita. Ganito rin ang sinasabi ng aking mga kamag-aral
at kaibigan. Kapag umuuwi naman ako, nasasalubong ko si Mang Amboy at
ang kaniyang alagang aso pati na rin ang napakaliit niyang pusa. Lagi silang
naglalakad tuwing hapon lalo na kapag Buwan ng Nutrisyon. Sabi ni Mang
Amboy napalakas ko daw na bata dahil nabubuhat ko ang aking malaking bag.
Nakakatuwa di ba? Para sa akin walang mabigat na bag kung ito ang aking
katulong sa pagtatapos ko ng aking pag-aaral.

GAWAIN 2. Pag-unawa sa Binasa

1. Sino ang nagsasalaysay sa teksto? Sa anong baitang siya nabibilang?


2. Ilang kilometro ang nilalakad ni Piltok para makarating sa kanilang paaralan?
3. Ayon sa nagsasalaysay, ano raw ang katulong niya sa pagtatapos ng
kaniyang pag-aaral? Bakit niya ito nasabi?
4. Sa iyong palagay katulad ka ba ni Piltok? Paano?
5. Anong aral ang napulot mo mula sa teksto?

5
GAWAIN 3. Pag-uugnay ng karanasan sa napakinggang teksto.

Nagustuhan mo ba ang kwento ng nagsasalaysay? Ito ba ay maiuugnay mo


rin sa iyong sariling karanasan? Ilahad ang iyong kuwento sa pamamagitan ng
pagguhit.

GAWAIN 4. Pagtukoy sa pangngalan at panghalip. Balikan ang mga salitang may


salungguhit sa teksto. Isulat ang mga ito sa hanay na kinabibilangan nito.

Pangngalan Panghalip

6
Sa natapos na Gawain, naalala mo na ba kung ano ang pangngalan at panghalip?

TUKLASIN

Basahin at unawain ang isinasaad ng balita sa ibaba. Bigyang pansin ang


mga mahahalagang impormasyon. Pansinin din kung ginamit nang wasto ang
mga pangngalan at panghalip.

Mga pumapasok sa classroom balak limitahan hanggang 20: DepEd


MAYNILA -- Balak ng Department of Education (DepEd) na bawasan
ang bilang ng mga estudyanteng pumapasok sa mga classroom sa susunod na
pasukan.
Ayon kay Education Spokesperson Annalyn Sevilla, ipinapanukala ng
kagawaran na limitahan sa 15 hanggang 20 estudyante ang pwedeng
pumasok sa mga classroom para masunod ang physical distancing.
Bahagi umano ito ng learning continuity plan na ipepresenta ng DepEd
sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Mayo.
Noong 2018, nasa 1:31 ang teacher-student ratio para sa elementary at
senior high school habang 1:36 naman sa junior high school.
Nauna nang inirekomenda ng Alliance of Concerned Teachers, isang
grupo ng mga guro, na bawasan ang class sizes sa halip na magsagawa ng
online classes lalo at maraming guro sa mga pampublikong paaralan ang hindi
sanay sa ganoong pagtuturo habang marami namang estudyante ang may
limitadong internet connection.
Wala pa ring pinal na pasya ang gobyerno tungkol sa pagbubukas ng
klase pero nauna nang sinabi ng DepEd na pabor ang kanilang mga
stakeholder na simulan ang school year sa Agosto. Inirekomenda naman ng
IATF na iurong ang school opening sa Setyembre.
-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

GAWAIN 5. Pag-unawa sa Binasa.Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


1. Ano ang paksang inilahad sa nabasang balita?
________________________________________________________
2. Sino ang nagpapanukala ng paglimita ng papasok ng mag-aaral sa 20
lamang sa isang klasrum?___________________________________
________________________________________________________
3. Saan ipapatupad ang nasabing panukala? ______________________

7
________________________________________________________
4. Kailan binabalak ipatupad ang panukala?_______________________
________________________________________________________
5. Bakit ipinapanukala ng DepED ang paglimita ng mag-aaral na papasok
sa isang klasrum?__________________________________________
________________________________________________________
6. Paano isasagawa ang panukala?_____________________________
________________________________________________________
GAWAIN 6. Pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon.
7. Sang-ayon ka ba sa ipinapanukala ng kagawaran ng Edukasyon na
limitahan ang bilang ng mag-aaral sa loob ng klasrum ng 15 hanggang
20 para masunod ang social distancing? Ipaliwanag ang iyong sagot.

8. Ano naman ang mas gusto mong buwan ng pagbubukas ng klase,


Agosto ba o Setyembre. Ipaliwanag ang iyong sagot.

9. Totoo ba ang balita na nabasa? Patunayan.


GAWAIN 7. Wastong paggamit ng pangngalan at panghalip. Pansinin kung
ginamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang W kapag wasto at HW kapag hindi.

10. Balak ng Department of Education (DepEd) na bawasan ang bilang ng


mga estudyanteng pumapasok sa mga classroom sa susunod na
pasukan.

11. Ayon kay Education Spokesperson Annalyn Sevilla, ipinapanukala ng


kagawaran na limitahan sa 15 hanggang 20 estudyante ang pwedeng
pumasok sa mga classroom para masunod ang physical distancing.

12. Bahagi umano ito ng learning continuity plan na ipepresenta ng DepEd


sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF)
sa Mayo.

13. Noong 2018, nasa 1:31 ang teacher-student ratio para sa elementary
at senior high school habang 1:36 naman sa junior high school.

14. Nauna nang inirekomenda ng Alliance of Concerned Teachers, isang


grupo ng mga guro, na bawasan ang class sizes sa halip na
magsagawa ng online classes lalo at maraming guro sa mga
pampublikong paaralan ang hindi sanay sa ganoong pagtuturo habang
marami namang estudyante ang may limitadong internet connection.

8
15. Wala pa ring pinal na pasya ang gobyerno tungkol sa pagbubukas ng
klase pero nauna nang sinabi ng DepEd na pabor ang kanilang mga
stakeholder na simulan ang school year sa Agosto.

SURIIN
1. Sa balitang nabasa sa TUKLASIN, ginamit ba nang wasto ang mga
pangngalan at panghalip? Paano?__________________________________
_____________________________________________________________
_________________________________________.

TANDAAN:
Ang pangngalan ay mga salitang panawag sa tao, bagay, hayop, lugar
at mga pangyayari. Isinasaalang-alang dito ang dalawa nitong uri, ang
pantangi na panawag sa mga tiyak na ngalan at ang pambalana na panawag
sa mga karaniwang ngalan. Ang pantangi ay nagsisimula sa malaking titik at
ang pambalana ay nagsisimula sa maliit na titik. Habang ang panghalip
naman ay mga salitang humahalili o pumapalit sa pangngalan. Ginagamit
ang mga ito nang wasto sa pagtalakay tungkol sa tao, bagay, hayop,
pook at pangyayari sa paligid.

Halimbawa:
1. Wala pa ring pinal na pasya ang gobyerno tungkol sa pagbubukas ng

klase pero nauna nang sinabi ng DepEd na pabor ang kanilang mga
Pangngalan Panghalip
stakeholder na simulan ang school year sa Agosto.

Sa halimbawang iyan ay makikita ang wastong paggamit ng


pangngalang pantangi at pambalana. Pansinin din na ginamit nang
wasto ang panghalip.

2. Ayon kay Education Spokesperson Annalyn Sevilla, ipinapanukala ng

kagawaran na limitahan sa 15 hanggang 20 estudyante ang pwedeng

pumasok sa mga classroom para masunod ang physical distancing.


PAGYAMANIN
Bahagi umano ito ng learning continuity plan na ipepresenta ng DepEd sa

Maghanda at pagyamanin
Inter-Agency Task Forceang
on iyong natutunan,
Emerging isagawa
Infectious ang mga
Diseases (IATF) sa

Mayo.

Sa halimbawa namang ito ay makikita


9
na ginamit pa rin nang wasto
ang pangngalang pantangi at pambalana.
GAWAIN 8. Paggamit nang wasto ng pangngalan at panghalip. Piliin sa kahon
ang angkop na pangngalan o panghalip upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap at talata.

Ito nila sila edukasyon gobyerno mag-aaral


guro Enhanced Community Quarantine Dito atin

Nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng mga alternatibong


pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto bilang pagtugon sa ipinatutupad na
___________ sa _____g bansa. ______ ay dahil sa pandemya ng COVID-19.
Ipinakilala nila ang portal ng DepED Commons. ______ ay makikita ang mga aralin
na naangkop sa bawat antas. Bagama’t napakaganda ng portal na ito at sumusunod
sa tinagurian ng ______ bilang “new normal”, nangangailangan ito ng teknolohiya.
Sa mga _______ na walang mga laptop, desktop, tablet ngunit may android phone,
maaari _____ng gamitin ang portal kahit walang internet. Nakalulungkot lang isipin
na may mga mag-aaral tayong hindi makagagamit nito dahil kahit telepono ay wala
_____. Gayunpaman, hindi nauubusan ang kagawaran lalo na ang mga ________
sa paggawa ng pamamaraan upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng kalidad na
________ sa mga mag-aaral sa lahat ng antas.

GAWAIN 9. Paggamit nang wasto ng pangngalan at panghalip. Buuin ang diwa


ng bawat pangungusap. Isalang-alang ang wastong paggamit ng pangngalan at
panghalip.

1. Ang mga mag-aaral ay ___________________________________________.


2. Si Magno ang aking alagang aso. Ito ay
______________________________.
3. Ang rehiyon ng Cordillera ay
_______________________________________.
4. Ang mga gadgets tulad ng mobile phone ay
___________________________.
5. Ang mga hindi inaasahang kalamidad ay
_____________________________.

10
GAWAIN 10. Pagbibigay-kahulugan sa isang patalastas. Suriing mabuti ang
patalastas sa ibaba at talakayin ang kahulugan o ibig iparating nito sa inyo. Gamitin
nang wasto ang mga pangngalan at panghalip.

Gamiting gabay ang mga tanong sa ibaba:


1. Anong larawan ang iyong nakikita sa patalastas?______________________
2. Tugnkol saan ang patalastas?_____________________________________
3. Ano ang mensahe ng patalastas sa mga mambabasa?__________________
_____________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, ito ba’y mahalagang patalastas? Ipaliwanag ang iyong
sagot._________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Paano mo tutugunan ang isinasaad ng patalastas? Maglista ng mga naiisip
na pamamaraan kung paano mo isasabuhay ang mga ito.________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________.

ISAISIP
GAWAIN 11. Sa bahaging ito, punan ng angkop na salita ang mga patlang
upang mabuo ang diwa ng araling natutunan.
Ang __________ ay mga salitang panawag sa tao, bagay, hayop, lugar at
mga pangyayari. Isinasaalang-alang dito ang dalawa nitong uri, ang ________ na
panawag sa mga tiyak na ngalan at ang ________ na panawag sa mga karaniwang
ngalan. Ang pantangi ay nagsisimula sa _______ng titik at ang pambalana ay
nagsisimula sa ______ na titik. Habang ang ________ naman ay mga salitang

11
humahalili o pumapalit sa pangngalan. Ginagamit ang mga ito nang _______ sa
pagtalakay tungkol sa tao, bagay, hayop, pook at pangyayari sa paligid.

ISAGAWA

GAWAIN 12. Gumawa ng dayalogo sa pagitan mo at ng iyong guro tungkol sa mga


itinuturing na bagong bayani ng bansa. Isaalang- alang ang wastong paggamit ng
pangngalan at panghalip.

Guro

Mag-aaral

Guro

Mag-aaral

TAYAHIN

12
A. Isulat ang W kung wasto ang paggamit ng mga pangngalan o panghalip sa
buong pangungusap. Salungguhitan naman ang pangngalan o panghalip na hindi
ginamit nang wasto at isulat ang tamang sagot dito.

_____1. Napakasipag ni Nanay maghanda ng masustansiyang pagkain.


_____2. Dapat nating panatilihin ang kalinisan sa sarili at sa kapaligiran.
_____3. Nagtutulungan ang mga tao sa Barangay na mapanatili ang kapayapaan sa
kanilang lugar.
_____4. Hindi na lamang si Dr. jose rizal at kaniyang mga kasama ang itinuturing na
bayani kundi lahat ng tao na nagsasakripisyo para sa bayan.
_____5. Ginaganahan ang mga mag-aaral sa elementarya na sumali sa pagguhit at
gustung-gusto nilang gamitin ang monggol na lapis.
_____6. Paborito pa ring pasyalan ng mga tao ang Burnham Park dahil lagi siyang
puno lalo na tuwing Sabado at Linggo.
_____7. Isa nang bahagi ng kasaysayan ng mundo ang pandemya ng COVID -19 na
sumubok sa tatag ng lahat ng bansa.
_____8. Napamahal sa akin nang husto ang aking alagang aso na si Sophia dahil
napakaamo nito.
_____9. Lubos na nakatutulong ang mga alagang baka ni Lolo sa kaniyang
pagsasaka.
_____10. Sa panahon ngayon ay isinusulong ang paggamit ng teknolohiya sa
pagtuturo at pagkatuto.

B. Bumuo ng limang pangungusap tungkol sa iyong sarili, sa ibang tao, bagay,


lugar, o pangyayari sa paligid. Isaalang-alang ang wastong paggamit ng
pangngalan o panghalip.

1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

13
KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 13. Pagsulat ng isang maikling balita. Magsulat ng isang maikling balita
tungkol sa mga napapanahong pangyayari. Isaalang-alang ang wastong paggamit
ng mga pangngalan at panghalip.
Bago magsulat, balikan muna ang mahalagang konsepto sa ibaba.

TANDAAN:
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring
naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.
Sa pagsulat ng balita alalahanin kung anong pamatnubay ang iyong
gagmitin : Pamatnubay na Ano- kung ang pinakatampok sa balita ay ang
pangyayari; Pamatnubay na Sino- kung higit na pinakatampok ang tao o
organisasyong kasangkot sa pangyayari; Pamatnubay na Saan- kung higit na
mahalaga ang lugar na pinangyarihan kaysa sa Gawain o tao na kasangkot dito;
Pamatnubay na kalian- kung higit na mahalaga ang petsa kaysa iba pang
aspeto ng mga pangyayari; Pamatnubay na Bakit- kung ang dahilan o sanhi ng
pangyayari ang pinakamahalaga; at Pamatnubay na Paano-kung ang
kaparaanan ng pangyayari ang pinakamabisang anggulo na dapat itampok.
Sa pangkalahatan, ang isang balita ay sumasagot sa mga tanong na ano,
sino, saan, kailan, bakit at paano.

Gamitin ding gabay ang rubrik na ito:

Pamantayan
Antas ng Pagganap
5 4 3 2 1
Lahat ng May isang May dalawang May tatlong May mahigit
pangungusap pangungusap pangungusap pangungusap sa apat na
Nilalaman

ay na walang na walang na walang pangungusap


tumatalakay kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa na walang
sa iisang paksa paksa pangungusap kaugnyan sa
paksa. paksa

Ginamit nang May tatlong May apat May limang May mahigit
wasto ang pangngalan o pangngalan o pangngalan o sa anim na
pangngalan at panghalip na panghalip na panghalip na pangngalan o
Kayarian

panghalip sa hindi wasto hindi wasto hindi wasto panghalip na


buong balita ang paggamit ang paggamit ang paggamit hindi wasto
sa buong sa buong sa buong ang paggamit
balita balita balita sa buong
balita

14
May mahigit
May isang May dalawang May tatlong May apat na
sa limang
pagkakamali pagkakamali pagkakamali pagkakamali
pagkakamali
na maaaring na maaaring na maaaring na maaaring
Pagkakasulat

na maaaring
sa bantas, sa bantas, sa bantas, sa bantas,
sa bantas,
baybay, baybay, baybay, baybay,
baybay,
indensyon, indensyon, indensyon, indensyon,
indensyon,
gamit ng gamit ng gamit ng gamit ng
gamit ng
malaki at malaki at malaki at malaki at
malaki at maliit
maliit na titik maliit na titik maliit na titik maliit na titik
na titik at iba.
at iba. at iba. at iba. at iba.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

15
SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN
1. HW 2. W 3. HW 4. W 5. W 6. HW 7. HW 8. HW 9. HW 10. W
11. HW 12. HW 13. W 14. W 15. W

BALIKAN
Gawain 1: Pagbibigay-kahulugan
1. sukat ng distansiya 2. kailangang gamit 3. nagrerebyu 4. kasama 5.
Makagradweyt
Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa
1. Piltok; Ikalimang Baitang
2. Dalawang kilometro
3. Bag; dito inilalagay ang mga gamit sa paaralan gaya ng lapis, bolpen at
iba pa
4. Halimbawang Sagot: opo, pareho naming inilalagay ang gaming gamit
pampaaralaan sa aming mga bag.
5. Halimbawang Sagot: Malaki ang naitutulong ng bag sa pagpasok sa
paaralan; lahat ng bagay ay mahalaga
Gawain 3: Pag-uugnay ng karanasan sa napakinggang teksto.
Ang drowing ng mga mag-aaral ay magkakaiba depede kung paano nila
ipinakita ang sariling karanasan.
Gawain 4. Pagtukoy sa pangngalan at panghalip

Pangngalan Panghalip

Piltok, paaralan, bahay, lapis, bolpen, papel, kwaderno, ako, akin, amin, ko,
libro, silid-aralan, baunan, bag, Bb. Bee, kamag-aral, ito, lahat, nito, niya,
kaibigan, aso, pusa, Buwan ng Nutrisyon, bata sila, kaniya

TUKLASIN
Gawain 5. Pag-unawa sa Binasa
1. Tungkol sa balak na paglimita 20 na mag-aaral na papasok sa isang klasrum
2. Department of Education
3. Sa mga paaralan
4. Sa darating na pasukan
5. Para masunod ang social distancing

16
6. Ipepresenta muna ng DepEd sa Inter-Agency Task Force on Emerging
Infectious Diseases (IATF) sa Mayo
Gawain 6. Pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon.
7. – 9. Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
Gawain 7. Wastong paggamit ng pangngalan at panghalip.
10-15. W
PAGYAMANIN
Gawain 8. Paggamit nang wasto ng pangngalan at panghalip.
-Enahnced Community quarantine, atin, Ito, Dito, gobyerno, mag-aaral, nila,
sila, guro, edukasyon
Gawain 9. Paggamit nang wasto ng pangngalan at panghalip
Mga Halimbawang Sagot:
1. Ang mga mag-aaral ay nagsisikap makatapos ng pag-aaral.
2. Si Magno ang aking alagang aso. Ito ay napakaliksi at mahilig maglaro.
3. Ang rehiyon ng Cordillera ay binubuo ng Abra, Apayao, Baguio, Benguet,
Ifugao, Kalinga, Mt. Province at Tabuk.
4. Ang mga gadgets tulad ng mobile phone ay ginagamit na ngayon para sa
online o virtual na pagtututro.
5. Ang mga hindi inaasahang kalamidad ay mas nakatatakot dahil sa dulot
nitong mas malaking pinsala.
Gawain 10. Pagbibigay-kahulugan sa isang patalastas.
1. aso
2. pagiging responsableng pet owner
3. maging responsible sa pag-aalaga ng mga hayop
4. Halimbawang sagot: Opo, dahil pinaaalalahanan ang mga taong may mga
alagang hayop na maging responsible sa kanilang mga alaga.
5. Halimbawang Sagot: Ipapabakuna ko ang aking alaga; hindi koi to
pababayaang magpalaboy sa lansangan; at paliliguan. Pakakainin at
bibigyan ng malinis na tirahan.
ISAISIP
Gawain 11. pangngalan, pantangi, pambalana, Malaki, maliit, panghalip, wasto
ISAGAWA
Gawain 12. Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
TAYAHIN

17
A. 1. Nanay-nanay 2. W 3. Barangay-barangay 4. jose rizal-Jose Rizal
5. monggol-Monggol 6. Siyang-itong 7. W 9. W 10. W

B. Mga Halimbawang Pangungusap


11. Nagagamit ko ang aking mga gadgets sa pag-aaral.
12. Nagkasama-sama ang aking pamilya sa mga nakaraang buwan.
13. Namalagi lamang kami sa bahay dahil sa kalamidad.
14. Marami akong natutunan mula sa DepED Commons.
15. Maraming nakansela na pagtitipon ngayong taon.

KARAGDAGANG GAWAIN
Mabibigyan ng karampatang iskor ang iyong gawa batay sa rubriks na
nakalahad bago ang Gawain.

18
TALASANGGUNIAN

Agarrado, Patricia Jo C., Maricar L. Franca, Perfecto R. Guerrero III, and Genaro R.
Gojo Cruz. 2016. Alab Filipino 5. Quezon : Vibal Group, Inc.

Komisyon ng Wikang Filipino.2013.Ortograpiyang Pambansa. Pasig City:


Department of Education.

Perez, Josephine L., and Romeo S. Egot. 2008.Sanghaya. Antipolo: DJCE


Enterprises.

Santiago, Alfonso O., and Norma G. Tiangco.1991. Makabagong Balarilang Filipino.


Manila: Rex Bookstore,.

ABS CBN NEWS. 2020. “Mga pumapasok sa classroom balak limitahan hanggang
20: DepEd.” https://news.abs-cbn.com/news/. Accessed April 2020

Department of Health. Maging Responsableng Pet Owner. Manila: Department of


Health, 2020. Accessed May 3, 2020. https://www.doh.gov.ph/node/19983

19

You might also like