You are on page 1of 46

NOT

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan, Linggo 7 at 8 -
Modyul 4
Lipunang Sibil (Civil Society),
Media at Simbahan
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society), Media at


Simbahan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Jessa Ann M. Gaite

Mga Tagasuri: Airlene B. Lagas, MAP M, Judith V. Esmillaren, MEd at

Ernida A. Lucagbo, MAEd

Editor: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT1

Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT1 at Jessa Ann M. Gaite

Mga Tagapamahala

Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V


Schools Division Superintendent

Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago, PhD, CESE

Assistant Schools Division Superintendent

Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief

Amelita M. Laforteza, Division EsP Coordinator

Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager

Meriam S. Otarra, PDO II

Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City

Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

Telefax: (063)221-6069

E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4
Lipunang Sibil (Civil Society), Media at
Simbahan
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP

Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro

at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at

mungkahi sa iligan.city@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas
This page is intentionally blank

Talaan ng mga Nilalaman


Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya …………………………………...... i

Nilalaman ng Modyul …………………………………...... i

Pangkalahatang Panuto …………………………………...... ii

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul ……………………………………. iii

Alamin ……………………………………….. 1

Subukin ……………………………………….. 2

Balikan ……………………....................…… 3

Tuklasin ……………………………………….. 3

Linangin ……………………………………….. 4

Suriin ……………………………………….. 4

Pagyamanin ………………………………………. 10

Isaisip ………………………………………. 11

Isagawa ………………………………………. 11

Buod …………………………………..... 12

Tayahin ……………………………………. 13

Susi ng Pagwasto ……………………………………. 15

Sanggunian ………………………………….… 15
This page is intentionally blank
Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at


paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.(Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa


mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang
pagtataya ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng
Bloom’s Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin
ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa
mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay
tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa
kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman
(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s
Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa


Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga
kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa
pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation)
sa Bloom’s Taxonomy.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman


at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career
Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat
ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay
ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.
Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa
ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng
buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto
(PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa
Bloom’s Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.

Pangkalahatang Panuto

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga
aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan
nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin
mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan
ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o
pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag-aaral.
3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa mga
tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa bahaging Suriin.
Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng
modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto,
mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga
gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga


awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2.
Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na


Alamin
dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


Balikan pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutuhan sa
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


iba’t ibang gawain.
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang
malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutuhan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga
pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
This page is intentionally blank
Lipunang Sibil (Civil Society),
Modyul

Media at Simbahan
4

Alamin

May alam ka bang mga organisasyong


naghahatid ng tulong sa mga mahihirap? Anong uri
ng tulong ang kanilang inihahatid? Ano kayâ ang
nagbubunsod sa kanila upang gawin ang ganoong
kabutihang-loob?

Sa nakaraang modyul ay nakilala mo ang mga


palatandaan ng hindi malusog na ekonomiya. Isang
malinaw na palatandaan halimbawa, ang
pangangailangan mong gumastos nang gumastos sa
cellphone load habang lumolobo nang lumolobo ang
sobrang puhunan ng mga kompanya ng telekomunikasyon. Marami pang anyo ng hindi
patas na pagtatamasa ng mga bunga ng ekonomiya. At sa wari ba ay pikit-mata mong
tinatanggap na lamang ang mga ito. Nabuo na sa isip mong ganyan talaga ang buhay.
Ngunit sa paglalakbay mo sa modyul na ito, malalaman mong maraming nag-iisip na hindi
kailangang maging ganyan na lamang ang buhay. Ang pagsalungat nila sa kalakaran na sa
una’y walang pumapansin, ay unti-unting nakakuha ng mga kakampi, hanggang sa dakong
huli ay nagbunga ng pagbabago sa kalakaran ng lipunan.

Matapos kang maglakbay sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang


Mahalagang Tanong na: Ano-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng lipunang sibil
upang makamit ang kabutihang panlahat?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pang-unawa:

4.1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na
ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat
4.2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo
sa kabutihang panlahat
4.3. Nahihinuha na:
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan
na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang
panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng
mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad.
b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga
mamamayan sa pagpapasiya.
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga
materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling
pagkukusa.
4.4. a. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga
ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability),
pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan,
pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad (mga
pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable).

b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may


lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa
pamayanan at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 50

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng lipunang sibil?

A. Pamayanan na pantay-pantay ang tinatanggap ng mga residente na serbisyo at

benepisyo

B. Paglilingkod ng mga opisyal ng pamahalaan sa taumbayang nasasakupan.

C. Lipunang hawak ng iilang mga mamamayang angat ang katayuan sa buhay.

D. Kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang

sa isa’t isa.

2. Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?

A. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.

B. May panahon tayo para sa iba pa nating nais gawin.

C. Di lahat ng pangangailangan natin ay matamo nating mag-isa.

D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba sa pagtulong.

3. Paano matitiyak ng mamamayan ang maayos na pagpapatupad ng batas?


A. Ang lahat ay magiging masunurin

B. Walang magmamalabis sa lipunan

C. Matutugunan ang mga pangangailangan ng bawat kasapi

D. Bawat mamamayan ay may kani-kaniyang hilig gampanan

4. Paano napalalakas ang paniniwala ng isang tao na mahalagang magiging kasapi sa isang
panrelihiyon na lipunang sibil?
A. Malalim na pagkaunawa na hindi siya nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng
buhay

B. Pakiramdam ng kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa

C. Kalakarang kinamulatan sa piling ng mga magulang

D. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon


5. Paano mapatutunayan na ang isang pamayanan ay may katangian ng lipunang sibil?
A. May pagtutulungan ang mga mamamayan sa abot ng makakaya.

B. Nanghihimasok ang lider sa buhay ng mga mamamayan.

C. Umiiral ang political dynasty sa pamayanang ito.

D. Laging magkasalungat ang mga paninindigan.

6. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mapalaganap ang media literacy?
A. Maging mapanuri sa mga babasahin sa anomang uri ng media.

B. Sanayin ang paggamit ng Freedom to Access Information.

C. Maniwala agad sa anomang nabasa sa media.

D. Gamitin ang karapatang ipahayag ang sarili.

7. Bilang kabataan sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga kaaya-ayang gawin maliban sa:
A. Pag-aaral ng mga leksyon sa paaralan

B. Pagpapatibay ng pananampalataya sa Diyos

C. Pagsali sa mga rally upang makamit ang hustisya

D. Pagsali sa mga organisasyong tumutulong sa kapuwa mamamayan

8. Ano ang iiwasang gawin ni Ben upang masugpo ang kasinungalingan sa mass media?

A. Pagbanggit ng maliliit na detalye.

B. Paglalahad ng sariling kuro-kuro.

C. Paglalahad ng iisang panig lamang ng usapin.

D. Paglalahad ng mga seryosong impormasyon.

9. Paano nagiging tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan?

A. Maaapektuhan ng pagbabalita ang buhay ng lahat ng tao

B. Mass media lamang ang mapagkukunan ng impormasyon

C. Nagpapasiya tayo batay sa hawak natin na impormasyon

D. Maaaring salungatin ang isinasaad nitong impormasyon


10. Ano ang nararapat ginagawa sa loob ng isang Lipunang Sibil?

A. Pagtanggap ng mga pampublikong ospital sa mga taong may sakit

B. Pakikinig lagi ni Blessie ng balita tungkol sa mga katiwalian ng gobyerno.

C. Pagpapaimpluwensiya sa mga negosiyante sa nauusong gadget

D. Pagtulong nina Ariane at Emman na matugunan ang mga

pangangailangan ng mga tao sa evacuation center

Balikan

Sa nakaraang modyul, binibigyang diin ang pagkilos upang masiguro na ang bawat
bahay ay magiging tahanan upang masimulan ang mapanagutang pangangasiwa at patas
na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Sa modyul na ito matutuhan mo ang gagampanang
papel ng mga mamamayan bilang kaagapay ng pamahalaan upang makiisa sa pagtugon ng
mga pangangailangan ng kapuwa.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:


Ano-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng lipunang sibil upang makamit ang
kabutihang panlahat?

Tuklasin

Gawain 1

Panuto: Ngayong may pandemya, may mga organisadong pangkat sa lipunan na


naghahatid ng tulong sa mga nangangailangan. Ginagawa nila ito para sa
kabutihang panlahat.
1. Sa unang kolum ng tsart sa ibaba, may nakatalang dalawang organisadong pangkat ng
lipunan. Punan ang ikalawang kolum ng mga ginawa nilang pagtulong sa mga
nangangailangan.
2. Sa ikatlong kolum, itala ang mga taong kanilang tinulungan.
3. Sa ikaapat na kolum, banggitin ang mga kabutihang dulot ng kanilang ginawang
pagtulong.

Organisadong Ginawang Pagtulong Nangangailangan Kabutihang Dulot


Pangkat ng Lipunan ng Tulong

1. GMA Kapuso Hal: Pagbigay ng face Hal: Mga doktor at Hal: Naiwasan ang
Foundation mask, alcohol, PPE, atbp. nars sa PGH hawaan sa ospital

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

2. ABS-CBN Lingkod 1. 1. 1.
Kapamilya
2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. Sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Batay sa tsart, ano-ano ang mga halimbawa ng lipunang sibil?
b. Sa palagay mo, ano ang layunin o adhikain ng mga lipunang sibil na ito?
c. Ano ang papel na ginagampanan ng mga lipunang sibil upang makamit ang kabutihang
panlahat?
d. Bakit may mga binuong lipunang sibil? Ipaliwanag.
e. Bilang kabataan ngayon, nais mo rin bang bumuo ng lipunang sibil sa hinaharap?
Pangatwiranan.

Linangin

Gawain 2

Panuto: May mga bagay na tinatamasa ang tao mula sa kagandahang-loob ng kapuwa.

1. Balikan sa iyong alaala ang mga uri ng paglilingkod o tulong na natanggap mo


mula sa kapuwa. Maaaring mula ito sa mga miyembro ng inyong pamilya o sa iba
pang tao sa lipunan. Itala ang mga ito sa iyong kuwaderno.
2. Balikan din sa iyong alala ang mga paglilingkod na nagawa mo para sa kanila. Itala rin
ang mga ito sa iyong kuwaderno.
3. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.
a. Ano ang nararamdaman mo sa mga pagkakataong nabanggit?
b. Ano ang adhikaing nagtulak sa kanila at sa iyo na kumilos tungo sa kabutihang
panlahat?
c. Bilang kasapi sa lipunang sibil, ano ang nararapat na tunguhin o goal ng iyong mga
gagawing paglilingkod? Ipaliwanag.

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa Pagyamanin.

Lipunang Sibil

“Paki lang.” May natatandaan ka bang pagkakataon na kailangan mong sabihin ito sa
isang taong kalapit mo? Siguro pagsakay mo sa jeep at nakapuwesto ka malayo sa driver,
sasabihin mo ito sa katabing pasahero at iaabot mo ang bayad. Ganito rin kung toka mong
maglaba pero deadline ang araw na iyon para sa isang project mo sa paaralan. Alam mong
magagawa mo naman, kaya lang may dahilan kung bakit kailangan mong ipagawa sa iba at
kailangan mong sabihing, “Paki lang.” Kung alam mo kung ano-ano ang mga kaya mong
gawin, alam mo rin kung ano-ano ang hindi. Maaaring marunong kang magsaing,
halimbawa, pero marunong ka bang magsaka at mag-ani ng isasaing mo? Wala ka mang
kilalang magsasaka, gusto mong patuloy silang magsaka upang may maisaing ka, at
masasabi mo rin sa kanila, “Paki lang.” At marami ka pang kailangang ipagawa sa iba upang
mabuhay, mga pangangailangang hindi mo makakalap nang mag-isa.

Hindi ikaw ang gumawa ng uniporme mo, ng bag, ng tsinelas. Hindi ikaw ang
gumawa ng kalsadang nilalakaran mo, ng tulay na tinatawid mo, ng cellsite tower na
naghahatid ng text sa iyo. Tingnan mo ang loob ng iyong bag. Alin-alin sa mga nariyan ang
ginawa mo mismo? Tingnan mo ang loob ng silid-aralan. Alin-alin sa mga iyan ang kaya
mong gawin? Hindi mo kayang bilangin ang mga taong kumilos upang magkaroon ka ng
mga kailangan mo. Kailangan mong pasalamatan ang napakaraming tao, at kailangan mo
ring sabihin sa kanila, “Paki lang.” Sasabihin mo halimbawa sa karpintero, “Pakiayos lang po
ang bubong namin,” o sa tubero, “Pakiayos lang po ang banyo namin.”

Gayundin sa pamahalaan gumagawa at nagpatutupad ito ng mga batas, upang


matiyak nito na matutugunan ang mga pangangailangan natin sa lipunan. Tinitingnan nito
kung natutupad ang mga batas na ito, at pinarurusahan ang lalabag na nakahahadlang sa
pagtatamasa natin ng ating mga pangangailangan.

May mga batas tungkol sa pagkain, tungkol sa tubig, sa hangin, sa lupa, sa


pag-aaral, sa paghahanapbuhay, sa lahat halos ng bahagi ng ating buhay. Iisa ang layunin
ng mga batas na ito: upang tayo ay mapabuti, upang makamit ng lahat ang makabubuti sa
isa’t isa.

Magkagayon man, sa maraming pagkakataon ay nagkukulang ang pamahalaan sa


layuning ito. Halimbawa, hindi tayo makakain nang sapat, sapagkat mabilis ang pagtaas ng
halaga ng mga bilihin, at mabagal naman ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.
Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito. Hindi dahil nagkulang ang mundong ito sa
pagkakaloob ng ating mga pangangailangan, kundi dahil ang mga pangangailangan ng
nakararami ay iniimbak ng iilan lamang. Halimbawa, noong 2009, dahil sa mga bagyong
Ondoy at Pepeng, binaha ang mga palayan sa maraming bahagi ng Luzon, nawala ang
kikitain sana ng mga magsasaka, nadagdagan ang presyo ng bigas, kung kaya nabawasan
ang pambili natin ng iba pa nating mga pangangailangan. Samantala, ayon sa pagsisiyasat
ng Senado, may nameke sa pirma ng mga magsasaka upang palabasing tumanggap sila ng
milyon-milyong tulong mula sa pork barrel ng mga mambabatas. Ngunit hindi kumilos ang
pamahalaan upang mabawi ang pondo at maipamahagi sa napakaraming magsasakang
nawalan ng kabuhayan, na siyang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas. Hindi mo na tuloy
mabili ang iba mo pang pangangailangan.

Dahil kapos ang kakayahan ng pamahalaan upang ang katiwaliang ito ay


mabigyang-lunas, at lahat tayo ay nabibigatan sa kalakarang ito, napakarami rin ng
kailangan nating katuwangin sa pagtugon dito, at sabihang, “Paki lang.” May mga
nag-organisa ng kani-kanilang sarili upang ipahayag ang pagkasuklam sa ganitong sistema.
Isang musikerong nagngangalang Ito Rapadas ang nagpasimuno sa Facebook ng ideyang
maramihang pagpapahayag ng pagkadismaya, at ikinalat ng isa pang nagngangalang
Peachy Bretaña ang ideya. Sa pagpapalitan ng mga mensahe ng mga gumagamit ng
Facebook, nabuo ang planong Million People March. Inendorso ng Catholic Bishops
Conference of the Philippines sa Facebook account nito ang plano, na ginanap sa Luneta
noong Agosto 26, 2013, Araw ng mga Bayani. Sinabayan ito ng ganoon ding aktibidad sa
labing-isa pang mga lungsod sa buong bansa. Nasundan pa ito noong Oktubre 4, 2013 sa
Makati, at tinitiyak ng mga nag-organisa na magtutuloy-tuloy pa ang ganitong mga pagkilos
hanggang hindi naibabasura ang sistema ng pork barrel.

Ang ganitong kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa


sama-samang pagtuwang sa isa’t isa ang tinatawag nating lipunang sibil. Hindi ito
isinusulong ng mga politikong maaaring may pansariling interes. Hindi rin ito isinusulong ng
mga negosyanteng ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito ay
ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga
pangangailangan na hindi natutugunan ng pamahalaan at kalakalan (business). Ang
lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung
kaya nagkakaroon ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng
minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan.

Noong 1994, halimbawa, inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan,


Tawi-tawi at Sulu ang Consultation on Peace and Justice. Matapos ang konsultasyon, nabuo
ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ). Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang
mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim, at ng iba pang mga katutubo. Nagdaraos
ito ng mga pagsulong ng kapayapaan, naglalathala ng alternatibong pahayagan, at
nagsasaliksik sa ugnayang Kristiyano at Muslim.

Matapos ang dalawampung araw na sagupaan ng MNLF at AFP/PNP sa


Zamboanga noong Setyembre 2013, idinaos ng PAZ ang Forum on Rehabilitation and
Reconciliation nang sumunod na buwan. Ikabubuti ng lahat ang muling pagbuo ng mga
nawasak na pamilya, ang muling pagbangon ng nalugmok na kabuhayan, at higit sa lahat,
ang muling pagpapasigla ng nanlamig na mga ugnayan.

Isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas ang nagtipon-tipon noong 1984, at nabuo


sila bilang isang lipunang sibil. Naging isang pampulitikang partido sila na tinawag nilang
Gabriela, at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso. Sa kanilang pagsusulong ay
naisabatas ang mga sumusunod: Anti-Sexual Harassment Act (1995); Women in
Development and Nation-Building Act (1995); Anti-Rape Law (1997); Rape Victims
Assistance and Protection Act (1998); Anti-Trafficking of Persons Act (2003); at
Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004).

Ang Gabriela ay nagkaroon ng masigasig na kakampi sa Senado sa katauhan ni


Senador Raul Roco. Siya ang kinikilalang pangunahing nagsulong upang maisabatas ang
pagtatanggol sa mga karapatan ng kababaihan, kung kaya siya ay binigyan ng natatanging
taguring Honorary Woman. Ano-anong kabutihan ang maaaring idulot ng mga batas na ito?

Ang Media

Paano ipinaaalam ng isang lalaki sa isang babae na interesado siya rito? Isusulat ba
niya sa ¼ na bahagi ng papel? Ite-text ba niya? Magpapadala ba siya ng emoticon?
Manghaharana ba siya? Live ba, MP3, o YouTube? Sasabihin na lang ba niya nang
harapan? Ipi-print ba niya sa t-shirt? Ano’t ano man ang paraang piliin niya, gagamit siya ng
isa, ilan, o lahat sa mga ito: titik, tunog, o larawan (gumagalaw man o hindi). Alin man sa
mga ito ang gamitin niya, ito ang mamamagitan sa kaniya at sa padadalhan niya. Anumang
bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin
na medium, o media kung marami. Ginagamit natin ito kung may gusto tayong ipahatid na
impormasyon. Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin,
tinatawag natin itong mass media: diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, o internet.

Sa tulong ng media, nalalaman ng mamamayan kung may paparating na bagyo,


kung kaya nakagagawa sila ng kaukulang paghahanda. Kapag may nangangailangan ng
saklolo at gustong ipanawagan sa marami, media rin ang inaasahan. Karapatan mong
alamin kung ano ang iyong ikabubuti, kaya tungkulin mo ring ipaalam sa iba ang ikabubuti
naman nila. Sa pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay napapanatili mo ang
ikabubuti ng ibang kasapi ng lipunan. Sa pagkamit ng ikabubuti ng bawat mamamayan,
nakakamit din ang ikabubuti ng kabuuan nito. Ang impormasyon tungo sa ikabubuti ng lahat
ay napalulutang mo sa pamamagitan ng media.

Nagpapasiya kang huwag pumasok kung may abiso sa radyo o telebisyon na


suspendido ang klase. Nagpapasiya kang huwag kumain ng sitsirya dahil nababasa mo sa
diyaryo ang tungkol sa masamang epekto nito sa ating kalusugan. Nagpapasiya ka ayon sa
hawak mong impormasyon na pinalulutang ng media. Subalit paano kung ang hawak mong
impormasyon ay mali? Mabubuyo kang pumasok sa klase kahit suspendido, o kaya ay
magkakasakit ka sa bato. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang halimbawa ng
lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung
bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid
sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa
pagpapasiya ng ikikilos.

Ang isang rally ba ay ibinabalita ng media mula sa panig lamang ng kapulisan?


Ibinabalita ba ang haka-haka na may rebolusyonaryong layunin ang mga nag-rally? Ang
pagbawas o pagdagdag sa katotohanan ay nagiging kasinungalingan. Kapag ang media ay
naglahad ng isang panig lamang ng pangyayari o usapin, maling impormasyon ang
pinalulutang ng mga ito sa lipunan, sapagkat hindi buo ang impormasyong hawak ng
lipunan. Sa kabilang banda, kung inilahad halimbawa sa media na isang milyon nga ang
sumama sa Million People March, gayong tatlong daang libo lang naman talaga, magiging
pagsisinungaling din ito. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang
kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti ninuman ang
kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan. “Ang
kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pag-ibig na
lumilikha” (Papa Juan Pablo II, 1999).

Bago ang halalan, noong 2007, inilunsad ng isang estasyon ng telebisyon ang
lipunang sibil na “Bayan Mo, Ipatrol Mo.” Ipinakita ng ABS-CBN sa mga karaniwang
mamamayan kung paano ipararating sa nakararami ang nakalap na mahahalagang
impormasyon o balita gamit ang kanilang cellphone. Sa ganitong paraan ay maaaring
palutangin ng media, habang nangyayari, ang mga pandaraya at katiwalian sa halalan.
Anumang anomalya ay napipigilan kapag ito ay naisisiwalat. Ayon kay San Ignacio, “Kapag
naglihim tayo, doon magtatrabaho ang diyablo.” Dahil sa matagumpay na pagsasamadla ng
mga katiwalian sa halalan noong 2007, itinuloy-tuloy na ng “Bayan Mo Ipatrol Mo” ang
pagpapalutang ng mga impormasyong may kinalaman hindi na lamang sa halalan, kundi
maging sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagpapaayos ng mga daan, at pagtatayo
ng mga sentrong pampamayanan (community centers). Noong 2012, umabot na sa apat na
libong mga kabataan ang nabiyayaan ng puspusang pagsasanay sa pamamahayag.
Sa ibang dako naman ng mundo, sa mga bansang Pakistan at Afghanistan ay
nagnanais mamayani ng Taliban, na binubuo ng mga katutubong Muslim na naniniwalang
hindi dapat magkaroon ng edukasyon ang kababaihan. Kilala ang grupong ito sa paghahasik
ng karahasan sa mga bansang ito. Noong 2008, nagsimulang sumulat ng blog sa Internet
ang isang walong taong gulang na babaeng mag-aaral ngunit ayaw magpakilala. Inilarawan
niya sa blog kung gaano kahirap mag-aral dahil sa panggigipit ng Taliban. Ipinamanhik niya
sa pamahalaang Pakistani na maglaan ng dagdag na pananalapi para sa mga paaralan, at
hinimok niya ang lahat ng kabataang babaeng Pakistani na igiit ang karapatang matuto. Sa
isang press conference, hindi inaasahang aminin ng tatay ng bata ang tunay niyang
pagkakakilanlan, ngunit naging daan ito upang lalong dumami ang sumubaybay sa kaniyang
mga blog. Kinilala ang batang blogger na ito bilang si Malala Yousafzai.

Noong Oktubre 16, 2012, habang nasa daan pauwi sakay ng school bus si Malala at
iba pang mag-aaral, pinatigil ng ilang lalaking pinaghihinalaang kasapi ng Taliban ang
kanilang sasakyan. “Sino si Malala?” tanong ng mga ito. Napasulyap sa kaniya ang ibang
mag-aaral kaya’t madali siyang natukoy. Sa kasamaang-palad, binaril siya ng isa sa mga
lalaki sa ulo, ngunit sa maagap na pagtulong ng ibang mamamayan, mabilis na naihatid si
Malala sa pagamutan. Itinuturing na isang milagro ang pagkaligtas niya sa pangyayaring
iyon. Sa tulong ng napakaraming nagkawanggawa sa loob at labas ng Pakistan, naipagamot

siya sa Birmingham, England, at doon niya ipinagpapatuloy ang pagsusulat ng blog. Sa


gulang na labing-anim, milyon-milyong dolyar na mula sa iba’t ibang bansa ang
naipagkakatiwala sa kaniya bilang donasyon. Balak niya kasama ang kaniyang ama na
magpatayo ng mga paaralan sa buong Pakistan na makatutulong sa pagbibigay ng
edukasyon higit lalo sa kababaihan. Samantala, tuwing may pumupuntang kasapi ng Taliban
sa kanilang bayan, hinaharap ito ng kabataang babae, at buong tapang nilang
idinideklarang, “Ako si Malala.”

Ang Simbahan

Sakali mang nakakamit natin ang lahat ng ating pangunahing pangangailangan, hindi
pa rin ito nagbibigay ng katiyakan na magiging ganap na tayong masaya. Sa apat na bilyong
dolyar na kabuuang kayamanan ni Howard Hughes, walang tao sa planetang ito ang mas
mayaman pa sa kaniya noong nabubuhay pa siya. Sa kabila nito, namatay siya noong 1976
na may palatandaan ng kakulangan sa pagkain, at sa taas na mahigit anim na talampakan,
tumimbang lamang siya ng apatnapung kilo. Samantala, ayon pa rin sa pagsisiyasat ng
Senado, hindi bababa sa dalawampu ang mga bahay ni Janet Napoles sa Pilipinas, at
dalawa sa California, U.S.A. Dumating ang panahong hindi siya maaaring pumunta sa isa
man sa mga ito, at kinailangan niyang iwanan lahat ang kaniyang pag-aari. Walang nagnais
bumili ng mga bahay niya dahil sa masalimuot na kasaysayan ng mga ito. Pinatutunayan ng
mga halimbawang ito na gaano man karami ang matamo ng isang tao para sa kaniyang
sarili, makararamdam pa rin siya ng kahungkagan, ng kawalan ng katuturan, ng kakulangan.
Hindi ka nag-iisa sa ganitong damdamin.
Inoorganisa natin ang ating sari-sarili upang hanapin ang makapupuno sa atin sa
kabila ng kariwasaan. Iba’t iba tayo ng antas ng pagkaunawa sa totoong kabuluhan ng
buhay: may mas malalim, may mas mababaw. Sa maraming pagkakataon ng iyong
pagkabagot, dito mo napagtatanto ang iyong kababawan, kung kaya nagpapatuwang ka sa
mga kasapi ng lipunan na may kalaliman ang pag-unawa sa buhay. Lumalapit ka sa mga
lider ng moralidad: pari, pastor, ministro, imam, guru, monghe, at iba pa. Magpapatuwang ka
sa kanila, at sasabihin mo, “Paki lang po.”

Sa kababaang-loob ng mga lider sa moralidad, mas kinikilala nila ang kanilang sarili
bilang tagapaglingkod at hindi bilang nakasasakop. Itinuturing nila ang kanilang sarili bilang
kasabay natin sa paghahanap ng kabuluhan ng buhay. Sa sama-sama nating paghahanap
ay naoorganisa natin ang ating sarili bilang isa pang anyo ng lipunang sibil, isang
panrelihiyong institusyon, na tinatawag ng marami bilang Simbahan.

Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin
sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating tinatamasa.
Hindi ka nag-iisa sa iyong pananampalataya. Ito ang dahilan kung bakit hindi itinuturing ng
Simbahang Katoliko, halimbawa, nahiwalay sila sa kalakhan ng lipunan, kundi bilang
kasanib dito. Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong
pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa
pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa panawagan ng lahat na, “Paki lang.”

Ang mga parokya halimbawa sa Pilipinas ay naoorganisa ng mas maliliit pang yunit
na tinatawag na Basic Ecclesial Community, o Maliit na Sambayanang Kristiyano. Ito ay
upang matugunan ng Simbahang Katoliko ang iba’t ibang kalagayan ng iba’t ibang
pamayanan. Noong si Cardinal Gaudencio Rosales ay obispo pa lamang sa Bukidnon, ang
mga kaabag o mga lider ng mga Basic Ecclesial Community ay nabigyang-kapangyarihan
ng DENR upang dumakip at maghabla sa mga nagtotroso. Ang mga kaabag o lider ay
pinagkalooban ng mga two-way radio upang ipaalam ang impormasyon tuwing may papasok
na trak sa mga kagubatan. Sa isang liblib na barangay sa bayan ng Valencia ay binaril at
napatay si Fr. Nery Satur ng mga pinaghihinalaang nagtotroso. Noong 1997, isinulat ni
Bishop Rosales ang talambuhay ni Fr. Satur. Pinamagatan niya itong Father Nery Satur and
the Church He Died for.

Ang Couples for Christ ang nagpatayo ng kauna-unahang pabahay para sa isang
mahirap na mag-anak sa Bagong Silang, Caloocan City noong 1999. Mula noon, sa
pamamagitan ng kanilang Gawad Kalinga Project, nakapagpatayo na rin sila ng mga
pabahay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Nakarating na rin sa ibang bansa ang proyektong
ito tulad ng Australia, Austria, Cambodia, Canada, Colombia, India, Indonesia, Ireland,
Kenya, Papua New Guinea, Singapore, South Africa, at United States.
Bumuo ng organisasyong tumututol sa paninigarilyo ang Seventh Day Adventist
Church sa Pilipinas noong 1982. Gayundin sa Lungsod ng Quezon noong 1989, ipinasa ang
isang ordinansang nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Taong 1990
naman nang magpasiya ang mga kasapi sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas
(KBP) na tanggihan sa pagpapatalastas ang mga kompanya ng sigarilyo. Samantala noong
1994, pinaigting ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang kampanyang “Yosi Kadiri” tulad ng
isinulong ng mga Sabadista. Naging Batas Pambansa noong 2003 ang pagbabawal sa
pagpapatalastas ng paninigarilyo.

Narito ang mga katangian ng iba’t ibang anyo ng lipunang sibil na inilarawan sa modyul na
ito:

1. Pagkukusang-loob. Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang


makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensiya ng estado o negosyo. Hindi ito
nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa pamahalaan, o ng
pangkomersyong hangarin ng sino mang negosyante.

2. Bukas na pagtatalastasan. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng


saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, kung saan buhay ang diwa ng
demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng kuro-kuro ay nalilinaw ang mga usapin; daan
upang ang mga kaanib ay magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasiya.

3. Walang pag-uuri. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi:


mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi, anomang kasarian dahil
isinusulong ang kabutihang panlahat, binibigyan ng pagkakataong mapakinggan ang
lahat ng panig; sa gayon ay walang maiiwang hindi nagtamasa ng bunga ng pagsisikap
ng lipunan.

4. Pagiging organisado. Bagama’t hindi kasing-organisado tulad ng estado at negosyo,


patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sapagkat
nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin
ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan.

5. May isinusulong na pagpapahalaga. Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes


kundi kabutihang panlahat: isinusulong ng media ang katotohanan, isinusulong naman ng
Simbahan ang espiritwalidad. Ang pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa mga kasapi
upang mapagtagumpayan ang ano mang balakid.

“Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang,” sabi nga ni Fr. Eduardo
Hontiveros sa isang awit. Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid
sa isang hibla ay sapat na para masira ang kabuuan nito. Ang pagdudugtong ng isang hibla
sa kapuwa hibla ay may ganoon ding epekto sa kabuuan. Ang pakikisangkot natin sa
anomang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Sa
kabilang banda, ang pagwawalang-bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili, kung
hindi man nakapagpapalala, ng mga suliraning panlipunan. Sapagkat ang ikabubuti ng
lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa atin, hindi maiaalis ang patuloy nating
pagmamalay sa paanyaya ng bawat nakakatagpo nating nakikiusap na, “Paki lang.”

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang sagot sa sumusunod na tanong:

1. Ano-anong mga pangangailangan ng iyong pamilya ang hindi ninyo kayang matamo kung
sa iyong pamilya lamang iaasa? Ipaliwanag.

2. Ano-anong kalagayang panlipunan ang humahadlang kung kaya hindi ninyo matamo ang
mga ito? Ipaliwanag.

3. May mga hakbang bang ginagawa ng pamahalaan upang matamo ninyo ang mga ito?
Patunayan.

4. Sa ano-anong paraan tinutugunan ng lipunang sibil ang mga pagkukulang ng lipunan?


Ipaliwanag.

5. Magbigay ng iba pang mga usapin na hindi natutugunan ng lipunang sibil. Patunayan.

6. Magmungkahi ng mga adbokasiya na tutugon sa mga usaping ito?

Gawain 3b: Paghinuha ng Batayang Konsepto

Panuto:

1. Sa ibaba, makikita ang mga mahahalagang salita/konsepto mula sa babasahin. Ipakita


ang kaugnayan ng mga ito sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang Batayang

Konsepto na sasagot sa Mahalagang Tanong sa simula ng modyul na ito. Lakipan ito ng


paliwanag.
2. Gamit ang sumusunod na salita/konsepto, lumikha ng isang awit na rap tungkol sa
lipunang sibil na humihikayat sa mga tagapakinig na mag-ambag sa pagsulong
ng kabutihang panlahat.

Isaisip

Gawain 4a: Pagninilay

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa journal tungkol sa mga pagkatuto gamit ang talahanayan
sa ibaba.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa at reyalisasyon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalamang ito? mailapat ang mga
pang-unawa at reyalisasyong
ito sa aking buhay?

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 54-63.

Isagawa

Gawain 5: Pagganap
Panuto:

1. Gabay ang mga konsepto sa Suriin, pumili ng isang adbokasiya isusulong mo mula sa
sumusunod:
a. Katarungang panlipunan
b. Pag-unlad ng Kabuhayan
c. Pakikilahok sa pamayanan
d. Pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espirituwalidad

2. Gumawa ng plano ng nais mong buuing lipunang sibil upang maisulong ang napiling

layunin.

4. Gamitin ang pormat ng plano sa ibaba.

Bubuuin kong Adbokasiya na Pangangailangan Mga paraan ng


lipunang sibil isusulong nito ng pamayanan na pagtugon
tutugunan

Hal: “Igsuon Ko, Hali: Pakikilahok sa Hal: Mga Hal: Pakikipag-usap sa


Tulubagon Ko” Pamayanan na-stranded sa bus pamilya at pagtawag sa
terminal na walang mga kaibigan para sa
makakain dahil sa perang pambili ng pagkain
lockdown para sa mga stranded na
pasahero

1.
1. 2.

2. 3.

3. 4.

4.

Pagninilay:

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:

a. Makatotohanan ang bubuuing lipunang sibil batay sa napiling adbokasiyong isusulong

b. Tiyak at angkop sa pamayanan ang pangangailangan na ninanais tugunan

c. Malinaw at makatotohanan ang mga paraan sa gagawing pagtugon

d. May kasamang pagninilay ang ipapasang output

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto:

1. Gamit ang internet, magsaliksik ng mga kilalang lipunang sibil (halimbawa: Gawad
Kalinga) na kumikilos sa pamayanan.
2. Kilalanin ang mga taong bumubuo nito.
3. Alamin kung naging matagumpay ang kanilang pagsusulong nito.
4. Bilang kabataan ngayon, bumuo ng adbokasiya mo batay sa iyong pananaliksik na
kilalang lipunang sibil.
5. Gawin mong gabay ang tsart sa ibaba.

Pananaliksik ng Kilalang Lipunang Sibil

Kilalang lipunang sibil:

Mga taong bumubuo nito: (Ilarawan ang bawat isa. Hal.: Papel na ginagampanan)

Mga Tagumpay na nakakamit nito:


Adbokasiya ko kaugnay sa lipunang sibil na ito:

Pagninilay:

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:

1. Natutukoy ang pagkakakilanlan (identity) ng mga lipunang sibil na kumikilos sa


pamayanan
2. Natutukoy at nailalarawan ang mga taong bumubuo sa lipunang sibil na ito
3. Nailalahad ang mga tagumpay nito sa pagtulong sa kapuwang nangangailangan
4. Makatotohanan ang sariling adbokasiyang binuo, kaugnay sa kilalang lipunang sibil
5. May kasamang pagninilay ang ipapasang output

Buod

Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan
na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan,
pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan,
pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan
(gender equality) at ispiritwalidad.

Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga


mamamayan sa pagpapasiya.

Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga


materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling
pagkukusa.

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?

A. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.

B. May panahon tayo para sa iba pa nating nais gawin.

C. Di lahat ng pangangailangan natin ay matamo nating mag-isa.

D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba sa pagtulong.

2. Ano ang kahulugan ng lipunang sibil?

A. Lipunang hawak ng iilang mga mamamayang angat ang katayuan sa buhay.

B. Paglilingkod ng mga opisyal ng pamahalaan sa taumbayang kanilang


nasasakupan.

C. Pamayanan na pantay-pantay ang tinatanggap ng mga residente na serbisyo at

benepisyo

D. Kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang


pagtuwang

sa isa’t isa.

3. Ano ang nararapat ginagawa sa loob ng isang Lipunang Sibil?

A. Pagtanggap ng mga pampublikong ospital sa mga taong may sakit

B. Pakikinig lagi ni Blessie ng balita tungkol sa mga katiwalian ng gobyerno.

C. Pagpapaimpluwensiya sa mga negosyante sa nauusong gadget

D. Pagtulong nina Ariane at Emman na matugunan ang mga pangangailangan ng mga


tao sa evacuation center

4. Paano napalalakas ang paniniwala ng isang tao na mahalagang magiging kasapi sa isang

panrelihiyon na lipunang sibil?

A. Malalim na pagkaunawa na hindi siya nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay

B. Pakiramdam ng kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa


C. Kalakarang kinamulatan sa piling ng mga magulang

D. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon

5. Paano mapatutunayan na ang isang pamayanan ay may katangian ng lipunang sibil?


A. Umiiral ang political dynasty sa pamayanang ito.

B. Laging magkasalungat ang mga paninindigan.

C. Nanghihimasok ang lider sa buhay ng mga mamamayan.

D. May pagtutulungan ang mga mamamayan sa abot ng makakaya.

6. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mapalaganap ang media literacy?
A. Maging mapanuri sa mga babasahin sa anumang uri ng media.

B. Sanayin ang paggamit ng Freedom to Access Information.

C. Maniwala agad sa anomang nabasa sa media.

D. Gamitin ang karapatang ipahayag ang sarili.

7. Bilang kabataan sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga kaaya-ayang gawin maliban sa:
A. Pag-aaral ng mga leksyon sa paaralan

B. Pagpatitibay ng pananampalataya sa Diyos

C. Pagsali sa mga rally upang makamit ang hustisya

D. Pagsali sa mga organisasyong tumutulong sa kapuwa mamamayan

8. Ano ang iwasang gawin ni Ben upang masugpo ang kasinungalingan sa mass media?

A. Pagbanggit ng maliliit na detalye.

B. Paglalahad ng sariling kuro-kuro.

C. Paglalahad ng iisang panig lamang ng usapin.

D. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.

9. Paano nagiging tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan?

A. Hawak ng mga nagbabalita ang pagpasiya ng lahat ng tao

B. Mass media lamang ang mapagkukunan ng impormasyon


C. Nagpapasiya tayo batay sa hawak natin na impormasyon

D. Maaari salungatin ang isinasaad nitong impormasyon

10. Paano matitiyak ng mamamayan ang maayos na pagpapatupad ng batas?


A. Ang lahat ay magiging masunurin

B. Walang magmamalabis sa lipunan

C. Matutugunan ang mga pangangailangan ng bawat kasapi

D. Bawat mamamayan ay may kani-kaniyang hilig gampanan


Susi ng Pagwawasto

Subukin

Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill


Aytem

1 D Kaalaman/Knowledge

2 C Pag-unawa/Comprehension

3 C Pagsusuri/Analysis

4 A Pag-unawa/Comprehension

5 A Pagtataya/Evaluation

6 A Paglalapat/Application

7 C Pagsusuri/Analysis

8 C Pagtataya /Evaluation

9 C Pag-unawa/Comprehension

10 A Paglalapat/Application
Tayahin

Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill


Aytem

1 C Pag-unawa/Comprehension

2 D Kaalaman/Knowledge

3 D Paglalapat/Application

4 A Pag-unawa/Comprehension

5 D Pagtataya /Evaluation

6 A Paglalapat/Application

7 C Pagsusuri/Analysis

8 C Pagtataya /Evaluation

9 C Pag-unawa/Comprehension

10 C Pagsusuri/Analysis
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa


Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National
Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,
Guimaras Province, May 6, 2019.

Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon


ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and
Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September
26, 2017.

You might also like