You are on page 1of 26

9

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 1 at 2 -
Modyul 5
Karapatan at Tungkulin

Mula sa Gabay Pangkurikulum ng EsP

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan, Linggo 1 at 2 - Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V
Mga Bumuo ng Modyul
Manunulat: Jessa Ann M. Gaite
Mga Tagasuri: Judith V. Esmillaren, Airlene B. Lagas, MAPM at
Ernida A. Lucagbo, MAEd
Editor: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MED, MT I
Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MED, MT I at
Ernida A. Lucagbo, MAEd
Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief


Amelita M. Laforteza, Division EsP Coordinator
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
9
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 1 at 2 -
Modyul 5
Karapatan at Tungkulin

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP


Junior High School sa Dibisyon ng Misamis Occidental. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna
at mungkahi sa deped_misocc@yahoo.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya …………………………..........….................. i


Nilalaman ng Modyul …………………………..........….................. i
Pangkalahatang Panuto ………………………..........….................. ii
Mga Icon na Ginagamit sa Modyul …………………………..........…............ iii
Alamin …………………………..........….................. 1
Subukin …………………………..........….................. 2
Balikan …………………………..........….................. 3
Tuklasin …………………………..........….................. 4
Linangin …………………………..........….................. 5
Suriin ...………………………..........….................. 6
Pagyamanin …………………………..........….................. 10
Isaisip …………………………..........….................. 11
Isagawa …………………………..........….................. 12
Buod …………………………..........….................. 13
Tayahin …………………………..........….................. 13
Karagdagang Gawain ..................................................................... 15
Susi sa Pagwawasto …………………………..........….................. 16
Sanggunian …………………………..........….................. 16
Pangkalahatang Ideya
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa
lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay
na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.
(Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa
mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng
kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Bloom’s
Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang
mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa
nagdaang modyul at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin
ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay
sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman
(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na
Kasanayang Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman
(Knowledge) sa Bloom’s Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa


Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga
kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa
pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon
(Evaluation) sa Bloom’s Taxonomy.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga


kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika
at Career Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng
bahaging ito ang ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na
nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa
Bloom’s Taxonomy. Gabay ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa
Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-


unawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga
sitwasiyon ng buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na
Kasanayang Pampagkatuto (PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat
(Application) at Paglikha (Creating) sa Bloom’s Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.

i
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga
aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan
nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin,
sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:
1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na
tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa
pag-aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa


mga tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa bahaging
Suriin. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi
ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang


iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng
mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga


awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.


Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2.

ii
Mga Icon na Ginagamit sa Modyul
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na
Alamin dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin
kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong
tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan
ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong
Balikan
natutuhan sa nagdaang aralin na may koneksiyon sa
tatalakaying bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan
Tuklasin ng iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang
malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


Pagyamanin natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.
Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong
Isaisip mahahalagang natutuhan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


Isagawa mailapat ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga
pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
Tayahin
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Karagdagang
kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

iii
This page is intentionally blank
Modyul

5 Karapatan at Tungkulin

Alamin

“With great power comes great


responsibility.” Anong kapangyarihan ang
tinutukoy sa pahayag na ito ni Stan Lee, ang
manunulat ng komiks na Spiderman at ni
Francois-Marie Arouet, mas kilalang Voltaire,
noong ika-19 na siglo? Anong pananagutan
ang tinutukoy sa pahayag? Saan nakaankla
ang kapangyarihang ito?
Sa modyul na ito, pag-iisipan mo ang
karapatan at kaakibat nitong tungkulin.
Mahalagang maunawaan mo ito upang makilala
mo sa makabuuang paraan ang tungkulin ng
tao sa lipunan at ang epekto ng pagtupad o hindi pagtupad nito sa pagbuo ng
kaniyang pagkatao.
Gabay ang isang babasahin at mga gawain, inaasahang masasagot mo sa
modyul na ito ang mga Mahalagang Tanong na: Ano ang dapat gawin ng tao
upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan? Bakit moral na
gawain ang pagtupad ng tungkulin? Ano-ano ang dalawang obligasyon na
kaakibat ng karapatan ng isang tao?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
5.1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
5.2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,
paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
5.3. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kaniyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang
kaniyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao
5.4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 79.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa
kuwaderno.
1. Ano ang tinutukoy na kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan
at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay?
A. Tungkulin B. Karapatan C. Karunungan D. Dignidad
2. Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na
Spiderman) na, “With great power comes great responsibility”?
A. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral.
B. Mas mabigat ang gawain ng taong marami ang tungkulin.
C. Kasiya-siya ang pagkakaroon ng kapangyarihan.
D. Makapangyarihan ang taong may tungkulin.
3. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na
mapangalagaan ang kaniyang sarili?
A. Si Ed na magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral
B. Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya
palagi
C. Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa
paligsahan
D. Si Jean na mapili sa kaniyang mga posts sa social media upang maingatan
ang kaniyang pagkatao
4. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang
isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
A. Nakasalalay ito sa kalayaan ng isip.
B. Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral.
C. Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao.
D. Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito
tinututupad.
5. “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Tungkulin nating igalang ang karapatan ng kapuwa upang makatulong sa
kanila.
B. Tungkulin nating pangalagaan ang ating karapatan upang igalang tayo ng
kapuwa.
C. Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa ating ninanais dahil tayo
ay may karapatan at dignidad bilang tao.
D. Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating
obligasyong gawin o hindi gawin ang isang bagay ayon sa Likas na Batas
Moral.
6. Si Mang Danilo ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang
mga patakaran ng kanilang pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang
maghanapbuhay?
A. Oo, dahil mawalan ng ikabubuhay ang kaniyang pamilya
B. Oo, dahil karapatan niyang magpahayag ng kaniyang sarili sa kaniyang
trabaho
C. Hindi, dahil may tungkulin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin ng
kanilang pagawaan

2
D. Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at napahihirapan niya ang kaniyang
mga kasamahan sa trabaho
6. Ayon sa batas, maaari ng makapag-asawa ang edad Labingwalo pataas.
Labingwalong taong gulang na si Jade at nais na niyang mag-asawa kahit nag-
aaral pa. Subalit hindi siya pinapayagan ng kaniyang mga magulang. Ano ang
malalim na dahilan ng mga magulang niya?
A. Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad sa buhay may asawa at
nararapat na mahubog muna niya sa sarili ang mapanagutang pagpapasiya.
B. May obligasyon pa siyang mapaaral ang mga kapatid at maipaayos ang
kanilang bahay.
C. Hindi pa niya naaabot ang kaniyang pangarap sa buhay dahil nag-aaral pa
siya.
D. Ayaw ng kaniyang mga magulang sa magpapangasawa niya.
8. Bakit kailangan pang kumuha ng passport o visa bago makapunta sa ibang bansa
gayong may karapatan naman tayong makapunta sa ibang lugar?
A. Dahil dapat may proteksiyon ang manlalakbay at ang bansang pupuntahan
B. Dahil kailangan ang listahan sa mga taong umaalis at papasok sa isang bansa
C. Dahil nararapat magbayad ng buwis ang mga taong nais maglakbay sa ibang
bansa
D. Dahil dapat malaman ng pamahalaan kung saan-saang mga bansa ka
pumupunta

9. Si Omar ay may balak magtinda sa kantina ng paaralan. Ano ang mas mabuting
itinda niya?
A. Softdrinks para malaki ang kita
B. Kendi, junk food at pandesal para sa miryenda
C. Mga ulam na gulay at prutas para sa tanghalian
D. Mga palamuti gaya ng hikaw, stickers at iba pa
10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na kabuluhan sa pagtupad ng
tungkulin maliban sa:
A. Nag-aaral si Miguel nang mabuti at nakikinig sa talakayan upang matuto.
B. Ginagawa ni Arnel ang gawaing bahay upang makapagpahinga si inay.
C. Inaayos ni Yuri ang sirang gripo ng tubig upang hindi maakasaya ito.
D. Naglilinis si Hannah sa paaralan upang purihin ng kaniyang guro.

Balikan
Sa Unang Markahan, natutuhan mo ang mahalagang papel mo sa lipunang
iyong ginagalawan at mga pagpapahalagang kailangan mong hubugin sa iyong sarili
tungo sa kabutihang panlahat. Sa modyul na ito, gagabayan ka na mauunawaan mo
ang iyong mga karapatan at tungkulin upang magiging mapanagutan ka sa iyong
mga kilos sa bawat yugto ng iyong pagkatao.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mga Mahalagang
Tanong na: Ano ang dapat gawin ng tao upang magkaroon ng tunay na
kabuluhan ang karapatan? Bakit moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin?
Ano-ano ang dalawang obligasyon na kaakibat ng karapatan ng isang tao?

3
Tuklasin

Gawain 1
Panuto: Bilang isang panlipunang nilalang, bahagi sa buhay ng tao ang pagkakaroon
ng karapatan at tungkulin. Ano-ano kaya ang mga karapatan at tungkuling
ito ng tao?
1. Isulat ang naiisip mo na mga karapatan at tungkulin ng isang tao ayon sa mga
aspektong hinihingi sa talahanayan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Aspekto Mga karapatan ng tao Mga tungkulin ng tao
Sa Pamilya Hal.: Mahalin at alagaanHal.: Tumulong sa gawaing
1. bahay
1.
2.
2.
3.
3.
Sa Paaralan Hal.: Magtanong sa guro Hal.: Sundin ang alituntunin
kung may hindi ng paaralan
naiintindihan 1.
1. 2.
2. 3.
3.
Sa Baranggay/ Hal.: Mamuhay nang Hal.: Makipagtulungan sa
Pamayanan mapayapa mga ka-baranggay.
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Sa Bansa/Lipunan Hal.: Bumuto tuwing Hal.: Pumili ng karapat-dapat
halalan na mamuno
1. 1.
2. 2.
3. 3.
Sa Espirituwalidad Hal.: Sumamba Hal.: Humingi ng gabay sa
Panginoon at
manalangin
1. 1.
2. 2.
3. 3.

2. Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.


a. Ano ang magkatuwang at magkaugnay na kapangyarihan at obligasyon ng
tao na mahalaga sa pagpananatili ng kaniyang maayos na buhay-
pamayanan?
b. Batay sa iyong mga sagot sa talahanayan, ano ang karapatan para sa iyo?
Ano naman ang tungkulin?
c. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatan at
tungkulin bilang tao? Patunayan.

4
Linangin
Gawain 2
Panuto:
1. Punan ang bawat kahon ng angkop na mga paglabag sa karapatang pantao.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sa Paaralan
Hal.: Pambubulas
sa kamag-
aral
1.
2.
Mga 3.
Paglabag sa
Karapatang
Pantao Sa Lipunan/Bansa
Sa Baranggay/
Pamayanan Hal.: Pagbili ng boto
Hal.: Pag-aaway ng ng mga
pamilya na mamamayan.
nakabubulahaw sa
1.
mga kapitbahay
2.
1.
2. 3.
3.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:


a. Ano ang nangyayari sa mga karapatang pantao sa kasalukuyan?
b. Ano ang nararamdaman mo sa mga nangyayaring ito sa buhay ng tao?
c. Bakit may mga paglabag sa karapatan ng tao? Ipaliwanag.
d. Ano ang nakita mong epekto ng mga paglabag na ito sa buhay ng tao?
Patunayan.
e. Ano ang reyalisasiyon mo matapos suriin ang mga nangyayaring paglabag sa
karapatang pantao? Ipaliwanag.
f. Sa palagay mo, may maitutulong ka ba upang maiwasan ang mga paglabag
sa karapatang pantao? Kung wala, bakit? Kung mayroon, paano?

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Gabay sa Pagtuturo (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 48-51.

5
Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa Pagyamanin.
Karapatan at Tungkulin
Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita
ito? Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan?
Napag-aralan mo sa Baitang 7 na may pantay na karapatan ang lahat ng tao.
Natutuhan mo rin na ang batayan ng pagiging pantay niya sa kaniyang kapuwa ay
ang taglay niyang dignidad. Nag-uugat ang dignidad na ito sa kaniyang kakayahang
mag-isip at makapili ng mabuti at pagiging bukod-tangi. Ano naman ang batayan ng
pagiging pantay ng karapatan ng lahat ng tao? Ano ba ang karapatan?
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral
Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan,
pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado
sa buhay. Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na
ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa
buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na
igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng
pagsisisi.
Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao
lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang
ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang mga tungkulin.
Nakabatay ang mga karapatan sa Likas na Batas Moral na tatalakayin sa
susunod na modyul. Ito ang batayan ng mga karapatan na itinakda ng isang lipunan
o pamahalaan. Ito ang batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao na
igalang ang mga karapatan ng isang tao.
Mga Uri ng Karapatan
Kailangan ang mga karapatan sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
May anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inelienable) ayon kay Santo Tomas de
Aquino (Quito, 1989). Ang mga ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng mga
ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at maghanapbuhay.
1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil
kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong
mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
Halimbawa, sa panahon ng taggutom, kalamidad o gera, kailangang bigyan ng
pagkain ng may-ari ng grocery o tindahan sa palengke ang taong nagugutom.
Ipinakita dito na nalilimitahan ng karapatan sa buhay ang karapatan sa
pribadong ari-arian. Kapag hindi nakatugon sa pangangailangang ito ang may-
ari ng grocery o tindahan, magkakaroon siya ng bigat ng konsensiya.

6
Halimbawa nito ang karapatan ng fetus na ipinanganak, kaya ipinagbabawal
ang sapilitang aborsyon. Binigyang-diin ito ni Papa Juan XXIII sa kaniyang
pahayag:
Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng
karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay
labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa
buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa
lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may
mataas na antas na determinasyon (Pacem in Terris).

Ang paggalang sa dignidad ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga ng


bawat buhay, kasama ng mga taong nakapatay sa kanilang kapuwa.
2. Karapatan sa pribadong ari-arian. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil
kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako,
magiging isang pang-aabuso ang karapatang ito kung naaapi o naaagrabiyado
ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.

3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa


pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na kailangang
humingi ang slave ng pahintulot sa kaniyang amo upang makapag-asawa.
Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa, kailangan ng kabataang
nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang mapangalagaan
siya sa anomang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag-aasawa ang mga may
nakahahawang sakit o may sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang karapatang
magpakasal.

4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang karapatang


lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o
komportableng buhay o ligtas sa anomang panganib, tulad ng paglikas ng mga
taga-Syria upang takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic
State. Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa sa mga taong pinarurusahan
o binibilanggo nang walang katarungan.

5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan ang


bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad
ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi
maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang partikular na
relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan.

6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o


pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga
mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. May
karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang
oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay
batay sa kanilang pangangailangan.

Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na “Kapayapaan


sa Katotohanan” Pacem in Terris:
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang
pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda)

7
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito

Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in Terris


ay masasalamin sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
(Universal Declaration of Human Rights). Ibinatay ang mga karapatang kinilala ng
Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao, patas at hindi maaalis na
karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan,
katarungan, at kapayapaan sa buong mundo. Saan nagsisimula ang mga karapatang
pantao? Narito ang sagot ni Eleanor Roosevelt, pinuno ng pangkat na bumuo ng
Deklarasyon:
Ang mga karapatang pantao ay nagsisimula sa mundo ng indibidwal na tao –
sa maliit na pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang pinapasukan niya, sa
factory, sakahan, o opisina kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang mga lugar kung
saan dapat asahan ng bawat babae, lalaki, o bata ang pantay na katarungan,
oportunidad, at dignidad nang walang diskriminasyon. Kung walang kabuluhan ang
mga karapatang ito sa mga lugar na iyon, wala ring kahulugan ang mga ito sa
anomang bahagi ng mundo. Kung walang nagkakaisang kilos ang mga mamamayan
upang itaguyod ang mga karapatang ito sa mga lugar na nabanggit, mahihirapan
tayong matamasa ang kaunlaran sa buong mundo.
Tungkulin bilang Obligasyong Moral
Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ano naman ang tungkulin? Ito
ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain.
Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao.
Kaya tulad ng karapatan, ang subheto ng tungkulin ay tao lamang. Tulad ng
karapatan, batay rin sa Likas na Batas Moral ang mga tungkulin. Kaya kailangang
tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti. Kasama ito sa
pagiging moral ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral
ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan (Dy, 2013). Samakatuwid, ang
pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan
na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.
Binigyang-diin ito ni Max Scheler na kailangang hubugin ang sarili tungo sa
pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang
kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap
isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong
panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas. Halimbawa,
kailangan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng Parent Teachers and Community
Association at baranggay upang maisagawa ang medical mission ng mga
boluntaryong magulang. Tulad ng binanggit sa Modyul 2, kailangan ang
pananagutan ng indibidwal na kasapi ng lipunan na maging mabuting kasapi sa
pamamagitan ng pakikilahok at pakikiisa sa mahalagang gawain. Kung hindi, hindi
rin matutupad ng pamahalaan ang mga obligasyon nito sa mga mamamayan.

8
Mga Tungkulin
May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin
na tutugon sa angkop na karapatan:
1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang
kaniyang kalusugan at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at
kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang talento at kakayahan – sa
aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng pag-aaral nang
mabuti) at moral. Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o
pumunta sa ospital kung kailangan. Kailangang iwasan ang mga isport na
mapanganib, na maaaring humantong sa kamatayan tulad ng car racing,
wrestling, o boxing.

Mahalaga ang patuloy na pag-aaral o pagkuha ng kurso na makatutulong


upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay. Kailangan din
ang paglinang ng mga birtud sa pamamagitan ng pauli-ulit o palagiang
pagsasagawa ng mga bagay na makatutulong sa paglampas sa mga pansariling
kahinaan.
2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian, may tungkulin ang tao na pangalagaan at
palaguin ang anomang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa
at paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa nito ang pagtulong sa mga
nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, o pera,
mga bagay na tunay nilang kailangan.
3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na tungkulin na suportahan ang
pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito.
Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa
eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya, at
pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya. Ginagarantiya ng
pamahalaan at estado ang karapatang ito sa pamamagitan ng batas na nag-
iingat sa karapatan ng asawang babae at mga anak sa abusadong asawang
lalaki.
4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may tungkulin na igalang ang mga
pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang
limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang
paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.

5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, may tungkulin na


igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang mga
relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito – ang pagsamba sa isang nilalang
na higit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkuling ito ang paggalang sa
paraan ng pag-alaala sa mga patay at ninuno.
6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat isa na
magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anomang
gawain.
Mahalaga ang katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho – ibig
sabihin, nakapokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras nang walang
ginagawa. Kasama sa karapatang ito ang karapatang mag-alsa (strike) kung
may inhustisya sa pagsusuweldo at ang pagiging bukas ng mga empleyado sa
diyalogo sa kompanya o arbitration.

9
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa
buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay
nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang
makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalaki at babae ay mamumuhay
nang mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan
kung bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkahalatang Pagpapahayag ng mga
Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human Responsibilities) noong 1997.

May 19 na artikulo (articles) ito. Narito ang unang apat na Batayang Prinsipyo
ng Sangkatauhan (Fundamental Principles for Humanity).
Artikulo 1. Ang bawat tao, anoman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon sa
mga isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin na
pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao.
Artikulo 2. Walang tao ang dapat sumusuporta sa anomang uri ng hindi makataong
asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang
dignidad at tiwala sa sarili ng kapuwa.
Artikulo 3. Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisya ang dapat
mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang pamantayang
moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama
sa lahat ng bagay.
Artikulo 4. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin
ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan,
at relihiyon nang may pagkakaisa: huwag mong gawin sa iba ang anomang ayaw
mong gawin nila sa iyo.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na
igalang ito at ang kaniyang obligasyon na tuparin ang kaniyang tungkulin. Mahalaga
sa bawat isa, lalo na sa yugtong ito ng iyong kabataan, ang pagsasaloob ng
mensaheng ito. Matutugunan mo ang tawag sa pagbuo ng iyong pagkatao sa lipunan
kung igagalang mo at ng kalipunan ang mga karapatan ng iyong kapuwa at kung
tutuparin mo nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin. Masalimuot man ang
pagtupad ng iba’t ibang tungkulin sa bawat papel na ginagampanan mo lalo na sa
lipunan, mahalagang patuloy na tayahin ang sarili kung napaunlad mo ang mga
kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad ng iyong mga tungkulin at
paglilingkod sa lipunan.

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.

Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga
mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
1. Ano ang karapatan? Bakit ito kapangyarihang moral?
2. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag.
3. Bakit kailangang ipagtanggol nang may mataas na determinasyon ang karapatan
sa buhay, kung ihahambing sa ibang karapatang pantao, ayon kay Papa Juan
XXIII?

10
4. Ano ang tungkulin? Bakit ito obligasyong moral?
5. Bakit kailangang tuparin ng bawat indibidwal ang kaniyang tungkulin na hubugin
ang sarili tungo sa pagpapakatao ayon kay Scheler?
6. Ano ang batayan sa pagbuo ng Pangkalahatang Deklarasyon ng mga Tungkulin
ng Tao?
7. Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad ng tungkulin? Ipaliwanag gamit ang
batayang moral at isang halimbawa.
Gawain 3b: Pagninilay

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa
journal.
Ano-ano ang Ano ang aking Ano-anong hakbang ang
konsepto at pagkaunawa at aking gagawin upang
kaalamang pumukaw reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
sa akin? konsepto at kaalamang unawa at reyalisasyong ito
ito? sa aking buhay?
1. Tungkol sa
karapatan
2. Tungkol sa
tungkulin

3. Tungkol sa
paglabag sa karapatan
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 85-93.

Isaisip

Gawain 4a: Paghinuha ng Batayang Konsepto

Panuto: Anong konsepto ang naunawaan mo tungkol sa Karapatan at Tungkulin?


1. Basahin ang tatlong Mahalagang Tanong:
a. Ano ang dapat gawin ng tao upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang
karapatan?
b. Bakit moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin?
c. Ano-ano ang dalawang obligasyon na kaakibat ng karapatan ng isang tao?
2. Pagkatapos, punan ang mga patlang ng mga bilang sa ibaba upang isa-isa mong
masagot ang mga Mahalagang Tanong. Piliin ang angkop na salita mula sa
kahon.
gagampanan karapatan lahat nagpananatili
pagkakapantay-pantay pagtupad kaniyang kapuwa

a. Ang ________ ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung ____________


ng tao ang kaniyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kaniyang
katwiran, ang _____________-________ ng dignidad ng _______ ng tao.
b. Moral na gawain ang __________ ng tungkulin dahil ang moral ang siyang
__________ ng ating buhay-pamayanan.
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang ________ na
igalang ito at ang kaniyang obligasyon na tuparin ang _________ tungkulin.

11
3. Mula sa mga sagot sa tatlong Mahalagang Tanong, bumuo ng isang buod para sa
Batayang Konsepto. Isaalang-alang ang ideya ng tatlong sagot sa pabuo ng buod.
Isulat ito sa kuwaderno.
Batayang Konsepto:

Gawain 4b: Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto tungkol sa Karapatan at Tungkulin sa
aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto tungkol
sa Karapatan at Tungkulin?

Isagawa

Gawain 5: Pagganap

Panuto: Paano ka makatutulong upang maituwid ang nasaksihan, naobserbahan,


napanood, o nabasa mong mga paglabag sa mga karapatang pantao sa
pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa?
1. Magtala ng mga nasaksihan, naobserbahan, napanood, o nabasa na mga
paglabag sa tatlo mula sa walong karapatan ayon sa dokumentong “Kapayapaan
sa Katotohanan” (Pacem in Terris).
2. Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol dito kung kinakailangan gamit ang
telebisyon, radyo, internet, o magasin.
3. Gamitin na gabay ang tsart sa ibaba.

Mga karapatan Paglabag ng bawat Kilos ng pagtuwid sa


karapatan paglabag
Halimbawa: Halimbawa: Aborsiyon Halimbawa: Mag-aaral
Karapatang mabuhay at muna at hindi mag-asawa
kalayaan sa nang maaga, sundin ang
pangkatawang panganib payo ng magulang,
pagdasalan at maging
mapanagutan sa bawat
pagpapasiyang gagawin.
1.
2.

3.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:


1. Natutukoy ang karapatang pantao na nilabag
2. Tiyak na paglabag ang isinulat.
3. Angkop ang gagawing kilos upang ituwid ang paglabag ng karapatan
4. Makatotohanan at tiyak ang nilalaman ng ginawang tsart.

12
Buod
Ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan
ng tao ang kaniyang tungkulin na kilalanin at unawain ang pagkakapantay-pantay ng
dignidad ng lahat ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil
nagpananatili ito ng ating buhay-pamayanan. Kaakibat sa karapatan ng isang tao
ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito at ang kaniyang obligasyon na
tuparin ang kaniyang tungkulin.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang


pinakatamang sagot.
1. Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na
Spiderman) na, “With great power comes great responsibility”?
A. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral.
B. Mas mabigat ang gawain ng taong marami ang tungkulin.
C. Kasiya-siya ang pagkakaroon ng kapangyarihan.
D. Makapangyarihan ang taong may tungkulin.
2. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang
isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
A. Nakasalalay ito sa kalayaan ng isip.
B. Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral.
C. Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao.
D. Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito
tinututupad.
3. Si Mang Danilo ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang
mga patakaran ng kanilang pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang
maghanapbuhay?
A. Oo, dahil mawalan ng ikabubuhay ang kaniyang pamilya
B. Oo, dahil karapatan niyang magpahayag ng kaniyang sarili sa kaniyang
trabaho
C. Hindi, dahil may tungkulin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin ng
kanilang pagawaan
D. Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at napahihirapan niya ang kaniyang
mga kasamahan sa trabaho
4. Bakit kailangan pang kumuha ng passport o visa bago makapunta sa ibang bansa
gayong may karapatan naman tayong makapunta sa ibang lugar?
A. Dahil dapat may proteksiyon ang manlalakbay at ang bansang pupuntahan
B. Dahil kailangan ang listahan sa mga taong umaalis at papasok sa isang bansa
C. Dahil nararapat magbayad ng buwis ang mga taong nais maglakbay sa ibang
bansa
D. Dahil dapat malaman ng pamahalaan kung saan-saang mga bansa ka
pumupunta

13
5. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kabuluhan sa pagtupad ng tungkulin maliban
sa:
A. Nag-aaral si Miguel nang mabuti at nakikinig sa talakayan upang matuto.
B. Ginagawa ni Arnel ang gawaing bahay upang makapagpahinga si inay.
C. Inaayos ni Yuri ang sirang gripo ng tubig upang hindi maaksaya ito.
D. Naglilinis si Hannah sa paaralan upang purihin ng kaniyang guro.
6. Ano ang tinutukoy ng kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at
angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay?
A. Tungkulin B. Karapatan C. Karunungan D. Dignidad
7. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na mapangalagaan
ang kaniyang sarili?
A. Si Ed na magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral
B. Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya
palagi
C. Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa
paligsahan
D. Si Jean na mapili sa kaniyang mga posts sa social media upang maingatan
ang kaniyang pagkatao
1.

8. “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Tungkulin nating igalang ang karapatan ng kapuwa upang makatulong sa
kanila.
B. Tungkulin nating pangalagaan ang ating karapatan upang igalang tayo ng
kapuwa.
C. Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa ating ninanais dahil tayo
ay may karapatan at dignidad bilang tao.
D. Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating
obligasyong gawin o hindi gawin ang isang bagay ayon sa Likas na Batas
Moral.
9. Ayon sa batas, maaari ng makapag-asawa ang edad Labingwalo pataas.
Labingwalong taong gulang na si Jade at nais na niyang mag-asawa kahit nag-
aaral pa. Subalit hindi siya pinapayagan ng kaniyang mga magulang. Ano ang
malalim na dahilan ng mga magulang niya?
A. Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad sa buhay may asawa at
nararapat na mahubog muna niya sa sarili ang mapanagutang pagpapasiya.
B. May obligasyon pa siyang mapaaral ang mga kapatid at maipaayos ang
kanilang bahay.
C. Hindi pa niya naaabot ang kaniyang pangarap sa buhay dahil nag-aaral pa
siya.
D. Ayaw ng kaniyang mga magulang sa magpapangasawa niya.
10. Si Omar ay balak magtinda sa kantina ng paaralan. Ano ang mas mabuting itinda
niya?
A. Softdrinks para malaki ang kita
B. Kendi, junk food at pandesal para sa miryenda
C. Mga ulam na gulay at prutas para sa tanghalian
D. Mga palamuti gaya ng hikaw, stickers at iba pa

14
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto:
1. Balikan ang mga sagot mo sa Gawain ng bahaging Linangin.
2. Pagkatapos, manahimik ng ilang minuto upang suriin ang iyong sarili sa mga
paglabag sa karapatang pantao (maliit man o malaki) na nagagawa mo sa iyong
pamilya, pamayananat paaralan.
3. Gumawa ng plano ng pagsasanay ng mga angkop na kilos sa loob ng isang
buwan upang maituwid ang nagagawa mong paglabag.
4. Tandaan na ang pag-ulit-ulit mo sa mga angkop na kilos na ito ay huhubog at
magbubunga ng birtud sa iyo na magpapakita ng iyong pagpapahalaga sa mga
karapatang pantao.
5. Gamitin mong gabay ang pormat ng plano sa ibaba

Mga sasanayin kong kilos sa pagtuwid


ng mga nagagawa kong paglabag sa karapatang pantao
Panahong Ilalaan: Araw-araw sa loob ng isang buwan
1. Sa aming pamilya
Halimbawa:
1. Itutuwid kong paglabag: (Hal.: Paggamit ng isang bagay na pagmamay-ari ng
aking kapatid na hindi nagpapaalam)
2. Angkop na kilos na sasanayin ko: (Hal.: Laging magpapaalam sa may-ari ng
bagay na nais kong gamitin)
Ikaw naman:
1. Itutuwid kong paglabag:

2. Angkop na kilos na sasanayin ko:

B. Sa aming barangay/pamayanan:
1. Itutuwid kong paglabag:

2. Angkop na kilos na sasanayin ko:

C. Sa aming paaralan:
1. Itutuwid kong paglabag:

2. Angkop na kilos na sasanayin ko:

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:


1. Natutukoy ang angkop na sasanaying kilos sa pagtuwid ng bawat paglabag sa
karapatang pantao
2. Tiyak ang sasanaying kilos
3. Makatotohanan ang ginawang plano ng pagsasanay ng kilos
4. May mga patunay sa isinagawang pagsasanay pagkatapos ng isang buwan (Hal.:
larawan, lagda ng nakasaksi, liham ng magulang tungkol dito, sariling pagninilay
at iba pa)

15
Susi sa Pagwawasto
Subukin

Pag-susuri/Analysis D 10
Paglalapat/Application C 9
Pag-unawa/Comprehension A 8
Pagtataya/Evaluation A 7
Pagsusuri/Analysis C 6
Pag-unawa/Comprehension D 5
Pag-susuri/Analysis A 4
Pagtataya/Evaluation D 3
Pag-unawa/Comprehension A 2
Kaalaman/Kowledge B 1
Kasanayan/Skill Sagot Bilang ng Aytem

Tayahin

Paglalapat/Application C 10
Pagtataya/Evaluation A 9
Pag-unawa/Comprehension D 8
Pagtataya/Evaluation D 7
Kaalaman/Kowledge B 6
Pag-susuri/Analysis D 5
Pag-unawa/Comprehension A 4
Pagsusuri/Analysis C 3
Pag-susuri/Analysis A 2
Pag-unawa/Comprehension A 1
Kasanayan/Skill Sagot Bilang ng Aytem

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Gabay sa
Pagtuturo. Pasig City, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul para sa
Mag-aaral. Unang ed. Pasig City, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon,
2015.
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa
Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City, Philippines: Kagawaran ng
Edukasyon, 2016.
Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the
National Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa
Pagpapakatao, Guimaras Province, May 6, 2019.
Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment,
Revision and Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum,
Tagaytay City, September 26, 2017.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ngEdukasyon – Rehiyon 10


Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region 10@deped.gov.ph

17

You might also like