You are on page 1of 17

Government Property

NOT FOR SALE

Edukasyon sa
Pagpapakatao
5
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Mayamang Kultura, Kabilang Ako

Department of Education ● Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Module 3: Mayamang Kultura, Kabilang Ako
First Edition, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang
8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng
Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module


Author: Edmun Tobit C. Amarilla
Reviewers: Sesame C. Rubio, EHT-3
Fernando D. Sumundong, PSDS
Juliet M. Tagapan, EPS-EsP

Illustrator and Layout Artist: Julie B. Bustamante, Teacher-1


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Juliet M. Tagapan, EPS-EsP
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Fernando D. Sumundong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3

Aralin 11

Mayamang Kultura,
Kabilang Ako
Leksyon 3 - Ikatlong Linggo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teacher, school head, public schools district supervisor, and education program
supervisors of the Department of education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

Talaan ng Nilalaman

Pangkalahatang Ideya…………………………...…………………………………………i
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i
Pangkalahatang Panuto…………………………………………………………………….ii
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………..iii

Aralin 11: Mayamang Kultura, Kabilang Ako

Leksyon 3:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng mabuting
pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan at paggalang sa mga natatanging`
kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan.
.

Alamin……………………………………………………………………..1

Subukin…………………………………………………………………….2
Balikan……………………………………………….……………….…....2
Tuklasin…………………………………………….……………………...3
Suriin……………………………………………………………………....5
Pagyamanin……………………………………………...…………….…. 5
Isaisip…………………………………………….…….…………….……6
Isagawa……………………………………………………..…………..…7
Tayahin…………………………………………………………..………..7
Karagdagang Gawain……………………………………………………..8

Buod……………………………………………………………………………..……..…8
Susi ng Pagwawasto…………………………………………………………….....…...…9
Sanggunian………………………………………………………………...……….……10

Modyul 3

Mayamang Kultura, Kabilang Ako


Pangkalahatang Ideya
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng
1. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan
2. paggalang sa mga natatanging` kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at dayuhang
kakaiba sa kinagisnan.
EsP5P-IIc-24
Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-


aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang pagtataya ng
kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim na antas ng Blooms Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging
Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul sa
kasalukuyang modyul sa bahaging balikan

Ang bahaging Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aral tungkol sa
paksa na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling
kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (EKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Blooms
Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang


Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral
na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (EKP2), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri
(Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Blooms Taxonony.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at


malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikatlong Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (EKP3), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa
(Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Blooms Taxonony. Gabay ito ng mga mag-aaral
sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman kasanayan, at pag-unawa ng mga


mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng buhay.

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 5 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang
maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo ng tapat ang
sumusuod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar


na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.
2. Gumamit lamang ng gadget (hal. Cellphone, tablet, laptop, computer) kung
kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan
munang gumamit o pansamantalang itabi ito upng maituon ang iyong buong
atensiyon sa pag-aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa


mga tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa
Pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul bago tumuloy sa ibang bahagi ng


modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang


iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang
layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral
sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan o sa


mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

Mga Icon ng Module na ito


Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin
Alamin o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin
masususuri kung ano ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamani iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.

Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang


ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang iyong
Mga Karagdagang kaalaman o kasanayan sa aralin na
Gawain natutunan. Ito rin ay nagpapanatili ng mga
natutunan na konsepto.

Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang


Sagot sa Key mga aktibidad at pagtatasa.

Leksyon

3 Mayamang Kultura, Kabilang Ako

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa Pilipinong mag-aaral sa Baitang 5. Ito ay upang
matulungan kang maipakita sa mga dayuhan ng ating bansa ang wastong paggalang na taglay ng
isang mabuting ugali nating mga Pilipino. Itinituring natin sila na kahalintulad din natin sa
maraming bagay tulad ng kilos, gawi, paniniwala, opinyon, at iba pa.

Iyong matutunan kung paano ang tamang pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan.
Pagbibigay galang sa mga natatanging kaugalian o paniniwala ng mga katutubo at dayuhang
kakaiba sa ating kinagisnan ay iyong maipapakita o mailalarawan sa modyul na ito.

Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magagamit ito sa iba't ibang mga
sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inaayos upang lubusang maunawaan at
mapabilis ang pag-aaral.

Ang module na ito ay para sa

Aralin 11 – Mayamang Kultura, Kabilang Ako


Ikalawang Markahan-Ikatlong Linggo

Matapos mong gamitin sa pag-aaral ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Leksyon 3
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng
1. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan
2. paggalang sa mga natatanging` kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at dayuhang
kakaiba sa kinagisnan.
EsP5P-IIc-24

Subukin

Panuto: Iayos ang mga letra upang makabuo ng tamang salita.

1. KAAMERINO
2. BOMAON
3. TOIGOR
4. NENABUS
5. KIMANIG
6. GOAHINON
7. TAUGUS
8. TLAAANGID
9. KONREAO
10. GITHAWANNO

Balikan
Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba gamit ang iyong natutunan sa naunang
modyul. Isulat ang kaibahan sa una at huling bahagi at pagkatulad sa gitnang bahagi ng
graphic organizer.

Pakikipagkapwa- Pagkamagalang
tao

Tuklasin

Panuto: Basahin ang seleksyon at sagutin ang mga tanong.

“Paggalang sa mga Katutubo at Dayuhan”

Isang umaga, habang sabay-sabay kumakain ang pamilya Santos ibinalita ni Mang Ador
na magkakaroon sila ng pagtitipon ng mga kasamahan niya sa trabaho. Ang ilan sa mga ito ay
dayuhan. Kaya binilin niya si Aling Maria na maghanda para sa mga ito. Tuwang-tuwa ang
kanyang anak na si Natalia. Nag-isip si Aling Maria ng mga ihahandang mga pagkain para sa
kanilang mga darating na bisita. “Inay, sasama po ako bukas sa palengke” wika ni Natalia. “Hay
naku anak, ‘wag na, alam mo naman napakasikip sa palengke ng Cabanatuan dahil maraming
tao”, sagot ni Aling Maria.
Kinabukasan maagang naghanda si Aling Maria para mamalengke, hindi rin napigil ni
Aling Maria si Natalia sa pagsama. Habang sila ay papasakay sa pampublikong sasakyan, nagulat
si Natalia sa kaniyang nakita pagkasampa sa dyip “Inay, bakit ganoon po ang kanilang mga suot?
Bakit ganoon po ang kulay ng kanilang mga balat at ngipin? Pinagtatawanan po sila Inay,” wika
ni Natalia. “Anak, ang tawag sa kanila ay mga katutubo, iba talaga silang manamit kumpara sa
atin. Sila ay nagmula sa kung saan-saang lugar. Ang iba ay nanggaling sa Zambales ng pumutok
ang Bulkang Pinatubo. Ang iba ay nanirahan sa Sitio Bakao, Palayan City. Ang iba naman ay
namamalagi sa terminal ng Lungsod ng Cabanatuan. Di ba iyan itinuturo sa inyong paaralan? At
saka anak hindi sila dapat pinagtatawanan, dahil ang paggalang sa kapuwa tao ay mahalaga. Ang
bawat isa sa atin ay may karapatang igalang at gumalang. Nakaugalian na nila kung paano sila
manamit at kumilos, dahil ‘yun ay kanilang tradisyon na nakagisnan na nila, kaya huwag mong
tularan ang mga tumatawa sa kanila, paliwanag ni Aling Maria”. “Opo, inay, pasensya na po
kayo, sagot ni Natalia”.
Nakarating na sila sa palengke, doon din bumaba ang mga katutubong kanilang
nakasakay. Pagkatapos mamili ni Aling Maria at Natalia, habang papauwi na sila nakita nilang
muli ang mga katutubo na sumasayaw sa freedom park. “Inay, ayun po sila, sumasayaw po. Sabi
ko na nga sa iyo isa yan sa mga tradisyon na nakaugalian na nila. Kaya marapat lang na igalang
natin ito,” wika ni Aling Maria. “Salamat po inay, ngayon ay naiintindihan ko na po na dapat
igalang ang kaugalian ng mga katutubo o dayuhan saan mang lugar dahil ito po ay isa sa kanilang
kaugalian na hindi natin maaaring pakialaman para sa mga bisita. Sasabihin ko rin po ito sa aking
mga kamag-aral,” sabi ni Natalia.
Dumating ang araw ng pagtitipon ng kanyang Tatay Ador. Napakaraming bisita at ilan sa
mga ito ay dayuhan. Napakaraming inihanda ng kanilang pamilya. Gusto nilang maipatikim ang
mga pagkain ng mga Pilipino sa mga dayuhan. At sobra silang natuwa sa pamilya Santos sa
magandang pagtanggap sa kanila. Si Natalia, kahit nahihirapan sa pag-unawa sa mga salita ng
ilang bisita ng kanyang tatay, nagawa pa rin nitong makipaglaro sa mga anak ng mga kasama
nito. Pinakitunguhan niya nang maayos ang mga kalaro, at pinahiram ng kanyang damit.
Masayang masaya si Natalia dahil nalaman pa niya na ang ilan sa kanyang mga kalaro na
dayuhan ay sa kanila magpapalipas ng gabi. Nagulat si Aling Maria at Natalia sa anunsyo ng
isang lalaking bisita dahil ang kanila palang ipinagdiriwang ay ang promosyon sa kumpanyang
pinagtatrabahuhan ng kanyang tatay. Masayang-masaya sila. Kinabukasan, paalis na ang mga
bisitang nagpalipas ng gabi sa kanilang bahay. Nagpasalamat ang mga ito sa maayos na
pagtanggap at pag-aasikaso sa kanila. Sinabi ng mga ito na hind nila makakalimutan ang mainit
na pagtanggap sa kanila. Tuwang-tuwa ang pamilya Santos.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kwento.

1. Sino-sino ang bumubuo ng Pamilya Santos sa kwento? Ibigay ang kani-kanilang mga
pangalan.
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Saan pupunta si Aling Maria at Natalia kinabukasan ng maaga? Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Sino ang nakita at nakasama ni Natalia sa pampublikong sasakyan?
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Kailangan ba nating pagtawanan ang ibang tao kung may kakaiba man sa hitsura at
gawain nila? Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Sino-sino ang bisita ng Pamilya Santos?


_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

6. Para saan ang pagtitipon na kanilang ginawa?


_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

7. Bakit kailangan nating igalang ang ating kapwa tao?


_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
8. Kung ikaw si Natalia, ano ang gagawin mo sa mga bisita mong dayuhan? At ano ang
mararamdaman mo kung ikaw ay makakita ng mga katutubo?
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

9. Mahalaga ba ang paggalang sa mga katutubo at mga dayuhan? Ipaliwanag.


_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
10. Ano ang natutunan ninyong magandang aral sa kwento. Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Suriin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang
sa mga katutubo at dayuhan at ekis (X) kung hindi.
_______1. Ipagwalang bahala ang mga dayuhan at katutubong dumalaw sa inyong tahanan.
_______2. Pakitunguhan nang maayos ang mga katutubong panauhin sa inyong tahanan.
_______3. Pagtawanan ang mga katutubong nakikita sa lansangan.
_______4. Huwag pansinin ang mga kaibigan ng iyong anak na hindi ninyo kauri ang
pagkatao.
______ 5. Igalang ang karapatan ng bawat tao.

Pagyamanin

Ang paggalang ay naipakikita sa pagpaparaya sa ibang tao lalo na sa mabuting


pakikitungo sa kanila bilang mga katutubo at dayuhan. Ang bawat isa sa atin ay dapat may
kaalaman sa paggalang sa kapuwa, kaiba man ang kanilang anyo, gawi, paniniwala at kulturang
kinagisnan. May ilang pagkakataon na maaring mangyari ang mga ito sa atin.

Panuto: Basahin ang pangungusap sa kahon, bilugan ang titik kung ito ay nagpapakita ng
paggalang sa mga dayuhan o katutubo.

a. Maging magiliw tayo sa mga taong c. Maging makasalungat sa opinyon ng


kakaiba sa atin ang kanilang pisikal na iba.
anyo.

b. Igalang natin ang pagpapahayag nila ng d. Maging malugod na tagapanood sa mga


salita ng Diyos. palabas o kultura ng ibang bansa.
Isaisip

Gawain 1:
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ito ng buong husay.

1. Ang iyong ama ang gobernador sa inyong lalawigan. Nakaranas ng hagupit ng bagyo
ang inyong lalawigan, maraming nasalanta, nawalan ng tirahan, at napinsalang mga
pananim. Ang mga donasyon na mula sa iba’t ibang dako ay sa inyo bumabagsak.
Biglang may dumating na mga dayuhang katutubo na naninirahan din sa inyong
lalawigan, humihingi sila ng tulong dahil sa kanilang sinapit. Ano ang gagawin mo?
Bibigyan mo ba sila kahit hindi mo sila kakilala?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Nagdiriwang ng kapistahan sa inyong barangay. Napakaraming namamalimos na mga
Ita at Mangyan upang sila ay may makain. Hindi malinis ang kanilang pangangatawan,
madudumi ang kanilang mga damit at marurungis ang kanilang mga mukha. Ano ang
gagawin mo? Ipagtatabuyan mo ba sila? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto: Piliin ang angkop na mga salita sa kahon upang mabuo ang talata sa ibaba.
Isulat ang sagot sa patlang.

kultura pakikinig dayuhan


paggalang opinyon kakaiba

May ibang paraan kung saan maipakikita natin ang ating _________________ sa mga

_____________________ at sa kanilang ________________. Kabilang na rito ang taos-

pusong __________________ sa kanilang mga sinasabi, paggalang sa kanilang

_________________ at paniniwala

Isagawa

Panuto: Bumuo ng maikling kwento na magpapakita ng paggalang sa mga dayuhan at


katutubo.
Tayahin

Panuto: Isulat ang NP kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at HNP


naman kung hindi.
_______1. Pinagtawanan ni Abel ang nakasalubong niyang pilay habang papasok siya sa
paaralan.
_______2. Madalas tulungan ni Sebastian sa pagtawid ng kalye ang sinumang matandang
nakakasabay nya sa pagtawid.
_______3. Naniniwala si Myra na hindi dapat pakialaman ang gamit ng iba nang hindi
nagpapaalam.
_______4. Madalas makisali sa usapan ng iba si Jessica.
_______5. Iniiwasan ni Tony na mapalapit sa kapitbahay nilang dayuhan dahil ayaw niyang
magsalita ng wika nito.
_______6. Hindi namimili ng aasikasuhing pasyente ang bagong nars sa klinika sa bayan.
_______7. Pinauna ni Jessie ang matanda na kasabay niyang sumakay sa dyip.
_______8. Sinira ni Jason ang ilang gamit na nakita niyang nakadisplay sa museong
nadaanan.
_______9. Hindi pinakikinggan ni Marichu ang opinyon ng kaniyang mga kasama sa
pangkat.
______10. Minamaliit ni Kevin ang nakatunggali nilang mga mag-aaral ng kabilang
paaralan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung
nagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan at kultura, ekis (x) naman kung hindi.

______1. Habang naglalakad, nasalubong ni Aira ang isang dayuhang nagtatanong ng


direksyon. Tinakbuhan niya ito.
______2. Mayroong dayuhang naghahanap sa ama ni Girlie. Pinapasok niya ito at pinaupo.
Dinalhan din niya ito ng inumin.
______3. Dumating ang mga dayuhan na nagbigay ng malaking donasyon sa paaralan nina
Mia. Kaagad nagbigay ang paaralan ng bulaklak para sa mga ito bilang
pasasalamat.
______4. Mayroong restawran ang ama ni Jenny sa Ozamiz. Maraming turista ang
dumarayo sa kanilang restawran mula sa iba’t-ibang bansa. Inabisuhan ng ama ni
Jenny ang kanilang mga tauhan na asikasuhing mabuti ang mga dayuhan upang
hindi magsisi sa pagpunta sa kanilang lugar.
______5. Dumating ang mga investors galing sa Singapore sa kumpanya nina Ginoong
Reyes. Malaking tulong ang mga ito sa pagpapalago ng kanilang kumpanya. Di
nagdalawang isip si Ginoong Reyes na kumuha ng mga kwarto para sa
pagpapahingahan ng kanilang bisita.

Buod
Ang pagkamagalang ay naipapakita sa pagtanggap sa pagkakaiba ng pagkatao,
kaugalian, at paniniwala.
Susi ng Pagwawasto sa Aralin

Subukin Balikan

Tuklasin

Pagyamanin Isagawa

Suriin

Isaisip

Gawain 1

Gawain 2

Tayahin Karagdagang Gawain


Sanggunian

 Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Batayang Aklat 5


Aralin 9- pahina 74-79
May-akda: Zenaida R. Ylarde
Gloria A. Peralta, EdD
 Curriculum Guide

 ELC Grade 5
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

You might also like