You are on page 1of 19

Government Property

NOT FOR SALE

Edukasyon sa 5
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2
Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako

Department of Education ● Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 2: Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module

Author: Lendes Mae Gertrudes G. Abroguena


Reviewers: Ramil G. Cabural, ESP-I
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Juliet M. Tagapan, EPS-EsP

Illustrator and Layout Artist: Julie B. Bustamante, Teacher-1

Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Juliet M. Tagapan, EPS-EsP
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2

Aralin 2

Mapanuring Pag-iisip,
Mayroon Ako
Ikalawang Linggo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teacher, school head, public schools district supervisor, and education program
supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned
by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over
them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Talaan ng Nilalaman

Pangkalahatang Ideya…………………………...…………………………………………i
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i
Pangkalahatang Panuto……………………………………………………………………ii
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………iii

Aralin 2: Mapanuring Pg-iisip, Mayroon Ako

Napapahalagahan ang katotohanan sa Pamamagitan ng Pagsusuri sa mga


Napanood na Programang Pantelebisyon at Nabasa sa Internet.

Alamin……………………………………………………………………..1

Subukin…………………………………………………………………….1
Balikan……………………………………………….……………….…....2
Tuklasin…………………………………………….……………………...3
Suriin……………………………………………………………………....4
Pagyamanin……………………………………………...…………….…. 6
Isaisip…………………………………………….…….…………….……8
Isagawa……………………………………………………..…………..…8
Tayahin…………………………………………………………..………..9
Karagdagang Gawain……………………………………………………..10

Buod……………………………………………………………………………..……..…10
Susi ng Pagwawasto…………………………………………………………….....…...…11
Sanggunian………………………………………………………………...……….…..…11
Modyul 2

Mapanuring Pag-iisip,
Mayroon Ako
Pangkalahatang Ideya

 Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga:


- napanood na Programang Pantelebisyon
- nabasa sa Internet
(EsP 5 PKP- Ia-27)

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga


mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang
pagtataya ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim na antas ng Blooms
Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga
paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga
nagdaang modyul sa kasalukuyang modyul sa bahaging balikan

Ang bahaging Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aral


tungkol sa paksa na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang
mga maling kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Esensiyal
na Kasanayang Pampagkatuto (EKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge)
sa Blooms Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang


Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-
aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Esensiyal na
Kasanayang Pampagkatuto (EKP2), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa
(Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Blooms Taxonony.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at


malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP. Tinutugunan ng bahaging ito
ang ikatlong Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (EKP3), na nakatuon sa pagsukat ng
Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Blooms Taxonony. Gabay ito ng
mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman kasanayan, at pag-unawa ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng buhay.

Pangkalahatang Panuto
i
Paano mo Matututunan?

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin
sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 5 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular.
Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo ng tapat
ang sumusuod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang


lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. Cellphone, tablet, laptop, computer) kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan
munang gumamit o pansamantalang itabi ito upng maituon ang iyong buong
atensiyon sa pag-aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakato para sa mga sagot


sa mga tanong sa mga Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa
Pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul bago tumuloy sa ibang bahagi ng


modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang


ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang
layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-
aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan o sa


mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit


nahihirapan.

ii
Mga Icon ng Modyul na ito
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin
Alamin o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin
masususuri kung ano ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamani iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.

Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang


ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang iyong
Mga Karagdagang kaalaman o kasanayan sa aralin na
Gawain natutunan. Ito rin ay nagpapanatili ng mga
natutunan na konsepto.

Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang


Sagot sa Key mga aktibidad at pagtatasa.

iii
Aralin
Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako
2

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa Pilipinong mag-aaral sa Baitang 5. Ito ay


upang matulungan kang makabisado at makasusuri sa mga mabuti at di-mabuting
maidududlot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang napapanood sa programang
pantelebisyon at nabasa sa internet.

Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magagamit ito sa maraming iba't


ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang
antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inaayos upang lubusang
maunawaan at mapadali ang pag-aaral.

Aralin 2 – Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako


Ikalawang Linggo

Matapos mong gamitin sa pag-aaral ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga:


1. Napanood na programang pantelebisyon
2. Nabasa sa internet
(EsP 5 PKP- Ia-27)

Subukin

Gawain 1
Panuto: Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagpapakit ng
pagpapahalaga sa katotohanan at wastong kaisipan, at kung hindi.

_____1. Tatapusin ko muna ang anumang gawaing nasimulan bago manood ng programang
pantelebisyon.
_____2. Pagagandahin at tatapusin ko sa takdang oras ang aking gawain gamit ang internet.
_____3. Gagawin ko lamang ang aking proyekto kung nakatingin ang aking guro.
_____4. Ipapagawa ko na lamang sa aking kapatid ang aking mga gawain kapag hindi ako
pinayagang manood ng mga paborito kung palabas sa telebisyon.

1
_____5. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran. Agad mo itong sinabi sa iyong Nanay
pati ang tamang halaga na babayaran, walang labis, walang kulang.
_____6. Nakalimutan ni Blessey na gawin ang kanyang takdang-aralin. Habang kinolekta
ng guro ang kanilang kuwarderno ay sinabi niyang naiwan ang kanyang takdang-
aralin sa bahay.
_____7. Si Samuel ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme Pupil Government sa
kanilang paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may nakita siyang nagkakalat
na balota na siyang gagamitin sa botohan. Agad-agad na ibinalik niya ang mga ito
sa gurong taga-pangasiwa.
_____8. Si John Loyd ay nangungupit ng mga labis na kagamitan mula sa kanilang opisina
at agad na ibinibenta ang mga gamit ng internet at ang mga kagamitang kanyang
nakuha sa mas mababang halaga.
_____9. May malasakit sa mga gawaing bahay si Nissi, nakatingin man o hindi ang
kanyang Nanay.
_____10. Pagkatapos kumain ni Calixto ay agad niyang hinuhugasan ang kanyang
pinagkainan saka siya nanood ng paborito niyang programa sa telebisyo

Balikan

Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangian na maaring


ipagmalaki ng isang tao. Sa daming nilalang ng Diyos, tayong mga tao ang may natatanging
kasanayang gumamit ng mapanuring pag-iisip sa pang araw-araw na pamumuhay. Kabilang
na rito ang pagsusuri sa katotohanan at pagkilala sa kung aling bagay ang nakabubuti o
nakakasama sa atin.

Sa nakaraang aralin napag alaman natin na dapat nating mapapahalagahan ang


katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang napakinggan at patalastas na
nabasa/narinig.

Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa katotohanan
sa pamamagitan ng pag susuri nito gamit ang mapanuring pag-iisip. Isulat
ang TAMA o MALI.

_________1. Nakikinig ng balita upang madaragdagan ang kaalaman at kakayahan.


_________2. Panonood ng balita at patalastas na makabuluhan upang malaman ang mga
pangyayari sa loob at labas ng bansa.
_________3. Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang ng gawain.
_________4. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita.
_________5. Pagtimbang nang magkaibang panig ng isang isyu bago ka gumawa ng
pagpapasiya.
_________6. Pagpapahalaga sa opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa opinyon mo.
_________7. Paglalaro ng computer games kaysa panonood ng balita.

2
_________8. Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng paggawa ng
makabuluhang bagay.
_________9. Paniniwala sa patalastas na napanood o narinig ng walang pagsusuri.
_________10. Pagkalap sa iba’t ibang impormasyon galing sa balita at patalastas sa tuwing
pinagagawa ka ng pag-uulat sa klase.

Tuklasin

Ang mapanuring pag-iisip ay naipapakita sa pagtatanong, pagsusuring mabuti sa mga


posibleng kasagutan, at pamimili ng pinakamahusay na sagot bago gumawa ng kahit ano.
Kailangang makapaglaan ng sapat na panahon sa pagtugon sa kinakaharap na suliranin o
gawain gaano man ito kaliit o kalaki.

Pag-isipang mabuti ang mga bagay o sitwasyon na nangangailangan ng iyong


pagpapasiya.

Kailangan nating mapapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa


mga napanood na programang pantelebisyon at nabasa sa internet.

Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin ang kuwento sa ibaba. Sabihin kung sang-ayon ka o hindi
sa desisyon ni Lisa. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Ang Desisyon ni Lisa


Si Lisa ay mag-aaral na nasa Ikalimag Baitang sa San Jose Elementary School sa
bayan ng Gomez. Siya ang Pangulo ng kanilang klase at isa siya sa pinagpipiliang maging
kinatawan ng kanilang paaralan sa isang paparating na pambansang paligsahan ng mga mag-
aaral sa Ikalimang Baitang.

Gutong-gusto ni Lisa na mapiling kinatawan ng kanilang paaralan. Ito ay sa dahilang


gusto niya na makarating sa iba’t ibang lugar at makisalamuha sa ibang mga mag-aaral galing
sa ibang paaralan. Isang bagay lamang ang bumabagabag kay Lisa. Alam kasi niya na hindi
naman siya ang pinakamahusay na mag-aaral sa kanilang paaralan. Ito ay ang kaniyang
kamag-aral na si Vicky.

Si Vicky ang pinakamatalino sa kanilang klase. Palagi itong nakukuha ng mataas na


grado sa bawat pagsusulit sa bawat asignatura. Maraming beses nang sinubukan ni Lisa na
higitan si Vicky sa pagsusulit ngunit ni issang beses ay hindi niya ito natalo. Tanggap ni Lisa
na mas magaling si Vicky sa kaniya. Alam ni Lisa na kung si Vicky ang magiging kinatawan
ng kanilang paaralan sa paligsahan, tiyak na mananalo ito.

Dahil dito, nagdesisyon si Lisa na kausapin ang kanilang guro at hilingin dito na huwag
na siyang isama sa mga pinagpipilian na maging kinatawan ng paaralan. Sinabi niya na
napagdesisyunan niya na hindi na lang ituloy ang paghahangad na maging kinatawan ng
paaralan para sa higit na mabuting bagay. Naisip niya na isakripisyo ang sariling hangarin

3
para sa ikabubuti at ikatatagumpay ng kanilang paaralan. Dahil sa ginawa niyang ito, marami
sa mga kamag-aral ni Lisa ang lalong humanga sa kaniya.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot.

1. Sang-ayon ka ba sa desisyon ni Lisa? Bakit?


2. Sino sa kanila ang gumagamit ng mapanuring pag-iisip at nagpapahalaga sa katotohanan?
Bakit?
3. Kung ikaw si Lisa, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

Lahat ng ating nabasa at napakinggan ay nararapat na timbangin gamit ang


mapanuring pag-iisip at mapapahalagahan natin ang katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga:
1. Napapanood na programang pantelebisyon
2. Nabasa sa internet

Suriin

1.) Napapanood na Programang Pantelebisyon

Paano mo pinipili ang pinanonood mong palabas sa telebisyon?

Basahin ang balita sa telebisyon sa ibaba.

Kamakailan ay ibinalita ng pamahalaan na maglalabas ang Philippine Sports


Commission (PSC) ng tatlumpung milyong pisong pondo para tustusan ang
partisipasyon ng Pambansang koponan ng ating bansa para sa Summer Olympics sa
taong ito na gaganapin sa Rio de Janeiro sa bansang Brazil.

Malaking porsiyento umano ng pagkakagastusan ng PSC ang airfare na aabot


sa $4,000.00 hanggang $5,000.00 o katumbas ng mahigit P200,000.00 kada isang
delegado. Kung susumahin, ang P30 Milyon ay sasapat sa 150 delegado.

Ang magandang bagay na ipinakikita ng paglalaan ng ganito kalaking pondo


para sa delegasyon sa Olympics ay ang katotohanan na seryoso ang pamahalaan ng
Pilipinas na maka pagpadala ng isang delegasyon na tunay na naghahangad na
mapabuti ang partisipasyon ng ating bansa sa pandaigdigang palaro.

Batid ng pamahalaan na kailangang maglaan ng sapat na pondo upang ang


hangarin ng bansa na makapagkamit ng unang gintong medalya sa Olympics ay
maging katotohanan. Inaasahan ng pamahalaan na kailangang mag-isip ng
estratehiyang hindi katulad ng mga nakaraang Olympics kung saan halos mas marami
pa ang opisyal ng pamahalaan ang ipinadala kaysa mga manlalato. Masusing pinag-
isipan ng pamahalaan ang dapat gawin upang makamit natin ang ating minimithi. At

4
ito nga ay magsisimula sa paglalaan ng pondo na sasapat sa pangangailangan ng ating
mga atleta.

Huling nagkamit ng medalya ang bansa noong 1996 sa Atlanta nang


masungkit ni Mansueto “Onyok” Velasco ang pilak sa men’s light flyweight ng larong
boksing.

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

1.) Tukuyin ang kahalagahan ng dagdag na pondo sa hangarin ng pamahalaan na


magkamit ng unang gintong medalya sa Olympics.
2.) Nakatutulong ba sa iyo ang panonood ng telebisyon? Sa paanong paraan?
3.) Nagagawa mo bang magtanong sa iyong mga magulang sa mga pangyayari sa
palabas na hindi mo maunawaan?
4.) Dapat ba nating paniwalaan lahat ng ating napapanood na programang pantelebisyon?
Bakit?
5.) Ano ang maaring mangyari kapag hindi napapahalagahan ang katotohanan sa ating
napapanood na mga programa? Bakit?

Gawain 2
Panuto : Kopyahin ang graphic organizer isulat ang mga palabas sa telebisyon na
nagpapamalas ng kahalagahan sa katotohanan.

5
2. Nabasa sa Internet

Basahin ang pag-uusap nina Susan at Grace tungkol sa kanilang nabasa sa internet.

Grace: Nabasa mo na ba Susan, ang tungkol sa Aedes Aegypti?


Susan: Wala akong nabasa tungkol diyan, Grace. Komiks lang kasi ang hilig kong
basahin. Ano ba iyon?
Grace: Lamok iyon. Alam mo bang nagdadala ng dengue ang kagat ng lamok na
iyon?
Susan: Talaga? Hindi ba mabagsik ang sakit na dengue kapag hindi nagamot
kaagad?

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot.

1. Tungkol saan ang kanilang usapan?


2. Sa anong bagay lamang si Grace kay Susan? Ano ang maaring gawin ni Susan upang
mabago ito?
3. Dapat bang paniwalaan natin agad ang mga balitang napakinggan, nakita at nabasa sa
internet? Bakit?
4. Nagagawa mo bang magtanong sa iyong mga magulang o sa nakakatanda sa iyo tungkol
sa mga pangyayari sa palabas na hindi mo maunawaan?
5. Ano ang maaring mangyari kapag hindi napapahalagahan ang katotohanan sa ating
napapanood na mga programa? Bakit?

Panuto: Kumuha ng isang site sa internet tungkol sa pagpapatibay ng relasyon


ng miyembro ng pamilya at nagpapahalaga sa katotohanan. Bigyang
suri ang impormasyong makakalap. Kunin ito sa internet. Paano mo
bibigyang halaga ang mga impormasyong nakalap? Isulat sa inyong
kwaderno ang mga sagot.

Pagyamanin

Gawain 1:
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga katanungan. Isulat sa inyong
kwaderno ang mga sagot.

6
Ibigay kay Juan ang Para kay Juan

Maraming balita ang pumainlanlang sa telebisyon, sa radyo, internet at sa mga


pahayagan tungkol sa kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa pagbabayad
ng buwis.

Walang humpay ang panawagan bago pa man dumating ang buwan ng Abril ay
nagpaalala na ang ahensya tungkol sa pagbabayad ng buwis. Lahat tayo ay may tamang
buwis na kailangang bayaran sa pamahalaan.” Mapagbubuti at mapaaangat natin ang bayan
natin sa pagbabayad natin ng ating buwis.

Ang di pagbabayad ng buwis ay may kaakibat na kaparusahan. Layunin ng ahensya


na ipabatid sa mamamayan lalo na sa mga nagbabayad ng buwis na ang kanilang ibinabayad
ay malaking tulong sa ikauunlad ng ating bansa. Sa pamamagitan ng tapat na pagbabayad at
sama-samang pagtutulungan ay napabubuti nito ang kalagayan ng ating bansa sa mga
serbisyong ibinibigay ng ating gobyerno.

1. Ano ang pangunahing layunin ng BIR sa pagpapalabas ng isang patalastas?


2. Bakit kailangang maglabas ng patalastas ang ahensya sa mga mamayan?
3. Naniniwala ka ba na may mga malalaking kompanya ang hindi nagbabayad ng
4. Dapat pang paniwalaan agad ang lahat ng nasa pahayagan at patalastas?
Bakit?
5. Ano ang dapat gawin para malalaman kung ang napapanood at
napapakinggan ay may mabuti o di-mabuting naidudulot sa sarili at sa iyong
pamilya?

Gawain 2
Panuto: Basahin at pag-aralan ang sitwasyon sa paksang pinag-uusapan.
Magkaroon ng pagsusuri sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
Magbigay din
ng opinyon sa bawat sitwasyon. Isulat sa inyong kwaderno ang sagot.

Rico: Wiling-wili akong maglaro sa computer at mag-surf sa internet nang


matagal, Ruth, Peter. Hindi ko napansin ang paglipas ng oras!
Ruth: Hindi iyan mabuti para sa iyong kalusugan Rico. Masama ang epekto sa
katawan ng matagal na paggamit ng computer.
Peter: Tama! Dapat iniisip mo na gamitin lang ang iyong oras sa paghahanap ng
impormasyon na magagamit mo sa iyong pag-aaral.

1. Ano ang pinagkakaabalahan ni Rico bago pa dumating sina Ruth at Peter?


2. Tama ba ang payo ni Peter? Ipaliwanag.
3. Sino sa kanila ang nagpakita ng pagpapahalaga sa katotohanan? Bakit?
4. Mahalaga ba ang internet sa mga mag-aaral? Bakit?
5. Paano mo ma protektahan ang sarili sa mga di magagandang tema na makikita at
mababasa mo sa internet?

7
Isaisip

Panuto: Piliin ang angkop na mga salita sa kahon upang mabuo ang talata sa ibaba.

Katotohanan napanood na programang pantelebisyon nabasa sa internet

Dapat nating mapapahalagahan ang __________________sa pamamagitan ng


pagsusuri sa mga ______________________ at ______________________.

Isagawa

Gawain 1
Panuto: Basahin ang pahayag galing sa internet gamit ang link sa ibaba. Sagutin ang
mga gabay na tanong kaugnay dito. Isulat sa inyong sagutang papel ang
inyong mga sagot.

https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-
ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19

1. Ano ang pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa
COVID-19?
2. Ano ang Covid19 at bakit ito nakakamatay?
3. Dapat mo bang paniwalaan ang pahayag na nabasa mo? Bakit?
4. Bakit sa mapagkakatiwalaang awtoridad lang dapat nating alamin ang pinakabagong
impormasyon tungkol sa COVID-19?
5. Paniniwalaan mo ba lahat ng nabasa’t napakinggan sa internet? Bakit?

8
Gawain 2
Paboritong Programang Aral, Katotohanan at Impormasyon
Pantelebisyon
Panuto: Magtala ng paborito mong programang pantelebisyon at ibigay ang mga aral,
katotohanan at impormasyong ibinabahagi nito sa manonood at tagapakinig.
1.

2.

3.

4.

5.

Tayahin

Panuto: Lagyan ng salitang TAMA ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga


sa pagsusuri sa katotohanan at MALI naman kung hindi.

_________1. Gumagamit ng mapanuring pag-iisip upang matimbang ang magkaibang panig


ng isang isyu bago ka maniwala at gumawa ng pagpapasiya.
_________2. Pagkalap sa iba’t ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing
pinagagawa ka ng pag-uulat sa klase.
_________3. Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang ng gawain.
_________4. Pakikinig ng mga programa sa telebisyon at internet upang gamitin ang
kaalamang nakuha upang makapang dugas at makapang loko ng kapwa.
_________5. Pagpapahalaga sa panonood ng mga paboritong programang pantelebisyon
kaysa mga balita at mga programang hatid ay kaalaman.
_________6. Pagpapahalaga sa opinyon ng ibang tao tungkol sa napakinggang balita kahit
na ito ay iba sa opinyon mo.
_________7. Paghahatid ng mga haka-hakang balitang napakinggan.
_________8. Paniniwala sa lahat ng patalastas na napanood o narinig sa radyo, telebisyon at
internet.
_________9. Paglalaron ng computer games kaysa maood ng napapanahong balita.
________10. Mas pipiliin ang pakikinig ng ng makabuluhang balita kaysa manood ng
showbiz intertainment.

9
Karagdagang Gawain

Gawain 1.A
Panuto: Gamit ang chart sa ibaba, ibigay ang mabuti at di mabuting nakukuha sa
programang pangtelebisyon.

Programa:

______________
Mabuti Di mabuti

Gawain 1.B
Panuto: Gamit ang chart sa ibaba, ibigay ang mabuti at di mabuting nakukuha sa mga
nabasa sa internet.
Nabasa sa Internet:

Mabuti Di mabuti

Buod
Ang mapanuring pag-iisip ay kakayahang magsuri ng mga idea at
lumutas ng mga suliranin. Dapat nating mapapahalagahan ang katoohanan sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga napanood na programang pantelebisyon at
nabasa sa internet.

10
Susi ng Pagwawasto sa Aralin 2

Balikan Subukin

Sanggunian:

 K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao (2016) Pasig City:


Department of Education.

 Peralta, Gloria A. and Zenaida R. Ylarde (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong


Panahon Batayang Aklat 5. Quezon City: Vicarish Publication, pp. 3-11.

 World Health Organiization (2020) Pitong simpleng hakbang upang ma protektahan ang
sarili at ang ibalaban sa COVID-19. https://www.who.int/philippines/news/feature-
stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-
laban-sa-covid-19

11
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

12

You might also like