You are on page 1of 22

Government Property

NOT FOR SALE

Edukasyon
sa Pagpapakatao
5
Unang -Markahan - Modyul 3
Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako

Department of Education ● Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapakatao- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 3: Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako
Week - 3
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module

Author: Lendes Mae Gertrudes G. Abroguena


Reviewers: Ramil G. Cabural, ESP-I
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Juliet M. Tagapan, EPS-EsP
Illustrator and Layout Artist: Julie B. Bustamante, Teacher-1

Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Juliet M. Tagapan, EPS-EsP
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
Edukasyon sa 5
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3

Mapanuring Pag-iisip,
Mayroon Ako
Ikatlong Linggo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teacher, school head, public schools district supervisor, and education program
supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned
by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over
them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Talaan ng Nilalaman

Pangkalahatang Ideya…………………………...…………………………………………i
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i
Pangkalahatang Panuto……………………………………………………………………ii
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………iii

Aralin 3: Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako

Pagsusuri ng Mabuti at Di-mabuting Maidudulot sa Sarili at Miyembro ng Pamilya ng


Anumang Babasahin, Napapakinggan at Napapanood
sa Dyaryo, Magasin at Radyo

Balikan……………………………………………………………………..1
Alamin……………………………………………………………………..1
Subukin……………………………………………….……………….…...2
Tuklasin…………………………………………….……………………...3
Suriin……………………………………………………………………....3
Pagyamanin……………………………………………...…………….…..9
Isaisip…………………………………………….…….…………….……10
Isagawa……………………………………………………..…………..…11
Tayahin…………………………………………………………..………..12
Karagdagang Gawain……………………………………………………..12
Buod………………………………………………………………...……….…..………..12

Susi ng Pagwawasto…………………………………………………………….....…...…13

Sanggunian………………………………………………………………...……….…..…14
Modyul 3

Mapanuring Pag-iisip,
Mayroon Ako
Pangkalahatang Ideya
Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng
anumang babasahin, napapakinggan at napapanood sa Dyaryo, Magasin, at Radyo.
(EsP5PKP – Ib – 28)

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga


mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang pagtataya
ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim na antas ng Blooms Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng
bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang
modyul sa kasalukuyang modyul sa bahaging balikan

Ang bahaging Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aral


tungkol sa paksa na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang
mga maling kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Esensiyal
na Kasanayang Pampagkatuto (EKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge)
sa Blooms Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang


Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-
aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Esensiyal na
Kasanayang Pampakatuto (EKP2), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension),
Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Blooms Taxonony.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na nalalaman ng mga kaalaman at


malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP. Tinutugunan ng bahaging ito
ang ikatlong Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (EKP3), na nakatuon sa pagsukat ng
Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Blooms Taxonony. Gabay ito ng
mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman kasanayan, at pag-unawa ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng buhay.

i
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin
sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 5 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular.
Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat
ang sumusuod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang


lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. Cellphone, tablet, laptop, computer) kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan
munang gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong
atensiyon sa pag-aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakato para sa mga sagot


sa mga tanong sa mga Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa
Pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul bago tumuloy sa ibang bahagi ng


modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang


ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang
layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-
aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan o sa


mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit


nahihirapan.

ii
Mga Icon ng Modyul na ito
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin
Alamin o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin
masususuri kung ano ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamanin iyong natutunan at magbibigay pagkakataon
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.

Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang


ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang iyong
Mga Karagdagang
kaalaman o kasanayan sa aralin na
Gawain
natutunan. Ito rin ay nagpapanatili ng mga
natutunan na konsepto.
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang
Sagot sa Key mga aktibidad at pagtatasa.

iii
Aralin
Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako
3

Balikan
Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangian na maaring ipagmalaki
ng isang tao. Sa dami kasi ng nilalang ng Diyos, tayong mga tao ang may pinakanatatanging
kasanayang gumamit ng mapanuring pag-iisip sa pang araw-araw na pamumuhay. Kabilang
na rito ang pagsusuri sa katotohanan at pagkilala sa kung aling bagay ang nakabubuti o
nakakasama sa atin.
Sa nakaraang aralin napag-alaman natin na mahalaga rin nating masuri ang ang
katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, programang pantelebisyon at ang nabasa sa internet upang hindi tayo
maging biktima, gawa ng kapabayaan ng pagpapahalaga sa katotohanan.

Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa katotohanan sa
pamamagitan ng pagsusuri nito gamit ang mapanuring pag-iisip. Isulat ang
TAMA o MALI.

_________1. Tatapusin ko muna ang anumang gawaing nasimulan bago manood ng


programang pantelebisyon.
_________2. Manonood ng balita at patalastas na makabuluhan upang malaman ang mga
kasalukuyang pangyayari.
_________3. Pagtulong at paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.
_________4. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita.
_________5. Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo sa paggawa ng mga
makabuluhang bagay.

Gawain 2
Panuto: Isulat sa iyong journal notbok kung paano mo mapapahalagahan ang
katotohanan tungkol sa mga balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, programang pantelebisyon at ang nabasa sa internet
sa mga nabasa, nakita at narinig.

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa Pilipinong mag-aaral sa Baitang 5. Ito ay


upang matulungan kang makabisado at makasusuri sa mga mabuti at di-mabuting
maidududlot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at
napapanood.

1
Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa maraming iba't
ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang
antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang lubusang
maunawaan at mapadali ang pag-aaral.

Aralin 3– Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako


Ikatlong Linggo

Matapos mong gamitin sa pag-aaral ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng


pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood sa Dyaryo,
Magasin, at Radyo
(EsP5PKP – Ib – 28)

Subukin

Panuto: Iugnay ang Hanay A sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Ito ay isang uri ng paglilimbag na


naglalaman ng balita, impormasyon at
patalastas, kadalasang na imprenta sa
mababang halaga. Ito ay maaaring a
pangkalahatan o may espesyal na interes, at
kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o
lingguhan.

2. Ito ay isang uri ng babasahin na may


hawig sa komiks sa unang tingin. b
Karaniwan itong tumutugon sa iba’t ibang
hilig ng maraming uri ng mambabasa.

3. Ito ay isang paraan ng pagpapadala o


pagtanggap ng mga salita, musika, atbp., sa c
c
pamamagitan ng mga electric waves.

2
Tuklasin

Panuto: Isulat sa notbok ang inyong mga sagot.

1. Ano sa palagay mo ang matutunan ng mga bata sa pakikinig nga radyo?


Ipaliwanag:
2. Ano sa palagay mo ang matutunan ng mga bata sa pagbabasa ng dyaryo?
Ipaliwanag:
3. Ano sa palagay mo ang matutunan ng mga bata sa pagbabasa ng magasin?
Ipaliwanag:

Dapat nating mapapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa


mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napakinggan at napapanood sa dyaryo, magasin at radyo.

Suriin

Hindi lahat ng ating napapakinggan at napapanood ay tama na agad o di kaya’y mali


na ito. Lahat ng mga impormasyong natatanggap o napapakingggan natin ay nararapat na
suriin upang malaman ang mabuti at di mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng
pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood sa:

1. DYARYO

Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas,


kadalasang naimprinta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal
na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

Ang dyaryo ay isang mode ng komunikasyon sa masa. Nakatutulong ito sa paglikha


ng kamalayan sa lipunan. Ito rin ay nagdaragdag ng mga tinig laban sa mga isyung
panlipunan. Hinihimok nila ang karaniwang mga tao na kumilos at kumilos nang may
katuwiran.

Tandaan na hindi lahat ng nababasa mo ay nagdudulot ng kabutihan dahil mayroon


ding hindi mabuting naidudulot ito sa iyong sarili at sa mga miyembro ng pamilya kagaya
nalang ng “fake news”.

3
Gawain 1
Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ano ang makukuha sa pagbabasa ng dyaryo na mapakinabangan para sa sarili at


pamilya?
a. fake news lang c. mabuti at masamang balita
b. mabuting balita d. lahat ng nabanggit
2. Paano makakatulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng dyaryo?
a. makakakuha tayo ng fake news
b. mapapadali ang pag-aaral
c. magiging aktibo sa klase
d. nagbibigay ng kaalamang naaangkop at napapanahon
3. Ano ang dapat gawin upang malaman kung mabuti o hindi mabuti ang naidudulot
sa binabasa sa dyaryo?
a. gumamit ng mapanuring pag-iisip
b. hayaan na lamang kung ano ang nakasulat kahit mali
c. maging negatibo sa lahat ng nabasa sa dyaryo
d. paniwalaan lahat ng naka sulat sa dyaryo
4. Bakit mahalagang suriin ang nilalaman sa binabasang dyaryo?
a. para makakuha ng mga ideya
b. para malaman ang kaganapan ng bansa
c. para malibang at maaliw
d. upang matukoy kung ang binabasa ay tama o di kaya’y fake news
lamang
5. Paano mo maipapakita na ikaw ay may mapanuring pag-iisip sa iyong binabasa?
a. sa pamamagitan ng pagwalang bahala nito
b. sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng mga payo’ng nabasa
c. sa pamamagitan ng hindi pagbabasa ng kahit ano sa dyaryo
d. sa pamamagitan ng pag-unawang mabuti sa nabasa at pagsusuri nito
kung ito ba ay makatotohanan o hindi

Gawain 2
Panuto: Piliin sa bawat puso ang may kaugnayan sa pagsusuri ng mabuti sa
anumang binabasa sa dyaryo at kulayan ito ng pula. Kulayan naman ng
bughaw ang di-mabuting naidudulot ng anumang binabasa sa dyaryo. Isulat
sa notbok ang inyong sagot.

Ibinahagi ang nabasang


Nagbabasa sa dyaryo na komentaryong
may hangarin na nagpapayo, nagtuturo at
mapalawak ang kaalaman. pumupuri sa

4
Binabasa ang dyaryong Malalaman ang iba’t
puno ng kalaswaan na ibang balita mula sa loob
hindi pwede sa mga bata at labas ng bansa.
at tsismis.

Kinonsulta sa mga Binabasa ang dyaryong


magulang o mga guro puno ng kalaswaan na
ang nabasa sa dyaryo. hindi pwede sa mga
bata.

2. MAGASIN

Ito ay isang uri ng babasahin na may hawig sa komiks sa unang tingin. Karaniwan
itong tumutugon sa iba’t ibang hilig ng maraming uri ng mambabasa.

Ang magasin ay isa ring pana-panahong publication na nakalimbag sa gloss-coated at


matte paper o elektronikong nai-publish (kung minsan ay tinukoy bilang isang online
magazine). Ang mga magasin ay pangkalahatang nai-publish sa isang regular na iskedyul at
naglalaman ng iba't ibang nilalaman.

Tandaan na hindi lahat ng nababasa mo sa magasin ay nagdudulot ng kabutihan dahil


mayroon ding hindi mabuting naidudulot ito sa iyong sarili at sa mga miyembro ng pamilya
kagaya nalang ng mga hindi maka totohanang artikulo.

5
Gawain 1
Panuto: Basahin at isulat sa inyong notbook ang sagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga makukuha mo sa pagbabasa ng magasin?


a. kaalaman sa kasalukuyang ulat ng panahon
b. kasiyahan sa mga artikulong nababasa pati ang mga naggagandahang larawan
c. maging sikat dahil nagbabasa ka ng magasin
d. lahat ng nabanggit

2. Bakit masasabing may mabuting naidudulot ang pagbabasa ng magasin?


a. gumagaan ang araw araw na gawain
b. nagbibigay kasiyahan sa sarili dahil sa mga kasiya-siyang mga artikulo nito
c. nagdadala ng mabuting balita
d. nagdudulot ng kaguluhan sa isipan

3. Ano ang di-mabuting naidudulot sa pagbabasa ng magasin?


a. nagbibigay ng mga hindi maka totohanang artikulo
b. naglalaman ng mga larawan, salita, ideya na di mabuti sa mga bata
c. paninira sa lipunan o sa ibang tao ng di makatutuhan
d. lahat ng nabanggit

4. Ano ang dapat gawin para malalaman kung ang nababasang magasin ay may mabuti
o di-mabuting naidudulot?
a. alamin ang presyo ng magasin
b. bumili na lang kahit hindi alam kung ano ang nilalaman
c. magtanong sa mga magulang o mas nakakatanda
d. manuod ng paboritong palabas

5. Bakit mahalagang suriin ang nilalaman sa binabasang magasin?


a. para makakuha ng idea
b. para malaman ang kaganapan ng bansa
c. para malibang at maaliw
d. upang matukoy kung ang binabasa ay tama o di kaya’y fake news
lamang

6
Gawain 2
Panuto: Punan ng tamang sagot ang hinihingi ng bawat hanay. Kopyahin ito sa
inyong notbok.

Mabuting Naidulot sa Pagbabasa ng Di-mabuting naidulot sa Pagbabasa ng


Magasin Magasin
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

3. RADYO

Ito ay isang paraan ng pagpapadala o pagtanggap ng mga salita, musika, at iba pa sa


pamamagitan ng mga electric waves.

Ang pangunahing layunin ng radyo ay upang ihatid ang impormasyon mula sa isang
lugar patungo sa isa pa sa pamamagitan ng intervening media (i.e., air, space, non-
conducting materials) nang walang mga wire. Bukod sa ginagamit para sa pagpapadala ng
mga signal ng tunog at telebisyon, ang radyo ay ginagamit para sa paghahatid ng data sa
form na naka-code.

Tandaan na hindi lahat ng napapakinggan mo sa radyo ay nagdudulot ng kabutihan


dahil mayroon ding hindi mabuting naidudulot ito sa iyong sarili at sa mga miyembro ng
pamilya kagaya nalang ng mga hindi maka totohanang balita.

7
Gawain 1
Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ano ang makukuha sa pakikinig ng radyo para sa sarili at pamilya?


a. fake news lang
b. kaalaman, impormasyon at makatotohana at di-makatotohanang balita
c. mabuting balita
d. makapag damdaming drama tuwing hapon

2. Paano naka tutulong ang pakikinig ng radyo sa mga mag-aaral?


a. makakakuha tayo ng fake news
b. mapapadali ang pag-aaral
c. nagbibigay ng kaalaman, impormasyon at balita na aangkop at
napapanahon
d. pwede ng lumiban sa klase kapag makikinig ka ng radyo araw-araw

3. Ano ang dapat gawin upang malaman kung mabuti o hindi mabuti ang mga napakinggan
sa radyo?
a. gumamit ng mapanuring pag-iisip
b. hayaan na lamang kung ano ang napakinggang balita kahit mali
c. maging negatibo sa lahat ng mga napakinggan sa radyo
d. paniwalaan lahat ng napakinggan sa radyo

4. Bakit mahalagang suriing mabuti ang mga napakinggan sa radyo?


a. para makakuha ng mga idea
b. para malaman ang kaganapan ng bansa
c. para maglibang at maaliw
d. upang matukoy kung ang binabasa ay tama o gawagawa lamang

5. Paano mo maipapakita na ikaw ay may mapanuring pag- iisip sa iyong napakinggan?


a. sa pamamagitan ng pagwalang bahala nito
b. sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng mga payo
c. sa pamamagitan ng hindi pakikinig ng balita sa radyo
d. sa pamamagitan ng pag-unawang mabuti sa napakinggan at pagsusuri nito kung
ito ba ay makatotohanan o hindi

Gawain 2
Panuto: Kopyahin sa inyong notbok ang journal sa ibaba, isulat ang iyong natutuhan
at nararapat gawin sa pakikinig ng
8 radyo.
Nararapat kong gawin… Paano ito isasabuhay

Pagyamanin

Gawain 1.A
Panuto: Anong kaalaman na makabubuti ang makukuha mo mula sa dyaryo,
magasin at radyo. Isulat sa inyong notbok ang inyong mga pahayag.

____________________________________________________________
_________________________________

____________________________________________________________
___________________________________

____________________________________
____________________________________________________________

9
Gawain 1.B
Panuto: Anong kaalaman na di-makabubuti ang makukuha mo mula sa dyaryo,
magasin at radyo. Isulat sa inyong notbok ang inyong mga pahayag.

_______________________________

___________________________________

___________________________________

Isaisip

Panuto: Piliin ang angkop na mga salita sa kahon upang mabuo ang talata sa ibaba.

napapanood napapakinggan impormasyong magasin

suriin radyo tama miyembro ng pamilya dyaryo

Hindi lahat ng ating ______________at ______________ ay ______________ na


agad o di kaya’y mali na ito. Lahat ng mga ______________ natatanggap o
napapakingggan natin ay nararapat na ______________ upang malaman ang mabuti at di
mabuting maidudulot sa sarili at _______________ng anumang babasahin, napapakinggan at
napapanood sa ______________, _______________ at _______________.

10
Isagawa
Malaking impluwensya sa mga bata ang kanilang nakikita at napapanood at
napapakinggan sa iba’t-ibang uri ng media gaya ng radyo, magasin at dyaryo. May mga
pagkakataon na ang kanilang napapanood at napapakinggan ay ginagaya nila. Kaya’t
mainam na may maganda silang modelo ng kaugaliang napapanood at napapakinggan upang
maging gabay nila sa buhay.

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Sumulat ng isang maikling sanaysay
tungkol sa mensaheng nais ipahatid nito. Gamitin ang mapanuring pag-iisip
upang malaman ang mabuti at di mabuting maidudulot sa sarili at sa
miyembro ng pamilya. Isulat sa inyong notbok ang mga sagot.

1. Ang batang mahilig magbarkada ____________________________________________


2. Ang batang nagtatapon ng basura ____________________________________________
3. Ang batang pinapagalitan ng ama ____________________________________________
4. Ang batang tumutulong sa matatanda _________________________________________
5. Ang batang naglilinis ng bahay tuwing lingo ____________________________________

Panuto: Suriin ang iyong sarili gamit ang tsek list upang matiyak na ikaw ay isang
mapanuri sa iyong mga binabasa at pinapakinggan.

Tanong Oo Madalas Hindi

Nakikinig ako ng radyo ngunit hindi ko isinasaisip ang


mga ulat na napakikinggan ko.
Nagbabasa ako ng magasin kahit hindi angkop sa
gulang ko.
Ginagawa kong laruang papel ang dyaryo sa halip na
basahin ito.
Mahilig akong makinig ng mga ulat tungkol sa mga
artista.
Nakikinig ako ng mga musika sa radyo na maingay sa
tainga.
Kinahihiligan kong magbasa ng dyaryo lalo na tungkol
sa mga napapanahong balita.
Ginagawa kung libangan ang pagbabasa ng magasin.

Nakikinig ako ng programang panradyo tungkol sa


kalusugan, pangkabuhayan at batas.
Bumibili ako ng dyaryo para basahin.

Mas gusto kung basahin ang magasin kaysa dyaryo.

11
Tayahin
Panuto: Kulayan ng BERDE ang kahon kung ang pangungusap ay TAMA at PULA
naman kung MALI. Isulat sa notbok ang inyong mga sagot.

____ 1. Pagbabasa ng magasin habang nagka-klase


2. Pakikinig ng radyo habang naka bukas ang telebisyon
3. Gumagamit ng mapanuring pag-iisip upang matimbang ang magkaibang panig
ng isang isyu bago ka maniwala at gumawa ng pagpapasiya
4. Pagkikinig ng klasikong awitin gamit ang radyo habang gumagawa ng
takdang-aralin
5. Pagbabasa ng magasin kaysa mag-aral
6. Mas pipiliin ang pakikinig ng makabuluhang balita sa radyo kaysa maglaro sa
labas
7. Pagbibigay ng komento sa mga balita tungkol sa mga artista at ipagpilitan na tama
lahat ng opinyon mo
8. Pakikinig ng radyo kasama ang kamag-aral patungkol sa aralin at takdang-aralin
9. Pagawang pampunas ng mga dyaryo matapos itong mabasa lahat
10. Pakikinig ng mga makabuluhang programa sa radyo

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong sariling pang-unawa, paano mo masusuri ang mabuti at di-mabuting


maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napakinggan at napapanood? Gumawa ng ilustrasyon sa inyong notbok.

Buod
Hindi lahat ng ating napapakinggan at napapanood ay tama na agad o di kaya’y mali
na ito. Lahat ng mga impormasyong natatanggap o napapakingggan natin ay nararapat na
suriin upang malaman ang mabuti at di mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng
pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood sa dyaryo, magasin, at radyo.

12
Susi ng Pagwawasto sa Leksyon 3

Balikan Gawain 2
Gawain 1
Nasa Guro ang Pagpapasya

Subukin

Tuklasin
Nasa Guro ang Pagpapasya
Suriin
DYARYO Gawain 2
Gawain 1

MAGASIN
Gawain 1 Gawain 2
Nasa Guro ang Pagpapasya

RADYO
Gawain 1 Gawain 2
Nasa Guro ang Pagpapasya

Pagyamanin
Gawain 1 at 2
Nasa Guro ang Pagpapasya

13
Isaisip

Hindi lahat ng ating napapakinggan at napapanood ay tama na agad o di kaya’y


mali na ito. Lahat ng mga impormasyong natatanggap o napapakingggan natin ay
nararapat na suriin upang malaman ang mabuti at di mabuting maidudulot sa sarili at
miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood sa dyaryo,
magasin, at radyo.

Isagawa

Gawain 1 at 2
Nasa Guro ang Pagpapasya

Tayahin

Karagdagang Gawain

Nasa Guro ang Pagpapasya

Sanggunian

 K to 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao (2016) Pasig City:


Department of Education.

 Peralta, Gloria A. and Zenaida R. Ylarde (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong


Panahon Batayang Aklat 5. Quezon City: Vicarish Publication, pp. 3-11.

14
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

15

You might also like