You are on page 1of 7

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan- Unang Linggo

Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto

Kahulugan at Konsepto ng
Ekonomiks
Development Team

Writer: Queenie Grace T. Arbis

Content and
Language Editors: Shelden S. Espina, Elizalde S. Chavit,
Junel D. Lapinid, Mindalita S. Sodicta,
Ruby T. Ado, Ma. Cristina A. Quidlat,
Lourdes L. Jamito

Reviewers: Rosell P. Abellana, Juvy A. Suson,


Rosalyn S. Balacuit, Bernie R. Pamplona,
Junel M. Anino

Cover Page Illustrator: Neil J. Arado

Management Team: SDS Romeo O. Aprovechar, CESO V


ASDS Love Emma B. Sudario
CID Chief Rayfrocina T. Abao, Ph. D.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________________Seksyon: ______________


Paaralan:___________________________________________Petsa:_________________

I. Kasanayan sa Pampagkatuto:
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
lipunan.

II. Mga Layunin:


1. Nakapagpapaliwanag sa kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-
araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng
pamilya at lipunan;
2. Nakapaggamit ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan; at
3. Nakapaglalapat ng kahulugang ekonomiks sa pamumuhay
bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.

III. Aralin:

Kahulugan ng Ekonomiks
✓ Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral
kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
✓ Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nagmula naman sa
dalawang salita: ang oikos na nangangahulugang bahay at nomos na
pamamahala (Brown, 2010).
✓ Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw,
1997). Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay
gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano hahatiin
ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
✓ Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at
ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

1
✓ Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din
ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumagawa ng
desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano
gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
✓ Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa
suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga
pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng
pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
✓ Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang
kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-
yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring
maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang
yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at
kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng
maaaring malikha. Para matugunan ang problema sa kakapusan,
kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat. Tingnan
ang pigura sa ibaba.

KAKAPUSAN

Ano ang Paano Para Gaano


gagawin? gagawin? kanino? karami?

✓ Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-


araw-araw na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at
sambahayan, kundi ng bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na
katulad mo.
Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks
✓ Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice. Sa
pagproseso ng pagpili mula sa choice, hindi maiiwasan ang trade-off.
✓ Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit
ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off, sapagkat sa pamamagitan nito
ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam
na pasya.
✓ Sa ginagawang pagsasakripisyo ay may opportunity cost.
✓ Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay ng best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case,
Fair at Oster, 2012).
✓ Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o
serbisyong pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon

2
ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay
dahilan sa mga insentibo na inaalok ng mga lumilikha ng produkto at
serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at
pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo ng
produkto o serbisyo. Maaari ring mailarawan ang incentives sa ganitong
halimbawa na kung saan magbibigay ng karagdagang allowance ang
mga magulang kapalit ng mas mataas na marka ng pagsisikapang
makamit ng anak.
✓ May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.”
Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang
halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.
✓ Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost,
incentives, at marginal thinking ay makakatulong sa matalinong
pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng
desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.

Opportunity Trade-off Marginal Incentives


Cost Thinking

Matalinong Pagdedesisyon

IV. Mga Gawain:

Gawain 1: Mind Mapping


Panuto: Isulat ang angkop o wastong konsepto sa Ekonomiks sa loob
ng kahon.

EKONOMIKS

3
Gawain 2: Badyet Mo, I-Pie Graph Mo!
Panuto: Gumawa ng badyet ng iyong pamilya sa loob ng isang linggo at
isalin ito sa loob ng PIE GRAPH katumbas ng bahagdan ng iyong
badyet.

V. Paglalapat:

Panuto: Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa iyong mga natutuhan


at reyalisasyon sa kahulugan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang
mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka para sa Paglalapat


KRITERYA 5 4 3 2 1
Kaalaman sa Nailalahad Nakalahad ng Ang mga Hindi lahat Ang
Paksa ang lahat ng dalawa o higit pangunahing ng pangunahing
mga pa na mga kaalaman ay pangunahing kaalaman ay
pangunahing pangunahing nailahad kaalaman ay hindi
kaalaman at kaalaman subalit hindi nailahad nailahad at
naibigay ang wasto ang natalakay.
kahalagahan ilan.
Organisasyon Organisado Organisado Organisado Hindi Hindi
ang mga ang paksa ang iilan sa masyadong organisado
paksa at subalit hindi paksa at hindi organisado ang paksa at
maayos ang maayos ang maayos ang ang paksa at presentasyon
presentasyon presentasyon. presentasyon. presentasyon .
.

VI. Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/katanungan.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay:
A. pagtitipid C. pamamahala ng tahanan
B. pakikipagkalakalan D. pamamahala ng negosyo
2. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano
matutugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan
kahit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman?
A. Antropolohiya C. Heograpiya
B. Ekonomiks D. Sosyolohiya

4
3. Masaya si Rose sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay
maganda at mura, eco-friendly pa. Anong konsepto ng matalinong pag-
dedesisyon ang ipinapakita ng sitwasyon?
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
4. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa Ekonomiks kaysa
sa manood ng Korean Drama. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon
ang tumutukoy sa sitwasyon?
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
5. Si Gladys ay pinangakuang bibigyan ng cellphone ng kaniyang mga
magulang kung siya ay makakakuha ng average grade na 90 kaya siya
ginaganahang mag-aral ng mabuti. Aling konsepto ng matalinong
pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off

VII. Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1: at kagustuhan
katapusanng pangangailangan yaman
Tutugunan ang walang Gamit ang pinagkukunang-

EKONOMIKS

Gawain 2: Maaaring magkaiba-iba ang sagot


Pagtataya: A. 5.
D. 4.
B. 3.
B. 2.
C. 1.

VIII. Sanggunian:

1. Ekonomiks 10 Araling Panlipunan – Modyul Para sa Mag-aaral Unang


Edisyon 2015
2. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6091
3. https://www.scribd.com/document/415089761/quiz-1
4. https://quizziz.com/admin/quiz/5e9f1c2d3a856b001f4

You might also like