You are on page 1of 18

Colegio de la Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz

Roxas City

Self-Learning Kit sa Araling Panlipunan 9

ANG KAHULUGAN NG EKONOMIKS SA

PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

(Unang Markahan – Unang Linggo)

Inihanda ni:

ROSEMIE B. BATACANDOLO, MAT

1|Page
Paunang Salita

Layunin ng Department of Education na mabigyan ng wastong edukasyon ang


bawat mag-aaral kaya nabuo ang K to 12 Kurikulum. Alinsunod dito, tunguhin ng K to 12
Kurikulum sa Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang maging mapanuri,
mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao na may
pambansa at pandaigdig na pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping
pangkasaysayan at panlipunan.

Sa kasamaang palad, dahil sa pandemyang Coronavirus disease o Covid-19 ay


magkakaroon ng panibagong hamon sa larangan ng edukasyon. Dahil sa banta ng
pandemyang ito ay minabuti ng ating paaralang CPC na gawin ang nararapat upang
makaiwas sa sakit na ito subalit hindi pa rin makukumpromiso ang patuloy na pagkatuto
ng bawat mag-aaral.

Binuo ang Self-Learning Kit na ito upang patuloy paring gabayan at suportahan
ang pag-aaral ng bawat mag-aaral. Ang Self-Learning Kit ay maingat at masusing isinulat
upang gawin paring kaaliw-aliw at produktibo ang pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Nilalayon din ng modyul na ito na makapagbahagi sa mga mag-aaral ng makabuluhan at
napapanahong mga gawain sa pagkatuto na naaayon sa kanilang interes at maging
karanasan. Ito din ay may layuning mas lumalim pa ang iyong pananaw sa ekonomiks,
na ito ay hindi lamang tungkol sa presyo ng bilihin at salapi, kundi ito rin ay isang paraan
ng pag-iisip at pamumuhay sa lipunan.

Sa kaisipang Kasaysayan ng daigdig, iniuugnay ang tao sa kaniyang pamayanan


sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga paraan kung paano niya natatamo ang kaniyang
mga nais at pangangailangan.

Sa taong ito, dahil sa modyul na ito ay inaasahang matututunan ng mga mag-aaral


ang kahalagan ng wastong pagpapasiya bilang bahagi ng pamumuhay tao sa kaniyang
lipunang ginagalawan. Inaasahan din na sa pagtatapos ng taon, malilinang ang kaisipan
at kamalayang pang-ekonomiks upang maging isang produktibo at mahusay na
mamamayan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo man.

May Akda

2|Page
Upang mas maunawaan ang modyul na ito, ang mga sumusunod ay may mga
mahahalagang papel sa iyong pagkatuto:

1.

Ito ang interaktibong panimula ng aralin. Layunin nito na maganyak at mapukaw


ang interes ng mga mag-aaral. Ang mga pampasiglang gawain dito ay batay sa mga
naunang kaalaman at kaugnay na karanasan ng mga mag-aaral.

2.

Sa bahaging ito, matututuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang


impormasyon, konsepto, kaalaman, at pagpapahalaga. Nakalahad dito ang pangunahing
tanong na dapat masagot ng mga mag-aaral. Ibat’t ibang estratihiya ang ginamit sa
pagtalakay ng mga ito gaya ng makatotohanang sitwasyon, larawan, mapa, talaan,
graph, at pagsasalaysay. Upang masiguro na makasusunod at mapoproseso ng mga
mag-aaral ang mga datos, sila ay bibigyan ng mga gawaing interaktibo na Tiyakin.

3.

Pagbubuod ito ng mahahalagang impormasyon, kaisipan, konsepto at


pagpapahalaga. Nilalayon nito na matandaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang
bahagi ng aralin.

4.

Inaasahang madaragdagan nito ang mga kasanayan sa pagkatuto at paggamit ng


teknolohiya ng mga mag-aaral.

3|Page
5.

Nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang mapanghamong gawain at


pagsasanay. Nililinang nito ang mga kaalaman, kasanayan, at kakayahan. Dail sa
mayaman at makabuluhan ang mga gawain, nalilinang din dito ang antas ng pag-unawa
at mga kakayahang pangkognitibo at pang-apektibo.

6.

Naglalaan ang bahaging ito ng mga pinag-iba-ibang gawain. Isinasaalang-alang


ng bahaging ito an gang mga pagkakaiba ng bawat mag-aaral. Sila ay tuturuan ayon sa
kanilang indibidwal na kahandaan, kakayahan, interes, at iba’t ibang uri ng katalinuhan.
Makapipili sila ng maiibigang gawain. Kalakip nito ay rubric na magagamit nila sa
pagtataya ng kanilang nagawa.

7.

Ang mga pagsasanay sa bahaging ito ay nakatuon sa paglilinang ng mga mag-


aaral ng kanilang mga saloobin at matuwid na mga gawi upang sila ay makapag-ambag
sa pagbabago ng sarili, sa pakikipagkapwa, at pakikibahagi sa lipunan at bansa.

8.

Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataong masukat ang


kanilang mga kaalaman at kasanayang natutuhan sa aralin.

4|Page
Paalala:

➢ Sa modyul na ito, upang mas lalong mapalawak ang kaalaman ay maari rin na
gumamit ang guro at atasan ang mga mag-aaral ng mga gawain na may
kaugnayan sa paggamit ng Internet tulad ng YouTube at iba pa.
➢ Mayroon nakalaang Answer sheet sa likuran ng modyul na ito para sa bawat
gawain o activity. Ito lamang ang ipasa sa guro base sa petsa ng pagpasa.
➢ Sa bawat pahina ng modyul na ito ay mahalaga kaya inaanyayahan kayo na
basahing maagi ang bawat pahina.

May dalawang aralin na inihanda sa modyul na ito:

Aralin 1: Paglaganap ng Kaisipan ng Ekonomiks

Aralin 2: Kahulugan ng Ekonomiks

Aralin 3: Prinsipyong Nakakaapekto sa Pagpapasiya ng Tao

Bilang isang mag-aaral, magagawa mong:

mailapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
lipunan

Magandang araw! Ako nga pala ang inyong guro sa Araling


Panlipunan 9. Ang aking pangalan ay si Gng. Rosemie B.
Batacandolo subalit pwede ninyo akong tawaging Teacher
Rose!

Mabuti at binuksan mo ang modyul na ito. Ito ay sadyang


para sa iyo. Maingat itong isinulat para matulungan kang
matuutuhan ang mga bagay na dapat mong malaman,
5|Page
maunawaan, at pahalagahan sa larangan ng ekonomiks.
Paunang Pagtataya

Bago tayo tumungo sa ating aralin, nais ko munang magkaroon ng paunang pagtataya
sa inyong kaalaman patungkol sa paksa.

1. Ito ang tawag sa isang tao na nag-aaral ukol sa pagpili at pagdedesisyon ng mga tao
at lipunan at ang epekto nito sa buong ekonomiya.

a. Ekonomista

b. Siyentipiko

c. Pilosopo

d. Entreprenyur

2. Ang salitang Griyego na pinagmulan ng katawagang ekonomiks ay _______________.

a. ekonomos

b. oikonomia

c. oikonomics

d. aikonomos

3. Siya ang tinaguriang Ama ng Makabagong Ekonomiks

a. Adam Smith

b. John Maynard Keynes

c. Thomas Robert Malthus

d. Karl Marx

4. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano


sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa
ekonomiks?

6|Page
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa
kolehiyo.

b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.

c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang


makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.

d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

5. Ito ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong
pinagkukunang-yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang pangkat ng
lipunan para sa kasalukuyan at sa hinaharap.

a. Kasaysayan

b. Kontemporanyong Isyu

c. Ekonomiks

d. Digmaan

Kumusta ang inyong mga kasagutan? Perfect ba? Kung hindi


naman ay huwag mag-alala dahil narito ako si Teacher Rose
at ang Self-Learning Kit na ito upang gabayan kayong mga
mag-aaral na matuto ng ating aralin at maging ang mga
susunod pang leksiyon natin.

7|Page
Isulat sa kwaderno ang kasagutan.

1. Alin sa mga gawain sa ibaba ang nais mong gawin? Bakit?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

➢ Maglaro ng computer games


➢ Bibili ng produkto sa mall
➢ Mag-aaral ng leksiyon
➢ Tutulong sa gawaing bahay
➢ Gigimik kasama ang mga barkada
➢ Manonood ng TV
➢ Maglalaro ng basketbol
➢ Sasapi sa mga organisasyon sa paaralan

2. Bakit kailangang pumili ang tao sa mga gawain na gusto niyang gawin?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Ang pagpili at pagdedesisyon ay bahagi ng buhay ng tao.

A. Ito’y maaaring gawin ng isang indibidwal o isang pangkat.

B. Anuman ang ating maging desisyon, malaki ang epekto nito sa ating buhay at sa
ekonomiya.

8|Page
Aralin 1: Paglaganap ng Kaisipan ng Ekonomiks
Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomos na ang ibig
sabihin ay “pamamahala ng sambahayan” (household management). Ang ekonomiks ay
unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng mga pilosopo o
philosopher. Iba’t ibang kaisipan ang lumitaw mula sa mga pilosopo na nag-uugnay sa
politika o ekonomiks.

Ang pagkakaroon ng magkasalungat na ideya at prinsipyo ng mga naunang


pilosopo at ng mga grupo ng mga ekonomiksta ang nagbigay-daan sa kaisipan ng iba
pang ekonomista ukol sa ekonomiks. Ang ekonomista (economist) ay isang tao na nag-
aaral ukol sa pagpili at pagdedesisyon ng mga tao at lipunan at ang epekto nito sa buong
ekonomiya.

Nabuo ang pag-aaral ng ekonomiks sa tulong ng mga mahahalagang teorya ng


mga ekonomista.

• Ama ng Makabagong Ekonomiks


• Doktrinang laizzes-faire o Let Alone
Policy ang nagpapaliwanag na hindi
dapat makiaalam ang pamahalaan sa
pagpapatakbo ng ekonomiya ng
pribadong sektor, sa halip, pagtuunan
ng pansin ang pagpapanatili ng
kapayapaan ng bansa.
• Ang espesyalisasyon ay paghahati ng
mga gawain sa produksiyon ayon sa
kapasidad at kakayahan sa paggawa.
• Sumulat ng aklat na “An Inquiry into the
Adam Smith Nature and Causes of the Wealth of
Nations.”

9|Page
• Law of Diminishing Marginal Returns
- Ang patuloy na paggamit ng tao sa
likas na yaman ay nagiging dahilan
ng pagliit ng nakukuha mula sa mga
ito
• Law of Comparative Advantage
- Isang prinsipyong nagsasaad na
mas nakalalamang ang mga bansa
na nakagagawa ng mga produkto sa
mas mababang halaga (production
David Ricardo cost) kumpara sa ibang bansa.

• Binigyang-diin ang mga epekto ng


mabilis na paglaki ng populasyon.
• Malthusian Theory – Ang populasyon
ay mas mabilis lumaki kaysa sa supply
ng pagkain na nagdudulot ng labis na
kagutuman sa bansa.

Thomas Robert Malthus

• Father of the Modern Theory of


Employment
• Ang pamahalaan ay may mas malaking
gampanin sa pagpapanatili ng katatagan at
balanse sa ekonomiya sa pamamagitan ng
paggastos ng pamahalaan.
• Sumulat ng aklat na “General Theory of
Employment, Interest, and Money.”

John Maynard Keynes

10 | P a g e
• Ama ng Komunismo
• Sumulat ng aklat na “Das Kapital” na
naglalaman ng mga aral ng komunismo
• Sumulat ng “Communist Manifesto”
kasama ni Friedrich Engels
• Naniwala sa pagkakaroon pagkakapantay
ng tao sa lipunan
• Naniwala na ang estado ang dapat na
nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon
at gumagawa ng desisyon at distribusyon ng
yaman ng bansa
• Isinulong na ang rebolusyon ng mga
Karl Marx proletariat ang magpatalsik sa mga
kapitalista

Aralin 2: Kahulugan ng Ekonomiks


Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi
ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan. Ang ekonomiks rin ay isang
pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-yaman
upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang pangkat ng lipunan para sa
kasalukuyan at sa hinaharap.

Matututuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo ang


kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa
ating kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya. Ekonomiks ang lilinang sa
kaisipan ng mga kabataan ukol sa pang-araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at
kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan.
Ang kaisipang pangkabuhayan, pampolitika, at pangmoralidad ay ipinaliwanag ng
ekonomiks na makatutulong sa paglinang ng wastong asal, gawi at kilos ng tao sa
lipunan.

11 | P a g e
Ang ekonomiks ay pag-aaral ng wastong paggamit at pamamahagi ng mga yaman
upang matugunan ang mga pangangailangan o kagustuhan. Ito ay isang batis ng
karunungan na gabay sa kung paano pangasiwaan ang pang-araw-araw na buhay.
Mahalaga ang ekonomiks dahil ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng buhay,
pamumuhay, at kabuhayan.

Mayroong apat na element na mahalagang pagtuunan ng pansin sa naunang


pakahulugan sa ekonomiks. Ang unang element ay pangangailangan at kagustuhan. Ang
lahat ng tao ay mayroong kani-kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Gagawa ng
iba’t ibang paraan ang tao upang makamit ang mga ito. Sa proseso ng pagkamit sa
personal na pangangailangan, natutugunan din ang pangangailangan ng lipunan.

Ang ikalawang elemento ay ang yaman. Ito ay tumutukoy sa lahat ng ginagamit


upang makagawa ng isang produkto. Maaaring ito ay yaman na nakukuha mula sa
kalikasan (mga likas na yaman) o mga tao na gumagawa ng produkto (lakas-paggawa).
Kasama rin dito ang mga kagamitan na mahalaga sa paggawa o capital goods, tulad ng
makinarya at gusali ng pagawaan. Ang lahat ng mga yaman na ito ay ginagamit upang
matugunan ang mga pangangailangan ay kagustuhan ng mga tao.

Ang pangatlong elemento ay ang paggamit at pamamahagi. Ito ay tumutukoy sa


proseso ng produksiyon, distribusyon, at pagkonsumo. Ang mga konseptong ito ay
ginagamit upang matamo ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

Ang ikaapat naman na elemento ay ang pagtugon sa pangangailangan at


kagustuhan. Ang konseptong ito ay nagpapakita ng mga bagay na hindi pwedeng
ipagpaliban (pangangailangan) at pwdeng ipagpaliban (kagustuhan).

Aralin 3: Prinsipyong Nakakaapekto sa Pagpapasiya ng Tao

1. Trade-off – tumutukoy sa ideyang, sa pagpili ng isa, may isasakripisyong iba.

Halimbawa: Kailangan mong mamili sa pagitan ng Modular Learning at Online Learning.

12 | P a g e
2. Opportunity Cost – tumutukoy sa alternatibong isinuko mo sa iyong pagpili. Ito ang
pakinabang na tinalikdan mo sa iyong sarili.

Halimbawa: Sa pagpili moi sa pagitan ng Modular Learning at Online Learning, mas pinili
mo ang Modular Learning. Ano ang opportunity cost o nawala sayo dahil hindi mo napili
ang Online Learning? May mga videos na hindi mo ma-acces dahil hindi mopinili ang
Online Learning.

3. Marginalism – ito ay tumutukoy sa karagdagang benepisyo (benefits) at kabawasan


sa sa sakripisyo (cost) sa gagawing desisyon.

Halimbawa: “Rational people think at the margin” ibig sabihin ang isang indibidwal ay
nagsususri ng karagdagagng halaga maging ito man ay gastos o karagdagang
pakinabagang makukuha sa desisyon. Bakit mo pinili ang modular learning? Para
makatipid dahil wala kang kinakailang bayaran.

4. Incentives –tumutugon ang tao batay sa gantimpalang makukuha o parusang


matatamo.

Halimbawa: Sa pagpili mo halimbawa ng Online learning, sa palagay mo ay mas mataas


kasi ang makukuha mong grado kumpara sa Modular kasi may mga videos na pwede
kang mapanuod at maririig.

Maykroekonomiks – Ang salitang ‘micro” ay nagmula sa salitang Griyeho na


nangangahulugang “maliit”. Nakatuon ang pag-aaral ng maykroekonmiks sa maliliit nay
unit ng ekonomiks.

Makroekonomiks - ito ay tumutukoy sa kabuuan ng ekonomiya. Tinatalakay ng


makroekonomiks ang kabuuang salik ng produksyon ng bansa, at maging ang
pambansang kita. Sa Makroekonomiks, saklaw din nito ang ugnayan sa Mikroekonomiks,
maging ang kabuuang empleyo (employment) at kawalan ng trabaho (unemployment).

13 | P a g e
Tiyakin

Kilalanin ang mga personalidad na tinutukoy ng sumusunod.

___________________ 1. Sumulat ng “Das Kapital”.

___________________ 2. Ama ng Makabagong Ekonomiks.

___________________ 3. Nagpaliwanag ng Law of Comparative Advantage.

___________________ 4. Nagpahayag ng Malthusian Theory.

___________________ 5. Father of Modern Employment Theory.

___________________ 6. Ama ng Komunismo.

___________________ 7. Naglayon na magpatalsik ng mga kapitalista.

___________________ 8. Nagbigay-pansin sa pribadong pagmamay-ari.

___________________ 9. Nagpaliwanag ng doktrinang laizzes-faire o Let Alone Policy.

___________________ 10. Binigyang-diin ang mga epekto ng mabilis na paglaki ng

populasyon.

Kumusta ang inyong mga kasagutan? Perfect ba? Kung hindi


naman ay huwag mag-alala dahil narito ako si Teacher Rose
at ang Self-Learning Kit na ito upang gabayan kayong mga
mag-aaral na matuto na ating aralin at maging ang mga
susunod pang leksiyon natin.

14 | P a g e
Gamit ang mga natalakay na kaisipan, gumawa ng pagbubuod:

Ang kahulugan ng ekonomiks ay…

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Para sa dagdag pang impormasyon tungkol sa paksang ito, i-click ang


https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa


kwaderno.

1. Bakit malaki ang kaugnayan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay ng tao?

A. Bilang isang mag-aaral?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

B. Bilang kasapi ng pamilya?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

15 | P a g e
C. Bilang kasapi ng lipunan?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Paano lumaganap ang kaisipan ng ekonomiks?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Paano naaapektuhan ng agham ng ekonomiks ang iyong pang-araw-araw na


buhay?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Sa ngayon ay natutuhan mo ang konsepto ng ekonomiks kaya nauunawan mo


ang mahalagang gampanin ng bawat isa upang mapaunlad ang ating ekonomiya.

Kung ikaw ay papipiliin, sino-sino ang may pinakamalaking kontribusyon sa pag-


unlad ng ekonomiya? Bakit?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

16 | P a g e
Lagyan ng tsek ang iyong kasagutan ayon sasariling pagtataya.

Pamantayan sa Pagkatuto Lubos na Di-gaanong Hindi


Naunawaan Naunawaan Naunawaan
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks
sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan

Magaling dahil mayroon ka na namang dagdag na


kaalaman. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag at
matiyagang mag-aaral sa mga susunod na nating mga gawain.

Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna,
magpadala ng mensahe sa messenger Paunang Pagtataya: Tiyakin:
o gmail.
1. a 4. c 1. Karl Marx 6. Karl Marx
Mesenger: Rosemie B. Batacandolo
2. b 5. c 2. Adam Smith 7. Karl Marx
Gmail Address: rosemiebulan1@gmail.com
3. a 3. David Ricardo 8. Karl Marx

4. Thomas Robert Malthus 9. Adam Smith

5. John Maynard Keynes 10. Thomas Robert Malthus

Mga Sanggunian
Mga Aklat
1. Consuelo M. Imperial, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Maria Carmelita B.
Samson, Celia D. Soriano, Kayamanan: Ekonomiks- Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan (Rex Textbook)
2. Lemark B. Vilora, Jeffrey O. Zulute, Sherry Amour Boado, Paglinang sa Kasaysayan:
Ekonomiks (Diwa Textbook)

E-connect (Mga pinagkunan sa Internet):


1. Mga dagdag pang kaalaman -
https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services
2. Video Presentation (Palawakin) - https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48;
https://www.youtube.com/watch?v=k5761yEb3X0
3. Mga larawan ng ekonomista - https://bit.ly/3h3ghAt
4. Mga Larawan (Clip arts) - https://bit.ly/321Jzt9 , https://bit.ly/30ZLtev

17 | P a g e
18 | P a g e

You might also like